Share

Kabanata 6

Para akong tanga na nakatayo pa rin doon. I still can't fucking believe it! Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa interaksyon namin kanina. Oh my God! Makakatulog pa kaya ako mamaya nito?

I bit my lower lip when my eyes dropped to the white handkerchief on my hand. I smiled. Putangina! Anong nangyari kanina?! Shit! Shit! Shit!

Shamelessly, I sniffed his handkerchief.

Amoy downy passion! I giggled. Dapat bang downy passion na rin ang gagamitin kong fabric conditioner para parehas kami ng amoy? Hmm... siguro! Wala namang masama, hindi ba?Umupo ako sa malapit na kiosk. Wala masyadong estudyante rito dahil abala sa darating na intramurals. Huminga ako ng malalim at nilapag sa lamesa ang mga gamit na dala.

"Ang galing naman ni tadhana. Ang hiling ko lang ay makita ka pero higit pa roon ang binigay!" Wika ko habang tinititigan ko pa rin ang panyo ni Keith. I bit my lower lip to hide my smile. Bwesit! Kinikilig pa rin ako!

Pero sandaling nawala ang kilig na nadarama nang makita ko ang isa pang panyo na nakalatag sa lamesa kasama ang iilan kong gamit. I remember the scene a while ago. Umusbong ang inis ko sa lalaking iyon! Walang hiya siya! Isa siyang gwapong gago! Dahil sa kanya'y nasigawan ako at napahiya sa maraming tao.

Makita ko lang iyon ulit ay sisipain ko na talaga ang hotdog niya!

Sinipat ko ang aking relo. Malapit na pala mag alas tres kaya inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa loob ng bag. Iyong mga scratch papers na kunwari ay ginamit ko sa pagsolve ay tinapon ko na rin. Walang kwenta naman 'yon, eh. Before I went to the Gym, nagpunta muna ako sa banyo para ayusin ang sarili ko. Naglagay ako ng liptint at pulbo para fresh naman tingnan ang itsura ko. I combed my hair using my fingers. Nang makontento sa itsura ko'y umalis na.

"Energy! Yes, that's it! Ramirez, ayusin mo ang execution mo--wait! Wait! Stop the fucking music!" Sigaw ni Almira.

Hinihingal akong tumigil. Puta! Nakakapagod na.

"I told you to fucking execute the steps properly!"

"S-sorry po. Nahirapan lang," sagot ng isang babaeng nakasuot ng kulay puting t-shirt at shorts. She looked so fragile. Takot na takot din siya kay Almira.

I sighed. Nakakaawa naman siya.

"Hindi ba sinabi ko na kanina na kung nahihirapan kayo ay sabihin niyo sa akin?! I can teach you!"

"Uh... Almira, you can talk to her without shouting naman po," I said softly.

Mas matatakot kasi siya kung sisigawan niya. Tsaka ramdam kong nahihiya na siya dahil pinagtitinginan siya ng lahat dito.

Umirap si Almira sa akin. "I don't need your opinion, Veranda! Isa ka pa! Kung hindi dahil kay Keith ay hindi ka kasama rito!"

Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Aba! Tangina nitong babaeng 'to, ah!

I was about to say something when Keith suddenly appear. Nagulohan pa siya kung bakit nakatayo lang daw kaming lahat doon. Almira smiled at him sweetly.

"O-oh, Keith! Hi!"

"Tapos na kayo magpractice?" Tanong niya kay Kristel. He didn't give a damn to Almira's question. Buti nga sa kanya!

"Uh... W-water break lang. Guys, 10 minutes," aniya at binigyan kami ng kaunting ngiti.

Hindi ko talaga alam paano siya naging myembro ng VSU Phoenix gayong transferee naman pala siya.

Tumango siya. He scanned his eyes around and when it landed on me, he avoided his gaze. Nakabusangot ang mukha ni Almira habang sinusundan siya ng tingin nito pero mukhang wala siyang paki sa babae dahil patuloy lang siya sa paglalakad papunta sa kabilang bahagi ng gym.

Binalik ko ang tingin sa babaeng sinigawan ni Almira kanina. Lumabas siya ng gym kaya sinundan ko iyon. Mukhang dinamdam niya ata ang sigaw ni Almira.

"Ramirez!"

Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. Nilapitan ko siya at nakayuko lamang siya. I heaved a deep breath. Mukhang umiiyak siya.

"Tara sa canteen."

Akala ko'y hindi siya susunod sa akin pero mabuti na lang sumunod siya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko nang makaupo kami.

Binigyan niya ko ng kaunting ngiti.

"Salamat nga pala kanina."

"It's nothing. Masama rin kasi ang ginawa niya. She shouted at you."

"K-kasalanan ko rin naman."

Umiling ako. "It's not your fault kung nahirapan ka sa steps. And don't be sorry about it, lahat naman tayo nahihirapan. All you have to do is to seek for someone's help."

Tumitig siya sa'kin. "Uh...can you...teach me?"

Ngumiti ako. "Gladly!"

Bumalik kami sa gym at kinausap ko si Kristel na tuturuan ko si Iris kasi nahihirapan siya. Ngumiti siya sa akin at tumango. Mas mabuti pa itong si Kristel kaysa kay Almira, eh. Iyon kasing babaeng iyon halatang plastik. Nang makuha na niya iyon ng maayos ay sumama na rin kami sa grupo. Ngumiti ako nang hindi na ito napagalitan o nasigawan pa ni Almira.

Natapos ang practice namin na hindi ko man lang nakitang sumayaw si Keith. He was just sitting in the corner while reading his Structural Design book again.

Kumabog ang puso ko nang umangat ang tingin niya. Agad akong umiwas ng tingin at naramdaman ang pag-init ng pisngi.

"Okay, that's all for now everyone! Bukas ay bumalik ulit kayo. May bago ulit tayong pag-aaralan na steps at magbo-blocking na rin tayo. Is it clear?!"

"Yes!"

In my peripheral vision, tumayo si Keith at nilagay sa bag ang kanyang gamit.

"Anna, sabay na tayo umuwi?" Si Iris.

"Yeah, sure!"

Kinuha ko ang bag ko. Pawis na pawis pa rin. Napapikit ako. Wala akong choice kung hindi gamitin ang panyo niya pamunas.

"Saan nga pala ang dorm mo?" Tanong sa akin ni Iris habang inaayos niya rin ang kanyang mga gamit.

"Ah, sa Ilang-ilang ako, eh. Ikaw?"

"Hala! Doon din ako, eh!"

"Talaga? Bakit hindi ata kita nakikita?"

"Oh, nasa left wing kasi ako, eh. Mukhang nasa right wing ka ata."

Tumango ako. "Yeah, right wing ako. Kaya pala hindi kita nakikita roon."

Pagkatapos naming maiayos ang mga gamit ay lumabas na kami. Nagulat ako ng magkasabay kami ni Keith palabas ng pinto.

Tumikhim ako at tumabi. "M-mauna ka na."

Umiling siya. "I'm sorry, but ladies first."

Ngumuso ako para maitago ang ngiti. Heck! Pangalawang beses na 'to, ah!

"Ang gwapo niya, 'no?" Aniya nang makalayo na kami roon.

"Hmmm, sakto lang." I laughed. "Bakit? Crush mo 'yon?"

Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang namula ang pisngi. My lips parted. Shit! Mukhang crush niya ata!

"W-well, secret lang natin to, ah. Kaya ako sumali sa dance group ay dahil sa kanya. Crush na crush ko kasi siya since high school, eh." Bulong niya sa akin.

"Oh? Magka-klase kayo?" Walang malisyang tanong ko. Heck! I want to know him more.

"Hindi. Ahead siya sa akin ng one year. Bale, schoolmates lang gano'n."

"Oh? Bakit? Saan ka ba nag-aaral?"

"Sa St. Nino College of Ormoc."

My forehead creased. So taga Ormoc pala si Keith kung gano'n?

"Taga-Ormoc ka?"

"Yeah. Pero noong nalaman ko na magta-transfer siya rito ay dito na ko nag-enrol."

My lips parted. Wait, what? Kung tama ang pagkakaintindi ko ay andito siya para sundan si Keith? Tangina. Ang hanep naman pala nito. Para lang akong nanonood ng live teleserye kung gano'n. Well, Iris Ramirez is pretty. Mas matangkad siya sa akin, iyon nga lang ay mukha siyang isang baso na anytime pwedeng mabasag. Her innocent eyes, pointed nose, thin lips and paper white complexion. Masasabi mo talagang may ibubuga siya sa buhay.

I heaved a deep breath. Mukhang dehado ata ako nito pagdating sa itsura lalo na sa estado ng buhay. I mean hindi naman kami iyong mahirap na isang kahig isang tuka pero hindi kami kasing yaman tulad ng babaeng kasama ko ngayon.

Aatras na ba 'ko? Char. Akala mo naman jojowain ko 'yon.

Pagdating sa dorm ay iyon pa rin ang inaalala ko. Pagod akong nahiga sa bed ko. Ako lang mag-isa rito ngayon. Wala pa ang mga karoom mates ko, mukhang may mga klase pa ata. Bumangon ako at naglinis ng katawan. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang bag ko para kunin ang panyo. Lalabhan ko na muna 'to para maibalik ko sa kanya bukas.

"Lalabhan din ba kita?" Tanong ko sa sarili habang hawak ang panyo noong lalaki sa library.

Umiling ako. Sige na nga! As if naman may choice ako. Pinagaan niya rin naman ang pakiramdam ko, eh. Kaso nga lang nakakabwesit siya. Pagkatapos kong malabhan ang mga iyon ay bumalik ako sa bed at nahiga. Kinapa ko sa bag ang cellphone ko.

"Hala? Na saan 'yon?"

Hinalughog ko nang hinalughog ang aking bag. Nilabas ko na rin ang mga notebooks ko at iilan ko pang mga gamit pero wala pa rin doon.

"Tangina, bakit wala rito? Hindi naman ako clumsy, ah. Sure akong hindi ko naman nilabas 'yon"

Naiiyak na 'ko! Putangina, hindi ko mahanap 'yong cellphone ko! Bigay sa akin ni Mama 'yon! Hindi iyon pwedeng mawala!

"Oh, anong hinahanap mo, Anna?" Si Ate Ada nang dumating.

"Iyong cellphone ko po kasi nawawala, eh."

"Huh? Baka na-misplace mo lang 'yon? Alalahanin mo kaya kung saan ka huling nagpunta."

Lumunok ako. Kabado pa rin dahil baka tumawag si Mama tapos iba ang makasagot.

"Or you can text it. Gamitin mo na lang itong cellphone ko. Pwede rin na tawagan mo."

Tumango ako at tinaggap ang kanyang cellphone. I dialed my number, nagring iyon pero sa unang tawag ay hindi sinagot.

I dialed again. Sa pagkakataong ito ay may sumagot na.

"Hello? Sino 'to?" A baritone voice asked. Bahagya pa itong hinihingal.

"Ikaw ang sino. Bakit na sa'yo ang cellphone ko?!"

He paused.

Then I heard him chuckled. "What's up, baby? Bakit ka napatawag?"

My lips parted. Mukhang alam ko na kung sino ang nakapulot ng cellphone ko. Iyong gwapong gago sa library!

"Gago ka! Akin na 'yang cellphone ko! Ibalik mo 'yan! You thief!"

"Hala? Grabe ka naman, baby-"

"Don't call me baby! Hindi na ko bata!"

He just laughed. "Pero...gusto kasi kita gawing baby, eh."

I gritted my teeth. "Na saan ka? Akin na 'yang cellphone ko, magnanakaw."

"I'm sorry, Miss. Pero hindi ko ninakaw ang cellphone mo. I called you many times pero hindi mo ata ako narinig. You just ran away," seryoso nitong sabi.

Natahimik ako. I know! It's my fucking fault pero nakakainis kasi siya, eh!

"...at isa pa, hindi ko ugaling magnakaw ng gamit...puso mo, pwede pa."

Kumunot ang noo ko. Pinagsasasabi nitong gagong 'to?

"Shut up. 'Di mo ko madadala sa mga ganyan mo. Just give me my phone!"

"Tss... Fine." May binulong siya pero hindi ko narinig. "Nasaan ka ba? Hatid ko na lang."

"Andito ako sa dorm, ilang-ilang dormitory."

"Okay. I'll be there-"

May sasabihin pa sana siya pero pinatay ko na. Binalik ko kay ate Ada ang phone niya at nagpasalamat.

Lumabas ako ng room at hinintay ko siya sa labas. Marami pa ang tao rito sa labas, alas siyete pa kasi at iilan pa sa mga nakikita ko ay mga magjowa na panay ang hawak kamay. I rolled my eyes. Sus! Magbe-break din naman kayo, pinapatagal niyo pa.

Okay, ang bitter ko sa part na 'yon.

Naupo ako sa bench, malapit lang sa rito sa dorm. Sumiksik pa 'ko sa pinakagilid dahil may magjowa rin sa kabilang dulo. Nakakahiya naman sa kanila.

"I love you so much, baby. I can't live without you," the girl said and she giggled.

Parang gusto kong masuka sa pinagsasabi niya. Bakit, ghorl? Oxygen ba ang jowa mo? Nasa kanya ba ang kaldero at bigas mo kaya hindi mo kaya na wala siya?! NapakaOA na, ah.

"I love you too, baby. Ikaw lang sapat na. Hindi na 'ko hahanap pa ng iba. Habang buhay ay tayong dalawa. Kapag nagbreak pa tayo baka ikamatay ko na talaga," sagot naman nung lalaki.

"Iyong huling nagsabi sa akin niyan, bakit hanggang ngayon buhay pa rin?" Parinig ko sa kanila.

"Ano'ng sabi mo, Miss?" Baling sa akin ng babae.

"Huh? May sinabi ba 'ko?" Inosente kong tanong.

Umirap ito sa akin at hinila ang boyfriend niya paalis. Tumawa ako. Mabuti naman at umalis na! Puta, nakakasuka na talaga!

"Hoy! Dito!" Sigaw ko nang makita ko siyang papasok sa loob ng dorm.

Naglakad naman siya papalapit sa gawi ko. Pansin kong nakajersey shirt at shorts pa siya, pawisan din mukhang tumakbo ata. May panyo pa sa kanyang kanang balikat at hawak niya ang strap ng kanyang bag sa kabila. Naupo naman siya sa tabi ko.

Tumikhim ako at umusog nang maglapat ang hita namin. Mukhang galing ata siya sa practice.

"Akin na," wika ko sabay lahad ng kamay.

"Hug me first," aniya at sumilay ang ngisi nito.

"Gago, ang baho mo. Amoy araw ka." Kahit hindi naman. Actually, he smells good kahit pawisan siya. Pero syempre, hindi ko sasabihin, ano!

Inamoy naman niya ang kili kili niya. Uto uto, ampota!

"I'm not mabaho."

Nagtagpo ang kilay ko. "Talaga? You are not mabaho? Why? Because super mabaho lang? Huwag ka na nga'ng maarte. Akin na iyang cellphone ko."

He rolled his eyes. Kinuha niya ang cellphone ko sa bag at nilahad sa akin. Kukunin ko na sana nang bigla niyang tinago sa likod.

"Akin na nga 'yan!"

Umiling siya habang natatawa pa.

Pinilit ko itong abutin kaya hindi ko namalayang nakayakap na pala ako sa kanya.

Natigilan ako. I looked up to him. Nakangiti siya sa akin at amoy na amoy ko siya. Amoy baby.

"Akala ko ba mabaho ako? Bakit nakayakap ka sa akin?" He smirked. "It's okay though, ang sarap naman ng yakap mo, Miss Education."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status