Share

CHAPTER 1

AUTHOR'S NOTE: Hi guys! I just want to say that this story is still under construction. I am making a way to make it easier for you to read it. I hope you understand. Thank you!

CHAPTER 1- I'M DOOMED

MARIA

Hinanda ko na ang tenga ko habang nakatingin ako sa kaharap ko na mukhang sasabog na sa inis sa akin. Napangiwi ako ng hindi pa rin ito mag salita at nanatiling nakatitig sa akin. 

"Mac--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin na iyon ng sigaw nya. 

"Ano?! Ang bruha ka bat mo ginawa yun?! Nag-iisip ka ba ng tama?!" Sigaw nito sa akin kaya napangiwi ako. Kung hindi ko lang talaga bestfriend to' ay hinding hindi sya makakasigaw sa akin. Nanlalaki pa ang mga mata nito habang pinapagalitan ako. Nakapamaeywang ito habang inis na nakatingin sa akin. 

Napayuko nalang ako habang kagat-kagat ko ang labi. Nalaman kasi nito ang nangyari dahil wala naman akong tinatago sa kanyang lihim. Dalawang linggo na ang nakaraan simula ng mangyari yung kababalaghan na yun sa opisina ng sex god--este ng boss ko. Sa loob ng dalawang linggo na yun ay wala ang boss ko dahil may business trip ito sa Japan. Hindi ko alam kung sinuswerte ba ako dahil wala ito o ano.

"Hindi mo ba alam ang ginawa mo mayang?!" Sigaw pa ulit nito kaya wala sa sariling napaikot ang mga mata ko. Oo na! Ang baho ng palayaw ko! Pero at least kabaliktaran yun ng mukha ko. 

"E-eh kasi naman macoy! Panu ko Hindi isusuko ang bataan ko dun eh ang yummy nun! Sex god yun macoy!" Turan ko naman sa kanya kaya piningot ako nito. Napangiwi nalang ako dahil sa pananakit nito. 

"Aray naman! Ano ba macoy!" Saway ko dito pero nanlilisik lang ang mga mata nito. Mukha na itong tarsier na nakalabas galing bohol.

"Gaga! Wag mo akong tawaging macoy! Macey ang pangalan ko! Hindi ko kilala yan! Tsaka hindi ko alam na may tinatago ka palang landing babaita ka!" Napalabi nalang ako dahil sigaw nito. Oo na! Malandi na kung malandi. Eh ano ang magagawa ko? Puso ko na ang nagdikta sa akin eh. Mas nanaig ang nararamdaman ko kaysa ang prinsipyo ko. 

"E-eh kasi naman Macey. Panu ko matanggihan yun aber? Paglapat palang ng labi nya para na akong nagkaamnesia! Nakalimutan ko na ang lahat!" Sabi ko dito kaya napaikot ang mga mata nito.

"O sya sige na! Di naman kita masisisi! Eh sobrang yummy nga naman talaga ni Mr. Moncuedo! Pero bakla! Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mong yan ay...pwede kang mabuntis?" Iirapan ko na sana ito kung hindi lang nagsink in sakin ang huling sinabi nito. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Paano nga kung magbunga? Napahawak ako sa noo ko. Nakuuu! Maria! Maganda ka lang pero wala kang utak!

Hindi ako nakapagsalita kaya nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Mukhang sumakit din ang ulo nito dahil sa naisip. Kinagat ko ang ibabang labi at napapikit ng mariin. Masama bang sundin ang puso kahit minsan lang? Simula ng mahulog ang loob ko sa kanya ay hindi ko pinairal ang puso ko. Ngunit ng ang puso ko naman ang nagmamakaawang sundin ay ganito ang magiging kalalabasan. 

"Oh? Hindi mo naisip yun noh? Pero kahit ano pa ang mangyari mayang. Kailangan mo syang harapin." Turan nito makalipas ng ilang minuto kaya napayuko ako. Paano ko gagawin yun? Natatakot ako pag magkaharap kami ulit. Hindi pa nangyayari ang araw na iyon ay kinakabahan na ako.Pero hindi ko naman sya pwedeng iwasan dahil kahit anong mangyari ay magkita at magkikita pa rin kami dahil sekretarya nya ako. Pag umalis naman ako sa kompanya ay wala naman akong maipapadala kina nanay sa probinsya.

"Natatakot ako bakla." Mahinang nausal ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Paano nga kung nagbunga pero hindi nya naman matanggap? Paano nalang kami nito?

Lumapit naman ito sakin at hinagod ang likod ko. "Wag kang mag alala bakla. Nandito lang ako. Kung kailangan harapin ko pa ang boss mo na yan ay gagawin ko." Pag aalo nito sakin kaya napangiti nalang ako. Laking pasalamat ko dahil nandito sya sa tabi ko. Kahit papaano ay may masasandalan ako. 

Agad naman akong naghanda na at napagdesisyunang pumasok na sa trabaho. Habang papasok ako sa building ay binabati ako ng mga empleyado. Ngumiti naman ako at binati sila pabalik.

"Good morning din." Sagot ko at agad pumasok sa elevator. Pagpasok ko ay nakasabayan ko ang ibang empleyado na binabati din ako.

Napatingin nalang ako ng deretso sa harap habang papaakyat ang sinasakyan kong elevator. Hindi ko alam kung nakabalik na ba ang boss ko galing trip o ano. Ang alam ko lang na ngayon ang balik nya pero hindi ko alam kung anong oras. Siguro hindi na muna ito papasok sa opisina dahil hindi ako nito tinawagan para sunduin sya. Siguro ay uuwi muna ito para magpahinga. At ang ideyang yun naman ang ipinagpapasalamat ko. Hindi pa talaga ako handa para harapin sya. Hindi pa sa ngayon.

Nang makarating ako sa floor namin ay agad akong dumeretso sa mesa ko at sinimulan na ang trabaho. I am busy checking his schedule for tomorrow when someone called me.

"Miss Dimasali." Rinig kong tawag sakin. Napalingon naman ako sa pinanggalingan nun. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ko bago ako yumuko na tanda ng paggalang.

"Madam Aria." Bati ko. Madam aria is the mother of my dragon boss denrick moncuedo. She is in her mid's 50 but still stunning and sophisticated. Despite the wealth that she have, madam aria has this golden heart that is very opposite to my boss. It is not that my boss doesn't have that, yes, he is generous but he has an anger issues. His patience is very short and he always have this look na para bang bubuga ng apoy paggalit. Kaya nga tinatawag ko syang dragon. 

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo madam?" Tanong ko. Ngumiti naman ito bago lumapit sakin.

"Pwede bang samahan mo'ko sa pagsundo kay denrick sa airport?" Tanong nito kaya napaamang ako. Ano daw?! Tama ba ang narinig ko? Susundo? Kay denrick? Yung boss ko? O...my! Grabe nga talaga maglaro ang tadhana.

What should I do? I'm not yet ready to face him. But when? I don't know. Iniisip ko palang na magkita kami pagkatapos ng nangyari ay grabe na ang kabang nararamdaman ko. What more kung magkaharap na nga kami?

"Ah sige po madam." Tanging nausal ko kahit na sa loob-loob ko ay sobra ang pagtangging ginawa ko.Maybe I need to face him. Hindi ko naman sya pwedeng matakbuhan dahil nagtatrabaho ako sa kanya. At pag umalis naman ako ay wala naman akong maibibigay sa pamilya ko. Mahirap na at graduating na din si mia ng college. Kailangan ko lang ngayon magdoble kayud.

Ngumiti naman ito sakin bago ako hawakan sa braso at iginiya palabas ng building. Hindi naman ako nailang sa pagiging clingy nito dahil pag dumadalaw ito sa boss ko ay nakikipagkwentuhan ito sakin. Minsan mas napapatagal pa ang pag uusap namin pag nasa meeting ang boss ko at kami lang ang nasa opisina nito.

Nagtataka talaga ako kung saan namana ng dragon ang ugali nito. Eh mabait naman si madam aria tsaka mabait din si Mr. moncuedo. Kaya nga lang pagnegosyo na ang pinag uusapan ay nagiging strikto ang matandang moncuedo. Siguro dahil ito na ang buhay nila. 

Habang nasa gitna kami ng byahe ay binasag naman ni madam aria ang katahimikan. "I really liked you hija." Biglang sambit nito kaya naman nagulat ako.

"P-po?" Nauutal kong tanong. Kung pwede lang lumabas ang eyeballs ko ay baka lumabas na nga sa sobrang gulat.

Ngumiti naman ito. "I liked you for my son." Walang prenong sabi nito. Tama ba ang narinig ko? Gusto nya ako para sa anak nya? Eh di hamak na isang probinsyana lamang ako at isang sekretarya lang ng anak nya.

"Don't worry. Di ko naman ipipilit na maging kayo ng anak ko pero I'm hoping na sana maging kayo nga. Kung pwedeng mag advance eh gusto kong bigyan mo ako ng apo." What?! Nabingi na ba ako?! Apo?! As in?!

Napalunok naman ako at nahihiyang tumawa. At the moment, I can't comprehend a sentence due to her sudden confession. I just want to vanish right now. Grabe mag isip si madam Aria. Di ko mareach eh.

"P-pero sekretarya lang po ako ng anak nyo." Sabi ko habang nakayuko. I was telling the truth, but this truth also hurt me. Yan nga siguro ang kasabihan na truth hurts.

Hinawakan naman nito ang kamay ko at pinisil yun. She stared directly into my eyes and suddenly I become emotional. I was just trying so hard not to shed a tear. "Ano naman kung sekretarya ka lang? Tsaka mabait ka, matalino at higit sa lahat maganda." Saad nito kaya napangiti nalang ako. Ito talaga ang nagustuhan ko kay madam Aria eh. Sobrang honest nya. Sa sobrang honest nya gusto ko syang pugpugin ng halik. 

I wanted to laugh at myself. Siguro nga kahit na mabigat na yung pakiramdam ko ay nagagawa ko pa ring ngumiti sa mga bagay-bagay. I always look at the brighter side. But sometimes I can't help but to think negatively. Those negative thoughts will flash in my mind but after a seconds I will forget about that and start smiling again. 

"I am just his secretary po and I think yun lang din ang magiging role ko sa buhay nya. " Sabi ko at kahit pigilan ko man ay bakas ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. To ease my pain I let out a laugh. 

She let out a laugh then slightly slap my hand. "Oh com'on! I know that you have feelings for him! Don't worry I will help you." Turan pa nito kaya wala sa sariling napalunok ako. So all along she knew that I have feelings for his son?

"Ma'am nandito na po tayo." Imporma ng driver dahilan para maputol ang pinag uusapan namin. Agad kaming lumabas ni ma'am aria ng sasakyan. Bigla ay nanumbalik ang kabang nararamdaman ko kanina. I let out a long sigh then closed my eyes. This is it maria! Mag kikita na ulit kayo pagkatapos ng nangyari.

Nang maisara ko ang sasakyan ay sya namang pagtawag ni madam aria sa isang taong iniiwasan kong makita ng mga nagdaang araw. My heart started to beat faster and I keep on swallowing. I am nervous as hell! I am hoping that he forgot what happened about us. And it is not possible right? He is drunk that night so I assume that he would forget everything. 

"Son!" Sigaw nito at parang mag slow motion ang lahat. Unti-unti akong napalingon hanggang sa nakita ko itong nakayakap sa ina nito. This is it! There is no turning back. You will now face him Maria.

My gazed glued to him and I just pout while noticing that he even got more handsome. Hindi ko nga din inaasahan na may igagwapo pa pala sya. I unconsciously gulp when a memory of us in a steamy scene flashed in my head. I immediately shook my head to erase that thought. I am now becoming a pervert and it is because of him. Kasalanan nya ito. Bakit ba kasi ang pogi nito?

I was busy with my thoughts ng unti-unti ay tumingin ito sa direksyon ko kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko at napatuod ako sa kinatatayuan ko ng magtama ang mga mata namin. Kitang kita ko kung panu ito ngumisi habang nakatingin sakin. Wait! There is something in his smirk. Yung ngisi nyang iyon ay parang may laman. 

Did he remembered?--Omy! I'm doomed!!

*****

WRITTEN BY: Stringlily

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko naaalala ng boss mo yong nangyari sa inyo maria
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status