BRANDONSHE slept for a couple of hours habang patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan sa labas. According to the news, bukas pa huhupa ang bagyo. Mahimbing ang tulog ni Kelly at ang bimpo ay inalis na niya at ibinalik sa planggana. Pinagpawisan siya at ang unang pumasok sa isip ko ay baka lalo siyang magkasakit kaya ginising ko siya.“Kel, gumising ka muna at magpalit ng T-shirt mo. Basa ka ng pawis.”Naalimpungatan siya at kinapa ang parte ng leeg niya. Tumango siya sa akin.“Puwede mo ba ’kong ikuha ng puting T-shirt sa luggage ko?” sabi niya sa akin.For the first time, she asked me to do something for her. Kaagad akong tumalima at kinuha ang damit niya saka iniabot iyon sa kaniya.“Talikod ka uli para makapagpalit ako,” sabi niya sa akin.“Okay.”We are in our thirties and yet she’s still the same pagdating sa bagay na ito. That’s what I love about Kelly. She’s not like other girls na halos ipakita na ang lahat sa lalaki para lang hindi iwan. She is decent. At ang pagpapalaki ng
KELLYI WOKE up feeling a little bit better than yesterday. Pero ang tangka kong pagbangon ay napigil dahil sa brasong nakapulupot sa akin. Kaagad na kumunot ang noo ko nang maramdaman ang mainit na hininga na tumatama sa may leeg ko. I was afraid to look under the blanket dahil kung tama ang hinala ko ay pareho kaming kakarampot ang saplot. I know I am old enough pero dalagang Pilipina pa rin ako. Char! Pambihira!Nag-mental note ako na si Brandon lang ito. Sinubukan kong iangat ang braso niya para makabangon ako at makapagbihis na bago pa siya magising. “Good morning,” bati niya sa akin sa pagas na boses.Is it too late to pretend I’m asleep? Shit. Napapikit ako nang mariin. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kaniya. I can still save face, can I?Sinalat ni Brandon ang leeg at noo ko at hindi ako nakapalag. I feel something hard poking on my thigh at hindi ako tanga para hindi mahulaan kung ano ’yon. Men and their morning wood.“Hignaw ka na, but you should eat breakfast and dr
KELLYPINAUNLAKAN ko ang pag-aaya ni Brandon na sabay kaming kumain ng dala niya. Judging from the paper bag, mukhang galing siya sa bayan. I can’t believe he really left me for a whole day. Sa bagay, iniwan niya nga ako nang maraming-maraming taon, iyon pa bang ilang oras? Tsk. Inilabas niya ang dalawang container mula sa paper bag at saka ipinatong sa mesa. He took two plates from the cupboard as well as utensils from the drawer while I took two bottles of water from the fridge. We looked like two married couples who just came home from a long day of work but I also know it’s far too fetched from reality. “How was your day? Did you have enough rest?” tanong niya sa akin pagkatapos uminom ng tubig. May chicken inasal at kanin siyang dala at mainit pa. “Naglinis ako. Baka mga dalawang araw na lang at matatapos ko na lahat. I just have to work long hours para makauwi na ako.”Kumunot ang noo niya. “Naglinis ka? You were sick last night. Mabibinat ka.” Napabuntonghininga siya at itin
KELLYNANG magising ako ay mag-isa na lang ako sa kuwarto at medyo maliwanag na. Hindi pa naman ganoon kataas ang sikat ng araw pero ang mahalaga ay tumila na ang ulan. Bumuti na rin ang pakiramdam ko. Hindi magtatagal at makauuwi na rin ako. I miss my bed! I checked the time at alas-sais y medya pa lang ng umaga. Ang aga naman ni Brandon gumising. Pero mabuti na rin ’yon. At least hindi kami nagkaharap first thing in the morning. Kapag naaalala ko ang sinabi niyang gusto raw niyang maging asawa ko ay bigla akong kinakabahan. I feel like I’m having a panic attack kahit hindi naman dapat. He can’t be serious anyway.Nagderetso ako sa banyo dala ang towel at bihisan ko. Kapag maaga akong nagsimula ng paglilinis ngayon, bukas ay kakaunti na lang ang matitira. Hindi ko lang alam kung gustong sulitin ni Brandon ang araw na kinuha niya. Karapatan ng client ’yon kahit wala nang gagawin. Parang on standby ang kagandahan ko kapag ganoon.I showered and prepared to get to work. Dark blue na s
KELLYIT’S been a couple of weeks since we parted. Wala na rin akong narinig mula kay Brandon. Actually, naging maayos naman ang paghihiwalay namin this time. I was there for work and since there was history between us, sinamantala niya ’yon para ayusin ang nangyari noon. But just like any wound that’s not fully healed, kapag binuksan ay may kirot pa rin at kung minsan ay nagdurugo. I listened to him apologize at totoo sa loob ko na pinatawad ko na siya. It was time for me to let go of the past. It’s not that I hate him because hate is a strong word, pero unang karelasyon ko siya at kahit paslit pa kami noon, inisip ko talaga na siya na ang huli. Imagine my disappointment when he thought the worst of me and my family. Funny how fate plays with our lives, dahil fifteen years later, nandito na naman siya at gustong manuyo. “Gusto kong manligaw uli.” Iyon ang sabi niya sa akin. What am I supposed to say? Siyempre, tumanggi ako. Kahit ’yong kaloob-looban ko, gusto nang matunaw.“Ma’am,
KELLYI HAD a haircut and treatment done. Ang sabi ni Teresa sa akin ay mas babagay ang A-line bob. She tried to offer highlights pero tumanggi ako. As much as possible, gusto ko sana ’yong hindi masyadong ime-maintain. Kapag humaba na ang buhok ko ay malayo na rin sa root ang kulay.I was about to pay when a customer walked in. Isang batang babae na nasa edad sampu hanggang dose. Maganda ang bata pero mukhang maldita. Si Tamara ang lumapit sa kaniya at sinabi nitong gusto nito ng gupit na katulad sa akin. Napangiti ako roon dahil bagay naman sa kaniya ang gupit ko.“Kelly?”Nang lumingon ako ay isang matangkad na lalaki ang nakita ko. He looks familiar, pero bakit hindi ko maalala ang pangalan niya? Naging kliyente ko ba siya? Kaklase?“It’s Byron. Byron Lanting. Schoolmates tayo sa Lyceum. Ahead lang ako ng isang taon.”Pilit kong inalala ang unang pagkikita namin sa Lyceum. Was it just one sem? Siya ba ’yong may binalikan na subject kaya naging magkaklase kami?“Binalikan ko ’yong
KELLYANOTHER week passed at naging regular kong ka-text si Byron. This Friday, he mentioned about taking me to the Sailing Grove. It’s a waterfront restaurant about an hour and fifteen minutes from my place. In fairness, kahit may kalayuan, mukhang masarap ang pagkain. Wala akong damit na babagay roon at umikot na ako nang umikot kahapon sa mall. ’Buti na lang at may sale. Pinili ko ang isang jumpsuit na kulay itim. May belt na iyong kasama at may accessories naman ako sa bahay. Meanwhile, Brandon would drop an e-mail once in a while and he would often send me lunch in the office. I sometimes wonder why he won’t call me. Gusto ko siyang tanungin nang deretso kung bakit niya ginagawa ito. I am so confused about him. One minute he would show me interest, and the next thing I know, he’s gone. ’Tapos magpaparamdam uli. And the cycle goes on.Okay naman sana si Byron, may anak nga lang pero wala naman sabit. Mukhang naka-move on na rin naman siya sa yumao niyang asawa. I just . . . I wor
KELLYTINOTOO ni Brandon ang sinabing matutulog siya sa couch ko rito sa office. He was too tall for it pero napagkasya niya ang sarili, nakabaluktot nga lang. Napabuntonghininga ako habang tinititigan siya. Kapag nakapikit, akala mo hindi kayang saktan ang damdamin ko. I rolled my eyes then shook my head. Bakas ang pagod sa guwapo niyang mukha at hindi rin ako nakatiis. Kinuha ko ang mini blanket na nasa drawer ko at saka tumayo para kumutan siya. Medyo malamig ang air-con dito sa office at kahit paano, gusto ko siyang maging komportable habang naghihintay sa akin. Tinungo ko ang pinto para baliktarin ang sign. Kung may inquiries man ay bukas na lang. Hindi rin naman ako magtatagal ngayon sa office at balak kong umuwi na pagkatapos kong magawa ang schedule ng mga tao. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng schedule but my phone kept buzzing. I put it on a silent mode para makatulog si Brandon. Pati yata ang pag-vibrate ay kailangan ko na ring i-turn off. Before I did, tiningnan ko muna a