Share

Hiding the twins of a blind billionaire
Hiding the twins of a blind billionaire
Author: B.NICOLAY/Ms.Ash

Chapter 1

NAGISING si Eugene dahil sa tapik sa kaniya at naramdaman niya na mayroong nakayakap sa kaniya.

“Pftt! Lupit mo Eugene! Iniwan lang kita tapos may kasama ka ng babae?!”

Dahil sa sinabi ni Mason ay natauhan siya at naalala ang mga nangyari.

"Tsk."

Tanging sabi niya at dali-daling inalis ang kamay ng babae sa kaniyang tiyan at bumangon. Dahil sa ginawa niya ay napabaling ang babae sa kabilang parte at niyakap ang unan doon.

“Grabe ang harsh,” tawang sabi ni Mason at hinagis sa kaibigan ang damit nito.

Inintay niya na matapos sa pagbibihis ang kaibigan ng maisipan niyang lapitan ang babae at tignan ang muka nito.

“Don’t you dare go near her!” mahina ngunit may diing malamig na sabi nito.

Napataas naman ang kamay ni Mason dahil doon at natawa.

“Grabe talaga talas ng pandinig mo Eugene! Titignan ko lang si chika babes mo e! Magkano bayad mo? Baka pwede 'rin—ouch!”

Napadaing si Mason ng batuhin siya ni Eugene ng telephone na nakuha niya sa isang tabi na ikinatanggal nito sa saksak.

“Aray! Masakit Eugene! Bakit naman telephone pa!”

“Shut up and we will leave,” malamig na sabi nito at nag-iwan ng pera sa lamesa na nakapa niya sa kaniyang tabi.

Kahit na hindi siya nakakakita ay matalas ang pandinig niya’t kaya niyang malaman ang kinalalagyan ng kaharap kung magsasalita ito.

“Ganon nalang ‘yun? Dimo aalamin kung sino siya? Himala kaya ito Eugene, siya ang unang babaeng dinikitan mo bukod kay—” hindi natuloy ni Mason ang sasabihin niya ng ma-corner siya ni Eugene gamit ang kaniyang white cane.

“Ackk! E-egune biro lang!” hirap na sabi ni Mason.

“How dare you trying to say her name! Do not ever make fun of her!”

Hinihingal si Mason dahil sa pagkakasakal matapos umalis ni Eugene sa harap niya at nauna nang maglakad sa kaniya.

Napailing nalang siya at sumunod sa kaibigan.

Samantalang sa loob ng silid, nagising si Irene at sumalubong sa kaniya ang hindi familiar na lugar. Agad siyang nakaramdam ng pagkasakit ng kaniyang ulo at hilo dahil sa pag-inom niya kagabi.

Muli ay naalala niya ang nangyari kung kaya bigla nalang siyang naiyak ngunit sa pag-iyak niya na ‘yun ay napansin niya na wala siyang suot na damit.

Napatigil siya sa pag-iyak at napatingin sa kaniyang katawan at kahit isa ay wala siyang suot na damit! Kitang-kita niya ‘din ang kulay pulang bilog-bilog sa kaniyang buong katawan lalo na sa kaniyang dibdib.

Agad na nakaramdam ng kaba si Irene at ng sinubukan niyang kumilos ay nahirapan siya dahil sa sakit ng kaniyang pagkababae.

Confirm.

May nangyari nga sa kaniya kagabi at hindi niya manlang maalala kung sino o anong nangyari. Basta ang huling naaalala niya ay pasuray-suray siya sa daanan papunta sa kwartong ito.

“Ano ba namang kamalasan ‘to! Nawalan na nga ng ari-arian pati pagkababae ko nawala pa!” inis na sabi niya sa sarili at sinabunutan pa ang kaniyang buhok.

Napahinto lang siya sa pag-eemote ng makita niyang mayroong pera sa table na nasa gilid ng higaan.

Nanlaki ang mata niya at dali-daling lumapit doon.

“Anong tingin niya saakin bayarang babae?!”

Galit na sabi ni Irene at dali-dali ng tumayo upang magbihis at umalis.

Iniwan niya ang pera doon ng may sama ng loob sa lalaking nakasama niya, kahit hindi niya ito maalala ay alam na niyang masama ang ugali nito.

Ngunit hindi pa siya nakaka-labas ng bar ng pigilan siya ng mga staff.

“Ma’am, wala pang bayad ang unit,”

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito at maya-maya ay napairap nalamang.

At talagang iniwanan pa siya ng bayarin ng lalaki!

“May pera doon, ‘yun ang bayad!” pagkasabi niya niyon ay umalis na siya agad doon ngunit napahinto siya bago pumara ng taxi.

“Teka, hindi kaya bayad ‘yun sa unit hindi saakin?” takang tanong niya sa sarili kung kaya agad naman siyang umiling at pumara na ng sasakyan.

Hindi niya kilala ang lalaki at malamang hindi ‘rin siya kilala, o kung oo man malamang wala itong pakialam sa kaniya dahil iniwan nga siya nito kaya dapat lang na ‘wag na niya itong pansinin.

Napasandal nalamang siya sa kaniyang kinauupuan at napapikit ng sunod-sunod na bumalik sa kaniya ang nangyari kagabi.

---

KAHAPON ang kaniyang 18th birthday at buong akala niya kapag tumuntong na siya sa kaniyang tamang edad ay makukuha na niya ang dapat na sa kaniya naman talaga.

Dalawang taon na ang nakakalipas magmula ng mamatay ang mga magulang niya sa isang car accident at dahil wala siyang ibang pamilya kundi ang kapatid ng daddy niya na si Oleander Legazpi siya ang naging legal guardian niya.

Akala niya Maganda ang intensyon ng mga ito sa kaniya dahil noong panahon na ibinuburol ang mga magulang niya ay ang bait ng mga ito sa kaniya lalo na ang pinsan niya na si Hannah, kasing edad niya lang kasi ito.

Ngunit lahat ng iyon ay natapos nang lumipat ang mga ito sa bahay nila.

Doon na nagsimulang mag hari-harian ang mga ito at siya ang palaging inuutos-utusan. Pati ang kanilang mga ari-arian ay inangkin ng mga ito, lahat ng negosyo nila.

Pagkarating niya sa hotel na usapan nila ng kanilang attorney nagulat siya ng mayroong sumipa sa likod ng tuhod niya na siyang ikinaluhod niya at doon ay nakita niya ang kaniyang tiyo na mayroong baril na nakatutok sa kaniya.

Hindi lang iyon, pati ang kaniyang tiya ay may kasamang tatlong lalaki at nakatutok ang baril nila sa tatlo nilang attorney.

Takot na takot siya pero pinilit niyang manlaban, nahampas ang ulo niya sa babasagin na lamesa at nahampas pa iyon ng baril kung kaya dumugo.

Ang naiisip nalang niyang paraan ay ang huwang pumirma sa kasulatang nagsasabing inililipat niya ang ari-arian sa kaniyang tiyo. Ngunit tuso ang mga ito dahil ginamit nila ang finger print niya at doon na siyang walang nagawa.

“Subukan mong magsumbong o ‘di kaya kalabanin kami, magiging malamig na bangkay ka katulad ng magulang mo!”

Naiwan siyang luhaan at hingi ng hingi ng tawad ang mga attorney nila sa kaniya.

Pinagamot siya ng mga ito sa ospital pero tumakas siya at dumeretsyo sa bar.

Doon siya nagpakalasing at wala na siyang maalala matapos niyang tumayo para sumayaw sa dance floor.

---

AGAD niyang pinahid ang mga luha na tumutulo sa kaniyang pisnge.

Hindi na niya alam ang susunod pa na gagawin, naisip niya na kung sana naniwala nalang siya sa kaibigan na si Kayla edi sana walang mangyayari na ganoon.

Pinigilan kasi siya nito bago siya makapunta sa hotel pero nagpumilit siya. Hindi ‘rin sana mawawala ang pagkababae niya kung hindi siya nagpakalasing.

Literal na inis na inis siya sa sarili at sa kaniyang mga kamalasan.

Napahinto siya sa pagsabunot sa sarili ng mapansin nagtatakang napatingin ang driver sa kaniya. Inayos naman niya ang sarili at sumeryoso nalamang at napabuntong hininga.

Pagkarating niya sa kanilang bahay ay nagulat siya ng makitang hinahagis ng tita niya ang mga damit niya mula sa second floor.

“Tita! Ano pong ginagawa niyo?!” sigaw niya na pumalibot sa buong bahay.

“Mabuti at dumating ka na! Ngayon na kami na ang may-ari nito at alam namin na wala kang titirahan ay mag-ooffer pa kami ng trabaho sa’yo bilang maid namin! Ngayon, sino ang masamang tiya na sinasabi mo?!”

Napakuyom ng kamao si Irene dahil sa sinabing iyon ng tita niya ngunit wala siyang magagawa para manlaban.

Kapag nilabanan niya ito ay maaaring totohanin nito ang sinabi nilang papatvyin siya.

Mabigat ang loob na lumapit siya sa ilang katulong nila na pinupulot ang kaniyang mga gamit.

Ang tingin ng mga ito ay naaawa, noon pa man ng dumating ang tiyo niya ay hindi na natahimik ang buhay niya at puro awa nalang ang nakikita niya sa muka ng kanilang mga katulong.

“Sumosobra na kayo ma’am! Si Ms. Irene ang siyang may-ari nitong bahay!”

Nanlaki ang mata ni Irene ng magsalita ang isa sa katulong nila na si Eva. Mas matanda ito sa kaniya ng pitong taon at mayroon ng asawa’t anak. Dali-dali niya namang hinila ang kamay nito kaya napatingin ito sa kaniya’t inilingan niya ito.

“Anong sinabi mo?!” napatingin si Irene sa tita niya dahil doon.

“Wala po tita! Lilipat nalang ako sa maids’ quarter,” labas sa ilong na sabi ni Irene.

“Good! Pero ma’am na ang itawag mo saakin ngayon dahil katulong ka nalang Irene tandaan mo ‘yan!”

Napabuntong hininga siya ng umalis na ito at inasikaso nalang ang kaniyang mga gamit. Hindi nalang muna niya pinansin ang mga tingin ng kasambahay nila at hinatid siya nila sa maid’s quarter.

Apat na katao sa isang maids’ room at sa kabila ay ganoon ‘din. Double deck ‘din ang kanilang higaan at sa baba ang kaniya.

Ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari at nagalit sila tulad ng inaasahan niya lalo na si Eva.

Close niya lahat ng maids nila kaya trinatrato siya ng mabuti ng mga ito kahit na ngayon ay maid nalang siya.

Sa takot na madamay ang mga ito ay sinabihan niya sila na ‘wag ng pansinin ang mga ito.

“Nasaan ‘yang Irene na ‘yan?!”

Napatingin si Irene sa pinto ng biglang bumukas iyon at galit na Hannah ang nabungaran niya.

Napatayo siya dahil doon pero agad ‘din siyang sinabunutan ng pinsan na ikinareklamo niya sa sakit.

“Napaka mag-aagaw mo talaga! Akala mo ba hindi ko na kita ang ginawa mo kagabi?! Pumasok ka sa kwarto niya at may ginawa kayong kababalaghan! Tandaan mo ito Irene! Saakin lang siya! Saakin!”

Sinusubukan itong pigilan ng maid nila ngunit tinulak lang ‘din sila ni Hannah.

Nakasalampak na si Irene ngayon sa sahig at gulo-gulo na ang buhok.

Hindi nakontento si Hannah at sinipa pa siya nito sa tagiliran bago tuluyang umalis.

“M-ms. Irene! Ayos ka lang po ba?!”

“Napakasama talaga ng pinsan mo!”

“Hindi na naawa sa’yo! Kinuha na nga lahat ng meron ka ang sama pa ng trato sa’yo mag-ina nga sila!”

Narinig niya ang mga reklamo ng mga ito habang siya ay hindi nalang iyon pinansin at inisip ang sinabi ni Hannah.

Sigurado siya na ang tinutukoy nito ay ‘yung lalaking nakasama niya kagabi ngunit kahit nga siya ay hindi maalala ito tapos si Hannah galit na galit.

Kung kay Hannah ang lalaki edi sana kilala na niya ito noon pa at dinala na nito ang lalaki sa bahay, ngunit napangiwi siya ng maalalang wala siyang ideya kung sino ang lalaki dahil lasing na lasing siya.

‘Ano bang gulo ang pinasukan ko?’

Nanghihina niyang sabi sa sarili at nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

***

“WHAT do you mean by that Mason?” malamig na sabi ni Eugene sa kaibigan ng marinig ang sinabi nito.

Napalunok naman si Mason at tumingin kay Roger upang manghingi ng tulong ngunit nag-iwas lang ito ng tingin na ikinalaki ng mata niya. ‘Traydor ka kuya Roger!’ sigaw niya sa kaniyang isipan.

“I don't like waiting Mason,” natauhan siya sa muling sinabi ng kaibigan at napatayo ng maayos.

Kahit na kaibigan niya ito sa lumipas na mga taon ay hindi niya pa ‘ring maiwasan na matakot dito lalo na kapag seryoso ito.

“A-ah ano kasi Eugene, sabi ng mga nagtatrabaho sa Bar nawala ‘daw ‘yung list ng mga nag rent sa unit—”

“Do you think I can accept that lame reason of yours?!”

Napapitlag siyang muli ng sumigaw si Eugene. Hindi manlang nga niya natapos ang paliwanag dito.

“E-eugene naman! I did try my best—”

“It is not your best,” putol nito muling sabi na ikinatigil ni Mason. “Right? How come you are rank next to me if you cannot find her? It is just a girl form the bar seriously?”

Napakuyom ng kamao si Mason dahil sa dinugtong nito.

“Bakit mo ba pinapahanap saakin ang babaeng iyon Eugene?! ‘Wag mong sabihin na nahulog ka sa kaniya dahil sa one-night-stand na ‘yon?!” buong lakas loob niya na tanong dito.

Bigla nalamang tumayo si Eugene habang nakakuyom ang kamao at agad namang kumilos si Roger at tinutukan ng kuts!lyo sa leeg si Mason.

Nanlaki ang mata ni Mason dahil doon, minsan na niyang nakita ang ganoong ginagawa ni Roger sa kanilang tauhan na pumalpak.

Ngayon alam na niya ang pakiramdam ng mga ito.

Si Eugene ay bulag, wala siyang paningin simula nang mangyari ang aksidente na iyon.

Si Roger, ang kanilang butler na ngayon ay kanang kamay na niya ang siyang nagiging mata niya. Kabisadong-kabisado na ni Roger ang dapat gawin sa ganoong mga sitwasyon kaya ng makita niyang tumayo si Eugene habang nakakuyom ang kamao ay agad siyang kumilos at inambahan ng kuts!lyo si Mason.

“Gusto mo bang ipaputol ko ‘yang dila mo Mason?” diin na sabi ni Eugene.

Kapag si Eugene na ang purong nagtatagalog ibig sabihin ay galit na galit ito. Kaya hindi na maiwasan ni Mason na manginig sa sobrang takot.

“E-eugene, joke lang! Sabi ko nga hahanapin ko na siya! Sisiguraduhin kong makikita ko siya!”

Dali-daling tumakbo palabas si Mason pagkasabi niya niyon.

“Do you want me to find her, Eugene?” harap na tanong ni Roger sa lalaki ng mawala sa paningin si Mason.

Alam niya na pinagbabantaan lang ni Eugene ang kaibigan para gawin nito ang lahat ng kaniyang makakaya.

Kilala niya si Mason bilang pinakang magaling na tracker sa kanilang grupo kaya impusible na hindi nito mahanap ang pinapahanap ni Eugene.

Dalawa lang ang dahilan kung bakit nito nasabi na hindi niya makita ang babae; una tinatamad siya, pangalawa inaasar nito ang kaibigan na si Eugene.

Alam nila pareho ni Mason na hindi ugali ni Eugene na magbigay ng atensyon sa mga babae lalo na’t alam nila kung sino ang nasa puso pa ‘rin ng lalaki hanggang ngayon. Pero simula nang mangyari ang one-night na iyon ay tingin nila magbabago na ito.

Hindi maiwasan ni Roger na mapangiti sa isipin na iyon.

“I know what you are thinking,” ngunit nawala iyon ng biglang magsalita ang alaga niya.

“I just want to find her and talk to her, that’s it.” Pero bumalik iyon ng idugtong nito ang bagay na iyon.

“Okay, sabi mo e,” pinipigilan niyang tumawa dahil baka mainis sa kaniya ang lalaki.

Matagal na siyang naninilbihan sa mga Alvarez. Nasas edad 25 palang siya ng una siyang pumasok sa mansion ng mga ito hanggang siya ay maging official na butler dahil sa taglay niyang galing sa pakikipaglaban.

Ngunit nangyari ang trahedya na hindi nila inaasahan, doon nagsimulang magbago si Eugene.

Hindi niya masisisi ito, si Eugene nalang ang naiwan matapos ang masalimuot na pangyayaring iyon.

“Enough for that, we have a meeting, right? Lead the way,” tayong sabi ni Eugene at inilabas ang kaniyang white cane.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Gresil Claves Salas
update po please I really like this story
goodnovel comment avatar
D Fernandez
How do you get this book in English form???
goodnovel comment avatar
Tria 0911
thank you po Author ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status