Share

CHAPTER 4

NATASHA'S POINT OF VIEW

Napadilat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang alarm clock ko na tumutunog. Agad ko naman iyon pinatay at tiningnan ang oras.

3PM

Grave shift na naman dahil masyadong patok sa mga party goers na mga bata ang club ni Mr. Kim. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng makapagtrabaho ako sa kanya, nabayaran ko na rin yung renta kay Aling Bibay kaya na lessen ang problema ko. Laking tulong talaga ni Mr. Kim sa amin ni Yuri, kung hindi sa kanya ay baka wala na kaming matitirahan ngayon.  Tsaka ko naalala yung lalaki sa VVIP room nun. Hindi sya mawala sa isip ko pagkatapos ng gabi na yun. Lagi ko syang inaabangan kung kasama sya ni Nathan pero lagi naman akong bigo dahil hindi nya naman na ito nakakasama.

Ano na kaya ang ginagawa mo ngayon?

Andami kong gusto itanong sa taong yun pagktapos ng encounter namin sa isa't isa. Kung bakit nya ginawa yun dahil hindi ko talaga maitatanggi na malakas ang dating nya sa akin. Kahit hindi ko nakita ang mukha nya.

Pinilit kong alisin sya sa isipan ko at naghanda na para sa pagpasok sa trabaho. Kailangan by 4pm nandoon na ako. Pagkatapos maligo at kumain ay  dumeretso na ako palabas para magcommute  papunta sa club nang masalubong ko si Mr. Kim sa labas.

"Mr. Kim!" tawag ko sa kanya na ikinalingon nya naman at ngiti sa akin.

"Aga ah." bati nya sa akin.

"Hahaha syempre nakakahiya naman kung ma late ako." napakamot ako ng ulo.

"Anyways, I have something to tell you." seryosong sabi nya na agad kong ikinakaba. Tatanggalin nya na ba ako?

"A-ano po yun Mr. Kim?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Mr. Kim? You should just call me Kim. Para mo kong pinapatanda sa Mr eh hahahha." Bigla nyang tawa ngunit hindi nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"A-Ahh hehehe ok po. K-Kim..." nahihiyang banggit ko sa pangalan nya.

"Anyways, about sa work mo. I'll transfer you sa restobar instead  sa night club."

Bigla akong natigilan at the same time ay  nabawasan ang aking kaba na nararamdaman. So hindi nya ako tatanggalin?

"B-bakit po pala dun?" tanong ko sa kanya. Hindi sa tumatanggi ako pero ako na mismo nag insist na sa club na lang ako kesa sa restobar kasi kulang talaga sa tao dun.

"You've done your part there. That's why I'm transferring you." sagot nya pa.

"B-Bakit po pala?" paulit na tanong ko. Hindi talaga ako satisfied sa sagot nya.

"Because... I don't want you there and ok na ako sa  service mo doon. I also have my reason why I decided to transfer you." sagot nya ulit.

"A-ano rason po?" makulit na tanong ko. Paulit ulit na talaga ako pero need ko talaga ng valid reason dahil parang hindi kaya ng konsensya ko kaya binabawi ko na lang sa hardwork ang  mga utang na loob ko sa kanya.

"Do you really need to know my reason?" natatawang tanong nya na paulit ulit ko namang ikinatango. Nawala ng paunti unti ang kanyang tawa kasabay ng isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "I don't like girls working in my night club that's why." biglang seryosong sagot nya. Bubuka pa lamang ang bibig ko upang magtanong ulit nang magsalita sya ulit.

"The reason why I don't want women working there is because of those pervert customers. Hindi ko gusto na nababastos ang mga empleyado kong babae kaya doon ko sila inaassign sa restobar instead of night club. I hope you understand. Pinagbigyan lang kita sa gusto mo dahil nagpumilit ka. You're good now. Pwede ka na ulit doon sa restobar para less work lang rin sayo." mahabang paliwanag nya na ikinatikom ng bibig ko. Hindi na ako nakapagsalita pa. Ang bait talaga ni Mr. Kim. Wala na akong nakilalang lalaki na kasing gentleman nya, swerte siguro ng magiging girlfriend nito pag nagkataon.

"S-sige Mr. Kim... Salamat ng marami." sinserong sabi ko sa kanya.

"Hahaha. Ayan ka na naman sa Mr. Halos magka edad nga lang tayo." napatungo ako.

"S-sorry. Hindi na mauulit K-Kim..." unti unti nya akong nilapitan at ginulo ang buhok ko sabay ngiti sa akin.

"Oh sya. Go to your work na. Samahan mo sila Merry dun." utos nya sa akin na ikinatango ko at nagsimula na rin sya maglakad papasok sa loob ng club. Ako naman  ay dumiretso na sa RestoBar. Sinalubong ko si Merry na aligagang nagseserve ng mga orders.

"Tulungan na kita." suwestyon ko sa kanya.

"Kuha ka muna ng apron sa likod. Hindi ka pwede magserve ng nakaganyan lang. Wala ka pa ring uniform kaya mag apron ka muna. Sabihan ko  na lang si Sir Kim." sabi nya sa akin sabay kuha ng tray na may lamang soup sa island bar  at dahan dahang umalis sa harapan ko. Agad ko namang sinunod ang sinabi nya at kinuha ang apron na nakasabit papasok sa kusina at sinimulan na ang aking trabaho.

"Sa table 10 tong kare kare at cryspy pata." Tinuro sa akin ni Desmond ang tray na may dalawang serve ng pagkain. Sinunod ko naman agad yung sinabi nya at hinatid ang order ng customer sa table 10.

"Here's your order ma'am and sir."nakangiting sabi ko sa kanila. Pagkatapos ko iserve yun ay nagtuloy tuloy na ang trabaho. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras  at alas nueve na ng gabi. Magsasara na RestoBar samantalang ang kabilang night club ay tuloy tuloy pa rin ang ilaw na nagmumula sa loob.

"Kain muna tayo bago umuwi. Nagutom ako simula kaninang umaga pa ako nagseserve." reklamo ni Merry.

"Hindi ako pwede. May naluto na si Misis sa bahay eh. Kayo na lang." tanggi ni Kuya Marlon.

"Oh sige. Ikaw ba, Mon?" tanong nya kay Desmond na agad namang nag thumbs down. "Eh ikaw, Ash?" tanong nya rin sa akin na ikinatango ko dahil wala syang kasama. "Yun! Tara." aya nya sa akin. "Kayo na magsara ha. Abot nyo sa kabila yung susi ng bar." utos nya sa dalawa at agad naman silang tumango samantalang ako ay hinatak nya na palabas.

"San tayo pala kakain?" tanong nya pa.

"Ikaw ba? Wala naman kasing karinderya dito. Puro night club at  resto bar lahat ng kanto eh." sagot ko lang.

"Oo nga eh. Bili na lang tayo burger. Kakain na lang ako sa bahay late na rin kasi eh sure na wala nang mall, ano oras na eh." napatingin pa sya sa kanyang relo.

"Sige." yun na lang ang nasabi ko sabay lumabas na kami.

Nagkukwentuhan kami sa daan ni Merry nang may malakas na bumusina sa amin na sport car na agad namin ikinasigaw dahil sa gulat.

"Hoy! Loko to ah!" si Merry.

"Siraulo ata yun eh."

"May ganyan talaga dito mapantrip tsk tsk. Tara bilisan natin maglakad para makauwi na rin tayo pareho."

"Sige."

----

KINABUKASAN ay maaga akong nagising at naabutan ko si Yuri na naghahanda na sa pagpasok sa   school.

"Yuri. Papasok ka na?" tanong ko sa kanya.

"Oh ate? Aga ng gising mo ah." bungad nya sa akin.

"Oo nga eh. May baon ka na ba dyan?" tanong ko sa kanya na agad nya namang ikinatango.

"Opo. Nagluto na rin ako ng ulam mo dyan para makakain ka pagka gising mo."

"Naks bait naman ng kapatid ko. Pa kiss nga." Akmang hahalikan ko sya sa pisngi ay agad naman syang napaiwas sa akin at tiningnan ako nang may pandidirinig tingin.

"Yuck. Hahalik sa pisngi ko, amoy laway pa." puno ng arte na sabi nya na agad ko naman ikinatawa.

"Hahaha. Ang arte mo na ah." pang aasar ko sa kanya na ikinasama nya naman ng tingin sa akin.

"Kumain ka na." pag iiba nya ng usapan. Kumuha ako ng plato at kutsara sabay naupo na at nagsandok ng makakain.

"Sa sabado. Bili tayo cellphone." sabi ko sa kanya na ikinatigil nya at tingin sa akin. Kita ko ang pagliwanag ng kanyang mga mata.

"T-talaga?" pigil ang ngiti nya nung tinanong nya ako.

"Oo. Sa akin lang yun syempre." pang aasar nya sa akin na ikinasimangot nya naman bigla.

"Kala ko pa naman sakin na." mahinang salita nya na sapat upang marinig ko  kaya patago akong natawa sa pamamagitan ng pagnguya. Padabog nyang kinuha ang lunchbox nya sabay pasok yun sa bag at akmang aalis na nang magsalita ulit ako.

"Syempre sayo." nakita ko ang paglingon nya sa akin. Napatakbo naman ulit sya papasok sabay naupo sa harapan ko.

"Puro ka naman ganyan eh. Tas bibili ka, yung sayo lang." nakabusangot na sabi nya pa. Inilingan ko  lang sya at kumuha ng tubig tsaka ininom yun bago ulit magsalita.

"Sayo nga." pangungumbinsi ko pa. "Alam ko namang matagal mo na gusto magka cellphone kaya bibilhan na kita. Sumahod ako nung nakaraan at nabayaran ko na rin ng 2 months yung renta natin kay Aling Bibay. Medyo malaki rin nasahod ko kaya mabibilhan kita at maggrocery na rin tayo."

Nakita ko ang pagsilay ng kanyang ngiti at excitement sa kanyang mata.

"Talaga? Sure yan ha? Baka niloloko mo na naman ako ate." sabi nya pa na ikinailing ko lang.

"Kulit mo." nasabi ko na lang." Kukunin ko yung pinaglumaan mong de pindot. Ayoko rin naman nahihirapan ka, mahirap na nga tayo mas pinapamukha pa natin na mahirap nga talaga tayo." napapapalatak  ko pang sabi. Mas lalo syang napangiti sa sinabi ko.

"OMG! Thank you talaga ate!" nilapitan nya ako sabay niyakap nya ako ng mahigpit.

"Syempre naman. Para sayo, kapatid." niyakap ko rin sya.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status