Share

Kabanata 3

Gusto ko na lumaki ang aking mga anak sa isang bahay kung saan matatawag nilang tunay na tahanan. Kung saan, kahit gaano man kalupit ang mundo sa kanila, gaano man kabigat ang kanilang pinag-dadaanan sa buhay ay sa aming tahanan parin sila uuwi na may kasiguraduhang sila ay tatanggapin ng buo na magbibigay din sa kanila ng tunay na kaligtasan at pagmamahal.

Kung may tao mang darating at kung may tao mang mag mamahal sa akin, nawa ay pagpalain siya ng Dyos at basbasan ang kaniyang buong kata-una. Lalo na ang kanyang kaluluwa, puso at isipan.

'Hoy bakla diyan ka lang ha, kuha lang ako ng maiinom natin' pagpa-alam niya sa akin

Tumango na lamang ako sa kanya. 

Sigurado ako ang dadalhin non ay beer at coke lang. Beer kasi siya iinom at sa coke naman ako. Ayoko kasing umiinom kasi may mga masasamang memories ako sa alak na ayoko ng matandaan pa. 

Sa pag hihintay ko kay Lee ay biglang tumunog ang cellphone ko. Si Laila ay tumatawag.

[Hello? Ate sorry po kung nadisturbo kita pero importante lang po kasi talaga] randam ko ang kaba ni Laila dahil sa kanyang boses.

[Bakit? May problema ba? Anong nangyari?] Tanong ko sa kanya.

[Uuwi po muna ako ng Cebu ate. Si Nanay po kasi ay nagkasakit. Natatakot po ako ate kaya gusto ko po muna siyang samahan] dagdag niya pa.

[Hala, sige okay lang. Huwag mo na problemahin mga trabaho natin sa cake. Umuwi ka na dae] sabi ko

[Maraming salamat po talaga ate, sige po ibababa ko na po] Binaba na niya ang tawag. 

Nag-alala tuloy ako kay Laila. Mama niya na lang kasi ang natitirang pamilya niya sa buhay. 

Agad naman ako nag open ng mobile bank at pinadalhan siya ng pera. Alam kong di yon manghihingi sa akin ng tulong kasi mahihiya iyon. Kaya ako na ang nagkusa

Nag send na rin ako sa kanya ng message na advance yon sa sweldo niya para di na niya ibalik pa sa akin ang pera.

Pagbalik ni Lee nakita niya mukha ko na alalang-alala kaya tinanong niya ako kung anong nangyari. Nagulat siya nang malaman niya ang nangyari.

Matagal niya pang na sink in sa kanyan utak ang bad news kaya di pa rin siya maka get over. 

Nagtataka tuloy ako sa kanya kung kilala niya ba si Laila.

"Kilala mo ba si Laila? Bat kung makapag react ka jan parang magkakilala kayo matagal na?" tanong ko.

Natauhan naman siya.

"H-Huh? Hindi. Kasi di ba si Laila lang naman kasi kasama mo sa bahay mo. I was just worried about you and her too... Of course..." pautal-utal niyang sabi. Nag seryoso mukha niya mga 10 seconds. Napatitig na lang ako sa kanya.

"Anyways! Inom na tayo at magkuwento ka naman bakla ka. Kamusta life mo as a photographer ng isang mamahaling magazine?" tanong ko.

Napangiti siya sa akin.

"Girl ang daming pogi" Napahalakhak pa siya. 

"Everyday busog na busog mga mata ko, eyss ene be" dagdag niya habang nagpapacute at inilagay ang kamay sa tenga.

"Ewan ko sayo" Napairap na lang ako.

"Totoo nga. At saka I did not know ha na nag sa-side line as model si Nikolai." May pa chismis, di ko naman kilala kung sino pinagsasabi niya.

"Nikolai? Sino yan huy?" Tanong ko.

Napaawang naman labi niya.

"Seryoso? Di mo siya kilala?"

Magtatanong ba ako kung kilala ko? Ang bobo naman nito.

"So sino nga?" paulit ko ng tanong. 

"Kian Jean Nikolai Dion or also known as Nikolai or Niko. Sikat ang pangalan niya sa fashion industry kasi siya ang nag-mamay ari ng isang sikat na brand ng perfumes, ang Jeán." sabi niya sa akin na may pagkamangha.

'Talaga? Di ko pa rin siya kilala" sabi ko habang kumukuha ng mango float sa fridge.

Napabuntong hininga na lang siya sa akin.

"So ayun nga, while I was doing my job bakla. Biglang pumasok si Nikolai, ang gwapo. Napaka hot" sabi niya in a twinkling eyes. 

"Siguro di siya nag sa-side line, imposible naman yun..." pagpatuloy niya "Halaaa! Baka binili niya company namin? Aahh" napatili pa ang bakla. Bakla talaga.

"Violeeeeeeet!"

Napatigil kami ni Lee sa pagsasalita nang may biglang tumawag sa akin. Si Nica tuwang tuwa nang makita niya ako. Tumakbo siya papalapit sa akin at saka niyakap ako ng napaka higpit.

"Violet I miss you so much, I miss your cakes and your coffee huhu"

Niyakap ko din siya pabalik. Napangiti ako

"I miss you too Dan"

" I was having fun outside and when I opened my phone, ang daming missed calls from you" sabi niya habang naka pout.

Napatawa na lang ako sa kanya. Napaka sweet niya sa akin pero sa iba napaka maldita niya haha. I really love this girl so much. Napaka maalaga niyang tao, kapag may sakit ako, agad siyang pupunta sa bahay kahit kalahati na ng gabi. Ang swerte ko naman.

"Oh yeah btw, Belle is not here anymore. She got a call from a client, it's important daw that's why she could not get to said her farewell na" sabi pa ni Nica.

Napangiti si Nica sa akin. Lumapit siya at isinabit niya ang braso ko sa braso niya. Naglakad kami palabas ng dining. Agad ko namang na realize kung saan kami pupunta. 

"Nica ayoko makipag meet and greet sa mga common friends niyo" pagmamakaawa ko pa.

"Violet don't be shy. Common friends lang naman namin iyon nila Lee at Belle"

"Ehh ayoko talaga eh kasi nahihiya ako. Ayokong makipag-usap, please?" sabi ko habang nagpa cute.

"We want to introduce you. Every occasion and events, lagi nalang kami ang nakikita ng mga tao. I don't like it that they does not include you as one of my closest friends kaya i-introduce kita sa mga people" 

Napakamot nalang ako sa ulo. Wala naman akong choice, baka mag tatampo na itong si Nica dahil di ako nagpapakilala sa mga friends nila.

Pagdating namin sa sala, agad naman akong naka feel ng awkwardness. Ibang mga lalaki ay napakaway kay Nica. Nakita ko rin si Mr. May Sayad. Napatingin lang siya sa akin. 

Nag introduce your names kami at nalaman ko rin na ang iba sa kanila ay mga model at mga professionals na. May doctor at lawyer pa nga eh.

"I'm Violet" pagpapakilala ko sa last guy which is si Mr. May Sayad

"Hello rude, my name is Manuelito Villacura" ngumiti siya sa akin.

Napaawang labi ko dahil sa tawag niya sa akin. The heck.

Mukhang di naman narinig nila Nica at Lee dahil busy sila sa pakikipag usap.

Ngumiti lang si Manuelito sa akin.

Naghahamon ata to ng away.

"The hell with you" sabi ko sa kanya habang naka kunot ang mga kilay.

"No. The heaven with me" depensa niya.

What? Ano pinagsasabe mong gago ka.

I just rolled my eyes at him. 

Di naman mainitin ang ulo ko pero bakit pagdating sa kanya mukhang kukulo.

Lumapit ako kay Nica at nakipag usap na rin sa mga tao na nandoon. Hindi naman kasi ako totally introverted person, sadyang umiiwas lang ako sa pakikipag usap kasi tinatamad lang ako. Especially if di naman konektado sa business kong cakes. 

"Lee, di ba naging photographer ka sa Mellin Magazine? Did you happen to know Eli Corie?" tanong ng isang guy. As far as I can remember, siya si Jacob

"Eli Corie? Of course. She was one of the supermodels kung bakit laging nasa top ang Mellin. But I did not hear anything about her now, di ko na alam kung nasaan siya" saad ni Lee.

Tumango naman ang lalaking nag ngangalang Jacob. Di naman ako maka relate sa mga pinag-uusapan nila, bakit pa ba ako nandito. Umiinom lang ako ng coke kasi di ko rin bet ang iniinom nila.

"Uhm, Violet?" napatingin ako sa tumawag sa akin. It's Lucas. He smiled at me so I smiled back at him too.

"Yes?" I answered 

"Are you familiar with Alexander Mason?" tanong niya sa akin.

Napahinto ako bigla sa question niya.

"W-what?"

"Uh nothing. I'm sorry" sabi niya na lang at saka ininom ang alak na nasa baso. Naka glue pa rin ang mga titig ko kay Lucas. How did he know him? This world is really small.

Nanghina ako bigla nang marinig ko ang pangalan niya. Nakaramdam tuloy ako ng panlalamig. Hinawakan naman ni Nica ang kamay ko at saka ngumiti. Nakita ko rin na napatingin si Lee sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kanila upang di sila mag-alala. 

I excused my self after two minutes. Dumiretso ako sa dining dahil bigla akong nauhaw. Pakiramdam ko natuyo ang aking lalamunan.

Habang na sa dining area na ako, nanghina bigla ang tuhod ko buti nalang nakahawak pa ako sa may sink. Kinalma ko sarili ko at huminga ng malalim.

Relax, Violet.

Nag text ako kay Lee at Nica na uuwi na muna ako. Alam kong bastos pero kinakailangan ko na talagang umuwi ng bahay. Nagpaalam na rin ako kay tita Maki. Mabuti nalang at naintindihan nila ako. Sadyang si tita lang talaga yung makulit. Gusto niya daw kasi na sa bahay nalang nila ako magpapalipas ng gabi. Pero ako parin ang nagwagi. 

Habang palabas na ako ng gate nakita ko si Manuel na nakaabang. Papalapit na ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nakakunot na rin ang mukha niya. Pinigilan niya ako, mukhang may gustong sabihin. Tinignan ko siya at naghintay ng ilang segundo ngunit wala naman pala. 

“May sasabihin ka ba o wala? Nakaharang ka sa dararaanan ko” suplada kong sabi sa kanya. 

Umiling naman siya.

“I am just making sure, the rude girl won't ruin the party for answering sarcastic answers. Well I guess you're already going out? That's a great idea, then. The party will be save.”

Kumulo naman dugo ko sa kanya.

Naglakad siya patungo sa isang itim Aston Martin. Kotse niya ata 'yon. Habang naglalakad siya at nakatalikod sa akin, parang gusto ko siyang hampasin ng heels. 

Pumasok nalang ako sa loob ng kotse at saka pinaharurot pauwi ng bahay. Pagka dating ko sa bahay, nag message ako sa group chat naming mga magkakaibigan. 

[Nakauwi na ako. I'm sorry Lee kung umuwi ako agad. Happy birthday again bakla!]  -Violet

Na seen naman agad nilang tatlo yun. 

[Hala, umuwi ka na girl? I was about to go back kasi di kita nakita kanina :<] -Belle

[Okay lang bakla masarap naman cake mo hahaha napaka bastos nga lang nung sinulat mo] -Lee

[Let's have some fun if we're not busy anymore. Violet you should take some rest first. I love you <3] -Nica

Nag offline rin ako agad at saka nag hubad upang magbabad sa bath tub. 

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Aking Paraluman
meron na po <3
goodnovel comment avatar
Aking Paraluman
na update na ...
goodnovel comment avatar
Brian Gordoza
naputol nga chapter 3
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status