Share

His Unwanted Beta
His Unwanted Beta
Author: Louisse Andres

CHAPTER 1: SHE'S 18!

NANG binuksan ko ang pintuan ng comfort room ko ay nagmamadali akong humarap sa salamin.Tinignan ko kaagad ang aking mga ngipin."Shit!"anas ko sa aking sarili nang makita ko ang mahahabang pangil na kakatubo pa lamang.Limang araw na ang nakakalipas ng may napapansin akong pagbabago sa aking katawan.Gusto kong lumabas para humingi ng tulong sa aking ina pero hindi maari dahil napakaraming tao sa labas.

 "Ano bang nangyayari sa akin?"Naiiyak kong tanong sa aking sarili.May tumubong pangil,nagkulay light brown ang dating kulay asul kong mga mata.Maya-maya pa ay biglang  sumakit ang ang aking katawan to the extent na napasigaw na ako ng malakas.Nahihilo na ako pero naririnig ko pa rin ang katok ng aking ina sa pintuan.

 "Anak okay ka lang ba?"may pag-aalala sa boses nito.Nakita ko rin na pinipihit niya ang doorknob na ni-locked ko.

  "Okay lang po ako ma."Hindi ko pinahalata sa boses ko na may nararamdaman ako,nag-aalangan din ako magsabi dahil baka matakot siya sa mga pagbabagong nangyayari sa akin."Susunod na po ako."

 "Oh siya at bumaba ka na rin ha,naghihintay ang mga bisita.Wag ka na masyado magpaganda kasi para sa akin ikaw na ang pinakamaganda,Happy 18th Birthday anak."Pagkasabi noon ay naramdaman ko ang pagyabag ng kaniyang mga paa palabas ng aking kwarto.

Isang malakas na alulong ang pinakawalan ko sabay nito ang tuluyang pagbabago ng aking anyo.Laking gulat ko ng makita sa salamin ang aking hitsura,isa na akong lobo.May matutulis na pangil,light brown na mata,punong puno ng balahibo ang aking katawan.

 "Hindi na ako tao,isa na akong lobo!"

Nagmamadali akong lumabas ng CR at tumalon sa bintana ng aking kwarto.

 *** 

Sa garden ng pamilya Del Prado ay may isang malaking handaan.Ika-18 kaarawan ng kanilang panganay na si Rio.Magagara ang suot ng mga bisita at bawat isa sa kanila ay mga popular na tao rin.Hindi na ito nakakapagtaka sapagkat isa sa pinakamayaman sa Pilipinas ang kanilang pamilya.CEO ang kaniyang ama ng isang sikat na kompaniya hindi lang sa 'Pinas kundi pati abroad.Sa harapan naman ay may isang upuan na nakadisenyo lamang para sa debutant.Napapalibutan ito ng kulay pink na rosas at mga balloons. Sa tabi nito ay may kulay pink na 16" round na cake na may labing walong kandila.May sampung table din na lahat ay okupado na ang mga upuan.Isa nalang ang hinihintay nilang lahat...ang paglabas ng debutant.

 "Cecilia,asan na ba si Rio?Sinundo mo na ba sa kwarto niya?"wika ng isang matandang babae na bagamat may edad na ay matikas pa rin ang pangangatawan.Ito ang lola ng dalaga.

Kumampay naman ang ginang sa isa sa kanilang maid at inutusan itong puntahan ang dalaga sa kaniyang kwarto.

 "Yes ma,pinuntahan ko na nga kanina pero nakakulong naman sa comfort room at ayaw magpaistorbo.Alam niyo naman ang mga kabataan ngayon,masyadong matagal mag-ayos."paliwanag nito sa matanda.

 "E paanong ayos pa ba ang gusto niya?Hindi ba't may kinuha ka na ngang make up artist?"naiinis na tugon nito marahil ay nahihiya na rin sa mga bisita na kanina pa naghihintay. 

Maya-maya pa ay dumating na rin si Manang Lita,ang kanilang maid.May pagtataka sa mukha nito.Nagmamadali itong lumapit sa dalawang Ginang.

 "Mam,wala naman po sa kwarto niya si Rio."

 "What do you mean na wala?"magkahalong gulat at pagtatakang napabulalas ang matandang Ginang.

 "Are you sure na na-checked mo siya sa buong kwarto Manang?"dagdag naman ni Cecilia.

 "Opo Ma'am,pero wala po talaga siya doon.Sinubukan ko na rin pong maghanap sa ibang sulok ng bahay."may pag-alala sa tinig ng matandang kasambahay.

Sumenyas ang ina ni Rio sa kaniyang lola na siya na muna ang bahala sa mga bisita at nagmamadali siyang pumasok sa kanilang bahay at umakyat sa second floor kung saan ang kwarto ng dalaga.Binuksan niya ang kwarto at ang comfort room ng kaniyang anak pero wala siyang nakita kahit anino nito.Napabaling na lamang ang kaniyang mga mata sa bukas na bintana na maririnig ang paglagatik dahil na rin sa lakas ng hangin.Lumapit siya rito at sumilip sa ibaba na may kadiliman sapagkat likod ito ng kanilang bahay.Bakas ang pagkabilasa at pag-aalala sa  mukha ng Ginang.

***

Tumalon ako sa bintana ng aking kwarto at nagtago sa dilim upang hindi mapansin ng mga taong nasa party ko.Gusto kong umalulong dahil sa lungkot.Nakita ko ang aking ina at lola na magkatabi habang masayang nakikipag-kwetuhan sa mga bisista.I wonder kung alam na nila na wala ako at mukhang malabo ng maka-attend sa party na pinaghandaan nila ng ilang buwan at pinakahihintay ko sa kadahilanang isang beses lang ito dadaan sa buhay ng isang babae.

 "Ano ba ako?"bulong ko sa sarili ko.Pero bago pa ako mapanghinaan ng loob ay nagpasya akong maghanap ng isang lugar na matataguan.Naisip ko agad ang basement namin na nakahiwalay sa bahay.Busy ang lahat sa party kaya walang makkapansin sa akin,isa pa ay may kadiliman din sa lugar na iyon dahil tambakan lamang ito ng mga lumang gamit.Patago akong nagmamadaling tumakbo papunta doon.Alam kong naka-locked ang front door kaya dumiretso ako sa gilid ng pader nito na may nakasandal na malaking tabla.Inusad ko iyon ng aking nguso at tuluyan na nga akong nakapasok.

Madilim sa loob pero malinaw na malinaw kong nakikita ang bawat gamit dito.Malayo na rin ako sa Party pero malinaw ko silang naririnig na para bang katabi ko lamang sila. Nasa tapat ko ang isang lumang  whole body mirror na may takip na puting tela.Tinanggal ko iyon sa pamamagitan ng pagkagat rito.

 "My God!"bulalas ko sa isip ko.Halos hindi ko na makilala ang sarili ko.Lumapit pa ako ng husto upang pagmasdan ang kabuohan ko.Itinulak ko ang bawat gamit na madaanan ko."It can't be!."Ang daming puampasok sa isipan ko.Makikita ko pa ba si mommy?si daddy?si lola?at ang bunso kong kapatid na si Kyle?Paano ako haharap sa kanila na ganito ang hitsura ko?Paano ko maipapaalam na ako 'to,ang kanilang unika hija na si Rio.Napagod ako sa pagwawala ko kaya sumalampak na lamang ako sa sahig.Sa harap ng salamin na buong buo ko nakikita ang sarili ko.May isang bola na gumulong malapit sa nguso ko.Ito ang kulay pula na laruang bola na binigay sa akin ni Mommy noong nasa kinder pa lamang ako.Natatandaan ko na ibinigay niya ito noong nadapa ako habang naglalaro sa Play ground ng School.

 "I miss you 'ma,sana pwede akong tumakbo sa iyo ngayon at yumakap ng mahigpit."

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang bumabalik ang itsura ko sa dati.Tumambad ang h***d kong katawan sa harapan ng salamin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status