Share

Chapter 63

Malakas na nahampas ni Ely ang manibela. Kung kailan siya nagmamadali. Saka pa siya maiipit sa traffic. Wala siyang magawa kundi ang maghintay. Masyado na siyang nag aalala para sa kalagayan ng mga anak. Pati na din sa kalagayan ng asawa niya. Kagagaling lang ni Cory at ayaw na ni Ely na bumalik ang sakit ng asawa. Sana lang ay hindi totoo ang hinala niya. Huwag naman sana ang kanilang dalawang anak.

"Cory!" alalang alala na tawag ni Ely sa asawa. Mabilis ang paghinga sa hingal dahil sa pagmamadali. Hinahanap ng mga mata niya ang asawa na ayon kay Edna ay kanina pa hindi humihinto sa pag iyak.

"Sir Ely?" si Edna ang nasalubong niya sa sala.

"Ang Ma'am Cory mo?"

"Nasa kuwarto niyo po. Kasama si Ditas at Yaya Katring. Kanina pa po umiiyak si Ma'am. Nag aalala na po kami ni Ditas" sagot ni Edna. Mababanaag ang ang takot para sa kaniyang aamong babae.

Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo si Ely pataas ng hagdan. Papunta sa kuwarto nilang mag asawa. Nang makarating sa tapat ng pinto ay k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status