Share

Chapter 5

KELLY

IKINALMA ko ang aking sarili at nagdasal na sana paglabas ko ng banyo ay wala siya sa kuwarto. I remember what he said. Pinagpinaw ko nga siya ng sinampay noon at pinatulong dahil ang dami kong labada. He was more than eager to help me, kaya naman pala dahil mas malapit sa kaniya ang mga underwear ko. 

Pero sa kabila ng kakulitan niya, I also know that Brandon respected me. Ako pa nga ang unang nanghalik sa kaniya noon at hindi pa ako marunong. He knew what he was doing and tinuruan niya ako. It was his first birthday with me. We have been dating for three months but he never attempted to kiss me on the lips bukod sa yakap, halik sa noo o pisngi. But more often than not, he would kiss my hair. Walang palya niya akong inihahatid pauwi ng bahay, pero hindi niya ako sinusundo sa amin. Well, those were the days. A lot has changed since then. Hindi na kami mga paslit. 

Nakahinga ako nang maluwag nang mabuksan ko ang pinto at hindi siya makita sa kuwarto. I have so many things to do at hindi ko alam kung alin ang uunahin. Hinagip ko ang cell phone ko at tatawag ako sa auto shop para hilahin ang kotse ko. Pero ang pesteng cell phone ko ay walang signal kahit isa! Ganoon ba kaliblib ang bahay na ’to? Parang hindi naman at may nakita akong cell sites. Magse-send rin sana ako ng text kina Nanay na nakarating ako nang maayos.

Napatampal ako sa noo ko. May landline naman siguro dito. Magbabayad na lang ako ng extra o iaawas ko sa bill. Iyon pa palang kalat ko sa baba ay lilinisin ko pa. Kung puwede lang magpadulas sa hagdan ay ginawa ko na. Sobrang pagod na ako at maaga pa akong gigising bukas para magsimulang maglinis at ihanda ang bawat kuwarto. Nasaan kaya si Brandon?

Binaybay ko ang pasilyo at bumaba ng hagdan. I saw his back turned at may dalang panlinis. Wala na ang maputik kong mga bakas ng paa kanina at pati ang mga tulo ng tubig ay napunasan na rin niya. I don’t know why he did that. 

Ipagpapabukas ko na lang ba ang pagtatanong sa kaniya ng landline o magpapasalamat ako sa kaniya? Damn it. I don’t want to give him the impression that we can be friends again. Sa sobrang dala ko sa nangyari ay mas mabuti na ang single habambuhay Mauunahan pa nga akong mag-asawa ni David dahil two months ago ay nag-propose na siya sa girlfriend niya. 

“Do you need anything?” tanong ni Brandon. He was wearing a pair of pajamas as well at mukhang naglinis lang bago matulog.

Napalunok ako. “Itatanong ko lang sana kung may landline dito? Wala kasing signal ang cell phone ko. Baka kasi mag-alala ang mga magulang ko.”

“You can use my phone. Ang alam ko sa landline ay hindi pa uli activated. Here.”

Inabot niya sa akin ang isang latest model ng iPhone. Bigla tuloy akong nahiya dahil nakailang palit na ng model ay na-stuck na ako sa pang-anim. However, it is still wiser not to spend on gadgets kung hindi naman kailangan. At para saan? Para sikat? Para mas maganda ang telepono habang walang laman ang bulsa? Ito naman ang ipinagtataka ko sa kabataan at maging sa mga magulang. Wala nang maihain sa mesa pero mas mahal pa ang cell phone sa groceries. Kung sana nangunguya ang cell phone, e walang magugutom. But of course, if you have the money at unlimited ang balon ng pera, then buy as much as you like. As for me, hindi ko afford ’yon. I would rather be sensible at gagastos lang sa kailangan kaysa iparada ang rangya.

Nang hawakan ko ang cell phone niya ay bukas na ’yon. Ang ipinagtaka ko ay ang wallpaper sa cell phone niya. It was the place we usually go to back in high school—Bukal Falls in Liliw. 

“Ibabawas ko na lang sa bill ’yong paggamit ng phone mo,” sabi ko sa kaniya. 

“Suit yourself,” walang emosyon niyang sabi sa akin at hinayaan akong tumawag.

***

BRANDON

HOW much does she hate me for what happened years ago?  Kung tutuosin ay pareho naman kaming biktima ng pagkakataon pero bakit kasalanan ko ang lahat? 

Ang laki nitong kuwarto at dalawang queen beds ang narito. The rain outside would have been perfect to get a good night’s sleep pero ala-una na ng umaga ay mulat na mulat pa rin ako. I can’t sleep in the same room with her kung hindi ko rin lang siya katabi. What was I thinking going ahead with this plan?

Ang totoo ay puwede naman siyang pumili ng kahit aling kuwarto dito para tuluyan. Walang sinabi ang tiyahin ko kung hindi ako na ang bahala sa lahat. After all, sa akin na naman ito. My aunt wanted to sell this place and I thought it was a perfect place to raise a family. Hindi naman talaga ito bed and breakfast. It’s just a vacation house. Vacation house namin ni Kelly. Bumili na ako ng bahay sa Laguna para sa aming dalawa. Hindi ’yon kalayuan sa bahay ng parents niya para hindi siya malungkot. 

I’ve made mistakes. Blame it on being young and impulsive but I have always respected our relationship. May ibang bagay lang na wala sa kamay ko. Hopefully, I’m not too late to get her back. 

Although I need someone to clean this place, umayon lang ang panahon at bumagyo. Now I have more time to spend with her. She will hate me again when she finds out that I planned everything. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang hindi pagdating ng dalawa niyang staff. 

When I found out the names of the people she’s sending, pina-contact ko ’yon isa-isa sa assistant ko at binayaran ang buong linggong mawawala sa kanila. They didn’t want to take it. Kaya nga si Suzette ay huli na nang umatras. They feared that they will lose their job. I promised to give them another one if that ever happens. Marami namang trabaho sa company.

For now, I just need Kelly to fall in love with me all over again. Plan A pa lang ito. There is still plan B and C kung hindi mag-work out. 

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
heheee planado muna pala fafa blandon.hehehw l<ve mo pa tlaga si kelly
goodnovel comment avatar
Liezl Cervantes
ayyyiiee nagpapakilig ka na agad author, baka bukas-makalawa nagbabagang luha na ang ipapalasap mo samin....
goodnovel comment avatar
Gina Bangibang
grabe umpisa plng kilig n ng Todo Author ... ...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status