“Who are you?” tanong ni Damon sa chat.
Napataas naman ang kanang kilay ni Farrah sa replied ng lalaki.
“I’m your biggest nightmare,” sagot niya.
“Then, better to block you,” wika ng lalaki.
Naalarma naman si Farrah.
“Wait,” mabilis nitong reply.
“I’m Farrah Paraiso, schoolmate tayo sa Aguinaldo East University. Sa Business Management ako tulad ng ex-girlfriend mo si Mildred, remember?” dagdag pa nito.
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi sumasagot ang lalaki sa chat kahit naka-seen naman ang mensahe.
“PLEASE HELP ME!!!” hindi na napigilan pa ni Farrah i-send ang pagmamakaawa mensahe.
“What kind of help, Para Paraiso?” nang-iinis na tanong ng lalaki.
Nabuhayan ulit ng loob si Farrah dahil naalala na siya ng lalaki kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at ipinaliwanag ang lahat. Ni-scan niya ang kaniyang Certificate of No Marriage at ipinadala kay Damon.
“Anong gusto mo gawin ko?” tanong ni Damon sa chat.
“Magkita tayo bukas,” sagot ni Farrah.
Sa una ay ayaw ni Damon makipagkita ngunit napilit din ito ni Farrah.
Kinuha ni Farrah ang contact number ni Damon at ibinigay din ang sa kaniya. Sinabihan na rin niya kung saan magkikita at kung anong oras, nagpaalam na itong matutulog dahil sa madaling araw na pala.
Kinabukasan kahit puyat ay maaga pa rin bumangon si Farrah at sabay sila ni Sandra pumunta ng flower shop para magbukas.
Binanggit ni Farrah kay Sandra ang lahat ng naganap sa usapan nila ni Damon sa chat. Ipinaliwanag din niya ang mga ideyang gagawin upang makumbinsi tulungan siya ng lalaki dahil siguradong apektado rin ito.
“Gusto mo ba samahan kita?” tanong ni Sandra.
“Hindi na beshy, walang tatao dito at sayang naman ang kita,” sagot ni Farrah.
“Saka mamayang hapon pa naman ‘yon,” dagdag pa nito.
Hindi na nagpumilit pa si Sandra sa kagustuhan niya samahan ang kaibigan. Inayos na nila ang flower shop at maya-maya pa ay may mga nagdatingan ng mga customer.
Tumawag si Jeff upang kumustahin si Farrah at itanong ang tungkol sa mga requirements. Kung anu-ano palusot ang sinabi na lang ni Farrah at umaasa ito na hindi mahalata ng nobyo na may problema kaya hindi niya mapabilis ang pagkumpleto ng mga requirements.
Mabilis na lumipas ang oras at maghahapon na kaya naman nag-text si Farrah kay Damon sa binigay nitong contact number, sinabihan niya itong papunta na sa pinag-usapang lugar.
Nagpaalam na siya kay Sandra na mauna umalis at nagmadaling sumakay ng taxi upang hindi ma-late sa tagpuan nila ni Damon.
Ngunit sadyang may kamalasan siya at naipit sa trapik kaya naman pagdating niya sa usapang lugar ay late na siya at hinanap kaagad ng kaniyang mga mata ang lalaki kinaiinisan.
Nakita niya ito nakaupo sa may gilid at naghihintay, halatang naiinip na ito. Mas guwapo ngayon ang lalaki at halatang inaalagaan mabuti ang pangangatawan.
“Oh, I’m so sorry. Sobrang trapik,” wika niya paglapit sa lalaki.
“You are 30 minutes late,” walang expression sa mukha ni Damon.
“I’m really sorry,” paumanhin ni Farrah at umupo sa harapang silya ni Damon.
“Tell me, anong gusto mo mangyari sa sinasabi mo problema?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Damon.
“Teka lang,” wika ni Farrah at itinaas ang kaliwang kamay senyales na huwag muna magsalita ang kaharap.
“Order muna tayo ng pagkain at maiinom, nauuhaw na ako dahil tumakbo ako papunta dito,” dagdag pa nito.
Napansin naman ni Damon na hinihingal pa ang dalaga at tinawag ang waiter upang makapag-order.
Habang naghihintay sa pagkain ay humingi kaagad ng tubig si Farrah sa waiter.
Pinagmamasdan naman ni Damon ang kaharap, nakikita niyang lalo gumanda ito sa paglipas ng mga taon.
“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ni Farrah sa lalaki dahil napansin niya ang pagtitig nito.
“Wala naman, may naalala lang ako,” sagot ni Damon.
“Ano naman?” tanong ulit ni Farrah.
“Hindi mo na kailangan malaman,” masungit na sagot ni Damon at umayos ng upo.
“Balik tayo sa dapat natin mapag-usapan,” dagdag nito, may kinuha papel sa folder na dala at iniabot kay Farrah.
Nanlaki ang mga mata ng babae sa nabasa sa papel, Marriage Certificate pala nila ito.
“Oh my gosh,” sambit niya.
“Mayroon ka pala nito?” tanong niya sa lalaki.
“Yes,” tipid na sagot sa kaniya.
“Kailan pa?” tanong ulit ni Farrah na namamangha.
“Three years ago,” sagot ni Damon na lalo nagpamangha sa dalaga.
“Gano’n na katagal hindi mo man ako hinanap?” naiinis na tanong ni Farrah.
“Nawawala ka ba para hanapin?” patanong na sagot ni Damon.
Tumaas ang kaliwang kilay ni Farrah sa tinuran ng lalaki.
“Kung meron ka nito ang ibig sabihin ay nagbalak ka pakasal,” sambit nito.
Napansin niyang lumungkot ang mukha ni Damon, marahil ay may mapait itong nakaraan.
“Anyway, ngayong sigurado nga kasal talaga tayo makabubuting kumuha ng magaling na abugado para mapawalang bisa ang kasal natin,” suhestiyon nito.
“I know someone,” sambit ni Damon.
“No, huwag sa kakilala mo. Sa kakilala ko na lang,” wika ni Farrah.
Gusto mapabilis ni Farrah na masolusyunan ang problema at diskumpiyado siya sa lalaki dahil alam niyang puno ng kalokohan ito.
“Okay, whatever you want,” pagsang-ayon ni Damon dahil ayaw niyang makipagtalo.
Dumating ang pagkaing in-order nila, habang kumakain ay paminsan-minsan nagnanakaw ng tingin si Farrah. Hindi maitatanggi malakas ang awra at karisma ng lalaki, napapansin din niyang naging tahimik ito at hindi madaldal tulad noong nag-aaral pa lamang sila.
Malamang kung kasama niya si Sandra ay kikiligin ‘yon sa hitsura ni Damon ngayon dahil mahilig sa mga guwapo lalaki ang kaibigan.
Matapos kumain ay niyaya na ni Farrah si Damon sa kakilala abogado. Namangha naman siya sa magarang sasakyan ng lalaki, palagay niya ay asensado na ito sa buhay.
Tinulungan siyang maglagay ng seat belt at narandaman ni Farrah na may pagka-gentleman ang lalaki, malayo sa pagkakakilala nito dati na para ba hindi kumpleto ang araw kung hindi siya aasarin.
Tulad ng inaasahan ni Damon ay naipit nga sila sa trapik kaya hindi makausad ang sasakyan. Parang gusto na niyang sumabog sa inis ngunit wala na siyang magagawa pa.
“I told you na ipagpabukas na natin ang lakad sa abogado ‘yon,” wika niya.
“Alam mo kasi naiipit na ko sa sitwasyon at kailangan ko talaga makumpleto lahat ng requiremets para sa kasal ko,” paliwanag ni Farrah.
“How can you be sure na pagdating natin sa opisina ng abogado ay maaabutan pa natin siya?” tanong ni Damon na nakakunot noo.
“Kaya nga susubukan habulin ang oras,” sagot ni Farrah.
May sasabihin pa sana si Damon ngunit bigla tumunog ang cellphone at nakita niyang tumatawag si Nana Tinay kaya sinagot kaagad.
Napansin ni Farrah na para ba kinabahan si Damon sa kausap.
Bigla niliko ni Damon ang sasakyan nang magkaroon ito ng pagkakataon.
Nagtaka naman si Farrah sa ginawa ng lalaki.
“Bakit tayo lumiko? Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Sa hospital, bukas na natin ituloy ang pagpunta sa abogado,” sagot ni Damon.
Magtatanong pa sana si Farrah ngunit minabuti huwag kumibo dahil halata niyang may problema si Damon.
Ilang sandali pa ay nakarating sila sa hospital na hindi gano’n kalayo sa trapik na pinanggalingan kanina.
Nag-park si Damon at mabilis na lumabas sa sasakyan kaya bumaba na rin si Farrah.
Mabilis ang mga hakbang ni Damon papasok ng hospital na sinundan naman ni Farrah.
“P-puwede ba hinay-hinay sa p-paglalakad?” hingal na tanong ni Farrah.
Tinapunan lang siya ng tingin ni Damon at binagalan ang paglalakad hangga makarating ng elevator sa third floor ang tuloy nila at tumigil sila sa room 209.
Naiintriga naman si Farrah kung sino ba ang pupuntahan nila may sakit.
Binuksan ni Damon ang pinto. Narinig nila ang pag-iyak ng bata babae na kaagad nilapitan ni Damon.
“My Heaven, I’m here. Don’t cry,” wika ni Damon sa bata at niyakap ito.
Nabawasan naman ang pag-iyak ng bata dahil sa pagkakayakap sa kaniya ng ama.
Namukhaan ni Farrah ang cute na bata at alam nito anak siya ni Damon.
“Buti na lang dumating na kayo sir,” wika ni Nana Tinay.
“Nagising po ang bata na umiiyak, nanaginip po ng masama at hinahanap kayo. Hindi ko mapatahan at sa kakaiyak po ay sinumpong ng Asthma ngunit nabigyan naman kaagad ng gamot,” dagdag pa nito.
“My Heaven, ano ba napanaginipan mo?” malambing na tanong ni Damon.
“I saw you in my dream daddy na kinuha ng isang big giant monster,” sagot ni Heaven na naiiyak pa rin.
Napansin ni Heaven si Farrah na nakatayo malapit sa pintuan.
“Who is she?” tanong ng bata.
Nalimutan nga pala ni Damon na kasama niya si Farrah.
“Oh, I’m sorry. Come here Farrah,” tawag ni Damon.
Lumapit naman si Farrah sa mag-ama.
“My Heaven, meet Tita Farrah,” pagpapakilala ni Damon sa kaniya.
“Farrah, ang anak ko si Heaven,” dagdag pa nito.
Ngumiti si Farrah sa bata.
“Hello baby, just call me Ate Farrah,” wika niya sa bata.
Hindi naman sumagot si Heaven na tumutulo pa ang mga luha at tinitigan lang si Farrah.
“Baby, hindi totoo may monster,” wika ulit nito sa bata.
“Kung may monster man sigurado ako wala panama sa daddy mo ‘yon,” dagdag pa nito.
Pinunasan naman ni Heaven ang mga luha.
“Talaga po?” tanong niya kay Farrah.
Tumayo si Damon upang makaupo si Farrah sa tabi ni Heaven dahil napansin nito na tumigil sa pag-iyak ang anak.
Naupo naman si Farrah sa tabi ng bata.
“Oo naman, tignan mo nga ang laki ng katawan ni daddy. Hindi ‘yan matatalo ng monster,” sagot nito sa bata.
Nakita ni Damon na palagay ang loob ng anak kay Farrah kaya hinayaan niyang magkuwentuhan ang mga ‘to.
Hindi madaling makuha ang loob ng kaniyang anak at may pagkamasungit ito sa mga taong kakakilala pa lamang.
Bumili ng pagkain si Damon at pagbalik ay nakita nakatulog na ang anak habang katabi si Farrah na hinahaplos ang noo ng bata. Nakarandam siya ng munting kasiyahan sa kaniyang puso habang minamasdan sila.“Nand’yan ka na pala,” wika ni Farrah.“Kailangan ko ng umuwi,” dagdag pa nito.Lumapit si Damon kay Farrah at iniabot ang supot ng pagkain ngunit ipinatong lang nito sa katabi mesa.“Pasensya na at naabala ka pa, kumain ka muna.”“Hindi na, busog pa naman ako dahil sa kinain natin kanina,” tanggi ni Farrah at tumayo upang ayusin ang nagusot na damit.“Ihahatid na kita sa inyo,” alok ni Damon.Sa una ay tumanggi si Farrah ngunit nagpumilit pa rin si Damon na mapapayag ito dahil na rin sa nag-aalala na baka may mangyari masama sa dalaga.Inihatid nga ni Damon si Farrah sa bahay nila, niyaya siya pumasok ng dalaga ngunit tumanggi ito dahil babalikan p
Pinagmamasdan sila ni Atty. Briones na para ba pinag-aaralan muna ang dalawa.Mukha naman naiinip na si Farrah sa pagtitig ng lawyer sa kanila at sa katahimikan.“Ano na Atty. Briones?” aburido tanong nito.“Simple lang naman ang solusyon sa problema niyo, kung talaga gusto mapawalang bisa ang kasal ay puntahan niyo ang dating mayor na nagkasal sa inyo para kuhanan ng testimony sa pagkakamali pag-file ng Marriage Form at mga supporting documents. Alam na niya kung ano ang mga ‘yon,” mahabang paliwanag ng lawyer.“So, we only need to go back to San Pablo where everything started,” seryoso sabi ni Farrah.“As if you’ll find Mayor Morena there,” mahinahon wika ni Damon.Naguluhan naman si Farrah sa kaniya narinig.“What do you mean?” tanong nito.“Mayor Morena has been living in Switzerland for seven years, after his term,” sagot ni Damon.I
Nakakailang tawag na si Farrah ngunit hindi sinasagot ni Damon ang tawag nito kahit mga text, kaya naman buwisit na buwisit na siya at muntikan ihagis ang cellphone.“Kalma ka lang beshy. Sino ba ‘yan tinatawagan mo?” tanong ni Sandra.“Ang hitad na si Damon,” sagot ni Farrah.“Baka busy,” wika ni Sandra.“Palagay ko sinasadya niya hindi sagutin at iniiwasan ako dahil naasar kanina.”Napapaisip naman si Sandra sa huli sinabi ng kaibigan.“Bakit naman siya maaasar?” tanong nito.“Nasabi ko kasi na magpanggap siya bakla para gamitin namin ground sa annulment,” sagot ni Farrah.Bigla natawa si Sandra sa narinig na sagot ng kaibigan.“Pansin ko, lagi ka natatawa ngayon. May problema ka ba?” pag-iiba ni Farrah sa usapan.Natigilan naman si Sandra at sumeryoso ang mukha bago magsabi, “Wala ako problema, natatawa lang kasi naman kahit ako sa kalagayan ni Punongbakal ay magagalit din. Sa laki ba naman ng katawan no’n at uhmmm yummy ng abs, m
Masayang lumapit si Heaven kay Damon habang si Farrah ay napatayo sa kinauupuan.“Daddy look, Tita Farrah is here to visit me,” masayang sabi ni Heaven.Kinarga naman ni Damon ang anak at lumapit kay Farrah.“Paano ka nakapasok sa subdivision?” tanong nito.Sinenyasan naman siya ni Farrah na may bata kaya tinawag si Nana Tinay upang kunin ito.“Ngayon puwede ka na sumagot.”“Sabi ko asawa mo ‘ko pero ayaw maniwala kaya pinakita ko ang Marriage Certificate natin,” sagot ni Farrah.Naiiling na lamang si Damon.“Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong nito.“Sinundan kita,” mabilis na sagot ni Farrah.“Ikaw ang sakay ng taxi kanina na sumusunod sa ‘kin?” tanong na naman ni Damon.Tumango naman si Farrah.Sumasakit ang ulo ni Damon sa kakulitan ng bisita na kahit ano gawin niya pag-iwas ay nakakagawa pa rin ng paraan upang mapalapit sa kaniya.Naupo siya sa solo sofa at naupo na rin si Farrah sa mahaba sofa
Hindi nagtagal sa labas labas ng gate si Farrah at pinagbuksan siya ng isa sa mga katulong. Pinapasok siya sa bahay at pinahintay sa sala na sakto pag-upo sa sofa ay dumating si Damon.“Good morning,” bati niya na may ngiti.“Good morning too,” ganti ni Damon.“Nag-breakfast ka na?” tanong pa ng lalaki.Umiling lamang si Farrah.“Sorry, masyado siguro maaga ang pagpunta mo rito,” paumanhin ni Damon at tinawag ang isang katulong upang maghanda ng almusal.“Naku hindi napaaga, late kami nagising ni Sandra kaya ‘di na nag-almusal at diresto kami sa flower shop,” sambit ni Farrah.Tinitigan lang siya ni Damon na mukha naman kumbinsido sa kaniyang sinabi.“Ikaw ba ‘di rin maaga pumapasok sa office?” tanong niya.“Sunday ngayon,” sagot ni Damon.Natapik tuloy niya ang noo sa sagot ni Damon, nagiging makakalimutin na siya sa m
Matapos i-served ng waiter ang pagkain ay tinikman kaagad ni Farrah at halata sa kaniyang mukha na nasarapan sa lasa habang pinagmamasdan siya ni Damon.‘Pagdating sa pagkain nakakalimutan ang problema,’ sambit ni Damon sa kaniya isipan.“Hindi ka ba kakain?” tanong ni Farrah.Iniabot ni Damon ang kaniya plato may pagkain kay Farrah.“Busog ako, kuhanin mo na ito dahil mukha ‘di ka kumain mula kagabi,” natatawa wika nito.“Sure ka?” paniniguro ni Farrah.Tumango naman si Damon sabay sabi ng isipan, ‘Ang siba! ‘Di man tumanggi para pilitin kahit pakitang tao lang.”Tinititigan lang niya kung paano kumain si Farrah pati ang mga kilos nito, malayong-malayo kay Elaine na mommy ni Heaven.Masyado mahinhin si Elaine at sopistikada, kung kumain ay mabagal hindi tulad ni Farrah sobra bilis ngumuya na para ba naghahabol ng oras. Ganoon pa man, hindi tamang ikumpara
Narandaman ni Farrah na nasa loob na siya ng sasakyan at umaandar ito.Bigla may magaspang na kamay ang humimas sa kaniya balikat na kinatakot nito.“Ang kinis mo naman,” wika ng isa lalaki.Naamoy ni Farrah ang mabaho hininga nito.“Pa-kiss nga,” dagdag pa ng lalaki at hinawakan ang mukha ni Farrah upang iharap sa kaniya ngunit nagpumiglas ito.Sobra kaba at takot ang nararandaman ni Farrah nang mga sandali ‘yon habang naririnig ang tawanan ng mga lalaki, hangga sa mawalan siya ng ulirat.Mga sigaw ni Damon ang nagpagising kay Farrah, dinig na dinig nito ang mga hiyaw dahil sa natatamo suntok at hampas.Nagsisigaw si Farrah at tinatawag ang pangalan ni Damon.“Gising na pala ang sleeping beauty natin,” wika ng ‘di kilala lalaki.Hindi makita ni Farrah ang paligid dahil nakapiring pa rin ang mga mata.“Nasaan ka Damon?!” tawag niya.M
Nagtago sila sa isang puno habang papalapit ang sasakyan at napansin ni Damon na isa ito luma truck ng mga gulay at prutas kaya nagmadali ito harangin ang sasakyan.“Damon baka masagasaan ka!” Sigaw ni Farrah ngunit halata desperado na ang kasama sa kaniya ginagawa.Nagpreno ng malakas ang sasakyan na kaunti na lang ang pagitan kay Damon.“Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!” sita ng driver na may katandaan na, marahil ang edad ay nasa 60 pataas.Lumapit kaagad si Damon upang humingi ng tulong.Bumaba ang matanda at kinilatis sila dalawa.“Mukha ‘di kayo taga rito. Ano ba nangyari sa inyo?” tanong ng matanda.“May kumidnap sa ‘min limang lalaki po!” sagot ni Farrah.“Huwag ka sumigaw hija, ‘di ako bingi,” wika pa ng matanda.Nagpaumanhin naman si Farrah.Bumaba sa sasakyan ang kasama ng matanda na asawa pala nito.Sa kutob ng matanda mag-