Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan at may isang batang babae na habol ang kanyang hininga at paika-ika na tumatakbo sa tahimik na kalsada. Panay ang tingin nito sa kanyang likuran na animo may kinakatakuan roon na nilalang na humahabol sa kanya.
Bawat bahay na kanyang mararaan kinakalabog nito ang gate upang makahingi ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ni isa roon walang nagbukas ng pinto sa kanya. Napanghinaan na siya ng loob pero hindi parin siya sumuko.Malakas na sunod-sunod na kalabog mula sa bakal na gate ang gumulat sa tatlong magkapatid na lalaki na masayang nagkukwentuhan. Noong una binalewala nila iyon sa pag-aakalang pinagtitripan lang ng mga batang dumaraan ang gate nila. Ngunit nang sumunod na sandali, sa muling paglagabog may tinig ng isang babae na itong kasama at tila ito ay nangangailangan ng tulong."Tao po!"Nanginginig bakas ng kanyang pag-iyak na sambit ng babae sabay p****k ulit sa bakal na gate. Nanghihina na siya. Kung tatakbo pa siya at maghahanap ng bahay na maaring makatulong sa kanya baka babagsak na siya sa daan."May bisita ba kayong inaasahan? " kunot-noo na tanong ni Don Emmanuel sa kanyang mga anak. Sabay na umiling ang tatlo at sabay ring tumayo upang tingnan kung sino ang tao sa labas ng kanilang bahay.Nabuhayan ng loob ang batang babae nang lumagitgit ang gate at unti-unti iyong bumukas. Tulala siyang napatingala sa tatlong gwapong lalaki na nasa kanyang harapan. Pakiramdam niya mga anghel ito na bumaba sa kalangitan upang siya ay iligtas sa kapahamakan."Ano ang kailangan mo, hija? At bakit ganyan ang hitsura mo? " usisa ni Don Emmanuel nang makita ang buong kalagayan ng babae.Doon lang siya natinag at ibinaling sa kaliwa ang tingin kung saan naroon si Don Emmanuel.Mariing napalunok ang batang babae bago nagsalita. "Maari ho ba akong mamasukan bilang katulong rito sa bahay niyo? ""Paumanhin ngunit hindi kami naghahanap ng katulong, " kaswal na sagot ni Javier ang panganay na anak ni Don Emmanuel habang sinisiyasat ang kabuuan ng babae.Napayuko ang batang babae sa sinagot sa kanya ni Javier. Iyon palang ang salitang narinig niya nawalan na siya ng pag-asa."Hindi kami tumatanggap ng katulong, hija. " usal ni Don Emmanuel. "Lalo na sa isang tulad mo na sa tingin ko ay isa kang minor de edad.""We don't need a maid. But we can help you right now, " mahinahon na wika ni Ethan naaawa sa batang babae."Maari ba naming malaman kung ano ang nangyari sayo? " ulit na tanong ni Don Emmanuel. "Bakit parang takot na takot ka at nanghihina? Marumi rin ang kasuutan mo at basa ka pa ng pawis. "Namumuo ang mga luha sa mata na muling umangat ng mukha ang babae. "L-lumayas ako sa amin.. Natatakot ako sa tatay ko kaya... " napasinghap sa gulat ang mag-ama nang lumuhod ang babae, luhaan ang mga mata na tumingala sa kanila. "Nakikiusap ho ako... Sinasaktan ako ng tatay ko gusto ko ng makalaya sa amin, " umiiyak na pagmamakaawa ng batang babae. "K-kanina pa ako kumakatok sa mga kabahayan rito nagbabakasali na pagbuksan nila ako at tulungan, " dismayado na umiling ang babae "pero isa sa kanila walang nagbukas... Kaya nagmamakaawa ako sa inyo-",Mabilis na lumapit si Enrico sa kanya at inalalayan na tumayo. " Hindi mo kailangan magmakaawa, "aniya at kinuha ang bag pack na bitbit nito. "Dad.. " nakikiusap ang boses na tawag niya sa kanyang ama."Halika sa loob, " ani Don Emmanuel. "Sa tingin ko ikaw ay gutom na at nauuhaw, " nakangiti na wika nito at sininyasan ang mga anak na alalayan ang batang babae na pumasok sa kanilang tahanan.Bago tuluyang pumasok sa loob ng tahanan ang batang babae, lumingon siya sa kanyang pinanggalingan at nakita niya ang isang matandang lalaki na nakatayo sa ilalim ng sinag ng ilaw na nagmumula sa poste ng kuryente. At ang matandang lalaki na iyon ay ang kanyang... Ama.Nang makapasok sila s loob ng mansyon, ipinaghain siya ng tatlong magkapatid ng hapunan. Akala niya siya lang mag-isa na kakain ng mga iyon ngunit nagulat siya ng dulumog rin sa hapag ang mga ito at si Don Emmanuel upang siya ay samahan na maghapunan.Nahihiya siya. Hindi siya makakilos ng maayos upang subuan ang sarili sa samo't saring emosyon na naramdaman. Ngunit nangingibabaw ang tuwa dahil sa wakas may mabuting tao rin na siya ay pinatuloy sa kanilang tahanan.Habang kumakain kinakausap siya ng buong pamilya at nagtatanong na rin tungkol sa kanyang pagkatao na sinagot niya rin ito ng walang pag-alinlangan."Ang pangalan ko po ay Nenita Quiniones. Ah, seventeen ho ang edad ko, " magalang na sagot niya rito."Kung hindi mo masamain, pwede ba namin malaman kung bakit sinasaktan ka ng tatay mo at kung bakit humantong ka sa paglalayas sa bahay niyo? " maingat na tanong ni Ethan sa kanya.Mariing napalunok si Nenita bago sumagot. "A-araw-araw niya ako sinasaktan sa tuwing uuwi ako galing eskwela... Ayaw niyang nag-aaral ako dahil dagdag raw sa gastosin namin. At saka kapag naka inom siya ng alak nakakatakot siya. Kaya ako lumayas sa amin dahil baka sa sunod na malasing siya mapatay niya ako. "Naawa si Don Emmanuel kay Nenita. Bilang isang ama masakit para sa kanya na marinig sa isang musmos na bata na sinasaktan ito ng kanyang magulang. He maybe a ruthless husband before ngunit kahit isang dapo ng palad niya sa puwet ng kanyang mga anak para paluin ang mga ito never niyang nagawa."Kung iyan ang dinaranas mo sa bahay niyo araw-araw maigi nga ay dumito ka, " ani Don Emmanuel na ikinatigil ni Nenita. "Wag kang mag-alala dahil sa pamamahay na ito ay ligtas ka. Walang mananakit sayo dito. Walang may gagawa ng masama sayo rito.""You can leave here anytime you want, " kibit-balikat na saad rin ni Enrico at patay malisya na nagpatuloy sa pagkain."Yeah. Since matagal na rin na walang babae sa pamamahay na ito much better kung dumito ka nga, " sabat ni Ethan."Kailangan mo ng bahay na masilungan, you're welcome here. Hindi lang masilungan ang ibibigay namin sayo kundi tiyakin rin namin ang kaligtasan mo lalo na sa iyong ama, " wika ni Javier at masuyo siya nitong nginitian."S-salamat ho sa pagtanggap niyo sa akin, " lumuluha sa tuwa na usal ni Nenita. "Pangako, hindi ako maging pabigat at sakit sa ulo. Gagawa rin ako ng trabaho kahit itong buong mansyon niyo pa ang lilinisin ko buong araw. "Nakangiti na marahang umiling si Don Emmanuel. "Malaya ka kung ano ang gawin mo dito sa bahay namin. Welcome to Montefalco family, Nenita.""Maraming salamat ho. "Buong puso na nagpapasalamat si Nenita na mayroon pang mabuting tao na kagaya nila na walang atubiling tinanggap siya at tinulungan. Kung nagkataon na walang bahay na nagbukas sa kanya hindi niya alam kung ano ang kahinatnan niya ngayon.Sa ngayon, nais niyang ipakita sa pamilyang ito ang totoong kalagayan niya. Na hindi lang siya nagpapaawa o gumagawa ng kwento. Maging mabuti upang pagkatiwalaan siya ng mga ito at hindi siya paalisin sa kanilang pamamahay.——————Nanibago man pinilit ni Nenita na maging pormal sa harap ng mag-ama. Tapos na silang maghapunan at ngayon dessert naman ang nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar sa pagkain ngunit nagustuhan niya ang lasa. Napansin iyon ni Enrico kaya nilagyan niya ulit ang platito ni Nenita. "Salamat po, " nahihiya na wika niya sa maliit na boses. "Marami pa iyan sa ref, wag kang mahiya na kumain, " kaswal na saad ni Enrico sabay ngiti sa kanya. Napayuko si Nenita upang itago ang mukha nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Kaagad niya ring sinaway ang sarili dahil baka makita nila iyon. "Mga gamit mo ba ang laman riyan sa bag mo? " tanong ni Ethan. Nag angat ng mukha si Nenita kay Ethan. "O-opo.""Ang liit ng bag mo, siguro kaunti lang iyang dala mo, " komento ni Javier. "A, opo. Kaunti lang po. "Malakas na sabay napabuga ng hangin sina Javier at Ethan na ipinagtaka ni Nenita at the same time ay kinabahan. "Magpahinga ka ng maaga, shopping tayo bukas, " nakangiti na sambit ni Ethan.
Nagmistulang tambakan ng basura ang loob ng sasakyan ni Enrico. Lahat ng mga iyon ay mga gamit ni Nenita na pinamili ng tatlong magkapatid sa kanya. Kulang nalang ay dalhin nila ang buong mall sa mansyon dahil ayaw nilang magpa-awat sa pagbili. Walang nagawa si Nenita kundi ang tumunganga habang pinapanood ang mga ito na salitan sa paglapit sa kanya para tingnan kung bagay ba sa kanya ang napili nilang bilhin. Nagmistula siyang manikin na binibihisan ng tatlong tao. Lutang ang isip ni Nenita hanggang sa matapos ang magkapatid sa pamimili. Hindi niya inaasahan na mangyari ito sa buhay niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bata na matagal na nawala at natagpuan ang totoong pamilya. Ang isa pang ikinalutang ng isip niya iyong malaman na ang pamilyang tinutuluyan niya ngayon ang may-ari nong mall. "Wala ba kayong sasakyan na dala? " naiinis na tanong ni Enrico sa dalawa nitong kuya na nagsiunahan na pumasok sa loob ng kotse niya. "Meron. Pero dito namin gusto sumakay pauwi, " sagot ni
Naging maayos ang paninirahan ni Nenita sa mansyon. Hindi niya naramdaman ang pagiging isang katulong. Kundi para siyang isang prinsesa na inaalagaan ng apat na prinsipe. Palagi siyang may pasalubong sa tatlong magkapatid kapag naka uwi ang mga ito. Mag damit, pagkain o kung ano pa man. Lalo na si Don Emmanuel na hindi nakakalimut na uwian siya ng mga paslaubong. “Kailan ang birthday mo?” tanong sa kanya ni Ethan. “Nasa theater room silang lahat habang nanonood ng palabas. Napagitnaan siya ng apat.“Sa May 26.”“Oh, next month na. Diba 18th birthday mo na iyon?” Javier said.“So, ibig sabihin kailangan nating maghanda ng malaki at engrandeng birthday party?!” masayang usal ni Enrico na tila ay may naiisip nang magandang plano sa araw na iyon.“Hindi naman kailangan na paghandaan,” pagtanggi ni Nenita. “Dalaga na ako sa araw na iyon. Pang bata lang ang party,” natatawa na dugtong niya.Hindi naman talaga kailangan. Magulang niya nga hindi maalala ang special na araw na iyon. Tapos a
Kaarawan niya ni Nenita ngayon. Ngunit hindi niya ramdam. Katulad lang ng dati na isang normal na araw lang iyon sa kanya. Nang maihatid siya ni Don Emmanuel kanina ay naging malungkot siya. Hindi kase siya binati ng Don at ng mga anak nito. Umasa kase siya na sa paggising niya kanina ay babatiin siya ng mga ito. "Siguro ay nakalimutan nila. Last month pa namin iyon napag-usapan e," kumbinsi niya sa sarili at nagpatuloy sa paglakad pauwi.“Ate Net!” Gulat na hiyaw ng kanyang bunsong kapatid na si Totoy nang makita siya nito. Binitawan nito ang basang lupa na nilalaro at tumakbo upang salubungin ang ate niya. Ginulo ni Nenita ang buhok ng kapatid nang yakapin siya nito ng mahigpit. Inilapag niya sa lupa ang dalawang plastik bag na pinagsidlan ng pasalubong niya at kinarga ang batang kapatid. Nenita grunt. “Ang bigat mo na. Pero ang asim mo parin,” aniya at sinunghot ang leeg ng kapatid. Humagikhik naman ito dahil nakikiliti sa ginagawa ni Nenita. Lumabas sa kanilang bahay ang dala
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON. Si Nenita ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Akala niya hindi niya kakayanin. Akala niya hindi siya makapagtapos sa kolehiyo. Ngunit lahat ng hirap sa pag-aaral ay nalagpasan niya sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya—ang pamilyang Montefalco. Nagtapos siya na may mataas na marka at naging isang Cum Laude.“Congratulations, baby girl namin!” sinalubong siya ng yakap ni Javier. May dala itong flower bouquet. Nakiyakap rin si Ethan na tuwang-tuwa kay Nenita. Hinanap ng mata niya si Enrico pero wala ang lalaki. Nakaramdam siya ng lungkot pero hindi niya iyon pinahalata. '𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥, ' aniya sa sarili. “We are so proud of you, Net.” Naluluha ang mata sa saya na wika ni Don Emmanuel.“Thank you po. Kung hindi dahil sa inyo, sa suporta niyo, hindi ko ito mararating,” emosyonal niyang sabi. “Utang ko sa inyo ang narating ko ngayon.”Hindi madali para sa kanya ang lahat. Ngunit hindi niya naisip
“Ate, buti umuwi ka!” Mangiyak-ngiyak na usal ng kapatid niyang si Rona nang makita siya nitong paparating.“Bakit, may nangayri ba?” nababahala na tanong dito ni Nenita. Sinuri niya ang katawan ng kapatid kung may galos ba ito o mga pasa sa katawan. Nang makita na wala, nakahinga siya ng maluwang.“Graduation day niya ngayon,” si Ashly ang sumagot. “Kagabi pa iyan umiiyak nag-alala na baka siya lang ang walang kasama na guardian mamaya.”Tumingin sa kanya si Nenita na humihingi ng paumanhin. “Sorry, hindi ko kase alam,” aniya sa kapatid. ”Wag kang mag-alala dahil nandito na ako. Ako ang sasama sayo.”Umaliwalas ang mukha ni Rona sa sinabi ni Nenita. Na guilty naman si Nenita. Paano kung hindi siya umuwi? Paano kung nagkataon na walang lakad ang mag-ama, sino ang sasama sa kapatid niya sa araw ng kanyang graduation?Wala siyang contact sa mga ito dahil wala silang cell phone. Nababahala rin si Nenita na bigyan ang kapatid niya at baka malaman iyon ng kanilang ama. Hindi lang siya ang
Wala ang mag-ama kaya walang choice si Nenita kundi asikasuhin ang bisita na feel at home. Hindi niya ito kilala at ngayon niya lang rin ito nakita. Pabagsak na inilapag ni Nenita ang isang petsil na juice sa center table kung saan naka upo doon ang bwesita—este bisita. Ewan ba niya, wala namang ginawa ang lalaki sa kanya pero naiinis siya. Oo, gwapo siya, malakas ang karisma, pero hindi gusto ni Nenita ang facial expression nito na parang galit sa mundo. Ka lalaking tao ang taray ng mukha niya. "Hintayin mo na lang sila. Pauwi na raw—""I know, " pagputol ng lalaki sa pagsalita niya. Nagpupuyos sa inis na tinalikuran niya ang lalaki. Sa kusina siya dumiretso at uminom ng malamig na tubig, pampakalma sa nag iinit niyang ulo. Sinilip niya ang lalaki sa sala. Nakasandal ito sa couch habang naka dikuwatro ang paa. At gumagala ang kanyang tingin sa buong kabahayan. Sa pagtitig ni Nenita sa mukha ng lalaki, mula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong at perpektong hulma ng pan
Natigil sandali ang paghinga ni Nenita sa ginawa ni King. Ang striktong mukha ng lalaki kanina ngayon ay malamlam na habang dinadampi sa pisngi ni Nenita ang hawak na ice bag compress. Kanina niya pa ito napansin ngunit tila wala sa sarili ang babae kaya hindi niya ito sinita sa kanyang napansin. Alam niya kung bakit at ano ang dahilan ngunit hinihintay niyang si Nenita mismo ang magsabi niyon sa kanya. Ngunit hindi iyon ang kanyang narinig mula sa babae. "Kaya ko ang sarili ko, " maliit ang boses na usal ni Nenita at inilayo ang sarili kay King. She wanted to cry. Ngayon niya lang naranasan na alagaan siya ng isang tao. Although, inaalagaan naman siya ng magkapatid, sadyang iba lang ang nararamdaman niya sa pag alaga ng mga ito kumpara sa ginawa ni King ngayon. Siguro dahil ibang pag alaga ang ginagawa ng magkapatid sa kanya. Unlike kay King, na ang imposibleng makita ng ibang tao ay napansin niya ng walang ka hirap-hirap. Ginamot na walang pag alinlangan. "Kaya mo ang sarili m