Hindi pinatulog si Nenita sa mensahe ni King. Dahil sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata parang nariring niya ang katagang iyon na si King mismo ang nagsalita. Ang inaalala niya ngayon ay kung paano umakto ng normal kapag kaharap niya ang lalaki lalo na kapag may iba silang kasama. Dahil sa mga nangyaring kababalaghan sa kanila wala siyang mukha na maihaharap kapag may ibang nakakaalam niyon."Bahala na" buntonghininga na himutok niya.Buong oras wala siyang ibang inalala kundi kung kamusta na si Rona. Kumusta na ang mga kapatid niya dahil hanggang ngayon hindi parin siya kino-contact ni Ashly. Ipinapanalangin niya lang na sana huwag silang saktan ng kanilang ama.Tatlong araw ang lumipas na walang balita sa mga kapatid. Alalang-alala na si Nenita. Kating-kati na ang mga paa niya na umuwi sa kanila o kaya ay puntahan eskwelahan ang kapatid.Napakislot siya nang may mabigat na braso na pumatong sa kanyang balikat. Nang tingalain niya ito it was Enrico. Pakiramdam niya huminto
Hindi niya alam kung saan niya ibunton ang galit niya at ang frustration na naramdaman. Dahil kung iisipin wala namang masama sa ginawa ni King. Naging big deal lang sa kanya dahil hindi niya iyon magawa sa kaniyang pamilya. At nahihiya siya kay king sa sitwasyon ng pamilya niya habang siya maganda ang buhay sa piling ng mga Montefalco.Sa kabilang banda nagpapasalamat siya sa ginawa ni King ngunit hindi parin maibubura niyon ang galit niya sa lalaki."Net, can we talk?" Maingat na pakiusap ni King. Sinadya niya si Nenita sa mansyon nang malaman na mag-isa lang ang dalaga nang sa ganoon makausap niya ito ng maayos."Anong pag-uusapan natin?" Nenita looked at him blankly. "Ang ipamukha sa akin na kaya mong tulungan ng walang ka hirap-hirap ang pamilya ko samantalang ako hindi magawang magpakita sa kanila. Ganoon ba?"Umawang ang labi ni King sa sinabi ni Nenita. Nagulat siya na ganoon ang salita na binitawan ng dalaga, na mali pala ang dating sa kanya ang magandang layunin ni King sa
Daig niya pa ang nakalunok ng tinik sa binitawang salita ni King. Puno ito ng sinseridad. Lihim siyang tumikhim upang mawala ang bikig sa lalamunan. Iniwas niya ang paningin kay King dahil hindi niya ito kayang makipagtitigan pa sa lalaki nang mapagtanto ang ginawa nila."Don't move," malambing na usal ni King nang makita niya ang pagngiwi ni Nenita nang akma itong ilayo ang katawan sa kanya.Ang damit ni King na hinubad niya ginawa niyang pamunas iyon sa sariling dumi na nakakalat sa hita ni Nenita. Habang si Nenita ay nasa malayo ang tingin dahil sa hiya.Hindi parin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at hinayaan niyang mangyari ito.Hinayaan niyang bihisan siya ni King. Masakit ang ibaba niya kapag gagalaw at pakiramdam niya parang binugbog ang katawan niya.She is a whore. Iyan ang bukambibig ni Nenita sa sarili. Kasi kung hindi bakit niya hinayaan na may mangyari sa kanila ni King gayong wala naman silang relasyon dalawa? Sa gilid n
Wala ng dahilan pa para umiwas si Nenita.Sinadya niyang iwasan ang lalaki, ang hindi ito pansinin at 'wag bigyan ng pagkakataon na magkausap sila dahil sa nangyari sa kanila noong nakaraang linggo. Gusto niya ring makapag-isip ng mabuti si King. Ayaw niyang magdesisyon ang lalaki ng basta-basta na hindi ito pinag-iisipan ng maayos. Hindi rin naman siya papayag na hahantong sila sa kasal dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Sagrado ang kasal at hindi iyon laro na kapag ayaw mo na ay basta ka na lang titigil at kakalas. At isa pa, hindi naman siya mabubuntis kaya wala talagang rason para mag-isip si King na papakasalan siya. "Net—""Kung uungkatin mo na naman iyong nangyari sa'tin, please lang wag mo na ako kausapin kahit kailan, " naubusan ng pasensya na usal ni Nenita at kusang kumalas sa yakap ni King. "Subukan mong banggit may kalalagyan ka," panakot niya pa."Sorry na—oy saan ka pupunta?" Humabol si King sa kanya at hinawakan ito sa pulso. Sambakol ang mukha na nag angat ng
FlashbackSi Hernan ay isang driver ni Cathalea at matagal nang gusto ni Ashnaie ang lalaki. Inilihim niya iyon dahil ayaw niyang magkasiraan silang dalawa ni Cathalea because they were bestfriend. And besides, she had already a boyfriend.Ngunit kapag may pagkakataon na sila lang dalawa ng lalaki hindi mapigilan ni Ashnaie na magbigay ng motibo dito na may gusto siya kay Hernan. And Hernan likes her too.Hindi nga lang sila pwede dalawa dahil sa agwat ng pamumuhay mayroon si Hernan. At takot rin si Ashnaie sa kanyang ama. Hindi niya maipaglaban si Hernan kung sakali dahil siya ay ipinagkasundo na ng kanyang sa ama sa boyfriendnito.When they confess their feelings to each other, nakontento na lang sila sa patagong pag-ibigan, nakaw na sandali, magkausap kahit saglit kahit alam nilang pareho na mali. Pareho nilang hindi napigilan ang bugso ng mga damdamin.Thier relationship goes well. Masaya silang dalawa sa patago na relasyong kanilang binuo. Masaya sila kahit na may tao silang na
TRIGGER WARNING: SELF HARM(skip this chapter)Hindi alintana ni Nenita ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sa bawat ragasa ng tubig-ulan sa kanyang katawan, bumubuhos rin ang mga luha sa kanyang mata. Nakidalamhati ang kalangitan sa kanya. Hindi niya kayang panghawakan ang sakit sa damdamin na naramdaman. Kahit anong pag-iyak, pagsigaw ang ginawa niya hindi parin naibsan kahit kauting ang sakit sa kanyang puso."They wanted me to gone... They wanted me to disappear. Why?!" naghihinagpis na sigaw niya. "Kung ganon, ibibigay ko ang gusto niyo! Kung dito kayo masaya, sige! Ibibigay ko sa inyo ang matagal niyo ng hiling dahil pagod na rin ako... Pagod na pagod na ako..."Sumasabay sa kanyang pagtangis ang masamang panahon. Nakaluhod siya sa putikan hinihiling na sana sa kanya tumama ang kidlat mula sa kalangitan.Kanina pa siya umiiyak ngunit hindi parin nauubos ang mga luha niya. Pagod na siya pero hindi parin siya tumatahan mula sa pag-iyak. "Bakit niyo ako pinaparusahan? Anong kasalan
"Oy, anong ginagawa mo? " Nauutal sa hindi maipaliwang na naramdaman na usal ni Nenita nang bigla siyang yakapin ni King. Sa kanyang pagkakaalam walang rason para maglambing sa kanya ang lalaki.Isinubsub ni King ang mukha ni Nenita sa kanyang dibdib nang tangkain ni Nenita na tingalain siya."Na miss lang kita... Wag kang malikot. " naka igting ang panga na usal niya. Naghahalo-halo ang kanyang nararamdamn ngayon ngunit nangingibabaw ang awa niya sa babae. Gusto niya itong tanungin, gusto niyang marinig mismo galing kay Nenita kung ano ang ibig sabihin ng ankle bracelet niya. Pero naduduwag siya, natatakot, nasasaktan at hindi niya alam kung makaya niya bang marinig ang mga iyon once na sasabihin iyon ni Nenita sa kanya.Ang magagawa niya lang ngayon ay ang iparamdam sa dalaga na hindi siya nag-iisa, na may masasandal ito kapag ramdam niyang pinanghihinaan na siya. Ilang minuto ang lumipas hindi nakatiis si Nenita kaya tiningala niya si King. Namilog ang kanyang mata at dumagund
Tahimik, walang kibo si Nenita na nakatanaw sa kabilang table. Simula nang makarating sila hanggang sa malapit ng matapos ang party ay tahimik siya. Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha ngunit ang mga mata niya ay kanina pa humahapdi sa pagpigil na huwag umiyak. Ang damdamin niya kanina pa naninikip sa sakit na nadarama. At nang dahil iyon sa lalaking kanina niya pa tinititigan. Na kahit nakatagilid ang gwapo niya parin tingnan. Ang perpekto ng pagkahulma ng panga niya. Ang matangos niyang ilong. At ang makinis nitong leeg.Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pa simpleng pinunasan ang butil ng luha na hindi na napigilan ang pagpatak. Mabuti nalang at wala sa kanya ang atensyon ng mga kasamahan. Si Nemfa busy sa pagkulikot sa cell phone nito. Si Javier ay ayaw mawalay ang tingin kay Janice. Si Ethan ay nakikipagbangayan sa mga pinsan na pinagdiskitahan ang kambal niya. Si Enrico na nasa kanyang tabi ay parang linta na nakakapit sa braso ni Nadia. Kanina niya pa gustong umalis