Share

Kabanata 4

Nagulat ako dahil sa lakas na pag-sarado ng pinto. Muntik ng mahulog ang painting na naka sabit sa dingding dahil sa lakas ng impact. Nanginginig akong naglakad papunta sa sala habang hawak hawak ang pisngi kong namamaga dahil sa sampal. 

Pagdating ko sa sala ay dahan-dahan akong umupo sa couch habang tumutulo ang luha. Sinuntok niya ang pader at saka lumapit sa akin. Galit na galit siya na para bang kaya niya akong patayin sa anumang oras. Nanlilisik sa galit ang kaniyang mga mata at saka ako marahas na ipinatayo upang sakalin. Nagulat ako sa kaniyang ginawa. Napahawak ako sa kamay niya na nasa aking leeg.

“P-Please s-stop” pautal-utal kong pagmamakaawa sa kanya. Ngunit imbes na bitawan niya ako ay mas hinigitan niya pa ang pagsakal sa akin. Nawawalan na ako ng hangin kaya binitawan niya ako. 

Napa ubo ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa sakit. Tumayo ako ngunit agad niya rin naman akong sinuntok dahilan ng pagka dapa ko sa sahig. Nalalasahan ko ang pagdurugo ng aking labi. Nakita ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin na nasa aking harapan. Ang gulo na ng aking buhok, may mga sugat at pasa na rin ako sa iba't-ibang bahagi ng aking mukha.

“Bakit ba ako humantong sa ganitong buhay?” tanong ko nalang sa aking sarili.

Siguro ang sama kong tao noon sa una kong buhay kaya karma ko na ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Ang sakit sakit lang sa puso at isipan. Matalino akong tao eh, lahat ng problema ko noon naso-solosyunan ko kaagad pero bakit? Bakit ngayon, kahit isang pag-iisip lang sa kung paano ako makakalabas sa aking paghihirap ay nanghihina ako agad. Hindi ko kayang isipin. Natatakot ako. Di ko talaga alam kung bakit ako humantong sa ganito. Sa kung para saan pa ang diplomang aking nakuha sa isang prestihiyosong unibersidad kung bobo naman akong humarap sa mga problema ko sa buhay?

I was good at decision making pero bakit ngayon hindi ako makakapag desisyon agad? I was against to any violence pero ngayon bakit parang handa akong saluhin lahat ng mga pang-aabuso na nagmula sa kanyang mga kamay? 

How ironic it is, I was once an advocate who firmly fought against violence. I help those people who were in need to serve their rights for the truth and justice but I cannot even help myself when the world was starting to turn it's cruelty against me. 

Nakakatawa talaga ang buhay. 

Napasigaw ako sa sakit dahil bigla niya akong sinipa sa tiyan.

“Ahhhhh” napaiyak ako at hinawakan ang aking tiyan. Aray ang sakit ng puson ko. Dahan-dahan kong kinalma ang aking sarili at umupo ng maayos. Huminga ako ng malalim ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Kinakabahan ako, hindi ko kayang tanggapin kung may mangyaring masama–

Nangingig ang aking kalamnan nang bigla kong nahawakan ang dugo na dumadaloy. Nagulat ako, di ko matanggap. Ayaw kong tanggapin..

Nataranta ako bigla pero mas nangingibabaw sa akin ang takot. Napatakip ako sa aking bibig at saka humahagulhol sa pag-iyak. 

Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Nag alarm pala ako ng isang oras kasi alam kong makakatulog ako habang nakababad sa bath tub. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit. Na realize ko rin na may luha pala sa aking mga mata, kaya inabot ko ang tissue at pinunasan ko ito. Naalala ko na nananaginip pala ako. Umahon ako sa bath tub at dumiretsong nagpunta sa closet upang magbihis. Nag-aayos ako sa aking sarili at nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ng aking cabinet. 

Ngumiti ako at nag-sabing...

“Thank you for being strong”

Nagpunta ako sa kama at saka lumubog. Nakapikit ako mga 30 minutes ang nakalipas nang biglang tumunog cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng drawer. Inabot ko ito at saka tinignan. May notifications ako sa F******k. Si Lee lang pala nag mention sa akin sa isang shared post. Pag open ko nabasa ko ang pangalan ng isang lalaki.

“Kian Nikolai...” 

Ah ito ba sinasabi ni Lee? Siya rin yung nakita ko kanina sa mga shared post ng kababaihan. Kaya pala tuwang-tuwa ang bakla. 

Pero bakit parang may issue ata to? I click the link upang malaman kung bakit ba nag mentioned sa akin si Lee.

“Kian Jean Nikolai Dion, The Owner of Jeán Companies and Alexander Mason who owns the Xander Islands were causing ruckus in a Bar in Makati City last Tuesday...”

Nagulat ako sa aking nabasa. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa gulat. 

Ang gulo ng comment sections. Binasa ko ang iba, nagulat naman ako sa mga pinagsasabi nila. Kinakabahan ako nang makita ko ang mukha niya. I calm myself.

“Bakit sila nag-away? Siguro dahil sa babae”

“May pasa na nga ang gwapo pa rin ni Alexander myluvs”

“Sure ako babae ang pinag-aawayan ng mga ito”

“Ang swerte naman ni girl”

“Pag marami talagang pera walang pake kung magasgasan mukha nila kasi may pambayad naman para pang opera”

Napangiwi ako. Ano ba pinagsasabe ng mga nilalang na ito. Obviously hindi naman babae ang pinag-aawayan. Napatawa at naawa nalang ako sa mga nag fa-fantasize kay Alexander.

So who is Kian? Nagpunta ako ng i*******m at nag stalk. Na realized ko rin na matagal na pala siyang naka follow sa akin. Wow ha, iba talaga beauty mo Violet.

Nag follow back din ako kasi naka private account siya. Nung na accept, stalker ang peg ko. May nakita akong isang post kung saan grupo ng mga kalalakihan ang may hawak ng bote ng beer. May nakita rin akong isang familiar na lalaki. Si Mr. May Sayad.

Oo, si Manuelito Villacura.

Magbarkada ata sila. 

May mga comments ng mga sikat na model. Especially girls.

@CharlotteMagazines “Handsomes!”

@nesiemollie “Manuel marry me please”

Nakita ko naman kung sino ang nag reply sa comment na 'marry me please'

@ManuelVillacura replied to @nesiemollie “No. I am not into marriage”

Siguro gusto niya lang maraming babae habang buhay. Babaero siguro to. Char tumahimik ka Violet, stop judging someone. Pero baka wala pa siyang nakitang the one niya or di kaya di niya bet ang mga ito. Tsk

“As if naman may papatol sa 'yo.”

Nagulat ako dahil na type ko pala yon at saka na reply. Hala gago!

@ManuelVillacura replied to @VictoriaViolet “You and your mouth”

Nagulat ako sa reply niya. What? Ako papatol? Anong 'you and your mouth?' 

@VictoriaViolet replied to @ManuelVillacura "What?"

@ManuelVillacura replied to @VictoriaViolet “I said you and your mouth is rude. Stop thinking anything else” may emoticon pa na tumatawa. 

Agad namang tumaas ang dugo ko sa ulo. Ano bang pinaggagawa ng lalaking ito at bakit parang halos lahat nalang ng bagay na kaugnay sa kanya ay naiinis ako. 

Gegeh talo ako dun. Marami namang nag like sa reply ko at reply niya. Buti nalang din naka private account ako di nila ako basta-bastang ma stalk. Alam ko na kasi anong kasunod, I am not assuming anything ha pero ganon lang kasi talaga ang mga tao noh. Especially if sikat ka, like this may sayad sa utak na guy, marami talagang makikialam sa buhay mo. Kahit pa sa simpleng pag reply at pag comment mo sa isang tao na katulad ko na hindi naman famous. 

Ay no, I'm a famous chef. Duh

Charot. Pag design at pag bake lang ng cakes ang kaya ng powers ko.

Nag exit nalang ako ng i*******m at saka natulog kasi marami pa akong gagawin bukas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status