Share

Chapter 70

"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli.

"Totoo ba iyon, Calli?"

"No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.

Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak.

"Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.

Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status