"TARANTADA!" Malakas na hagupit ng latigo ni Don Vincenzo Montoya ang nakapagpatigil sa lahat. Nasira ang damit ng anak na si Camilla at gumuhit ang mahabang linya sa likod nito. Hindi pa nasiyahan ang Don, ilang beses pang lumapat ang galit nito sa balat ng dalaga. "Hindi mo na kami binigyan ng Mama mo ng kahihiyan?""Pumatol ka sa isang inutil?"Marahas na lumingon si Camilla sa ama. "Hindi siya inutil, Papa. At may pangalan siya ---"Muli ay lumapat sa kanyang likod ang latigo ng ama. Napaigtad siya sa sakit. Ramdam niya ang sariwang dugo na dumadaloy sa kanyang likod. Ngunit pilit niya iyong ininda. Binalot niya ng dalawang braso ang sariling tiyan, pinoprotektahan ang buhay na naroroon.Nang hapong iyon ay hindi na siya nakalabas pa ng Villa Montoya. Nalaman ng kanyang ama ang lihim na ugnayan niya kay Santiago. Lubos ang galit nito sa kanya at binigyan ng agarang leksyon.Ang bawat latay ng latigo ay tunay na magmamarka sa kanyang balat. Dama ni Camilla ang poot ng ama sa kanyan
IKA-24 ng Abril, 2004Gabi na nang makauwi si Camilla mula sa pinapasukang part-time job. Pagod na pagod na pumasok siya inuupahang apartment at naupo sa sala. Nakapikit na ang kanyang mga mata nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid."Hindi kailangang ganito, Camilla," si Ross na lumapit sa kinaroroonan niya at naupo sa kanyang tabi. "Kung pumayag ka na pakasalan mo ako noon---""Kung pumayag ako noon, pareho sana tayong miserable ngayon," aniya at muling ipinikit ang mga mata. "Don't take it against me, Ross...""Alam nating dalawa na hindi tayo para sa isa't isa. And don't talk about convenience dahil hindi ko iyon kailangan.""What can I say," tumayo ito at kinuha ang gamit sa tabi. "If there's any woman I wanted to marry, that would be you, Camilla. Alam mo 'yan.""Still a no, Ross," aniya at niyakap ang kaibigan. "But I hope you'll get your happiness soon."Si Ross ang lalaking ipinagkasundo ng ama sa kanya taon na ang nakakaraan. He was a perfect gentleman. A simply do
Siguro panaginip lang ang lahat. Kay tagal na nang huling maranansan ni Camilla ang ganitong klaseng pakiramdam. Para siyang idinuduyan sa alapaap. She had longed for this kind of feeling. At kung pwede lang na hindi na magising pa ay ginawa na niya. Sa kanyang panaginip ay nakasakay siya sa kabayong si Estrella. Nakatanaw sila sa malawak na lupain ng mga Montoya sa mataas na burol sa di-kalayuan. Papasikat pa lang ang haring araw ng mga sandaling iyon, unti-unting binibigyang liwanag ang lupaing puno ng iba't ibang pananim at punong kahoy.Napakapayapa ng lahat. Ngunit nagbago ang ihip ng hangin ng sa pagbalik niya sa Villa ay matagpuan niya ang lalaking magpapabago ng kanyang mundo.Ang nag-iisang lalaking nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin nang magmahal ng tunay at wagas.Ang unang pagkikita nila ni Santiago Santos.Nagmulat ng mga mata si Camilla at ang puting kisame ang una niyang nakita. Pamilyar iyon sa kanya. At nang igala niya ang paningin ay natagpuan niya ang sar
MAGKASALO silang mag-ina sa komedor ng umagang iyon. Parehong silang tahimik habang kumakain ng umagahan. Kapansin-pansin ang lumbay sa kanilang mga mukha. Marahil iyon ay wala na ang taong laging naka-upo sa dulo ng lamesa.Dumating si Ross pagkaraan at binati si Donya Emilia. "Good Mornningg, Tita,," Hinalikan ng lalaki ang ginang sa pissngi, maging ang kaibigan na si Camilla. "Good Morning, Camilla.""Kumain ka na, hijo," inutusan ng kanyang ina ang mga katulong na pagsilbihan si Ross. "Maiwan ko na muna kayo'ng dalawa." ani Donya Emilia na pinunasan ang tabi ngg labi gamit ang table napkin. At iniwan sila nito pagkaraan at umakyat sa sarilingg silid.Gustuhin man ni Camilla na sundan ang ina ay hindi niya ginawa. Sa huli ay inubos lang niya ang laman ng kanyang plato at nagdesisyon na pumunta sa kwadra. Iniwan niya Ross sa komedor kahit pa matindi ang pagtutol nito.Puno ng mga alaaala ang bawat sulok ng villa. At sa sandaling iyon ay gusto niyang umalis ng panandalian. Naalala ni
"THAT'S unacceptable!" Bulalas ni Camilla sa harap ng tatlo. Humarap siya kay Atty. Gomez at pinagdiinan ang punto. "This is a family matter, Attorney." "And this man was never part of it!" turo niya sa kinaroroonan ni Santiago na hindi itinago ang aliw sa mga mata. He's obviously loving the drama!"Calm down, hija," Si Atty. Gomez na ini-adjust ang suot na reading glasses sa mga mata. "As far as the documents were concerned, hindi lang sa iyo at sa asawang si Donya Emilia niya iniwan ang mga ari-arian.""Lahat ng nanilbihan sa pamilya Montoya, iyong mga matatagal na sa serbisyo, ay binigyan ng parte ni Don Vincenzo.""I have nothing against that, Attorney," aniya at huminga ng malalim. "Ibigay natin ang para sa mga magsasaka at trabahador ng hacienda...""What I cannot accept was his presence here," muli ay binalingan niya sa Santiago. He probably knew something that she won't. "Hindi ba't nagkagalit kayo ng Papa noon?""That's the understatement of the year," umiling sa kanya s
"HI," bati ni Camilla nang sinalubong nang yakap ang mga anak. Napalitan ng kalituhan ang tuwa sa kanyang mukha nang mapansin ang itsura nina Atasha at Andres na papalapit sa kanya. "Ano'ng nangyari?" Tanong agad niya sa magkapatid.Agad na yumakap sa kanya si Atasha. Umiiyak ito nang isubsub ang mukha sa kanyang mga balikat. Si Andres ang sumagot sa kanya.Pinunasan muna nito ang dumi sa mukha bago nagsalita. "Kasi Mommy...""Inaaway kami ng ibang bata kasi wala daw kaming Daddy," sumbong nito at umiyak na din. Niyakap din ni Camilla ang panganay sa dalawa. Parang nakikinita na niya sa kanyang isipan kung ano ang nangyari nang wala pa siya. "Eh may Daddy naman kami, 'di ba po?""Hush now," konsola niya sa kambal. Iginala niya ang mga mata sa loob ng Day Care Center at nakita niya ang ibang mga magulang ng mga kaklase ng dalawang anak. Lahat ay may mapanghusgang tingin sa kanila. "Umuwi na tayo."Inakay niya sina Atasha at Andres palabas ng school. Walking distance lang naman ang layo
MAGANDA ang dating ng panahon ng tag-ani sa hacienda. Hitik na hitik sa bunga ang mangga, saging, niyog at kopra. Tiyak na masaganang ani na naman ito, isang malaking biyaha mula sa itaas. At sa tuwina'y hindi pa sumisikat ang haring araw ay nagtatrabaho na ang mga tauhan ng hacienda. At kabilang doon si Santiago. Kung paano nababalanse ng binata ang pamamalakad ng sariling negosyo sa Maynila at pamamalakad dito sa hacienda ay palaisipan sa mga taga-roon. Pero hindi maikakailang malaking tulong si Santiago sa pagbangon muli ng hacienda. Sadyang napakasipag ng lalaki. Sanay ito sa pagbabanat ng buto dahil sa hacienda na ito nagkaroon ng isip. Lagi itong katu-katulong ni Ka Pedro noong araw. Ang matanda ang umaakyat sa puno habang ito ang pumapasan ng sako-sakong ani. Tulad na lang ngayon. Mataas na ang sikat ng araw ay kayod kalabaw pa rin ang binata. Pasan nito ang isang sakong puno ng saging at saka ibinaba malapit sa maliit na kubo. Ang maliit na kubo ay nasa ilalim ng malaking
DUMATING ang hapunan at kumain na silang mag-ina sa hapag-kainan. Lahat ng paborito niyang putahe ay nakahain sa lamesa. Lahat iyon ay tiyak ni Camilla na masarap pero tila nawalan siyang ng gana."May problema ba, Camilla," tanong ng kanyang ina. "Halos hindi mo nagalaw ang pagkain mo...""May iba ka bang gusto? Sabihin mo at ipapaluto ko kay Manang Letty.""Bakit ginawa ng Papa iyon," nasambit niya. "Wala ba siyang tiwala sa akin?"Huminga ng malalim si Donya Emilia bago pinunasan ang gilid ng labi ng table napkin. "Camilla, listen to me...""Hindi sa walang tiwala ang Papa mo sa'yo. Pero higit nating kailangan ang tulong ni Santiago---""Bakit ba lahat na lang ay tungkol sa kanya?" Naibulalas ni Camilla. "Ano ba ang mayroon siya na hindi ko kayang gawin?""I hate to say this but Santiago was the reason we're still here today," pagtatapat ng kanyang ina. Ginagap nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. "Alam kong hindi mo ito gusto. Walang sinoman ang may gusto. Believe me at hin