Share

Chapter 27: Fake Tears

Walang nagawa si Yanna kundi ang iwan ang kanyang paghahanap ng ibang trabaho. Nagpahatid siya kay Mang Tope sa presinto upang makipagkita sa kanyang ama.

Naisip niya na mas mainam nang makita niya kung paano magmakaawa ang kanyang half-sister na si Ree del Valle, tutal at lagi itong sanay na napagbibigyan sa lahat ng gusto nito. Ngayon naman ay gusto niyang makita ang kalagayan nito.

Pagkarating sa presinto ay sumalubong sa kanya ang nakangiting si Preston del Valle kasama si Antonia na halatang pilit ang pakikitungo sa kanya.

"Anak! Mabuti naman at dumating ka na. Kanina ka pa namin hinihintay," masiglang anas ni Preston. Humawak pa ito sa kanyang braso. Sa loob-loob nito ay gusto nitong saktan at pilipitin ang leeg ng panganay na anak. Kung hindi lang dahil sa kanilang plano ay hindi ito magmamakaawa sa babae. Ngunit kailangan nitong magpanggap.

Saglit na natigilan si Yanna. Pagkatapos niyon ay binawi niya ang kanyang braso at hinarap ang dalawa. "Hindi na ninyo kailangang magpangg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status