Share

CHAPTER 2

Asshole

I looked at myself in the mirror. Inayos ko ang suot na uniform. Maganda naman ang uniform ng St. Willford. White blouse with dark blue necktie, ang nasa ilalim ng kulay dark blue na blazer ko at dark blue skirt. May nakasulat na St. Willford sa kaliwang gilid ng blazer.

Nilugay ko ang mahaba ko na buhok at sinuot ang black Aroom synthetic leather boots ko tsaka kinuha ang kulay dirty pink na Kipling Ravier Backpack ko.

"New school, new friends." bulong ko sa sarili. "let's make a lot of friends this year, Ava!"

I really hope I can make friends here in Isla just like in Manila. Bumaba ako at dumiretso ng dining table para kumain ng breakfast.

"That uniform suits you, Ava." ani Ate Emerald nang makita ako.

Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng hot dogs, bacon at limang slice of bread.

"Ava, sasabay ba sa'yo si Lucas today? I heard from his Mother last night." saad ni Lola.

Umiling ako bago nilunok ang kinakain. "No, Lola. Mauuna raw po siya pumunta ng school."

Lucas and I became friends. Noong orientation ay sinamahan niya ako dahil wala akong naging ka-close ng araw na 'yon kaya siya ang naging kasama ko buong araw.

Lucas is nice a guy. He keep me accompany kahit na may mga kaibigan din siya. Hindi niya ako iniwan dahil malaki ang St. Willford. Per strands at grade 7 to 10 ay may sari-sariling building kaya maliligaw ka kung first time mo.

After ko na kumain ay lumabas na ako para hanapin si Mang Jose. Nakita ko siya sa garage na kausap si Aling Berta.

"Mang Jose, tara na po!"

Ngumiti lang siya sa'kin at pumasok na kami sa kotse. I was browsing on my phone while we were heading to St. Willford. I saw kuya Ian's posted yesterday. Screenshot ng video call nila ni ate Emerald.

They are celebrating their 5th anniversary as a couple. Nag-heart react ako sa pictures bago nag-type ng comment.

Savannah Leigh Aragon:

Happy anniversary Kuya Ian at Ate Emerald! More years to come! Bigyan niyo na ako ng pamangkin next year hehe.

Comment ko sa post ni Kuya Ian. Maya-maya ay nag-react siya ng haha sa comments ko at nag-reply.

James Ian Evangelista:

Soon, Ava. Soon.

Natawa ako sa reply niya. Mag re-reply pa sana ako nang huminto ang kotse. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko na nandito na kami sa St. Willford.

"Ava, anong oras uwi mo mamaya?" tanong ni Mang Jose. "para masundo kita."

"3 PM po end ng class ko. I'll just wait for you here later, Mang Jose." sagot ko at lumabas na ng kotse.

Naglakad ako papasok sa loob ng campus. Ang laki talaga ng St. Willford, buti na lang ang na tour na ako ni Lucas dito.

Pumunta ako sa court ng dahil sa flag ceremony. Nakita ko ang lane ng section ko kaya pumunta ako roon at pumila. Kanina ko pa hinahanap si Lucas kaso wala. Tahimik lang ako sa pila nang may tumabi sa'kin. Dalawang babae ang nakangiti sa'kin.

"Hi! Bago ka dito sa St. Willford, hindi ba?" nakangiting tanong ng isang babaeng naka-bob haircut.

I smiled at them awkwardly. "Yes."

"Nakita kita noong orientation," sabi ng babaeng halos curly ang buhok. "kasama mo si Lucas ng H.E. Magkaibigan kayo?"

"Kakakilala lang namin."

"I'm April," pakilala ng babaeng maikli ang buhok. "and she's Kathlyn."

"I'm Savannah. Ava for short." pakilala ko rin.

"Pakilala mo naman ako kay Lucas." lumapit sa'kin si April at pinulupot ang kamay sa braso ko. "matagal ko ng crush 'yon, eh kaso ang cold masyado. Katakot lapitan."

"Sure," sagot ko. "sama kayo sa'min mamayang break time."

Tumalon-talon si April. "Oo naman, 'no! Thank you, Ava!"

Ngumiti lang ako. Mukha naman silang mabait na dalawa at maganda na rin may ka-close ako. Hindi naman ako mapili sa mga kaibigan ko.

"Friends na tayo, ah?" sambit naman ni Kathlyn.

Ngumiti ako. "Yes. We're friends now."

Nagsimula ang flag ceremony kaya tahimik na kami. Syempre first day of school, hindi nawawala ang introduce yourself sa harapan ng mga classmates mo.

"We have a new classmates this school year," panimula ng adviser at teacher namin sa Principle and Marketing na si sir. Brian. "Ms. Aragon, can you come here in front and introduce yourself?"

Tumayo ako at pumunta sa harapan.

I smiled in front of them. "Hello everyone! I'm Savannah Leigh Aragon, but you can call me Ava. I hope we can be friends!" pakilala ko.

"Ava, friends na tayo!" sigaw ng mga classmates ko na lalaki.

"Ava, pasyal mo kami sa hotel niyo sa bayan!" sabay pa ng iba.

"Sure, pag may time we'll visit there."

"Maganda na, mabait pa!"

Natawa tuloy ako. Oh, well maganda at cute naman talaga ako. No doubt about that.

"Quiet!" saway ni Sir bago tumingin sa'kin. "Thank you, Ava. You may go back to your seat."

Bumalik ako sa upuan at nagsimula na ang klase. Buong klase ay wala masyadong ginawa. Rules and regulations lang muna per subject teacher namin at patakaran sa grades.

Nag-ring ang bell hudyat na break time na. Kasama ko sila Kathlyn at April papuntang cafeteria dahil doon kami magkikita ni Lucas.

"Ava, sure ka ba rito? Parang nakakahiya kay Lucas." ani April habang papunta kami ng cafeteria.

Ngumisi ako. "I thought you wanted to be close with him? Bakit parang nahihiya ka riyan?"

She flipped her hair. "Oo nga! Pero may hiya pa naman ako sa katawan ko."

"Kung may crush ka sa kanya, then you have to show it," sabi ko tsaka siya kinindatan. "akong bahala sa inyo."

"Thank you, Ava! Hindi kami nagkamali ni Kath na lapitan ka!"

"Buti na lang nakita ko sila ni Lucas noong orientation, kundi wala tayo dito." singit ni Kath sa tabi ko.

Natawa lang ako sa dalawa. Kahit na ngayon ko pa lang silang nakikilala ay alam ko na mababait sila na kaibigan. Umupo kami sa isang vacant sa cafeteria. Wala pa si Lucas, pero sabi niya papunta na raw siya.

"Order muna tayo ng food natin since wala pa si Lucas." sabi ko at nilagay ang bag sa tabi ng upuan.

Tumango ang dalawa. "Sure!"

Iniwan lang namin ang bag namin sa table at pumunta ng counter para kumuha ng pagkain. Nauna akong bumili ng pagkain at hinintay sila sa tabi.

From Lucas:

Saan na kayo?

Gamit ang isang kamay ay nag-reply ako kay Lucas. Busy ako sa pagta-type nang muntik na akong mabunggo, buti na lang at naagapan ko ang pagkain ko na nakalagay sa tray.

Nagtaas ako ng tingin sa taong nakabunggo ko. Matangkad siya.dahil hanggang dibdib niya lang ako. Magulo ang pagkaka-ayos ng buhok niya. Makapal ang kulay itim niyang kilay na kakunot, dark brown ang kanyang mga mata na walang emotion. He has a pointed nose and natural kissable lips. Idagdag mo pa yung Adam's apple niya.

"Bulag ka ba?"

Nagulat ako sa tanong niya. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang maluwag naman ang daanan at nasa gilid ako.

I tried not to rolled my eyes. "Hindi," sarcastic na sagot ko. "baka ikaw ang bulag sa ating dalawa! Ang laki-laki ng daan at hindi naman ako nakaharang tapos bubungguin mo ako!"

"Tsk! Next time, stop staring at your phone. Makaka-disgrasya ka pa ng tao." malamig na tugon niya. "move!"

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Malamig pero buong-buo kasi ang boses niya.

"I said, move!" ulit niya. Doon lang ako natauhan.

I scoffed. "Oh! E'di dumaan ka na, mahal na prinsipe!" inuswestra ko pa ang kamay ko sa hangin. "sa sumunod pagawa ka ng sariling mong daanan para hindi makasagabal ang tao sa'yo!" Inis na sambit ko.

Cold niya lang ako tiningnan bago ako nilagpasan.

"Ang yabang! Akala mo kung sino!" I murmured. Napa-irap ako sa sobrang inis na naramdaman.

"Hoy, bakit mo kausap si Blake?" napatingin ako kay Kath at April na kadarating lang.

"Kilala niyo 'yon?" I asked before I put my phone inside my pocket.

"Sino ba ang hindi nakakakilala sa Herrera's family? Kilalang-kilala ang pamilya nila rito sa Isle Esme dahil farm nila ang supplier ng mga prutas at gulay dito sa Isla papuntang Maynila." sagot ni April.

Tumango si Kathlyn. "Mabait din kasi ang mga Herrera, lalo na 'yong Mommy niya."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Kath. "Mabait? Baka naligaw siya sa pamilya niya. What a jerk!"

Bumalik kami ng table namin at nilapag ang pagkain namin. Inis ako umupo.

"Ah, gano'n naman talaga 'yon si Blake. Cold, pero sabi ng mga close niya pala biro at mabait 'yan." kwento ni Kath bago umupo rin sa tabi ko.

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Si kuya David, kapatid ko. Parehas silang Grade 12 ni Blake. Magkaibigan sila simula grade 7."

"Ewan ko sa mga H.E! Puro cold ang lalaki roon." sambit naman ni April bago nagsimulang kumain.

"Baka kaya rin ganyan, dahil break na sila ni Alison." dugtong pa ni Kath.

Napairap ako bago tumingin doon kay Blake na nakaupo malapit sa table namin. Busy siya habang hawak niya ang cellphone niya.

Asshole!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Blakey Fuentes
nakaka ilang basahin kasi kapangalan ko HAHAHSHAHSHSH
goodnovel comment avatar
Blakey Fuentes
ang mga pandak smol but terrible yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status