Share

Chapter 4

Hating gabi na ngunit abala pa rin si Kellissa sa paghahanap ng masusuot para sa tipanan nila ni Cayden bukas ng hapon.

“Ate, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa pasok natin bukas.” sabi ni Kara sa inaantok na boses.

Napatingin si Kellissa sa kapatid at tipid itong nginitian. Hindi kasi makatulog ang mga kapatid niya kapag nakabukas pa ang ilaw sa kwarto.

“Matutulog na rin ako. May inaayos lang ako rito.” sagot niya sa kapatid habang isinasabit ang isang lumang puting bestida sa hanger.

“Wash day niyo po bukas diba? Himala at hindi ka po naka-leggings.” puna naman sa kanya ng kapatid na si Kendy.

Napakagat ang dalaga sa ibabang labi niya at nag-isip ng ibang dahilan. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin na may nanliligaw sa kanya.

“Ah, may raket kasi si Zuri. Sasamahan ko siya bukas baka sakali rin makahanap ako ng ibang mapagkakakitaan doon. “ pagsisinungaling niya gawa ng hiya at takot na malaman ng kanilang magulang.

Kahit pa marami ang nanligaw at nag-punta sa bahay nila, tang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status