Share

Chapter 6

BRANDON

I WOKE up early the next morning at malakas pa rin ang ulan. It’s only five in the morning at himbing pa ang tulog ni Kelly. I added another blanket sa paanan niya dahil alam kong lamigin siya. I remember taking her to Tagaytay at lamig na lamig na siya roon. Naisip ko tuloy, paano pa kaya kapag dinala ko siya sa Philadelphia? Nandoon ang sentro ng business ng pamilya namin. 

The only reason I was sent to Manila for a couple of years back then was because I ran into trouble at school. I was kicked out. Technically, it wasn’t my fault. But that’s a story for another day. Ang hindi namin magandang relasyon ng aking ama ay lalong pumangit hanggang sa ipinadala niya ako sa Pilipinas. Kaagad akong ini-enroll ng assistant ni Dad sa isang exclusive school pero dalawang araw pa lang ay napaaway na ako. 

Pero parang hulog ng langit ang nangyari. Ang driver kong si Mang Rudy ay taga-Laguna at binisita ng kaniyang asawa at anak. Tinanong ko si Mara kung saan siya pumapasok at sinabi niyang sa Laguna High. Umupa ako ng bahay roon at nagsama ng isang kasambahay. Pinagpanggap ko siyang tiyahin ko para kahit paano ay may pamilya akong kasama. 

Nagustuhan ko ang simpleng pamumuhay sa probinsiya. My mother was worried but I assured her that I will be fine dahil may kasama naman ako. As usual, wala akong narinig mula sa aking ama. He doesn’t care. I started in a clean slate and made new friends that turned into family. 

When I first met Kelly, it was raining. Hindi ang pagsanggi ko sa kaniya sa school ang una naming pagkikita. Itinakas ko ang kotse kay Mang Rudy habang natutulog siya dahil gusto kong bumili ng siopao. Pero biglang umulan nang malakas kaya nagmamadali akong nagmaneho pauwi. Napadaan ako sa isang lubak na puno ng tubig at natilamsikan ko siya habang naghihintay ng jeep. She was soaked from head to toe and it was either mahuli ako ni Mang Rudy at isumbong sa mga magulang ko o bigyan ng ride si Kelly. In the end, ibinaba ko ang bintana at sumigaw nang malakas na “sorry.” 

***

SA kusina, nagtimpla ako ng kape at sumilip sa bintana. Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Ang sabi sa balita ay dalawa hanggang tatlong araw pa raw ito at hindi pa man natatapos ay may isa na namang parating na bagyo. 

I started cooking breakfast around quarter to six at marahil ay naamoy ni Kelly ang niluluto ko kaya napilitan siyang bumaba. She doesn’t start work until eight in the morning. Ang hindi niya alam, bahay namin itong lilinisin niya. 

“Do you want some coffee?” tanong ko sa kaniya.

“I’ll get it. Thanks.” 

Ang sungit.

Bumaba siya na nakasuot pa ng pajama at halatang sinuklay lang ng kamay ang buhok bago ipusod. Kelly has always looked beautiful for me. Ang ganda niya ay simple at hindi kailangan ng kolorete sa mukha. And now that we are older, mas lalo siyang gumanda. Malantik ang pilik at bilugan ang mata, hindi ganoon katangos ang ilong pero hindi naman pango. Hindi rin siya katangkaran at average ang height. She barely reaches my shoulder. I stand five feet eleven. My father is a Spanish-Filipino and American descent. Si Mommy ang purong Pilipina at sa bahay ay Tagalog ang pananalita namin. 

Nagtimpla siya ng kape at tahimik na uminom. God! How I missed her. Kung nalaman ko lang nang mas maaga ay binalikan ko siya kaagad. I wasted so much time I feel like an idiot now. 

“Stop staring,” narinig kong sabi niya sa akin. 

“Nakaka-distract kasi ang tuyong laway mo sa gilid ng labi,” sabi ko sa kaniya. 

She looked horrified at kaagad na ibinaba ang tasa at nanalamin sa may salas. Pagbalik ay masama ang tingin niya sa akin. 

“Wala naman, ah!” 

Napatawa ako. “I was going to tell you I’m only kidding pero tumakbo ka na kaagad.”

Inirapan niya ako nang matalim. Classic Kelly.

“Are you hungry? I cooked breakfast.” 

“Busog ako. Salamat.”

Inisang lagok niya ang kape at saka ako iniwan sa kusina. Narinig ko ang mabibigat niyang yabag pataas ng hagdan. Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Tinawagan ko si Flynn nang makarating ako sa study at isinara ang pinto. 

“Bro, kumusta ang panliligaw mo?” tanong niya sa akin. Sila ang nagkatuluyan ni Vicky at may dalawa na silang anak. Pumapasok na nga ang panganay nila at nasa unang baitang na.

“Sablay. Is Vicky there?” 

“Sandali lang.”

Narinig ko nang tawagin niya si Vicky. Ang sabi nito ay hawakan ang bunso nilang anak at paliguan. 

“Bran,” bati ni Vicky sa kabilang linya. 

“I need help.” 

Tumawa siya. “Bakit? Nahihirapan ka na?” 

“Your friend is more difficult than before. Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng pileges sa mukha sa kaniya. Ganoon ba talaga kapag malapit nang mawala sa kalendaryo?” 

“Kulang lang ’yan sa dilig. Lambingin mo kasi, baka inaasar mo na naman.” 

“Dilig?” 

“Sex!” 

“Victoria!” Bumunghalit siya ng tawa. “Be serious!”

“I am serious!” Tinawag niya si Flynn at tinanong. “Makinig ka, ha. Flynn, kapag masungit ako, ano’ng ginagawa mo sa akin?” Sumagot ang asawa niya na nilalambing. “O, narinig mo na?” 

“Baka lalo siyang magalit sa ’kin.” 

“Akitin mo kasi. Para ka namang bago nang bago kay Kelly. Maghubad-baro ka. Paglawayin mo. Iyong mga hindi sinasadyang moments. Corner-in mo sa sulok ’tapos parang katulad sa pelikula na kunwari hahalikan mo pero may kukunin ka lang sa likod niya. Mga gano’n! Pambihira ka naman, Brandon. Para namang hindi nanuyo ng babae.” 

“Hindi nga,” sagot ko sa kaniya.

“Ano? Hindi ba at may mga naging girlfriend ka naman sa States?” tanong niya sa akin. 

“Hindi ko niligawan ’yon. Inaya nila akong magkape, gano’n lang.” 

“Ibig sabihin, si Kelly lang ang niligawan mo?” 

“Yes.” 

Narinig ko ang pagpitik niya. “Aha! Alam ko na! Bigyan mo uli ng santan!” 

The only reason why I gave her santan noong unang araw ng panliligaw ko is because I didn’t have time to go to a flower shop at the time. Nadaanan ko ’yong santan sa kapitbahay nila at pinitas ko. Gumamela sana kaya lang tuyot na ’yong pink. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hehehehe sge brandon try mo.ulit mg bigay ng santan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status