Share

Kabanata 5

Nagising ako sa cellphone kong paulit-ulit na nag-riring. Inabot ko ito at saka tinignan kung sino ang tumatawag. Si Nica lang pala. Tinignan ko rin kung anong oras na, kaka alas syete pa lang ah. Bat ang aga naman napatawag nito.

[“Hello? Bakit?”] tanong ko agad.

[“Good morning our Vivi, open up. We're here!”] sabi niya in an energetic way. 

[“Huh? Anong we're he--”] tuluyan akong nagising nang na realize ko ang sinabi ni Nica. Napahikab pa ako habang sumisilip sa bintana, baka nag prank lang to. Pero nakita ko sasakyan ni Lee na nakaparada sa labas ng gate. 

[“Anong ginagawa niyo dito? Ang aga pa ha!”] tanong ko.

[“Nothing. We just wanna see you. Come on hurry up”] sabi niya sa akin. Nakita ko si Lee na humihikab. Mukhang napuyat pa ata to kagabi sa birthday niya. Duda ako plano to ni Nica. Nakita ko rin si Belle na natutulog pa lang sa front seat since open naman kasi yung bintana. 

Pumasok muna ako sa cr at saka nag hilamos ng mukha. Dumiretso ako sa labas upang pagbuksan sila at papasukin dahil mukhang uulan ata, maitim itim kasi ang ulap. Pagbukas ko ng gate agad namang tumakbo si Nica papalapit sa akin at saka yumakap. Nakita ko naman mukha ni Lee na nakakunot.

“Bakla ka ang tagal mong sumagot” sabi niya at saka umirap sa akin. 

“Pasensya napasarap tulog ko. Ipasok mo saksakyan mo may space pa ako dito” sabi ko sa kanya. Agad niya rin naman itong pinaandar at ipinasok sa loob ng gate.

Pagpasok namin sa loob ng bahay, dumiretso si Lee sa isang couch na nasa sala upang humiga. Si Belle naman sa lounge kung saan malapit sa study corner ko. Mukhang puyat na puyat ata talaga ang mga ito. Napailing nalang kami ni Nica. Dumiretso kaming dalawa sa kusina upang maghanda ng makakain. Nagluto ako ng sunny side-up na egg, tocino at saka hotdog. Nagpa boil din ako ng tubig upang may gagamitin for coffee. Habang nag a-arrange sa mesa biglang nagtanong si Nica.

“Hey! I noticed ikaw lang mag-isa? Where's Laila?” she asked.

“Ah si Laila ba? Ayon umuwi ng Cebu. Nagkasakit daw kasi si Nanay Tes, alam mo naman na siya nalang natitirang pamilya ni Laila.” Nagulat naman siya ng malaman iyon. 

“What? Nanay Tes was sick? Kailan pa?”

“Ewan. Basta kahapon lang umalis si Laila”

“Omg!” she exclaimed

Kitang-kita sa mukha niya ang pag-alala. Parang pamilya na rin kasi sa amin si Laila. We treat her as our small sister na. Except nalang siguro kay Lee, ewan ko ha pero di sila close. Lee has always ignored Laila and so Laila too. Ganon lang talaga siguro, there is always a person in the world wherein you can't force yourself to be friends with. 

Hindi pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi pwede. 

Pero ano bang hindi pwede sa pagkakaibigan? Nakakaloka lang kasi. Kapag nagkakasama kami dito sa bahay o di kaya pag pumupunta sila Nica dito sa bahay, hindi nag papansinan ang dalawa. Nakakapanlumo kasi the both of them are my closest friends na tinuring ko ng pamilya pero hindi nagkakasundo. Wala naman ako sa lugar para pilitin sila na maging mag-kaibigan so as long as they don't hurt each other, hindi nalang din kami nakikisaw-saw. Basta ang alam ko lang ha, magkakilala sila talaga noon pero hanggang don lang ata. Pero lately mukhang okay okay na sila. They do talk to each other kahit na napaka konti lang ng pag-uusap. Tinanong ko nga si Laila kahapon kung sasama ba siya sa akin sa birthday ni Lee pero hindi naman siya sumama. Siguro schedule schedule lang kung kailan sila magbabati at kung kailan sila hindi magpapansinan. Haha Lol

Ah basta ewan ko sa dalawang yan.

“I hope Nanay Tes is okay” dagdag pa ni Nica habang kinakagat ang kuko.

“Tigilan mo nga yan Nica, kumain ka dito huwag kuko ang kainin mo. It's not healthy.” pagbibiro ko habang inaayos ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Napa pout naman siya sa akin. Nag timpla rin ako ng kape para sa akin. Nag-lagay ako ng tubig sa mesa kasi madali lang mabubulunan si Belle. Nilagay ko rin ang lalagyan ng tea at powdered milk upang si Lee na ang mag timpla para sa kaniyang sarili, pa iba-iba kasi taste ni Lee. Naglagay na rin ako ng mga tasa at saka baso. Nagtimpla na rin si Nica ng kape. Matapos kong maihanda lahat, nagpunta ako ng sala upang gisingin ang dalawang natutulog. Mga isang oras din ang aking pagluluto dahil alas otso na ng umaga. 

“Hoy Renato gumising ka dyan, kumain na tayo!” sabi ko kay Lee at saka tinapik siya sa buhok. Dumiretso rin ako sa study corner kung saan natutulog si Belle sa lounge. 

“Hoy Maribelle Fluerdeliza kumain na tayo” sigaw ko kay Belle habang mahinang niyugyog. Bumangon naman siya habang nakakunot ang mukhang nakaharap sa akin. Hindi niya talaga bet ang name niyang baduy daw haha. Dumiretso na lang siyang naglakad papuntang dining pero huminto muna siya sa couch kung saan natutulog si Lee at saka hinampas ang pwet nito.

“Hoy Renato Boy Lee” gising na! 

Napatawa pa ng malakas si Belle dahil sa pagtawag niya sa full name ni Lee. Agad namang bumangon si Lee at saka hinabol si Belle na mabilis ng tumakbo papuntang dining. Narinig ko pa ang tawa ni Belle mula sa kusina. Napailing na lang ako at tumawa.

Kahit kailan talaga ang mga ito.

Sino bang hindi matatawa sa mga pangalan nila. Si Lee ay half Chinese, half Filipino kaya made in China and Philippines din pangalan niya. Habang si Belle naman, Mama niya ay Filipina at Daddy niya ay French kaya may fusion ng name hahaha. Silang dalawa talaga laging nagbibiruan sa mga pangalan. Pero mas natatawa talaga ako sa name ni Belle. Maribelle Fleurdeliza, since sikat siya bilang isang architect, Belle Fleur ang pagkakilala ng mga tao sa kanya. Halata talagang may fusion eh haha. Buti pa nga sa kanya may Belle Fleur. Kay Lee nga Renato Boy lang haha lol. 

Aside sa family, kami lang naman ang nakaka-alam sa totoo nilang pangalan. Kontra talaga sila sa pangalan nilang dalawa kaya kahit nasa field sila nag ta-trabaho kung saan maraming sikat na tao at expose din sila sa public, hindi nila pina-paalam real name nila. 

Nakakapanghina daw ng loob, para dawng pinaglaruan sila ng mga magulang nila eh ang ganda nga ng pagka fusion eh. 

Naiinggit daw sila sa akin dahil ang ganda daw ng pangalan ko at may malalim pa na meaning.

Victoria Violet

May malalim nga na meaning, di naman na a-apply sa sarili. Kalokohan

Nagpunta ako sa kusina at umupo sa tabi ni Lee upang kumain. Dahan dahan ko ring ininom ang kapeng tinimpla ko kanina kasi mainit-init pa ito. Kumuha ako ng egg at fried rice. 

“Hoy bakla ka di mo naman sinabing close kayo ni Manuel” biglaang sabi ni Lee sabay hampas sa akin. Nabilaukan ako sa sinabi niya. 

Close? sinong close? kami?

Kailan pa kami naging close?

“Anong close? Kahapon nga lang kami nagkakilala” depensa ko. Pinaliit niya naman mata niya kahit sobrang liit na nito, halatang nagdududa sa akin.

“Sus, 'wag ako Victoria Violet Aries. Nakita ko name mo na naka reply sa isang post ni Kian kung saan naka tagged si Manuel.” waw ha full name ko yon.

Ayaw ko namang sabihin na hindi ko sinasadya ang pag reply sa comment ni Manuel. Halata naman kasing hindi ito maniniwala. 

“I was just stating my opinion at isa pa di kami close no.” sabi ko nalang. 

Napatingin silang lahat sa akin. Napahinto sa pagkain si Lee at naka nganga ang bibig na nakatitig sa akin na para bang may nasabi akong masama. 

“Wow ha! You were 'just?' stating your opinion kahit di kayo close?” pagpaulit niya sa sinabi ko na nakadiin pa ang word na JUST. “Pero bakit ni replayan ka niya? As far I can remember, Manuel is the type of guy who is snub. Especially if di kayo CLOSE.” dagdag niya pa na nakadiin rin ang salitang close. 

Napairap na lang ako sa kanya

“Sabi ngang kahapon ko lang 'yon nakilala eh. Baka type ako nun kaya nag reply?” sabi ko habang nakangiwi. 

Napatawa nalang si Lee habang pumapalakpak, mukhang proud na proud sa akin. Napailing nalang sina Belle at Nica habang natatawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status