Share

CHAPTER 2

NATASHA'S POINT OF VIEW

Kinabukasan agad ay nagpunta ako sa Bar ni Mr. Kim. Wala manlang pasabi kasi wala rin naman akong cellphone para  I text sya. Saktong sakto ay  nakita ko sya na nasa bar mismo, konti lang tao dahil  may araw pa.

"Mr. Kim!" tawag ko sa kanya na agad nya namang ikinalingon sa akin. Bahagyang nagulat ngunit nakabawi rin naman sya agad sabay ngiti sa akin.

"Oh Ashy? Bat ngayon ka lang?" tanong nya sa akin na tila nag eexpect syang pupunta ako kahit wala naman akong sinabi.

"A-ah hehe. Kamusta ka?" tanong ko sa kanya.

"Eto okay naman. Medyo busy rin nitong nakaraan, maraming customer eh. Ikaw ba?" tanong nya pa sa akin. Sinamahan nya akong maupo sa island bar at inutusan ang bartender na magbigay ng drinks sa amin.

"O-ok lang rin. Sorry ngayon lang ako nakabisita ulit, wala rin akong cellphone para matext ka kaya out of nowhere akong napapunta dito." paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"It's okay. I was also expecting you to come everyday hahaha." natatawang sabi nya na ikinatawa ko na lang rin kahit wala naman nakakatawa.

“So what brings you here nga pala?" tanong nya pa. Hala! Eto na. >_<

“A-ano... kakapalan ko na mukha ko." nahihiyang sabi ko pa. "K-kailangan ko kasi ng 5k. Nashort ako sa pera kaya n-nandito ako ngayon para manghiram."

"5k? Sure. But where do you need it?" tanong nya pa sa akin.

"Need ko ibayad sa renta namin. Ilang buwan na ako hindi nakakabayad eh, papalayasin na kami ng land lady namin."

"You're renting?" tila  gulat pa na tanong nya. Tumango na lang ako sabay  napayuko dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"Oo kaya need ko ng pera para sa ngayong buwan na renta."

"Oh." yun na lamang ang nasabi nya. "Can I ask  again? Where's your parents by the  way?" tanong nya pa. Ang intriga rin pala nitong si Mr. Kim. Pasalamat sya gwapo sya, chismoso nga lang  hehe.

"Patay na parehas na magulang namin ni Yuri. Yung father nya nag ibang asawa na." sagot ko.

"Half  sister mo si Yuri?" tanong nya pa sa akin.

"O-oo."napahawak na lamang ako sa batok ko.

"I'm sorry for asking. I was just  concern."  sabi nya pa.

‘Hindi halata ah.’

Joke! Pero hindi ko na sinabi yun.

"Hehe okay lang. Wala naman sa'kin yun eh." nasabi ko na lamang. Biglang nagliwanag ang mata ko nang ilabas nya ang mahiwaga nyang pitaka at naglabas ng....10k?!

Alam kong hindi ako namamaliktmata dahil makapal ang tig iisang libo kung 5k lang talaga yun. Nabilang ko yun dahil nagbilang rin sya.

Palihim akong napalunok.

"Here." inabot nya sa akin lahat yun. "Pay for the 2 months rent para hindi ka na mahirapan sa sunod. I know you're having a hard time now. Kamusta pala yung trabaho mo?" tanong nya na naman. Napayuko naman ako dahil sa disappointment na nararamdaman ko sa aking sarili.

"T-tinanggal ako ng manager eh."Nakatungong sagot ko sa kanya.

"Oh? Bakit naman?"

"Nasampal ko nun kasi hinipuan nya ako." nakanguso kong sagot. Nakita ko ang pagguhit ng noo nya habang nakatingin sa akin.

"Loko yun ah." sabi nya pa.

"Okay lang. Naghanap na lang ulit ako ng trabaho kaso lang hindi pa ako natatawagan eh."

"Do you need a temporary job? I can give you here, shortage rin kami sa staff." suggest nya sa akin na ikinalliwanag naman ng mata ko lalo sa sinabi nya.

"Hala seryoso ka Mr. Kim?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nginitian nya ako sabay tango.

"Oo naman."

"Hala thank you!" sa sobrang tuwa ko ay napatalon ako sabay  yakap sa kanya. Huli ko na narealize yung ginawa ko. "S-sorry Mr. Kim." puno ng kahihiyang paumanhin ko sa nagawa ko. Maski  sya natigilan sa ginawa ko kalaunan ay napapeke  syang  ubo sabay ngiti at tawa na lang.

Awkward...

"I-it's okay..." napaiwas sya ng  tingin.

“S-salamat nga pala ulit dito. Hulog ka talaga ng langit sakin."

"No problem, Ashy."

"Pano ba yan Mr. Kim. Mauuna na ako ha? Salamat talaga ng marami." paalam ko sa kanya. Agad syang tumango sa akin sabay ngiti.

"See you tomorrow. We need to discuss about something." sabi nya pa na ikinataka ko.

"H-Ha? About san?" lutang na tanong ko sa kanya.

"It's about your job here, you forgot it already?" bahagya syang natawa sa akin. Napakamot ako ng ulo.

"O-oo nga pala."nahihiyang sabi ko na lang.

"Oh sya. See you tomorrow ok? " tumango ako bilang sagot.

"Salamat ulit Mr. Kim."

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status