MAKALIPAS ANG APAT NA TAON.
Si Nenita ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Akala niya hindi niya kakayanin. Akala niya hindi siya makapagtapos sa kolehiyo. Ngunit lahat ng hirap sa pag-aaral ay nalagpasan niya sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya—ang pamilyang Montefalco. Nagtapos siya na may mataas na marka at naging isang Cum Laude.“Congratulations, baby girl namin!” sinalubong siya ng yakap ni Javier. May dala itong flower bouquet. Nakiyakap rin si Ethan na tuwang-tuwa kay Nenita.Hinanap ng mata niya si Enrico pero wala ang lalaki. Nakaramdam siya ng lungkot pero hindi niya iyon pinahalata. '𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥, ' aniya sa sarili.“We are so proud of you, Net.” Naluluha ang mata sa saya na wika ni Don Emmanuel.“Thank you po. Kung hindi dahil sa inyo, sa suporta niyo, hindi ko ito mararating,” emosyonal niyang sabi. “Utang ko sa inyo ang narating ko ngayon.”Hindi madali para sa kanya ang lahat. Ngunit hindi niya naisipan na bumitaw dahil ito ang kanyang pangarap. Ngayon, bitbit na niya ang kanyang diploma, may lakas na loob na siyang ipagmayabang ito sa pamilya niya.Ngunit, worth it ba? Tatanggapin na ba siya at ipagmalaki ng kanyang ama kung uuwi siya doon bitbit ang kanyang diploma? Kase sa pagkatanda ni Nenita, hindi pabor ang kanyang ama sa pag-aaral niya.Nag dinner lang sila sa isang sikat na restaurant pagkatapos ay umuwi rin. Hindi nila nakasama si Enrico. Wala rin ito sa bahay pagka uwi nila. Wala ring binanggit ang mag-ama kung nasaan ang lalaki kaya hindi nalang nagtanong si Nenita.Personalize ballpen ang iniregalo sa kanya ni Don Emmanuel. Kay Javier ay pocket money fo her travel abroad. Kay Ethan ay personalize Louis Vuitton wallet. Sa loob niyon nakatatak ang pangalan niya “NET”.Isang malalim na paghinga ang kanyang binitawan nang isabit niya sa pader ang kanyang medalya. Malungkot ang mga mata na sinuyod niya ng tigin ang buong pader kung saan naroon ang iba niya pang mga awards.Hindi ito alam ng magkapatid lalo na ni Don Emmanuel dahil hindi naman sila pumapasok sa kwarto ni Nenita. Hindi rin ipinapaalam ni Nenita sa kanila noong mga panahon na may awards siyang nakukuha sa mga pagsali niya sa school contest at iba pa.“Kailan ko kaya ito masasabit lahat sa bahay namin? Maging proud kaya si tatay at nanay kapag nakita nila ito?” aniya na may hinanakit sa dibdib.Masaya siya sa kanyang narating. Ngunit may kulang. Iyong saya niya hindi buo dahil kahit isa man lang sa kanyang pamilya ay wala noong nagtapos siya.Nag-aral siya ng kolehiyo na hindi alam ng kanyang mga magulang. Mahirap man itago ngunit nagawa iyon ni Nenita sa loob ng apat na taon. Ang sustinto niya sa mga kapatid ay hindi niya hininto. Abunda kase siya sa pera noong nag-aaral siya. Ni hindi niya naranasan na mamoroblema dahil kulang ang allowance niya at wala siyang budget sa pang araw-araw.“Sana dumating ang araw na matanggap rin ni tatay ang pangarap ko. Para rin naman ito sa kanila. Sa ikabubuti nang aming pamilya.”Malalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Ngayon na graduate na siya hindi niya alam kung ano susunod niyang plano. Ngayon pakiramdam niya nagtapos lang siya sa pag-aaral nang sa ganoon ay may mapatunayan siya sa kanyang ama na kaya niyang abutin ang kanyang pangarap na walang tulong, alang suporta na galiing sa kanila.She was about to close her eyes nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto ng kanyang kwarto. Rumigidon ang kanyang puso nang marinig ang boses doon ni Enrico.“Net, tulog ka na ba?”Mabilis siyang bumangon at tinakbo ang pintuan. Inayos niya muna ang sarili bago buksan ang pinto. Enrico smiled at her apologetically. Makikita rin sa mata nito ang pagod at antok. Nagsalubong ang kilay ni Nenita dahil alam niya kung saan ito galing.“Sorry, hindi ako nakapunta kanina,” paumanhin ni Enrico. “Congratulations.”TUmango si Nenita. “Ayos lang. Salamat.”Gustong magtampo at magalit ni Nenita pero wala naman siyang karapatan dahil hindi naman siya obligado ni Enrico. At alam niya rin na busy ito kung kaya’ hindi ito nakapunta kanina. Pero nang maamoy ni Nenita ang alak sa lalake, hindi niya naitago ang pagtatampo niya kay Enrico.“Bukas ko na ipapakita ang regalo ko,” aniya at ginulo ang buhok ni Nenita. Maliit siyang ngumiti sa babae, ngiti na pinaghalong pagod at antok. “It’s already late. Matulog ka na. Good night. Congratulations ulit.”Si Enrico na ang nagsara ng pinto kaya wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa kanyang kama at mahiga. Pasado ala-una na ng madaling araw pero hindi talaga siya dinadalaw ng antok. Nakahiga lang siya nakatingin sa kisame habang naglalakbay ang kanyang isipan.Kinaumagahan late na siya nagising. Walang may gumising sa kanya kaya nagtataka siya. Hinanap niya sa mag-ama ngunit walang tao sa kusina. Kaya naisipan niyang umakyat sa taas at tingnan ang mga kwarto nito kung natutulog pa ba sila. Ang kwarto ni Javier ang una niyang kinatok. Walang sumasagot. Nang subukan niya pihitin ang door knob bumukas iyon. Ngunit wala si Javier. Walang bakas na dito ang lalaki. Isinara niya ulit ang pinto at sunod na tingo ang kwarto n Ethan. Ngunit wala rin doon ang lalaki. Napakamot siya sa kanyang ulo sa pagtataka kung bakit wala ang magkapatid gayong kapag ganitong oras ay naroon na ang mga ito sa sala nagbabangayan.Bago umakyat sa kwarto ni Enrico, dumaan muna siya sa office ni Don Emmanuel. Kumatok muna siya ngunit walang sumagot galing sa loob kaya binuksan niya na lang ang pinto. Wala ring tao. Ngunit nagkakalat sa sahig ang mga papel. May old news paper pang nandoon na nahagip ng kanyang mata.Imbis na ligpitin, umalis nalang siya. Hindi kase siya iyong tipo ng tao na kapag hindi inutos sa kanya ay hindi niya gagawin lalo na kapag nakikita niyang isa iyong importanteng bagay. Patakbo siyang umakyat sa ikatlong palapag kung saan ang kwarto ni Enrico, ngunit wala rin doon ang lalaki.Hingal-aso na muli siyang bumaba. Pasalampak na umupo siya sa couch. Ang tahimik ng buong bahay. Madalas naman siyang mag-isa rito ngunit ngayon niya lang naramdaman ang kalungkutan at kahungkagan. Imbis na magmukmok, naisipan niyang umuwi nalang sa kanilang bahay.Habang naglalakd siya palabas ng mansyon, nakatanggap siya ng mensahe sa tatlong magkapatid.Javier: Gising ka na siguro. Btw, hindi na kita ginising dahil maaga akong umalis. Good morning and congratulations again.Ethan: May pagkain d’yan sa ref initin mo lang kapag kakain ka. Nandito ako sa Cebu. Hindi na ako nakapagpaalam dahil nagmamadali ako.Enrico: Bawi kami mamaya sa dinner. May importante akong lakad kasama si dad.Napanatag siya doon. Ni replayan niya ang mga ito at sinabing uuwi muna siya sa kanilang bahay. Nang wala siyang nakuha na reply, isinilid niya ang kanyang cellphone sa bag at nagpara ng tricycle.SA KABILANG BANDA, seryosong nag-uusap ang apat na lalaki habang nakatingin ang mga ito sa laptop. Pinapanood nila ang taong matagal na nilang binabantayan. Ngunit hanggang ngayon ay wala parin silang makita na isang dahilan para ito ay hulihin. “Paano natin siya mahuhuli kung ayaw niyang kumagat sa patibong?” ani ng lalaki na seryosong nakatingin sa laptop.Napabuga naman ng hangin ang isa pang lalaki na katabi nito na animo’y nagsasayang lang sila ng oras para sa ganitong bagay. “Paano kung inosente nga talaga siya?” aniya sa mga ito.Humalukipkip ang lalaki na kanyang kaharap. “Iyon rin ang naisip ko. Kase kung may balak siyang masama bakit hanggang ngayon ay wala parin tayong nakikita?”“Wag tayong pakampante,” ani ng lalaki na pinakamantada sa kanila . “Nasubaybayan nga natin siya ngunit hindi natin alam kung ano ang sinusulsol sa kanya ng taong nagmamanipula sa kanya. Baka biglang magbago ang pananaw niya na ikapahamak nating lahat.”Ilang taon na nilang sinusubaybayan ang bawat galaw ng taong tinitingnan nila sa laptop. Ilang pain na rin ang kanilang ginawa ngunit hindi man lang ito natukso na kumagat. Matalino, magaling, pulido ang bawat hakbang na ginawa niya. Inosente na para bang walang balak na masama.“Paano kung ibigay nalang kaya natin ang gusto niya?” suhestiyon ng lalaki na kaharap ng matanda.“Ano pa ba ang hindi natin naibigay sa kanya? Lahat ng posibleng maging dahilan niya ginawa kong pain pero may nangyari ba?” ani ng matanda. “Wala na akong ibang maibibigay na pain dahil wala naman tayong dumi na tinatago.”Iyon rin ang palaisipan sa kanila. Kung ano ba talaga ang pakay ng taong ito sa buhay nila. Isinara ng seryosong lalaki ang laptop nang wala silang makuha na ebidensiya. “Tigilan na natin ‘to. Baka nga nagkamali lang tayo. Baka nga inosente lang talaga siya ngunit kailangan niyang sumunod sa utos.”Hindi na iyon pinagtalunan ng apat. Ngunit hindi ibig sabihin na kampante na sila at baka naglilikom lang ng maraming impormasyong ang tao na iyon tungkol sa kanila at naghihintay ng tamang panahon para iyon isiwalat sa publiko.Hindi naman sila natatakot. Dahil una sa lahat wala silang sikreto. Wala silang ginagawang masama. Wala silang gawain na masama. Kaya hindi rin nila maitindihan kung bakit matiyaga silang iniimbestigahan ng tao na iyon.“Ate, buti umuwi ka!” Mangiyak-ngiyak na usal ng kapatid niyang si Rona nang makita siya nitong paparating.“Bakit, may nangayri ba?” nababahala na tanong dito ni Nenita. Sinuri niya ang katawan ng kapatid kung may galos ba ito o mga pasa sa katawan. Nang makita na wala, nakahinga siya ng maluwang.“Graduation day niya ngayon,” si Ashly ang sumagot. “Kagabi pa iyan umiiyak nag-alala na baka siya lang ang walang kasama na guardian mamaya.”Tumingin sa kanya si Nenita na humihingi ng paumanhin. “Sorry, hindi ko kase alam,” aniya sa kapatid. ”Wag kang mag-alala dahil nandito na ako. Ako ang sasama sayo.”Umaliwalas ang mukha ni Rona sa sinabi ni Nenita. Na guilty naman si Nenita. Paano kung hindi siya umuwi? Paano kung nagkataon na walang lakad ang mag-ama, sino ang sasama sa kapatid niya sa araw ng kanyang graduation?Wala siyang contact sa mga ito dahil wala silang cell phone. Nababahala rin si Nenita na bigyan ang kapatid niya at baka malaman iyon ng kanilang ama. Hindi lang siya ang
Wala ang mag-ama kaya walang choice si Nenita kundi asikasuhin ang bisita na feel at home. Hindi niya ito kilala at ngayon niya lang rin ito nakita. Pabagsak na inilapag ni Nenita ang isang petsil na juice sa center table kung saan naka upo doon ang bwesita—este bisita. Ewan ba niya, wala namang ginawa ang lalaki sa kanya pero naiinis siya. Oo, gwapo siya, malakas ang karisma, pero hindi gusto ni Nenita ang facial expression nito na parang galit sa mundo. Ka lalaking tao ang taray ng mukha niya. "Hintayin mo na lang sila. Pauwi na raw—""I know, " pagputol ng lalaki sa pagsalita niya. Nagpupuyos sa inis na tinalikuran niya ang lalaki. Sa kusina siya dumiretso at uminom ng malamig na tubig, pampakalma sa nag iinit niyang ulo. Sinilip niya ang lalaki sa sala. Nakasandal ito sa couch habang naka dikuwatro ang paa. At gumagala ang kanyang tingin sa buong kabahayan. Sa pagtitig ni Nenita sa mukha ng lalaki, mula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong at perpektong hulma ng pan
Natigil sandali ang paghinga ni Nenita sa ginawa ni King. Ang striktong mukha ng lalaki kanina ngayon ay malamlam na habang dinadampi sa pisngi ni Nenita ang hawak na ice bag compress. Kanina niya pa ito napansin ngunit tila wala sa sarili ang babae kaya hindi niya ito sinita sa kanyang napansin. Alam niya kung bakit at ano ang dahilan ngunit hinihintay niyang si Nenita mismo ang magsabi niyon sa kanya. Ngunit hindi iyon ang kanyang narinig mula sa babae. "Kaya ko ang sarili ko, " maliit ang boses na usal ni Nenita at inilayo ang sarili kay King. She wanted to cry. Ngayon niya lang naranasan na alagaan siya ng isang tao. Although, inaalagaan naman siya ng magkapatid, sadyang iba lang ang nararamdaman niya sa pag alaga ng mga ito kumpara sa ginawa ni King ngayon. Siguro dahil ibang pag alaga ang ginagawa ng magkapatid sa kanya. Unlike kay King, na ang imposibleng makita ng ibang tao ay napansin niya ng walang ka hirap-hirap. Ginamot na walang pag alinlangan. "Kaya mo ang sarili m
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Nenita sa narinig kay King. Naging triple ang lakas nang kabog ng kanyang puso at nakatulala sa mukha ng lalaki. Hindi niya mapigilan na mag assume na siya ang gustong makita ni King dahil sa kanya nakatingin ang lalaki nang sabihin nito ang katagang iyon. Bahagyang tumabingi ang ulo ni King. Ngunit nanatiling payak at kalmado ang mukha nito. Napaiwas naman ng tingin si Nenita ng matubuan ng hiya dahil ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi. Ibinaling ni King ang atensyon kay Enrico. "Tungkol doon sa sinabi ni Tito kagabi," aniya. "I see. Tara sa loob, " ani Enrico at umakbay sa pinsan. "Mag agahan muna tayo bago ko ipakita yung blue print sayo. "Napahiya na kinastigo ni Nenita ang sarili. Umiwas ng tingin si Nenita at ibinaling sa sasakyan ang atensyon upang maibsan ang pagkapahiya sa sarili. Nadismaya siya at the same time ay nasaktan dahil ang buong akala niya siya ang gustong makita ni King."Net, tara na sa loob. Mag agahan n
Tatlong araw na ang nakalipas nang mag walk out si King sa kalagitnaan ng pananghalian nila. Tatlong araw na rin itong hindi nakita ni Nenita. Hindi na ito nagpunta pa ulit sa mansyon. Walang pakialam ang mag-ama siguro ay dahil alam nila ang rason kung bakit walang King na nagpakita.Ayos iyon kay Nenita, nang sa ganun ay walang nanggugulo at nag-aasar sa kanya. Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Nenita bago bumangon. Hindi siya makatulog kahit madaling araw na. Ang dahilan, ay dahil bumabagabag sa isipan niya ang reaksyon ni King noong huli niya itong nakita.Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Imbis na bumalik sa kanyang silid, dinala siya ng kanyang mga paa sa likod ng bahay, doon sa harap ng flower garden.May metal table and chairs doon. Nang maka upo kaagad niyang niyakap ang sarili nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Alas-tres na ng madaling araw ngunit maliwang ang paligid nitong garden dahil sa mga
Nagising si King na masakit ang leeg at likod. Nagtataka siya na wala siya sa kanyang silid pagkamulat nito. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang maalala na umuwi pala siya na lasing kagabi. Naparami ang inom nila ni Enrico habang nag-uusap tungkol sa negosyong pinaplano ni King. Dumating rin kasi si Javier kaya napasarap sila sa pag-uusap at humantong sa pagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Inawat siya ng magkapatid na huwag nang umuwi ngunit nagpupumilit siya. Maayos naman siyang nakalabas ng mansyon, kaya lang sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay bigla siyang nahilo at naka ilang beses na natumba nang sinubok niyang maglakad pauwi. Hanggang sa hindi niya napansin na maling daan na pala ang tinatahak niya. Inunat niya ang katawan at pinatunog ang leeg hanggang sa maibsan ang pangangalay niyon. "Walang puso talaga ang babae na'yon. Hindi pa nilubos ang pagtulong, " himutok niya habang sinusuri ang buong paligid nagbabakasali na makita si Nenita. Kahit lasing siya kagabi tan
"Kumain ka na, hari. "Wika ni Nenita nang mailapag ang niluto nitong adobong baboy. Pasado alas-dos na ng hapon kaya gutom na rin siya. Wala ngayon ang mag-ama kaya silang dalawa lang ni King ang magkasalo. Naiilang man pinatili ni Nenita na maging kaswal at tahimik na kumain na parang siya lang mag-isa at walang ibang kasama. Habang si King ay nakiramdam lang. Naghahanap ng tiyempo kung paano kausapin si Nenita. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin na ayaw ni Nenita magsalita. Hindi rin siya bulag para hindi makita na may problema na namang iniisip ang dalaga. "Ano nga pala iyong itatanong mo kanina? " pagbukas ni Nenita ng pag-uusap. Ngunit nanatiling sa plato ang kanyang tingin. King cleared his throat before answering Nenita. "Mm, yeah. Itatanong ko sana kung bakit wala sila tito.""Ah... Hindi ko rin alam, e. Alam kasi nila na umuuwi ako sa amin tuwing katapusan kaya siguro umalis rin sila. ""I see." Katahimikan ulit. Pareho silang dalawa na walang masagap na salita
Hindi mapakali si Nenita habang pabalik-balik sa paglakad paroon-parito. Nag-alala siya na baka ma infection ang sugat ni King. Na baka malalim iyon. May naiwan na bubog. Ma apektuhan ang ulo niya. Baka bigla nalang siya mahilo at mahimatay. Oa man isipin pero puro negatibo ang laman ng isip niya. Natatakot siya na baka hindi lang cold treatment ang matanggap niya kay Enrico kung sakali man na may mangyari kay King dahil sa sugat na natako niya. Baka mas malala pa sa cold treatment at ayaw niyang mangyari iyon. Si Enrico lang ang ka dikit niya sa magkapatid. Kay Enrico lang siya hindi naiilang. Kay Enrico niya lang naipapakita ang tunay niyang saloobin. Kapag may nangyaring masama kay King, baka iyon na ang dahilan para magkaroon sila ng hidwaan dalawa. Natigil siya sa paglakad at nag angat nang mukha ng marinig ang yabag na pababa sa hagdan. It was King. Naka pamulsa itong naglalakad pababa. Kaswal ang mukha ngunit lumalabas ang pagiging strikto at masungit. Kung hindi lang sigur