Share

Kabanata 7

Ang walang hiyang iyon! Anong karapatan niyang paki-alaman ang privacy ko?! Pati password ko pinalitan! How did he fucking do that?! IT student ba siya?

I gritted my teeth. Nakakainis! Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa lalaking 'yon!

How can I open my fucking phone?!

Kinabukasan ay wala pa rin ako sa mood. Nasungitan ko pa si Michelle dahil inis na inis pa rin ako! Hindi ko mabuksan ang cellphone ko dahil pinalitan nung gagong 'yon at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin dahil hindi ko naman alam ang pangalan at kurso niya.

Bobo ko rin, eh. Bakit 'di ko kasi tinanong ang pangalan niya?!

Nang maalala ko kung bakit hindi ko na siya natanong pa kagabi ay uminit ang pisngi ko. I know that it was just an accident! Nilayo niya sa akin ang cellphone ko, pilit ko lang inaabot sa kanya at hindi ko naman kasi namalayan na nakayakap na 'ko sa kanya.

Nang makuha ko na iyon ay agad akong tumakbo pabalik sa dorm. He kept on calling me pero hindi na 'ko nakinig pa sa kanya dahil nahihiya ako. So, I went back to my room and realize that he replaced my password! Pagbalik ko sa baba ay wala na siya!

"Girl, ayos ka lang?" bulong sa akin ni Michelle nang makalabas kami sa second period naming subject.

I heaved a deep breath. "Ayos lang."

"Weh? Kanina ka pa tahimik, ah. Ano'ng nangyari sa'yo?"

Naalala ko ulit 'yong lalaki. Bwesit talaga siya!

"Anong mararamdaman mo kapag pinalitan ang password ng phone mo?"

Kumunot ang noo niya. Lito dahil sa tanong ko.

"Huh? Magagalit syempre! Bakit? May nagpalit pa ng password mo?"

Tumango ako.

"Huh? Paano nangyari 'yon?"

"May isang gago kasing nakapulot ng cellphone ko tapos noong binalik sa akin, hindi ko na mabuksan dahil pinalitan na pala ang password ko! Walang hiya!"

"Oh? Isang gago? Baka naman gwapo 'yon!" Aniya at tumawa pa.

I rolled my eyes. Oh, eh, paano kung gwapo siya? Pero walang hiya pa rin 'yon! Anong karapatan niyang paki-alaman ang phone ko?!

"Hindi siya gwapo, 'no!" I replied.

Inasar niya ko nang inasar habang naglalakad kami palabas ng building. Mas lalo akong nainis dahil tinutukso niya 'ko sa gagong nagpalit ng password ko.

"Uh... Michelle."

Napahinto kaming dalawa. Isang lalaking matangkad, may kahabaan ang kanyang buhok, mestizo at may dala dalang gitara sa kanyang likod ang nakatayo sa harap naming dalawa.

Kinamot niya ang kanyang batok. Hala! Ang cute!

"B-bakit?" Nauutal na sagot nitong kasama ko.

I mentally smiled. Hmm... I smell something fishy, ah! Ano kayang meron?

"May klase ka pa ba?"

Kumunot ang noo ko. "bakit? Magde-date kayo, ano?!"

"Gaga! K-kasama ko siya sa banda!" Bulong niya sa akin sabay kurot sa aking bewang. "Uhm... Oo, tapos na ang klase ko. M-may practice ba tayo?"

Tumango naman ang lalaki. Ngumuso ako at tiningnan ang ID niya. Ahy! Tourism Management ang kurso. Paniguradong road to langit si Michelle kapag jinowa niya 'to!

"Ngayon na? Ah, sige-"

"Sama ako, Mich! Ah, okay lang ba sa'yo..." I looked at his ID again. "Aziel Marcellus Almazan?"

Bahagyang namula ang kanyang tenga pero tumango lang din kalaunan. Habang naglalakad kami papunta sa gym kung saan sila nagpa-practice, dumaldal naman ako nang dumaldal. Si Michelle naman ay tahimik lang at nakikinig sa akin, samantalang iyong si Aziel ay nasa likod, tahimik na nakasunod sa amin.

"Ang hinhin natin, ah? Parang hindi makabasag pinggan. Bago 'yan, ah. Nahihiya ka sa crush mo 'no?"

She panicked a bit. Nilingon niya ang lalaking nasa likod namin bago ako kinurot ulit. Aray, ah! Nakakadalawa na 'to!

"Gaga ka! Anong crush? Hindi ko 'yan crush, 'no. Tsaka tahimik naman talaga 'ko, ah."

"Sige, magsinungaling ka pa. Sinasabi ko sa'yo, friend. Tourism course niyan, hindi 'yan byaheng impyerno kung hindi byaheng langit," wika ko sabay tawa.

Namula naman siya. "Pasmado na naman 'yang bibig mo. Pakainin ko 'yan ng hotdog, eh."

Mas lalo akong natawa ako. "Anong klaseng hotdog ba? 'yong process food o 'yong-"

"Anna!"

Tumawa ulit ako. Nilingon ko si Aziel at nakita kong nagtataka siya kung bakit sumigaw itong kasama ko.

Pagdating namin sa gym ay naghahanda na iyong mga kaband mates niya. Medyo marami-rami sila. May nakita pa 'kong nagse-set ng drums, amplifier, keyboard, bass guitar at kung ano anu pang instruments.

"Umupo ka na lang dyan. Behave, ah. Bawal makalat dito, sis." Paalala niya sa akin.

"Huh? Bakit naman ako magkakalat? Wala akong dalang b****a, 'no!"

She rolled her eyes. "Just freaking behave, Anna!"

I giggled. "Yes, ma'am!"

Pumanhik siya papunta sa stage. Ako naman tahimik na naupo sa mga bakanteng upuan dito. Ngumuso ako at kinuha ang cellphone sa bulsa para sana malibang ako pero naalala kong pinalitan pala ito ng password nung gago.

Tangina niya talaga. Kapag nakita ko talaga 'yon, sisipain ko na talaga 'yong hotdog niya, bwesit siya.

So instead of cursing that guy, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng notes. One of the things I learned when I was in high school is to review a week before the exam. Ngayon na may vacant time ako'y gagawin ko itong makabuluhan. Para naman hindi ako mabagsak sa midterm.

Napahawak ako aking ulo. Oo nga pala, midterm na namin pagkatapos ng intrams. Sigurado akong bugbog sarado na naman kami sa mga projects na ipamimigay.

"Hay naku, Santrius, late ka na naman!"

"Sorry, Sir! Pahirapan sa paglabas, eh. Iyong instructor namin ayaw pa 'ko palabasin, mamimiss niya raw ako."

Natigilan ako sa pagbabasa. That voice! Kilala ko 'yon! Nag-angat ako ng tingin at tama nga ang hinala ko. Ang gwapong gagong walang hiya na nagchange ng password ko!

Nakangisi siya habang naglalakad papunta sa stage. Wala siyang dalang instrumento maliban na lang sa bag niyang kulay itim. His wearing a white shirt and black pants, he looked fresh though gago pa rin siya.

"Come up here! Magpractice ka na. Baka pumiyok ka pa."

"Di 'yan mangyayari, Pres! Marami ngang naiinlove na babae sa boses ko, eh!"

"Ha? Hangin mo talaga, Santri!"

Mukhang hindi pa niya ata ako napansin dahil dire-diretso lang ang lakad niya papunta sa stage. I bit my lower lip. Gusto ko sanang mag-approach sa kanya kaso nahihiya ako.

Wait, ako ba dapat ang mahiya? He was the one who should be ashamed! Anong karapatan niyang paki-alaman ang cellphone ko? E, privacy ko 'to!

I didn't waste any chance. Tumayo ako at sumigaw.

"Hoy!"

"Hoy! Pinoy ako!" He shouted back. Nagulat ko ata.

Umalis ako sa inuupuan ko. Lumingon siya sa akin at nanlaki ang mata nang makita ako.

"M-miss Education?"

I gave him a mocking smile. "Mama mo education. Bakit mo pinaki-alaman ang cellphone ko, ha?!"

"Huh? A-ano'ng?"

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at inilahad sa kanya. "You fucking change my password! Kaya hindi ko tuloy magamit!"

Nagtagpo ang kilay niya, and I was distracted by it because he has thick eyebrows that suits with his dark eyes and long lashes.

"So, is it my fault?"

Aba! "Malamang! Sino ba sa atin ang nagchange?"

"Sino ba sa atin ang hindi nakikinig kapag tinatawag? Alam mo Miss Education, noong naiwan mo sa library ang cellphone mo tinawag kita nang tinawag pero hindi mo 'ko nilingon. Tapos kagabi, tinawag ulit kita pero hindi ka pa rin nakinig."

Humakbang siya palapit sa akin. Now, he's damn serious! Mukha siyang galit pero mas gwapo siya kapag seryoso.

"So, tell me? Sino ang may kasalanan sa ating dalawa?"

I gritted my teeth. "Hindi ako nakikinig sa mga taong hindi worth it pakinggan."

He laughed without humor. "So... Am I not worth it?"

I gulped. "J-just fucking open my phone! Alisin mo ang password!"

Napaatras ako nang humakbang siya ulit. "What if I don't? What if...gusto ko akin na lang itong cellphone mo?"

My jaw dropped. Wow, ha. "Bobo ka ba?! Anong gagawin mo dyan sa phone ko, eh, wala namang porn 'yan? Besides, regalo 'yan sa akin ng Mama ko kaya importante sa akin 'yan!"

He stopped walking and stared at me. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Kahit nakakaramdam ng kaba at hiya ay hindi ako bumitaw sa titig niya. Matira matibay 'to, no!

Siya ang unang bumitaw. He heaved a deep breath and manipulated my phone. Nilahad niya sa akin ang phone ko, akmang kukunin ko na sana nang nilayo niya ulit.

I rolled my eyes. "Akin na nga!"

"Give me a hug first,," aniya at ngumisi pa. Gone the serious Santrius.

"Yakapin mo mukha mo, akin na nga 'yang phone ko!"

I was taken a back when he wrapped his arms around his chest. Pota. Anong ginagawa nito? May sayad ata.

"Bobo mo. Akin na sabi 'yang phone ko, eh!"

"Yakap muna."

Napapadyak ako sa sahig. "Sige, kung ayaw mong ibigay 'yang phone ko, kainin mo 'yan, ah! Ubusin mo para mabusog kang gago ka!" Inis na inis kong wika sa kanya at agad umalis.

Before I stormed outside I got my stuffs first. Mabigat ang lakad pati na rin ang dibdib nang lumabas sa gym. Naiiyak ako. Naiinis. Ayaw na ayaw ko pa man din sa lahat ay iyong inaasar ako. Ako 'yong tipo ng taong mapang-asar pero kapag ako na ang inasar napipikon amp!

I hate him I swear!

"Miss Education!"

I didn't listen.

"Anna!"

Still, don't.

"Anna Lucia!"

Don't fucking listen, Anna!

"Anna Lucia Veranda! Will you please fucking listen to me?!"

Napahinto ako nang sumigaw siya at halata ang galit sa boses. I closed my eyes and wiped my tears away.

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya. Nakalahad na sa akin ang cellphone. Matalim ko siyang tinignan. When he noticed that I am really pissed, he fake a cough, siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at nilagay sa aking palad ang cellphone.

"H-here... I'm sorry," mahina niyang sabi.

I didn't reply. I'm afraid I might hurt him with my chosen words. Wala pa namang preno ang bibig ko kapag nabuka na ito. Kahit naman inis ako sa kanya I still want to think rational. Ayaw kong magkalat lalo pa't maraming estudyante rito. Ayaw kong gumawa ng eskandalo.

I was about to walked out when he held my arms. Kinabahan agad ako. Tangina. Ano pa bang kailangan nito?

"Hey, I'm sorry."

I didn't reply again.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. "Look, I'm really really sorry. Kung hindi mo man ako mapatawad ay ayos lang. Alam kong inis na inis ka na sa'kin. Noon pa man, 'di ba? I'm really sorry, Lucia."

My brows met. Ano'ng noon? At teka nga bakit Lucia ang tawag nito sa akin? Close ba kami?

"Noon pa man? Anong ibig mong sabihin?"

His brows met, too. "When we first met."

Mas lalo akong nagulohan. "First met? When? I don't remember you. Baka naman sa past life kita nakilala?"

His lips parted then he chuckled. Uminit ang pisngi ko. Siguro iniisip niya na feeling ako dahil hanggang sa past life ko ay nakakarating siya. Aba, malay ko ba. Baka totoo, 'di ba?

"Damn, nakalimutan mo na ko agad?"

Umiling ako. "Kung naalala ba kita tingin mo magtatanong pa 'ko sa'yo? Tsaka, hello? You're not important."

"Ouch. Sakit mo naman magsalita, Miss Education." Aniya at madrama pang humawak sa kanyang dibdib.

"Mukha kang gago."

"At least gwapo," he replied and wiggled his eyebrows.

I made a face. "Oh? Saan banda? Sa paa?"

I gasped when he move his face few inches away from mine. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit niya sa'kin. I can almost feel his breath and smell his scent. Naconcious naman ako dahil baka amoy lumpia ang hininga ko. Iyon kasi ang agahan ko kanina, eh! Ampota naman.

"Titigan mo nang makita mo kung saan banda at kapag nakita mo na... titigan mo lang hanggang sa magsawa ka."

I gulped and stared at his face. Pakiramdam ko'y maduduling ako dahil sa lapit niya sa akin! Then he suddenly smile. Hindi 'yong smile na mapang-asar, ah. Kung hindi smile na tunay. A fucking genuine smile. Ngayon, alam ko na kung saan banda siya gwapo at tititigan ko hanggang sa magsawa ako.

Pero naglaho rin iyon. His eyes dropped on my lips then went back to my eyes.

"Ang ganda ng mga mata mo... kaso amoy lumpia naman ang hininga mo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status