Share

Chapter 5

I continue sobbing hard while hiding. Sograng sakit ng puso ko at halos hindi na ako makahinga pero patuloy akong nagususmiksik. I am so scared. Takot na takot ako dahil baka saktan ulit ako. Natatakot ako.

Habang humahagulgol ay bigla akong may naramdaman na bulto ng tao na nakatayo sa harap ko. Nanginginig akong nag-angat ng tingin ay doon ay nakita ko si Don Sarmiento na nahahahag na nakatitig sa akin.

"S-sorry po. Wala po akong ginagawa. Wala po akong kasalanan," nanginginig na sambit ko saka agaran na lumuhod sa paanan niya habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

"Tumayo ka," malamig na sambit niya kaya kahit nanghihina at nanginginig ang mga tuhod ko ay pilit akong tumayo. 

"D-Don Sarmiento," sambit ko habang takot na nakatingin sa kanya. Kita ang kulubot ng balat niya pero kahit ganoon ay alam kong malakas pa rin siya.

Napabuntong hininga siya saka dahan-dahan na bumaba ang mga mata niya sa braso ko. Kaagad akong napalunok at mabilis kong itinago ang mga braso ko sa likuran ko.

"Maxine, my grandson isn't treating you right?" mababa ngunit puno ng awtoridad. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kusa na ring umatras ang mga luha ko dahil sa takot na nararamdaman.

I did not answer him.

Nakalipas ang ilang minuto na hindi ako nagsalita kaya napailing siya na hakatang sarkastiko.

"I will leave you here now, Hija. Dadalaw ulit ako sa susunod," sabi niya saka mabilis na tumalikod. Taranta ko naman siyang sinundan hanggang sa makalabas at makasakay ito sa kotse niya. At habang tinatanaw ang kotse ni Don Sarmiento na papalayo ay hindi pa rin maalis ang kaba sa akin. Kaba dahil hindi ko alam kung bakit siya dumalaw dito sa bahay namin ni Carl. Ngayon lang siya bumisita. 

At sa naging sagutan nila kanina ni Carl ay alam kong malalagot ako kapag umuwi si Carl. Natatakot ako sa mga posible niyang gawin. Natatakot ako dahil alam kong sasaktan niya ulit ako ng paulit-ulit. Sa akin niya ibabaling ang galit niya.

Nanghihina akong napalunok saka nanginginig na bumalik sa dining table. Naluluha kong tiningnan ang mga niluto ko at pinilit ko ang sarili kong kainin ang lahat ng iyon. Inubos ko ang lahat ng iyon para hindi masayang at para walang makita si Carl mamaya na magigiing dahilan ng posible niyang pananakit sa akin.

Matapos kong kumain ay ginamot ko ang mga pasa ko saka ako naglinis. I did not alao forgot to check ng sun flowers who are glowing this morning. Ang tingkad ng pagkadilaw nila kaya hindinko napigilan pa ang pagngiti.

"Sana isa na lang rin akong bulaklak," mahinang sambit ko habang nakatitig sa kanila na tila sumasayaw sa ihip ng hangin na hindi kalakasan.

Isang oras mahigit kong tinanaw ang bulaklak na nagbibigay sa akin ng saya bago ako nagpatuloy sa paglilinis. Tiniis ko ang sakit ng katawan ko at mabuti na lang dahil unti-unti nang nawawala ang mga pasa ko. Nilinis ko ang buong sulok ng bahay at hinuli ko ang kwarto ni Carl.

Nang pumasok ako sa kwarto niya ay nakita ko na malinis naman ito pero inayos ko pa rin ang iilang gamit na medyo wala sa ayos. Hindi nagtagal ay natapos na rin ako kaya pagod akong umupo sa paanan ng kama niya.

Wala sa sarili kong hinawakan ang comforter kung saan kapit na kapit ang amoy ni Carl. Biglang nanginig ang mga kamay ko nang bumalik sa isipan ko kung paano niya ako sampalin at sabunutan.

Kaagad akong tumayo at dali-dali na lumabas pero pagkalabas ko sa pinto ng kqarto niya ay bumungad sa akin ang magkasalubong na kilay ni Carl. Kaagad nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong yumuko dahil sa takot.

"N-naglinis lang ako sa loob," nanginginig na sabi ko saka marahan na tumabi. Wala siyang sinabi na kahit ano. Binangga lang niya ako sa balikat at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto niya. Napahimas naman ako sa balikat kong sumakit at bahagyang sumilip kung ano ang ginagawa niya sa loob.

Natanaw kong dumiretso siya sa isang drawer kaya tahimik na lang akong bumalik sa baba. Sa garden ko piniling manatili hanggang sa umalis ulit siya dahil parang may kukunin lang siya. Laking pasasalamat ko dahil hindi niya ako sinaktan dahil sa pagtatalo nila kanina ng lolo niya. Masaya na ako na walang sampal na natatanggap sa isang araw.

"Maxine!"

Pero biglang nawala ang saya ko nang maranig ang malakas na sigaw niya. Kaagad akong binalot ng kaba kaya mabilis akong napatayo. Wala akong balak na pumasok sa loob pero biglang namasa ang mga mata ko sa takot nang mamataan si Carl na nanlilisik ang mga mata na naglalakad papunta sa akin.

"Pinakialaman mo ang kwarto ko?! Where the h*ll are my important papers?!" malakas na sigaw niya kaya umiling ako.

Wala akong kinuhang kahit ano mang papeles.

"H-hindi, w-wala akong kinuha—" I did not finished my words because he immediately grabbed my chin. I tears fell while looking at his angry eyes.

"You are usless. You want me to kill you? Kaunting-kaunti na lang," nanggagalaiti na sambit niya saka ako malakas na sinampal at sa sobrang lakas ay napaupo ako sa damuhan.

My hair covered my crying face and I slowly knelt but he seems not affected.

"I did not saw any papers earlier," I tried to explain but he's acting like a deaf.

Napadaing na lang ako sa sakit nang sabunutan niya ako. I held his hands while crying. Tiningnan ko siya gamit ang nagmamakaawa kong mga mata ko pero ngumisi lang siya na parang demonyo.

"Do you know how much I wanted to kill you?"

I cried even more while shaking my head.

Ayaw ko nga bang mamatay?

I want to be with my parents.

Sa kabilang buhay ba wala ng mararamdaman na pasakit?

Nanlilisik ang mga mata niya na para bang kayang kaya niya akong patayin ngayon. Pero nang biglang mag-ring ang cellphone niya ay kaagad niya akong tinulak ng malakas kaya napasubsob ang mukha ko sa damo.

"What?" inis na sagot niya sa tumawag.

I could clearly hear the call dahil naka-loud speaker ito. 

"Sir, I am so sorry but the files you needed were just here inside your office. I am really sorry because I did not see it earlier—" hindi natapos ang pagsasalita ng babae sa kabilang linya dahil kaagad iyong binaba ni Carl at nasundan pa ng ilang mura.

"F*ck," he cursed before he left.

Nang tuluyan siyang makaalisnay dahan-dahan akong tumingin sa dinaanan niya. I smiled sadly after a few seconds. 

Kung naniwala lang siya sa akin sana wala ng sampal na dumapo sa pisngi ko.

Pero bakit naman siya maniniwala sa akin? Ni sa panaginip nga baka hindi ko makuha ang loob niya. He hates me. He loathed me. Kung hindi nga lang siya papagalitan ng lolo niya ay matagal na niya akong pinatay.

Carl Sarmiento is dangerous for me. Pero wala akong ibang magawa kundi magtiis. Magtitiis ako hindj dahil gusto ko ang pera niya. Nagtitiis ako dahil wala na akong choice para mabayaran ang utang na naiwan ni Daddy.

Dahan-dahan akong tumayo makalipas ang ilang minuto. I felt a pang of pain in my left cheek so I gently caress it. Napangiwi ako sa sakit nito kaya kaagad akong pumasok para tapalan ito ng pang-unang lunas. And I am so thankful because it isn't that bad. Hindi nangitim tulad ng ibang mga sampal kaya napahinga ako ng maluwag.

After that I planted a lot of new sunflowers again. At dahil doon ay biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil nakikita ko na sa isipan ko maraming mga sunflowers kapag namulaklak pa ang mga bago kong itinanim. 

Nawili ako sa pagtatanim kaya hindinko namalayan na gumagabi na pala. Nang makita ko na alas kuwatro na ay dali-dali akong naglinis ng katawan at naghanda ng pagkain. Hindi ko alam kung anong oras ang uwi ni Carl ngayon pero dapat na akong maghanda dahil posibleng umuwi siya ng alas sais. 

Dali-dali akong nagluto ng caldereta para sa hapunan at nagsaing na rin ako. Panay ang tingin ko sa labas dahil baka dumating na si Carl. At saktong pagkaluto ng caldereta ay may malakas na bumusina sa labas. Napatalon ako sa gulat at kaagad na tumakbo para tingnan ang pagdating niya.

Our automatic gate slowly opened and Carl's car went inside.

Nang makita ko ang kotse ni Carl ay kumabog ang puso ko ng sobrang lakas. Hindi ko alam kung bakit pero napatulala ako ng kaunti nang bumaba siya mula sa kotse niya.

"Bring this in my room," malamig na sabi niya saka nilahad sa akin ay isang suit case na mabilis ko namang kinuha.

He's alone this time. Wala siyang babaeng kasama na nagbigay sa akin ng tuwa na hindi ko maintindihan.

"Nakapagluto na ako," sabi ko pero hindi niya ako tiningnan man lang kasi dire-diretso siyang pumasok.

Sumunod na lang rin ako para dalhin nga ang suitcase sa kwarto niya. Umakyat siya sa hagdanan at nasa likuran niya ako. Nang makarating kami sa ikalawang palapag ay sa opisina siya dumiretso kaya sandali kong tiningnan ang likuran niya bago ako pumasok sa kwarto niya. 

Inilapag ko ang suitcase sa center table ng living room set sa kwarto ni Carl kaso bigla akong nadulas kaya nadala ko ang suit case. Bumukas ito at nagkalat ang mga papeles sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko sa kaba saka mabilis na lumingon sa pinto para tingnan kung pumasok na ba si Carl. Nang makita na wala pa siya ay mabilis kong pinulot ang lahat ng iyon.

Sa sobrang taranta ko ay tumama ang likod ko sa center table kaya bahagya itong naalog dahilan para matumba ang vase na may lamang tubig. At diretso ang mga tubig na iyon sa mga papeles na nagkalat sa sahig.

Nanigas ako sa nangyari at bago ko pa masulusyunan ang nangyari ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Carl na kaagad dumapo ang mga mata sa akin.

"What the f*ck did you do?" umiigting ang panga na sabi niya habang nakatitig sa akin saka sa mga papeles na nabasa.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Aksidente kasing natapon ang laman ng vase," I explained but his eyes darkended even more.

"Do you how important those papers are?!" 

Napapikit ako sa takot at napaatras nang humakbang siya papunta sa akin. 

"You are so useless! F*ck!" 

Hinawakan niya ako sa braso ng sobrang higpit na halos mabali na ang buto ko. Napaluha ako sa takot, kaba at sakit.

"Get out off my face before I kill you. You are useless b*tch who knows nothing," nanggagalaiting sambit niya habang mas lakong diniinan ang pagkakahawak sa akin.

I tried to go but he's gripping me too hard. Napangiwi ako sa sakit habang patukoy na lumuluha pero parang nagmistulan siyang demonyo na hindi nakakaramdam ng awa.

"Get out! Get out of my life! I will surely kill you soon!" malakas na sigaw niya saka malakas akong tinulak kaya bumagsak ako sa center table ng living room set niya. Tumama ang likod ko sa medyo matalim na edge nito kaya malakas akong napadaing.

Pero nang muli kong makita ang nandidilim niyang mga mata ay mabilis akong umayos ng tayo.

"S-sorry—"

"F*cking leave!" Dumagundong ang boses niya sa buong silid kaya humihikbi akong tumakbo palabas bago pa niya ulit ako saktan.

Sa kwarto ko ako dumiretso at doon ako sumiksik sa pinakagilid para umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng pagkabasag sa labas kaya mas lalo akong sumiksik sa pader habang nakatago ang mukha ko sa mga tuhod ko.

Matapos ang pagkabasag ay narinig ko ang malakas at galit na pagmumura ni Carl na mas lalo kong ikinatakot dahil pakiramdam ko ay ano mang oras magagawa niya akong pasukin sa kwartong ito para saktan.

"No, no, no, no. H-hindi ko naman sinasadya. Hindi ko sinasadya," umiiyak na bulong niya habang nagsusumiksik sa pader dahil takot na takot akong masaktan. Ayaw kong masaktan. Ayaw kong masaktan. Hindi ko gustong makaranas ng ganoon. Ayaw ko na. Natatakot na ako. Takot na takot na ako.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melba Ritos
kawawa k nman Maxine demonyo k Carl
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status