Share

CHAPERT 6: HIS IDENTITY

"YOU'RE kidding right?"natatawa kong sambit sa kaniya.

"Yes,it's true Rio!"mariin niyang tugon sa akin."We are meant for each other,believe it or not."

Pinaikot ko ang aking mga mata sa kaniya."Nababaliw ka na talaga Mr.Daryl Ibarra!Alam mo sinasayang mo lang ang oras ko.Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit ako pumunta rito at hayaang makinig sa explanations mong parang ewan."Inilapit ko ang sarili ko sa kaniya at tumitig sa kaniyang mga mata.

"Walang pwedeng magsabi kung sino ang lalaking nakatadhana sa akin,hindi ikaw o kung sino man!Besides hindi ka Diyos para malaman ang kapalaran ko,isa ka lang baliw na manyak na lalaki na basta na lamang sumulpot kong saan.What the f*ck!Just leave me alone,psy--."

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil may biglang sumulpot na malaking lobo sa may damuhan.Kulay itim ang balahibo nito,mayroong matatalas na ngipin ang kaniyang bibig na nagbabadyang ikagat sa amin.Hindi ako nakakibo sa pagkagulat.Mabilis naman ang kamay ni Ibarra na alalayan ako at itago sa kaniyang likuran.Nanginginig ang aking katawan,mahigpit ang pagkakakapit ko sa braso niya.

"Wag ka mag-alala,ako ang bahala sa'yo."pabulong na wika niya pero ano ba ang magiging laban niya sa halimaw na nasa aming harapan?Katapusan na namin.

"Bakit kung kailan ko kailangan ang pagiging taong lobo ko ay hindi naman ako nagpapalit ng anyo?"napatingin ako sa binatang nasa gilid ko.Marahil ay siya ang dahilan dahil kapag kasama ko siya ay panatag at kalmado ako.

"Grrrr!"

Matalim ang bawat titig ng halimaw sa amin.Maya-maya pa ay tumakbo ito papalapit upang kami'y atakihin.

Sumulyap sa akin si Ibarra at tinanggal ang kamay kong nakakakapit sa kaniyang braso.Tumakbo rin siya papalapit sa halimaw.Napanganga ako ng makita ng dalawang mga mata ko ang pagpapalit niya ng anyo.Hindi ako pwedeng magkamali, at lalong lalong hindi ako namamalikmata!

"Oh my God!"nasapo ko ang aking bibig.Kitang kita ko kung paano sila naglalaban ng halimaw na iyon.Tumakbo ako papalayo sa kanilang dalawa at naghanap ng makukublihan.Saktong may malaking puno na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko kaya doon ako kumubli.

Isang malakas na kagat sa leeg ang binitawan ng itim na lobo kay Ibarra dahilan upang umalulong siya ng malakas.Napabulagta siya sa damuhan.Nang mapansin ng kalaban na nanghihina na siya ay tumingin ito sa aking direksyon.

Umupo at namaluktot ako sa sobrang takot.Mabilis siyang nakarating sa aking harapan.Kitang kita ko ang matatalim niyang pangil.Pumikit na lamang ako at tinanggap kung ano ang mga mangyayari.Tumulo ang mga luha ko ng maalala ko ang aking mga magulang at bunsong kapatid.

"Mahal na mahal ko kayo."

Aktong kakagatin na niya ako ng biglang sumulpot si Ibarra at dinaganan niya ang itim na lobo at pinangkakagat sa ibat ibang parte ng katawan,ganoon din naman ang gianawa ng halimaw.Napansin ko na hinang hina na ang binata dahil sa mga sugat nito.Hindi maaaring tumayo lang ako dito at panooring mamatay siya sa kamay ng halimaw na ito.

Tumayo ako at itinuon ko ang aking mga mata sa itim na lobong nakadagan kay Ibarra.Matinding galit ang aking naramdaman.Maya-maya ay naramdaman ko na rin ang unti-unting pagbabago ng aking katawan.Umusli sa likod ko ang matigas na mga buto,nagkaroon ng balahibo ang aking katawan at unti-unti na akong nag-anyong lobo.

Tumalon ako sa halimaw at kinagat ko ang kaniyang leeg.Pinagkakalmot ko rin siya ng matatalas kong kuko.Naging dahilan ito upang bitawan niya si Ibarra.Nakita ko ang malalim na sugat na dulot ng aking pagkakakagat sa kaniyang leeg.Tumutulo ang maraming dugo rito.

Tumingin ito sa amin ni Ibarra na ngayon ay nakahandusay sa damuhan at katabi ko.Itinataas niya ang kaniyang nguso saka umalulong ng malakas,pagkatapos ay tumakbo sa damuhan at nawalang parang bula.

Nang mawala ang tensiyon ay unti- unti ng bumalik ang anyo ko sa dati.Nakita ko rin kung paano bumalik si Ibarra sa kaniyang dating hitsura.

Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at inalalayan siyang makatayo.Kapwa kami hubo't h***d kaya naman nagpalinga linga ako upang humanap ng mapagkukublihan.May kalaliman na ang gabi pero natatakot pa rin ako na baka may makakita sa amin.Aktibo sa pag-gu-gwardiya ang rouving guard ng aming Subdivision.

Isinandal ko ang binata sa puno.Masukal sa napili kong lugar at may kadiliman rin.

Matinding pag-aalala ang namayani sa akin lalo na ng mapansin kong nanghihina ang binata.May malaking kalmot siya sa dibdib at may kagat sa kanang tagiliran.

"Ibigay mo sa akin ang mga kamay mo Rio."pakiusap nito.Iniabot ko naman kaagad sa kaniya.Inilapat niya ang mga palad ko sa kaniyang dibdib.Maya-maya ay umilaw ito at gumaling ang mga sugat niya.

"Paano nangyari 'yon?'labis ang aking pagtataka.

Idinampi nito ang kaniyang palad sa aking pisngi at hinimas."Marami pang special sa'yo na hindi mo alam."

"Panaginip lang ang lahat ng ito."nakatulala kong tugon.

"Yung kanina?yung p-pagpa-palit mo ng anyo mo?Anong klaseng nilalang ka ba talaga?Sabihin mo sa akin kasi litong lito na ako sa mga nangyayari."gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko lang.

"Gusto ko sanang ipaliwanag ang lahat sa iyo ngayong gabi pero may kailangan pa akong tuusin ngayon."

Biglang nagdilim ang kaniyang mukha.

"Gusto ko lang malaman mo na walang pwedeng manakit sa'yo,lalo na't andito na ako sa tabi mo.Alam kong nabibigla ka sa lahat ng mga nangyayari pero andito lang ako.Kasama mo ako sa lahat ng oras."

Ang galit niyang mga mata ay biglang namungay habang nakatitig sa akin.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,pakiramdam ko ay ligtas ako basta't andiyan siya sa tabi ko.

****

"Mauna na ako."sambit ko kay Ibarra. Andito na kami ngayon sa di kalayuan sa aming gate.Ayokong may makakitang may kasama akong lalaki.Paniguradong isang mahabang paliwanagan ito kapag nagkataon.

"See you tommorow."maikli niyang sagot.

Akmang hahakbang na sana ako nang biglang nawalan ako ng balanse.May kung ano kasi akong natapakan.

Alisto naman ang binata sa pagsalo sa akin.Hindi sinasadyang nagkatitigan ang aming mga mata.Hindi ito ang unang pagkakataon na matitigan ko siya,pero ibang iba ngayon.Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang mga mata niya,ngayon ko lang din napagtanto na sa bawat titig niya ay punong puno ng pag-alala at pagmamahal na para bang matagal na niya akong kilala.

"Im sorry!"

"No,it's okay.I was born para umalalay sayo sa lahat ng pagkakataon."nakangiti ito.

Itinayo niya ako ng maayos at pinagpagpag ko naman ang aking damit.

Tumakbo na ako papalayo sa kaniya,hindi ko na makayanan ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Dumiretso ako sa aking kwarto at nagtalukbong sa aking kama ng kumot.

Hinawakan ko ang mga labi ko.May kakaibang init pa rin akong nararamdaman at ang saya saya ko...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status