Share

Chapter 3

Pinagpapawisan na ang mga naunang contestants dahil ramdam nila ang titig ni Aru sa kanila.

“Uy, gag0 ‘to. Hindi naman nila kasalanan na magtataas ng cardboard si Miss secretary sa kanila,” natatawang sabi ni Fero.

“Shut up!” Mariing sabi ni Aru at masama na namang nakatingin sa number 9.

Si Wommie naman ay nahihiya na dahil ika-siyam na niyang nagtaas ng cardboard, hindi pa rin siya napipili ng mga candidates.

Tumingin si Wommie kay Seri. “Pangit ba ako?” napangiwi si Serina sa tanong niya.

“Hindi naman Woms, bakit?”

“Bakit hindi ako napipili?”

Lumabi si Seri, kasi kahit siya ay nagtataka. Among the girls na kasama nila sa barko, hindi malayong may ibubuga si Wommie ng 10 times.

Nang piliin ni number 9 ang katabi ni Wommie, bigo niyang ibinaba ang cardboard niya.

“Ayoko na nga,” sumusukong sabi ni Wommie.

“Ano, gusto mo bang kumain? Tara sa resto nila sa baba, masarap pagkain doon e,” sabi ni Serina para hindi na maging malungkot si Wommie.

“Oh ikaw na,” sabi ni Fero kay Aru matapos makapili ni candidate number 9.

“Ang atat mo tsong,” natatawang sabi ni Fero. Nang nasa gitna na si Aru, saka naman ibinaba ni Wommie ang cardboard niya.

“Okay, for our last contestant, si Mr. Whore…”

‘Why is she leaving?’ tanong ni Aru sa isipan niya nang makita na mukhang paalis si Wommie sa kinaroroonan niya.

“She’s leaving, gago, bilisan mo.” Bulong ni Aru kay Fero.

“The bidding starts now,”

Maraming nagsitaasan ng kani-kanilang cardboard pero si Wommie na inaasahan ni Aru na magtataas para sa kaniya ay naglalakad na paalis.

“Kapag lumabas si Wommie sa club na ito, papatayin kita Fero,” sabi ni Aru at si Feru naman ay humalakhak na para bang kinikiliti siya ng kung sino.

Si Hut sa tabi ni Jed ay halos mamatay sa kakatawa dahil imbes pang huli na, hindi na nagbid si Wommie.

“Okay, the winner is Wommie Wundt.” Ang sabi ni Fero dahilan kung bakit napatigil si Serina at Wommie sa paglalakad.

“Huh?” sabi ni Wommie at nanlalaki ang mata niyang napatitig kay Seri.

“Tinawag ba pangalan ko Seri?”

Pero si Seri ay tumalon na sa tuwa. “Oh my gosh! Nanalo ka Woms, nanalo ka!”

“Pero uy, hindi ako nagbid,”

Agad na tumutok sa kanila ang spotlight. Hindi halos makagalaw si Wommie sa kinatatayuan niya. Fero asked her name awhile ago kaya hindi na nagtaka si Wommie na kilala siya ni Fero.

Ang pinagtataka niya ay bakit hindi si Mr. Whore ang nagsalita at nagkusa na piliin siya.

“Ah, hindi na ako nagbid,” unsure si Wommie kung tama ba ang sinabi niya.

Tumingin siya kay Mr. Whore, napalunok siya nang mapansin na titig na titig ito sa kaniya. Nagtataka tuloy siya kung sino ang nasa likod ng maskara na iyon.

“Yeah pero ikaw ang pinili ni Mr. Whore,” nakangising sabi ni Fero.

“That’s cheating!” React naman ng iba.

“Sorry ladies but si Ms. Wommie ang napili ni Mr. Whore.” Nakangiting sabi ni Fero sa mga babae na nagreact kasi hindi nga naman siya nagtaas ng cardboard so bakit siya ang napili.

May crew na lumapit kay Wommie at binigay nito ang cardboard na iniwan niya kanina.

“Girl, mukhang bet ka ni Mr. Whore,” tili ni Serina sa likuran niya.

Hindi alam ni Wommie pero kinabahan siya bigla kasi iba makatitig si Mr. Whore sa kaniya.

“Tas ang land! ng code name niya ah? Mr. Whore.” Dagdag ni Seri at tumili ulit.

Kinakabahan si Wommie habang dahan-dahan silang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Mr. Whore.

“Hi Miss Wommie, anong nararamdaman mo ngayon?” tanong ni Fero nang makaakyat si Wommie sa stage.

Tumingin si Wommie kay Seri, na agad nag ‘aja’ sa kanya.

“Masaya?” hindi siguradong sagot ni Wommie kay Fero. Binalingan naman ni Wommie si Mr. Whore. Nakita niyang may binulong si Mr. Whore kay Fero.

Nagtaka si Wommie pero si Fero ay tumawa ulit. Kanina pa siya gustong katayin ni Aru, nagpipigil lang siya.

Sinong hindi matatawa e lahat ng pinapagawa niya kay Fero ay unexpected para dito.

“Grabe ka na tsong. Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ‘to,” bulong ni Fero sa kaniya at inakbayan pa siya.

“Ms. Wommie, pinapatanong ni Mr. Whore kung anong nakakaakit sa kaniya,” agad na nasitilian ang mga kababaihan habang si Hut naman ay halos hindi na makahinga kakatawa.

Si Jed ay mahinang natawa at napahilot na lamang sa ulo niya. Hindi niya alam bakit may mga kaibigan siyang kulang kulang sa buwan.

Tumingin ulit si Wommie sa kaibigan niyang halos matunaw na sa kilig.

Namumula na ang pisngi ni Wommie. Hindi niya aakalain na aabot siya sa point na ma-hot seat siya ng ganito.

Tumingin si Wommie kay Mr.Whore. Naabutan niya itong nakakatig sa mga mata niya. Wala sa sariling nakagat niya ang pang-ibabang labi niya at dahil doon, nagtilian ang lahat ng tao na nanonood sa kanila.

“Gusto ko ang mga mata niya,” ang sabi ni Wommie, pinaka-safe na sagot na nasabi niya.

“Mata lang ba?” rinig niyang tanong muli ni Fero.

Mas lalo siyang namula dahil maliban sa mata, abs ni Mr. Whore lang ang kitang kita niya.

“G-Gusto ko rin ang abs niya,” sabi ni Wommie at nagwawala na ang mga girls na nanonood sa kanila.

May ibinulong na naman si Mr. Whore kay Fero, at si Fero G na G naman sa mga kalokohan ni Aru.

Hindi pa rin kasi niya matanggap na tinalikuran siya ni Wommie kanina imbes siya na ang isasalang sa bidding.

“Gaano mo kagusto si Mr. Whore?” tanong ni Fero

“Pardon?

“I mean, gaano ka kasatisfy sa physical appearance niya?”

Wommie won’t lie, 10 out of 10 si Mr. Whore dahil ito yata ang may pinakamagandang katawan kanina na napansin niya. She just gave up kasi iniisip niya na wala siyang pag-asa mapili.

Hindi nga siya napili no’ng mga nauna so she lose hope na mapipili siya ni candidate number 10 na si Mr. Whore.

“He’s 10,” tapat na sagot ni Wommie.

“Kung ganoon Miss Wommie, pwede mo bang itaas ang cardboard na hawak mo ngayon at sabihing, Mine, Mr. Whore?”

Napalunok si Wommie. Nagkatitigan sila ni Mr. Whore bago niya dahan-dahang itinaas ang cardboard na hawak niya.

“M-Mine, Mr. Whore!” Kagat labing sabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status