(Ship of Temptation 1) Isang cruise ship ang handa ng maglayag para dalhin ka sa init ng kaligayahan. Hindi inaasahan ni Wommie na sa pagtapak niya sa isang misteryosong barko, makikilala niya doon ang lalaking nagtatago sa maskara na siyang bibihag at handang maging alipin niya. Wommie Wundt, the woman who put a leash on her cold-hearted boss.
view moreNapatingin si Rem kay Marian na nakakapit kay Grey ngayon. Parang nagslowmo lahat sa utak niya ang pinag-usapan nila ng bata kanina.Bigla siyang napasinghap at namutla ng may napagtanto.“Manong, this is my mama po.” Nakangiting sabi ni Marian kay Rem na walang kamalay-malay sa nangyayari.“Marian, pumasok ka muna sa bahay anak.” Sabi ni Grey, hindi na makakurap sa labis na gulat.“Pero mama-"“MARIA RHIAN!” Sigaw ni Grey para lang sumunod sa kaniya ang anak niya. Nabigla si Marian at nang makita ang expression sa mukha ng mama niya, agad na niyang naitindihan na may hindi magandang nangyayari.Tumingin siya kay Rem bago siya pumasok sa loob ng bahay nila.Nang sila nalang ni Grey at Rem ang naiwan, agad na hinarap ni Grey si Rem na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin kay Marian.“Anong ginagawa mo dito Rem?” tanong ni Grey ng makabawi siya sa gulat.Tumingin si Rem sa kaniya. “G-Grey,” halos hind niya alam ano ang sasabihin sa asawa niyang labing dalawampu’t taon rin niyang hindi na
“So tell me about your father,” tanong ni Rem. “Saan siya nagta-trabaho? At saan ka nakatira? Gabi na ah? Tapos babae ka pa. Alam mo ba delikado itong ginagawa mo?”Napanguso si Marian sa sunod-sunod na tanong ni Rem sa kaniya. Kumakain pa rin siya ng lomi at napapangiti kapag nasasama ang malilit na sahog sa pagkain niya ng noodles.Naghahanap siya ng tamang salita para simulan ang kwento niya.“Hindi talaga kami mapirmi ni mama dito sa Pilipinas. Nagbakasyon lang kami tapos babalik rin America. Hinihintay lang namin si lola na makauwi para sabay kaming babalik ng ibang bansa.”Napatango si Rem, masinsinan na nakikinig sa bata.“Hindi ko pa nakikilala ang papa ko kaya hinahanap ko siya. So hindi ko alam anong trabaho niya.”Napabuntong hininga si Marian.“Alam mo ba saan siya nakatira ngayon?”Umiling si Marian. “Hindi po e.”Kumunot naman ang noo ni Rem.“Hiwalay ba ang parents mo?”Umiling ulit si Marian. “No. Sabi ni mama e kasal pa rin sila ni papa. Kaya lang, sabi niya e nagwork
For 12 years, Rem started anew. Matapos ang sampung taon na nakakulong siya, pinalaya na rin siya sa salang nagawa niya. Naninibago siya na marami ng nagbago sa lugar paglabas niya kasama na ang pakikitungo ng mga tao sa kaniya.Hindi na siya pinatutunguhan ng may respeto. Ang turing na sa kaniya ay isa ng criminal kahit pa nakalaya na siya.Hindi na na-elect ang ama niyang si Rey bilang governor sa lugar nila. Malaki ang naging impact niya sa reputasyon ng ama kaya hindi na rin siya nakabalik sa pamilya niya. Inabandona na siya ng mga ito at hindi na tinanggap pang muli.But Rem didn’t stop para hindi makapagsimula muli. He started a small business, nagbi-benta siya ng hardware supplies.For 2 years, umokay naman ang negosyo niya.Kahit papaano ay nakakaprovide siya para sa sarili niya.Wala na siyang balita kay Wommie, ganoon rin sa asawa niyang si Grey na hindi niya alam kung nasaan na ngayon.“I’m sorry,” napatingin si Rem sa likuran niya ng makita ang batang lalaking nakasumbrero
“Soldier, what are you doing? Pupunta pa tayong Namdaemun anak.”“Can we stay here instead? I don’t want to go out.”Inayos ni Aru ang earpiece device niya. He’s on his way kung saan tumutuloy si Wommie at Soldier ngayon. At rinig na rinig niya ang dalawa na nag-uusap.“Anak, walang maiiwan sa’yo dito at marami akong bibilhin now.”Mas lalong humaba ang nguso ni Soldier at nagtago sa comics na binabasa niya. “Papa, mama is mad.” Mahinang sabi niya. Alam niyang pupunta si Aru ngayon that’s why he’s delaying his mother na huwag munang umalis.“I’m sorry son. Malapit na ako.” Sabi ni Aru.Napatanga naman si Soldier ng biglang kunin ni Wommie ang comics niyang nakatabon sa mukha niya. Nakita niya ang taas kilay na mukha ng mama niya.“Susunod ka ba sa’kin o hindi?”Napakamot ng ulo si Soldier. “Mama, I’m sorry. But papa is coming here.”“What?” kunot noong tanong ni Wommie dahil hindi naman niya alam na susunod si Aru sa kanila.“Papa is coming here. He’s on his way.”Pinagkrus ni Wommie
(12 years later) “Kuya, sigurado ka ba?!” tanong ni Clarissa sa kabilang linya. “Yeah. It’s time for me to settle down,” sabi ni Aru. “Is it about Wommie, kuya? Hanggang ngayon ba ay hinihintay mo siyang umuwi?” Nakagat ni Aru ang pang ibabang labi niya. Tumingin siya kay Clark na mariing nakatitig sa kaniya. Hindi pa rin niya sinasabi sa pamilya niya na may anak na siya and that, sila pa rin ni Wommie at 12 years ng nagkikita ng palihim. “Yes, princess. Hahanapin ko lang ang love of my life ko.” Pabirong sagot ni Aru. Napabuntong hininga si Clarissa at naaawa sa kuya niya. Remnants of their dad got caught and surrendered. Aru won projects after projects kaya mas lalo siyang naging mahirap banggain. He gained more power and connections to the point na hindi na siya yung batang chairman na bigla nalang sumulpot mula sa squatter area. He established his name in the industry for more than 10 years. Sumobra sa pinangako niya kay Wommie. Kung titignan, mas pinili ni Aru ang career
Kasama ni Peres ngayon si Wommie kaya nakabusangot ang mukha ni Aru. “Don’t touch her hand, Peres. Dapat may social distancing ka sa kaniya.” Bilin ni Aru habang sina Hut sa likuran ay panay ang tawa at niloloko si Aru. Kanina pa nag-aalburuto ang mood ni Warrius buhat sa hindi niya masamahan si Wommie sa pagpunta kay Rem. Bawal silang makita na magkasama in public. Iyon ang iniiwasan nila. Kaya walang choice si Aru kun’di makiusap sa mga taong available na pwedeng sasama kay Wommie. Nataong si Peres ang available. “Para kang sira diyan. Kinakawawa niyo si Peres,” nakasimangot na sabi ni Wommie habang si Peres naman ay napapailing, hindi naman siya nasasaktan sa mga pagbabanta ni Ambross at Aru sa buhay niya. Sa awa ng Diyos, buhay pa siya. “Baby, stop defending him. You’re pushing me to hate him more.” Nakanguso na sabi ni Aru. Inirapan lang siya ni Wommie at pinansin nito si Soldier na nakatingin sa kaniya. “Soldier anak, bantayan mo ang papa mo ah?” Humagikgik si Soldier da
Isang hagikgikan ang nagpagising kay Wommie. Nakita niya sa tabi si Aru na natatawa habang kalaro si Soldier na nasa ibabaw ng tiyan niya. “Where’s my son? Baaah!” isang malutong na tawa ang narinig nila mula kay Soldier dahilan kung bakit natatawa na rin si Aru. Sa ginagawa nila ay hindi nila namamalayan na gising na pala si Wommie. Tumagilid siya ng higa para tignan ang mag-ama niyang parang may sariling mundo. “Good morning,” sabi niya. Sabay na napatingin si Soldier at Aru sa kaniya. Natawa si Wommie nang makita ang senaryong yun. Parang mini version ni Aru si Soldier at minsan nagkakapareho sila ng galaw. “Good morning baby,” saad ni Aru at hinaIikan ang noo niya. Maraming tao sa barko kaya hindi sila masiyadong lumalabas sa cabin nila. Kahit si Serina at Ambross ay nanatili rin sa cabin nila. Pero may usapan sila ni Serina na lalabas sila na silang dalawa lang kaya ang maiiwan kay Soldier ay si Aru at kay Belinda ay ang ama nito. Ngumiti si Wommie at sumiksik sa kili-kili
Mabilis lumipas ang dalawang buwan para kay Wommie. Buong akala niya ay si Aru lang ang susundo sa kaniya sa Cyprus, hindi niya aakalain na makikita niya rin si Jed, Hut, Fero, kasama pa si Peres. “Bakit busangot mukha mo?” tanong ni Wommie nang makasalubong niya si Aru na salubong ang kilay na hinahaIikan siya habang kinukuha si Soldier sa kaniya. Agad na itinuro ni Fero si Peres kaya agad na naintindihan ni Wommie bakit busangot ang mukha ni Aru. “Para ka namang timang diyan,” natatawang aniya matapos besohan ang mga kaibigan ni Aru. “Peres is just a friend.” Kumunot lang ang noo ni Aru doon at hindi nagsalita. “Bad shot lagi sila ni Ambross sa’kin.” Sumbong ni Peres kay Wommie. Napatanga lang si Wommie sa harapan ni Peres at napatitig sa mukha ng binata. ‘Shit! Ang gwapo pa rin ni Peres.’ Nasabi nalang ni Wommie sa isipan niya. “Hi Peres. Ang gwapo mo pa rin.” Hindi napigilan ni Peres na ngumiti dahilan kung bakit lumabas ang dimples niya sa pisngi. “Ayan tayo bra e. Kaya ka
"Wommie," sumunod si Aru na nag-aalala ang mukha. He's carrying Soldier na tulog pa hanggang ngayon. "I'm sorry if I didn't tell you sooner. Ayokong mag-alala ka. You were carrying Soldier, natatakot akong mapano kayo." "Kahit na Aru. Paano kung may nangyaring masama sa'yo ng hindi ko alam? Nag-aalala ako." Agad siyang bumalik kay Aru at niyakap ito patagilid. "Ayokong may mangyaring masama sa'yo." Bulong ni Wommie. Naiintindihan na ni Amelie, Wommin at Woreign kung bakit umiiyak si Wommie. Nag-alala pa sila kanina. "I was guarded by the bodyguards at laking kanto ako." Natatawang sabi niya para lang gumaan ang pakiramdam ni Wommie. "I know how to protect myself, baby." Salubong ang kilay ni Wommie na hinarap siya. "Hindi nakakatuwa. Huwag kang tumawa diyan." "Sorry. Wala namang nangyari sa'kin e. And besides, hinahanap na namin kung sino ang mastermind sa insidenting yun.". Gustong bitawan ni Wommie ang salitang huwag ka nalang bumalik sa MGC, na bitawan mo nalang ang kumpa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.