Share

Chapter 12: Her Past

Sa nakalipas na dekada, maraming mga bagay ang hindi alam ng pamilya del Valle sa naging buhay ni Yanna sa probinsya ng Surigao del Sur.

Noong mamatay ang kanyang Lolo Alfonso ay naging ulila siyang lubos. Pakalat-kalat siya sa kalsada sa kawalan ng makakain. Inakala niyang mamamatay na siya sa puntong iyon. Hanggang sa may isang tao na nagmagandang loob sa kanya. Ang tao na iyon ay ang dahilan kung bakit siya ligtas ngayon.

Kung lumaki siyang mahina ay paniguradong magtatagumpay ang kanyang ama na ipadala siya kay Mr. Welsh. Mabuti na lang at may alam siyang ilang self-defense tactics kung kaya't mabilis siyang nakaalis sa sitwasyon na iyon.

Naiisip na ni Yanna ang senaryo sa loob ng mansyon kung saan nakainom si Ree ng 'juice' na pinipilit nitong ipainom sa kanya. Kung tama ang kanyang hinala, ang laman ng juice na iyon ay isang aphrodisiac. Sa pagkataranta ni Antonia ay indikasyon iyon na malaking dosage ng gamot ang inilagay roon upang siguradong mapapasunod ng mga ito ang babae.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status