Kaarawan niya ni Nenita ngayon. Ngunit hindi niya ramdam. Katulad lang ng dati na isang normal na araw lang iyon sa kanya. Nang maihatid siya ni Don Emmanuel kanina ay naging malungkot siya. Hindi kase siya binati ng Don at ng mga anak nito. Umasa kase siya na sa paggising niya kanina ay babatiin siya ng mga ito.
"Siguro ay nakalimutan nila. Last month pa namin iyon napag-usapan e," kumbinsi niya sa sarili at nagpatuloy sa paglakad pauwi.“Ate Net!” Gulat na hiyaw ng kanyang bunsong kapatid na si Totoy nang makita siya nito.Binitawan nito ang basang lupa na nilalaro at tumakbo upang salubungin ang ate niya. Ginulo ni Nenita ang buhok ng kapatid nang yakapin siya nito ng mahigpit. Inilapag niya sa lupa ang dalawang plastik bag na pinagsidlan ng pasalubong niya at kinarga ang batang kapatid.Nenita grunt. “Ang bigat mo na. Pero ang asim mo parin,” aniya at sinunghot ang leeg ng kapatid.Humagikhik naman ito dahil nakikiliti sa ginagawa ni Nenita. Lumabas sa kanilang bahay ang dalawa pa niyang kapatid na babae. Pareho itong nagulat at hindi makapaniwala na narito ang kanilang Ate Nenita.Nag unahan silang tumakbo patungo kay Nenita at niyakap ito. “Miss na ka namin, ate. Hindi ka na ba aalis?” naiiyak na wika ng kanyang kapatid na si Rona, walong taong gulang.Ibinaba ni Nenita si Totoy. Ang isang plastik bag ay binitbit niya at ang isa ay binitibt ng pangatlo niyang kapatid na si Ashly, sampung taong gulang. Sabay silang pumasok apat sa loob ng kanilang bahay.“Miss ko na rin kayo. Pero kailangan magtrabaho ni ate nang sa ganon mabibili ko ang mga gusto niyo,” masayang usal ni Nenita sa mga kapatid at inilapag sa lamesa ang plastic bag. “Para hindi na kayo makapagliban sa klase dahil may baon na kayo araw-araw.”Ayaw niya kase maranasan ng mga kapatid niya ang pumasok sa eskwela na walang baon na pera at kumakalam pa ang sikmura. Ayaw niyang maranasan ng mga kapatid niya ang naranasan niya noong siya ay nag-aaral pa.“Baka lalo lang magalit si tatay,” maliit ang boses na wika ni Ashly.Nenita smiled at them. “Si ate ang bahala. Totoy, maghugas ka muna ng kamay. Kayong dalawa tulungan niyo si ate na mag ayos nitong pinamili ko,” aniya sa dalawa niyang kapatid na si Ashly at Rona.Mabilis na nagbago ang mood ng mga kaptid niya at natuon iyon sa mga groceries. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil karamihan sa mga binili ni Nenita ay ngayon lang nila ito matitikman.Nagpapasalamat siya kay Don Emmanuel dahil ni libre siya nito ng grocery na iuwi niya sa kanyang pamilya. Ang saya niya habang nakatingin sa kanyang mga kapatid na tuwang-tuwa na pinaghahati-hatian ang mga biscuit at chocolate.Hindi na siya nag abala na magtanong dito kung nasaan ang mga magulang nila dahil halata naman na wala ang mga ito dito. Wala siyang balak na magtagal dahil ayaw niyang maabutan siya ng kanyang ama.“Babalik ulit ako rito sa katapusan. Bibili tayo ng mga gamit niyo sa darating na pasukan,” aniya sa mga kapatid na ngayon ay mga malungkot na at papa-iyak. “Wag pasaway.”Mabigat man ang loob na iwan ang mga kapatid ngunit kailangan na niyang umalis. Ganitong oras kase umuuwi ang kanyang ama at alam niyang lasing na naman ito. Ayaw niyang maabutan siya ng kanyang ama.“Ashly, ‘wag mong ibigay lahat kay tatay ang pera nang sa ganon may maitabi ka para sa sarili mo. Dalaga ka na at may pangangailangan,” habilin niya dito.“Opo, ate. Ako na rin ho ang bahala kina Rona at Totoy.”Hanggang nasa bukana na siya ng kanto nakatanaw parin sa kanya ang mga kapatid niya, malungkot habang kumakaway sa kanya. Kumaway siya pabalik sa mga ito na may luha sa mata at mabigat na damdamin.Dumiritso siya sa chapel dito sa kanilang barangay. Nag sindi siya ng kandila at nag dasal. Umalis rin siya pagkatapos. Ngunit hindi pa siya umuwi ng mansyon. Ayaw niyang umuwi roon dahil hindi niya kayang magpanggap na hindi siya malungkot. Pati kase mga kapatid niya ay hindi siya nito binati na katulad ng kanyang nakasanayan sa mga nagdaang taon. Ni hindi nga siguro alam ng mga kapatid niya kung ilang taon na siya ngayon.Mula sa kanilang barangay nilakad niya ang daan pauwi sa mansyon. Sa malawak na palayan siya dumaan na short cut hanggang sa dulo ng Montefalco Village. Kahit pilitin niya ang sarili na maging masaya sa araw na ito hindi niya magawa.Sanay naman na siya. Pero ito ang araw na hindi niya maipaliwanag kung bakit ang bigat sa kanyang dibdib at hindi niya magawang batiin ang sarili ng happy birthday. Kahit magpanggap man lang na masaya siya.Madilim at tahimik ang mansyon ng makarating siya. Siguro ay wala rito si Don Emmanuel at siguro hindi pa naka-uwi ang mga anak nito. Binigyan siya ni Don Emmanuel ng spare key kanina kaya nakapasok siya na walang inabala sa pamilya.Hindi pa uminit ang puwet niya sa sofa nang bigla siyang mapatayo nang biglang may kumanta. Pagharap niya sa kitchen kung saan galing ang boses, nanubig ang kanyang mata nang makita ang sindi ng ilaw galing sa dalawang piraso ng kandila.They were all singing a happy birthday. Naka suot ng tuxedo ang mga ito at may bitbit na isang pirasong rosas. Hindi niya ito inaasahan kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin sa pagkagulat. Naka awang lang ang kanyang bibig at nanlalaki ang mata habang tumutulo ang luha sa labis sa sayang naramdaman.“Happy bithday!” sabay na pagbati nilang apat nang makalapit kay Nenita.“Mag-wish ka muna bago mo hipan ang kandila,” ani ni Enrico na siyang may hawak ng cake.Nenita close her eyes and whisper her wishes. Nang imulat niya ang mga mata, may ngiti sa labi na hinipan niya ang kandila na naroon sa ibabaw ng cake.“T-thank you po,” emosyonal na sambit niya hindi maawat ang luha na kumakawala doon.Lumapit sa kanya si Don Emmanuel at inabot ang isang pirasong rosas sa kanya. Nagtataka man tinanggap iyon ni Nenita. "Ayaw mo ng engrandeng selebrasyon kaya kami lang apat ang bisita mo, " ani ng Don. "Happy birthday, Nenita. Maari ba kitang isayaw?”Doon lang napagtanto ni Nenita ang lahat. They surprised her on her 18th birthday. Tumango siya bilang tungon sa nais ni Don Emmanuel. Naiiyak na naman siya. Kinurot niya pa ang sariling daliri baka nag-hallucinate lang siya. Pero hindi. Totoo na pinaghandaan ng pamilyang Montefalco ang kanyang kaarawan na hindi maalala ng mga magulang niya.Si Javier ang sumunod na sinayaw siya. Makita sa mga mata ni Javier ang saya habang sinasayaw nito si Nenita. Actually, lahat naman silang magkapatid ay makita sa kanilang mga mata ang saya at tuwa. Na para bang may isang goal silang na unlock sa tanang buhay nila.Ipinasa siya ni Javier kay Ethan. Hinalikan pa siya ni Ethan sa tuktok ng kanyang ulo nang batiin siya nito ng happy birthday.Ang huli ay si Enrico. Her heart beating so loud and fast nang lumapat ang labi ni Enrico sa kanyang noo. “Happy birthday. Simula ngayon maipagdiwang mo na ang kaarawan mo taon-taon na kasama kami.”Hindi alam ni Nenita kung anong kabutihan ang nagawa niya para iparanas ito sa kanya ng mag-ama.“Thank you po at ipinaranas niyo sa akin ito,” emosyonal na wika ni Nenita. “Ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan.”Kung sino pa iyong hindi niya ka ano-ano, iyon pa ang nagbigay ng halaga sa maliit na pangyayari sa buhay niya. Hindi niya talaga lubos maiisip na ganito ka subra ang kabutihan na pinaparamdam ng pamilya sa kanya.Pinagsaluhan nilang kainin ang handa na hinanda ng tatlong magkapatid. Apat na putahe lang iyon at may maliit na lechon baboy. Ang saya niya habang pinagmamasdan ang mga taong kasama niya sa hapag-kainan. Mabilis niyang pinahid ang luha ng maisip ang sariling pamilya. Ngunit ayaw niyang sirain ang masayang sandali kaya binura niya iyon sa kanyang isipan.“Mag-aral ka kaya this year. Sayang din ang panahon,” sambit ni Enrico sa gitna ng kanilang masayang hapunan.Napa ubo si Nenita ng mabulunan ito. "Wag na ho. Sayang sa gasto baka hindi pa ako makapagtapos.”" Anong hindi?” sabat ni Javier. “You’re genius and smart. I'm sure makakatapos ka kapag ang goal mo ay magtapos ng pag-aaral.”“Inaalala niya ang gastos,” ani Ethan.“Tama ang mga anak ko, Nenita. Bakit kaya hindi ka mag-aral sa kolehiyo?” Singit ni Don Emmaneul sa usapan.Walang mahagilap na sagot si Nenita dahil pinagtulungan siya ng mag-ama. Hindi lang naman kase ang gastos ang iniisip niya. Nahihiya rin siya dahil ang laki na nang naitulong ng pamilya sa kanya. Sobra-sobra na para tanggapin niya pa ang alok nilang mag-aral siya.Gusto niyang mag-aral. Dahil iyon ang pangarap niya ang magtapos at magkaroon ng diploma. Subalit maraming bumabagabag sa isipan niya. Maraming agam-agam kung susubok ba siya.May tiwala siya sa sarili dahil kahit paano ay matalino naman siya pagdating sa academics. Pero naisip niya na baka mahirapan siyang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. At iniisip niya rin na baka lalo lang magalit ang ama nito sa kanya kapag nalaman nitong nag-aaral siya.Paano na iyong mga kapatid niya? Labis na kahihiyan na ang matatanggap niya kung tatanggap pa siya ng sweldo gayong pinapa-aral pa siya ng mga ito. Ayaw niyang matigil ang pagbibigay ng sustento sa mga kapatid hanggat nag-aaral pa ang mga ito dahil hindi naman maaasahan ang mga magulang nila.“Kahit anong kurso pa ang kunin mo basta mag-aral ka lang, ibibigay namin ang buong suporta sayo,” saad pa si Don Emmaneul. “Mahalaga ang edukasyon, hija.”Hindi pa siya makapag desisyon sa ngayon. Tinitimbang pa niya ang kanyang sitwasyon. Kung tutuusin, barya lang sa mga Montefalco ang tulong nilang paaralin siya. Ngunit kalabisan na kase iyon para kay Nenita.“Pag-isipan ko ho. Matagal pa naman ang pasukan,” aniya nang matigil na ang mag-ama sa pangungulit sa kanya.Isang matamis na ngiti ang iginawad sa kanya ng mag-ama sa sinagot nito at muling itinuloy ang kasiyahan.Umaasa kase ang mga ito na makumbinse nila ang dalaga na mag-aral sa kolehiyo. ISANG matalim at masamang tingin ang napangantog ng tuhod ng batang nagngangalang Antonette nang makita sa ‘di kalayuan ang lalaking kinakatakutan niya. Ang klase ng tingin na iyon na alam niya kung ano ang ibig sabihin. Tingin na nagbabanta dahil hindi nito nagustuhan ang bawat galaw na ginagawa ng dalaga. Tingin na alam niyang may sinusuway sa utos ang dalaga.MAKALIPAS ANG APAT NA TAON. Si Nenita ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Akala niya hindi niya kakayanin. Akala niya hindi siya makapagtapos sa kolehiyo. Ngunit lahat ng hirap sa pag-aaral ay nalagpasan niya sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya—ang pamilyang Montefalco. Nagtapos siya na may mataas na marka at naging isang Cum Laude.“Congratulations, baby girl namin!” sinalubong siya ng yakap ni Javier. May dala itong flower bouquet. Nakiyakap rin si Ethan na tuwang-tuwa kay Nenita. Hinanap ng mata niya si Enrico pero wala ang lalaki. Nakaramdam siya ng lungkot pero hindi niya iyon pinahalata. '𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥, ' aniya sa sarili. “We are so proud of you, Net.” Naluluha ang mata sa saya na wika ni Don Emmanuel.“Thank you po. Kung hindi dahil sa inyo, sa suporta niyo, hindi ko ito mararating,” emosyonal niyang sabi. “Utang ko sa inyo ang narating ko ngayon.”Hindi madali para sa kanya ang lahat. Ngunit hindi niya naisip
“Ate, buti umuwi ka!” Mangiyak-ngiyak na usal ng kapatid niyang si Rona nang makita siya nitong paparating.“Bakit, may nangayri ba?” nababahala na tanong dito ni Nenita. Sinuri niya ang katawan ng kapatid kung may galos ba ito o mga pasa sa katawan. Nang makita na wala, nakahinga siya ng maluwang.“Graduation day niya ngayon,” si Ashly ang sumagot. “Kagabi pa iyan umiiyak nag-alala na baka siya lang ang walang kasama na guardian mamaya.”Tumingin sa kanya si Nenita na humihingi ng paumanhin. “Sorry, hindi ko kase alam,” aniya sa kapatid. ”Wag kang mag-alala dahil nandito na ako. Ako ang sasama sayo.”Umaliwalas ang mukha ni Rona sa sinabi ni Nenita. Na guilty naman si Nenita. Paano kung hindi siya umuwi? Paano kung nagkataon na walang lakad ang mag-ama, sino ang sasama sa kapatid niya sa araw ng kanyang graduation?Wala siyang contact sa mga ito dahil wala silang cell phone. Nababahala rin si Nenita na bigyan ang kapatid niya at baka malaman iyon ng kanilang ama. Hindi lang siya ang
Wala ang mag-ama kaya walang choice si Nenita kundi asikasuhin ang bisita na feel at home. Hindi niya ito kilala at ngayon niya lang rin ito nakita. Pabagsak na inilapag ni Nenita ang isang petsil na juice sa center table kung saan naka upo doon ang bwesita—este bisita. Ewan ba niya, wala namang ginawa ang lalaki sa kanya pero naiinis siya. Oo, gwapo siya, malakas ang karisma, pero hindi gusto ni Nenita ang facial expression nito na parang galit sa mundo. Ka lalaking tao ang taray ng mukha niya. "Hintayin mo na lang sila. Pauwi na raw—""I know, " pagputol ng lalaki sa pagsalita niya. Nagpupuyos sa inis na tinalikuran niya ang lalaki. Sa kusina siya dumiretso at uminom ng malamig na tubig, pampakalma sa nag iinit niyang ulo. Sinilip niya ang lalaki sa sala. Nakasandal ito sa couch habang naka dikuwatro ang paa. At gumagala ang kanyang tingin sa buong kabahayan. Sa pagtitig ni Nenita sa mukha ng lalaki, mula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong at perpektong hulma ng pan
Natigil sandali ang paghinga ni Nenita sa ginawa ni King. Ang striktong mukha ng lalaki kanina ngayon ay malamlam na habang dinadampi sa pisngi ni Nenita ang hawak na ice bag compress. Kanina niya pa ito napansin ngunit tila wala sa sarili ang babae kaya hindi niya ito sinita sa kanyang napansin. Alam niya kung bakit at ano ang dahilan ngunit hinihintay niyang si Nenita mismo ang magsabi niyon sa kanya. Ngunit hindi iyon ang kanyang narinig mula sa babae. "Kaya ko ang sarili ko, " maliit ang boses na usal ni Nenita at inilayo ang sarili kay King. She wanted to cry. Ngayon niya lang naranasan na alagaan siya ng isang tao. Although, inaalagaan naman siya ng magkapatid, sadyang iba lang ang nararamdaman niya sa pag alaga ng mga ito kumpara sa ginawa ni King ngayon. Siguro dahil ibang pag alaga ang ginagawa ng magkapatid sa kanya. Unlike kay King, na ang imposibleng makita ng ibang tao ay napansin niya ng walang ka hirap-hirap. Ginamot na walang pag alinlangan. "Kaya mo ang sarili m
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Nenita sa narinig kay King. Naging triple ang lakas nang kabog ng kanyang puso at nakatulala sa mukha ng lalaki. Hindi niya mapigilan na mag assume na siya ang gustong makita ni King dahil sa kanya nakatingin ang lalaki nang sabihin nito ang katagang iyon. Bahagyang tumabingi ang ulo ni King. Ngunit nanatiling payak at kalmado ang mukha nito. Napaiwas naman ng tingin si Nenita ng matubuan ng hiya dahil ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi. Ibinaling ni King ang atensyon kay Enrico. "Tungkol doon sa sinabi ni Tito kagabi," aniya. "I see. Tara sa loob, " ani Enrico at umakbay sa pinsan. "Mag agahan muna tayo bago ko ipakita yung blue print sayo. "Napahiya na kinastigo ni Nenita ang sarili. Umiwas ng tingin si Nenita at ibinaling sa sasakyan ang atensyon upang maibsan ang pagkapahiya sa sarili. Nadismaya siya at the same time ay nasaktan dahil ang buong akala niya siya ang gustong makita ni King."Net, tara na sa loob. Mag agahan n
Tatlong araw na ang nakalipas nang mag walk out si King sa kalagitnaan ng pananghalian nila. Tatlong araw na rin itong hindi nakita ni Nenita. Hindi na ito nagpunta pa ulit sa mansyon. Walang pakialam ang mag-ama siguro ay dahil alam nila ang rason kung bakit walang King na nagpakita.Ayos iyon kay Nenita, nang sa ganun ay walang nanggugulo at nag-aasar sa kanya. Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Nenita bago bumangon. Hindi siya makatulog kahit madaling araw na. Ang dahilan, ay dahil bumabagabag sa isipan niya ang reaksyon ni King noong huli niya itong nakita.Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Imbis na bumalik sa kanyang silid, dinala siya ng kanyang mga paa sa likod ng bahay, doon sa harap ng flower garden.May metal table and chairs doon. Nang maka upo kaagad niyang niyakap ang sarili nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Alas-tres na ng madaling araw ngunit maliwang ang paligid nitong garden dahil sa mga
Nagising si King na masakit ang leeg at likod. Nagtataka siya na wala siya sa kanyang silid pagkamulat nito. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang maalala na umuwi pala siya na lasing kagabi. Naparami ang inom nila ni Enrico habang nag-uusap tungkol sa negosyong pinaplano ni King. Dumating rin kasi si Javier kaya napasarap sila sa pag-uusap at humantong sa pagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Inawat siya ng magkapatid na huwag nang umuwi ngunit nagpupumilit siya. Maayos naman siyang nakalabas ng mansyon, kaya lang sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay bigla siyang nahilo at naka ilang beses na natumba nang sinubok niyang maglakad pauwi. Hanggang sa hindi niya napansin na maling daan na pala ang tinatahak niya. Inunat niya ang katawan at pinatunog ang leeg hanggang sa maibsan ang pangangalay niyon. "Walang puso talaga ang babae na'yon. Hindi pa nilubos ang pagtulong, " himutok niya habang sinusuri ang buong paligid nagbabakasali na makita si Nenita. Kahit lasing siya kagabi tan
"Kumain ka na, hari. "Wika ni Nenita nang mailapag ang niluto nitong adobong baboy. Pasado alas-dos na ng hapon kaya gutom na rin siya. Wala ngayon ang mag-ama kaya silang dalawa lang ni King ang magkasalo. Naiilang man pinatili ni Nenita na maging kaswal at tahimik na kumain na parang siya lang mag-isa at walang ibang kasama. Habang si King ay nakiramdam lang. Naghahanap ng tiyempo kung paano kausapin si Nenita. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin na ayaw ni Nenita magsalita. Hindi rin siya bulag para hindi makita na may problema na namang iniisip ang dalaga. "Ano nga pala iyong itatanong mo kanina? " pagbukas ni Nenita ng pag-uusap. Ngunit nanatiling sa plato ang kanyang tingin. King cleared his throat before answering Nenita. "Mm, yeah. Itatanong ko sana kung bakit wala sila tito.""Ah... Hindi ko rin alam, e. Alam kasi nila na umuuwi ako sa amin tuwing katapusan kaya siguro umalis rin sila. ""I see." Katahimikan ulit. Pareho silang dalawa na walang masagap na salita