FlashbackSi Hernan ay isang driver ni Cathalea at matagal nang gusto ni Ashnaie ang lalaki. Inilihim niya iyon dahil ayaw niyang magkasiraan silang dalawa ni Cathalea because they were bestfriend. And besides, she had already a boyfriend.Ngunit kapag may pagkakataon na sila lang dalawa ng lalaki hindi mapigilan ni Ashnaie na magbigay ng motibo dito na may gusto siya kay Hernan. And Hernan likes her too.Hindi nga lang sila pwede dalawa dahil sa agwat ng pamumuhay mayroon si Hernan. At takot rin si Ashnaie sa kanyang ama. Hindi niya maipaglaban si Hernan kung sakali dahil siya ay ipinagkasundo na ng kanyang sa ama sa boyfriendnito.When they confess their feelings to each other, nakontento na lang sila sa patagong pag-ibigan, nakaw na sandali, magkausap kahit saglit kahit alam nilang pareho na mali. Pareho nilang hindi napigilan ang bugso ng mga damdamin.Thier relationship goes well. Masaya silang dalawa sa patago na relasyong kanilang binuo. Masaya sila kahit na may tao silang na
TRIGGER WARNING: SELF HARM(skip this chapter)Hindi alintana ni Nenita ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sa bawat ragasa ng tubig-ulan sa kanyang katawan, bumubuhos rin ang mga luha sa kanyang mata. Nakidalamhati ang kalangitan sa kanya. Hindi niya kayang panghawakan ang sakit sa damdamin na naramdaman. Kahit anong pag-iyak, pagsigaw ang ginawa niya hindi parin naibsan kahit kauting ang sakit sa kanyang puso."They wanted me to gone... They wanted me to disappear. Why?!" naghihinagpis na sigaw niya. "Kung ganon, ibibigay ko ang gusto niyo! Kung dito kayo masaya, sige! Ibibigay ko sa inyo ang matagal niyo ng hiling dahil pagod na rin ako... Pagod na pagod na ako..."Sumasabay sa kanyang pagtangis ang masamang panahon. Nakaluhod siya sa putikan hinihiling na sana sa kanya tumama ang kidlat mula sa kalangitan.Kanina pa siya umiiyak ngunit hindi parin nauubos ang mga luha niya. Pagod na siya pero hindi parin siya tumatahan mula sa pag-iyak. "Bakit niyo ako pinaparusahan? Anong kasalan
"Oy, anong ginagawa mo? " Nauutal sa hindi maipaliwang na naramdaman na usal ni Nenita nang bigla siyang yakapin ni King. Sa kanyang pagkakaalam walang rason para maglambing sa kanya ang lalaki.Isinubsub ni King ang mukha ni Nenita sa kanyang dibdib nang tangkain ni Nenita na tingalain siya."Na miss lang kita... Wag kang malikot. " naka igting ang panga na usal niya. Naghahalo-halo ang kanyang nararamdamn ngayon ngunit nangingibabaw ang awa niya sa babae. Gusto niya itong tanungin, gusto niyang marinig mismo galing kay Nenita kung ano ang ibig sabihin ng ankle bracelet niya. Pero naduduwag siya, natatakot, nasasaktan at hindi niya alam kung makaya niya bang marinig ang mga iyon once na sasabihin iyon ni Nenita sa kanya.Ang magagawa niya lang ngayon ay ang iparamdam sa dalaga na hindi siya nag-iisa, na may masasandal ito kapag ramdam niyang pinanghihinaan na siya. Ilang minuto ang lumipas hindi nakatiis si Nenita kaya tiningala niya si King. Namilog ang kanyang mata at dumagund
Tahimik, walang kibo si Nenita na nakatanaw sa kabilang table. Simula nang makarating sila hanggang sa malapit ng matapos ang party ay tahimik siya. Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha ngunit ang mga mata niya ay kanina pa humahapdi sa pagpigil na huwag umiyak. Ang damdamin niya kanina pa naninikip sa sakit na nadarama. At nang dahil iyon sa lalaking kanina niya pa tinititigan. Na kahit nakatagilid ang gwapo niya parin tingnan. Ang perpekto ng pagkahulma ng panga niya. Ang matangos niyang ilong. At ang makinis nitong leeg.Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pa simpleng pinunasan ang butil ng luha na hindi na napigilan ang pagpatak. Mabuti nalang at wala sa kanya ang atensyon ng mga kasamahan. Si Nemfa busy sa pagkulikot sa cell phone nito. Si Javier ay ayaw mawalay ang tingin kay Janice. Si Ethan ay nakikipagbangayan sa mga pinsan na pinagdiskitahan ang kambal niya. Si Enrico na nasa kanyang tabi ay parang linta na nakakapit sa braso ni Nadia. Kanina niya pa gustong umalis
Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan at may isang batang babae na habol ang kanyang hininga at paika-ika na tumatakbo sa tahimik na kalsada. Panay ang tingin nito sa kanyang likuran na animo may kinakatakuan roon na nilalang na humahabol sa kanya. Bawat bahay na kanyang mararaan kinakalabog nito ang gate upang makahingi ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ni isa roon walang nagbukas ng pinto sa kanya. Napanghinaan na siya ng loob pero hindi parin siya sumuko. Malakas na sunod-sunod na kalabog mula sa bakal na gate ang gumulat sa tatlong magkapatid na lalaki na masayang nagkukwentuhan. Noong una binalewala nila iyon sa pag-aakalang pinagtitripan lang ng mga batang dumaraan ang gate nila. Ngunit nang sumunod na sandali, sa muling paglagabog may tinig ng isang babae na itong kasama at tila ito ay nangangailangan ng tulong. "Tao po!"Nanginginig bakas ng kanyang pag-iyak na sambit ng babae sabay pokpok ulit sa bakal na gate. Nanghihina na siya. Kung tatakbo pa siya at maghaha
Nanibago man pinilit ni Nenita na maging pormal sa harap ng mag-ama. Tapos na silang maghapunan at ngayon dessert naman ang nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar sa pagkain ngunit nagustuhan niya ang lasa. Napansin iyon ni Enrico kaya nilagyan niya ulit ang platito ni Nenita. "Salamat po, " nahihiya na wika niya sa maliit na boses. "Marami pa iyan sa ref, wag kang mahiya na kumain, " kaswal na saad ni Enrico sabay ngiti sa kanya. Napayuko si Nenita upang itago ang mukha nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Kaagad niya ring sinaway ang sarili dahil baka makita nila iyon. "Mga gamit mo ba ang laman riyan sa bag mo? " tanong ni Ethan. Nag angat ng mukha si Nenita kay Ethan. "O-opo.""Ang liit ng bag mo, siguro kaunti lang iyang dala mo, " komento ni Javier. "A, opo. Kaunti lang po. "Malakas na sabay napabuga ng hangin sina Javier at Ethan na ipinagtaka ni Nenita at the same time ay kinabahan. "Magpahinga ka ng maaga, shopping tayo bukas, " nakangiti na sambit ni Ethan.
Nagmistulang tambakan ng basura ang loob ng sasakyan ni Enrico. Lahat ng mga iyon ay mga gamit ni Nenita na pinamili ng tatlong magkapatid sa kanya. Kulang nalang ay dalhin nila ang buong mall sa mansyon dahil ayaw nilang magpa-awat sa pagbili. Walang nagawa si Nenita kundi ang tumunganga habang pinapanood ang mga ito na salitan sa paglapit sa kanya para tingnan kung bagay ba sa kanya ang napili nilang bilhin. Nagmistula siyang manikin na binibihisan ng tatlong tao. Lutang ang isip ni Nenita hanggang sa matapos ang magkapatid sa pamimili. Hindi niya inaasahan na mangyari ito sa buhay niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bata na matagal na nawala at natagpuan ang totoong pamilya. Ang isa pang ikinalutang ng isip niya iyong malaman na ang pamilyang tinutuluyan niya ngayon ang may-ari nong mall. "Wala ba kayong sasakyan na dala? " naiinis na tanong ni Enrico sa dalawa nitong kuya na nagsiunahan na pumasok sa loob ng kotse niya. "Meron. Pero dito namin gusto sumakay pauwi, " sagot ni
Naging maayos ang paninirahan ni Nenita sa mansyon. Hindi niya naramdaman ang pagiging isang katulong. Kundi para siyang isang prinsesa na inaalagaan ng apat na prinsipe. Palagi siyang may pasalubong sa tatlong magkapatid kapag naka uwi ang mga ito. Mag damit, pagkain o kung ano pa man. Lalo na si Don Emmanuel na hindi nakakalimut na uwian siya ng mga paslaubong. “Kailan ang birthday mo?” tanong sa kanya ni Ethan. “Nasa theater room silang lahat habang nanonood ng palabas. Napagitnaan siya ng apat.“Sa May 26.”“Oh, next month na. Diba 18th birthday mo na iyon?” Javier said.“So, ibig sabihin kailangan nating maghanda ng malaki at engrandeng birthday party?!” masayang usal ni Enrico na tila ay may naiisip nang magandang plano sa araw na iyon.“Hindi naman kailangan na paghandaan,” pagtanggi ni Nenita. “Dalaga na ako sa araw na iyon. Pang bata lang ang party,” natatawa na dugtong niya.Hindi naman talaga kailangan. Magulang niya nga hindi maalala ang special na araw na iyon. Tapos a