Share

Chapter 7

KELLY

KAY agang mambuwisit ng lalaking ’yon! May tuyong laway raw ako kahit wala. ’Tapos mag-aaya na magsalo sa almusal? Neknek niya! Hindi niya ako makukuha sa mga suhol na ’yan. Mas mabuti na pa umpisahan ko na ang trabaho at bakasakaling mas maaga akong matapos dito. 

Kung sana ay dalawa kami ni Suzette na maglilinis, mas mabilis. At ang buwisit na bagyo ay wala pa ring tigil. Tuwing naaalala ko na nalubak si Brandon kahapon at nasabuyan na naman ako ay gusto ko siyang tirisin nang pino. Ganoon din ang nangyari sa amin noong high school. Iyon daw ang unang kita niya sa akin. 

Bandang alas-otso ay nakaramdam ako ng kalam ng sikmura at ang sakit ng aking ulo ay palala nang palala. Masakit din ang kasu-kasuan ko at mukhang tatrangkasuhin pa ako rito. Sabi ko na nga ba at walang magandang dulot ang pagkikita namin ni Brandon. 

Kasalukuyan akong naglilinis ng banyo ngayon pero itinigil ko ito at naghugas ako ng kamay saka tinungo ang kusina. Kape at tinapay lang ay ayos na. Habang hinihintay kong kumulo ang tubig sa percolator ay biglang dumating si Brandon.

“Excuse me for a second, kukuha lang ako ng baso.” He was standing so close to me at amoy na amoy ko ang sabon na ginamit niya sa pagligo. 

Hindi nakatulong na nakatalikod ako at pumwesto siya sa likod ko. All sorts of emotions and visuals came rushing in at lalo akong nahilo. Pati ang mainit niyang hininga ay ramdam ko sa may gilid ng aking mukha. 

“Are you okay?” tanong niya sa akin.

“I’m . . . I’m f-fine.” Kanda-utal na ako sa pagsagot sa kaniya.

Nang maibaba niya ang baso sa counter ay lalo siyang dumikit sa akin at hindi pa nakontento, ipinatong sa magkabilang gilid ang mga kamay. He caged me at wala akong kawala. 

“You looked flushed. Are you sure you’re okay?” His voice was so low it came out as a whisper. 

“O-Okay l-lang a-ako.” Bigla akong nilamig at lalong sumakit ang ulo ko. 

“I missed you.” 

Now I can’t distinguish reality. Na-miss daw niya ako? Totoo ba ang narinig ko o nagdedeliryo lang ako?

Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat at hinayaan ko lang siya. Ang mainit niyang hininga ay palapit nang palapit sa leeg ko, at nang maramdaman ko ang mga labi niyang magpatak ng halik doon ay napapikit ako. 

I’m dizzy.

“Jeez, Kelly! You’re burning up.” Iyong ang huli kong narinig na sinabi niya. 

***

BRANDON

MABILIS ko siyang binuhat at dinala sa salas. Inihiga ko siya sa sofa, tinanggal ang sapatos niya at saka kinumutan. Kaya siya namumula at hindi pumapalag sa advances ko ay hindi dahil marupok siya kung hindi nilalagnat siya. Paano ko paiinumin ng gamot ang babaeng ’yon kung hindi pa siya kumakain? Napakatigas kasi ng ulo, e.

Kinuha ko ang ice cubes mula sa freezer at inilagay sa bowl na may tubig. Binalikan ko siya at nilagyan ng benda saka bumalik sa kusina. Mabuti na lang at open concept ang bahay kaya nakikita ko siya at nababantayan kahit nasa salas siya. 

Nakakulo na ang tubig sa percolator at nang magbuklat ako ng cupboard ay may ilan pang instant noodles na nasa cup. Ito muna ang ipakakain ko sa kaniya at kailangan ay madalian. Kumuha rin ako ng dalawang acetaminophen para bumaba ang lagnat niya. 

I prepared a tray at saka siya binalikan sa salas. Her eyes were closed at ang kaninang panginginig niya ay humupa nang bahagya. Inalis ko ang benda at ibinalik sa bowl.

“Kel, higupin mo itong broth para makainom ka ng gamot.” I helped her up and put a few pillows behind her. 

She looked so weak. Kasalanan ko kung bakit siya nilalagnat ngayon. What was I thinking leaving her to walk in the rain yesterday? Kahit naka-jacket siya ay may lamig pa rin ang hangin and she was soaked from head to toe. Hindi ako dapat nagpadala sa pagtataray niya. I should have expected her reaction upon seeing me.

Bumuka ang bibig niya at inabot sa akin ang tasa pero nanginginig ang mga kamay niya. Sa takot kong mabuhos sa kaniya ang mainit na sabaw ay hindi ko iyon binitiwan.

“Let me help you.”

“K-Kaya k-ko,” sagot niya sa akin. Kelly has always been a proud woman kahit noong high school pa lang kami. She rarely asked for help. 

“Could we just get along while you’re sick, please? Ceasefire muna,” wika ko sa kaniya sa mababang boses. 

Nag-iwas siya ng tingin at pagkuwa’y tumango. Hinayaan niya akong kapitan ang tasa at painumin siya. When she was done with it, ibinaba ko ’yon sa lamesita at kinuha ang gamot.

“Here, take this. Acetaminophen lang ito para sa lagnat mo.” 

Kinuha niya ’yon sa akin at inabot ang isang baso ng tubig sa akin. 

“Uminom ka nang marami para pagpawisan ka. Nilalamig ka pa ba?” 

Ibinalik niya ang baso sa akin at saka tumango. “Nilalamig pa rin ako.” 

“I’ll take you upstairs para mas makapahinga ka nang maayos. Or would you rather stay here in the living room for a bit? I can turn on the TV if you like.” 

“D-Dito muna ’ko. And please turn on the TV para kahit paano may m-marinig ako.”

I turned it on and gave her the remote. Namimigat ang mga mata niya habang inaayos ko ang kaniyang kumot. Kinuha ko ang benda niya sa bowl at saka piniga. Ibinalik ko ’yon sa noo niya at bahagya pa siyang umangil.

“Sshh. You need this para bumaba ang lagnat mo,” paalala ko sa kaniya. 

Maya-maya ay tuluyan na siyang pumikit at iginupo ng antok. Dinala ko sa kusina ang kinainan niya at hinugasan. I came back to the living room with a bottled water at naupo sa tabi niya. Kinuha ko ang isang kamay niya at h******n ’yon. Tulog na tulog pa rin siya pero hindi na siya nanginginig ngayon.

Naupo ako sa carpet habang kapit ang kamay niya at tahimik na nanood ng TV. Pati ako ay dinalaw ng antok. I just know that I am glad na nandito ako sa tabi niya lalo na at may sakit siya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status