Bumili ng pagkain si Damon at pagbalik ay nakita nakatulog na ang anak habang katabi si Farrah na hinahaplos ang noo ng bata. Nakarandam siya ng munting kasiyahan sa kaniyang puso habang minamasdan sila.
“Nand’yan ka na pala,” wika ni Farrah.
“Kailangan ko ng umuwi,” dagdag pa nito.
Lumapit si Damon kay Farrah at iniabot ang supot ng pagkain ngunit ipinatong lang nito sa katabi mesa.
“Pasensya na at naabala ka pa, kumain ka muna.”
“Hindi na, busog pa naman ako dahil sa kinain natin kanina,” tanggi ni Farrah at tumayo upang ayusin ang nagusot na damit.
“Ihahatid na kita sa inyo,” alok ni Damon.
Sa una ay tumanggi si Farrah ngunit nagpumilit pa rin si Damon na mapapayag ito dahil na rin sa nag-aalala na baka may mangyari masama sa dalaga.
Inihatid nga ni Damon si Farrah sa bahay nila, niyaya siya pumasok ng dalaga ngunit tumanggi ito dahil babalikan pa niya ang anak sa hospital.
Bago umalis ay sinabihan siya ni Damon na magkita sila ng maaga kinabukasan upang kausapin ang kakilala lawyer nito at masolusyunan ang problema.
Pagkaalis ng sasakyan ni Damon ay masaya pumasok si Farrah sa kanilang bahay, nagulat pa ito na nandito na naman si Sandra upang makitulog. Alam naman niya gusto lang nito na malaman ang mga pangyayari naganap sa maghapon.
“Ikaw ah, napapadalas na ang pagtulog mo dito sa bahay,” wika nito sa kaibigan.
“Gusto ko lang malaman ang nangyari sa pagtatagpo ninyo ni Mr. Punongbakal, Mrs. Punongbakal,” pagbibiro ni Sandra sabay tawa.
Nahampas tuloy siya ni Farrah sa balikat.
“Aray naman Mrs. Punongbakal.” Hinaplos ni Sandra ang balikat na tinamaan.
“Ang pangit pakinggan beshy, nagpapantig ang tainga ko,” wika ni Farrah at tinakpan ang dalawa tainga.
Humalakhak naman si Sandra sa reaksyon ng kaibigan kaya naman naisipan nito lalo asarin ngunit tumigil din nang mapansin nagagalit na si Farrah.
“Sige hindi na kita aasarin,” ani Sandra.
Inayos na ni Farrah ang kama upang makapagpahinga na sila magkaibigan.
“Matanong ko lang, ano na hitsura ni Punongbakal ngayon sa personal?” tanong ni Sandra.
“Okay lang,” tipid na sagot nito.
“Okay lang? Wala ba specific na sagot or compliment sa tao nakita muli after 8 years?” pagtatanong ulit ni Sandra na halata meron pa ‘to gusto malaman tungkol sa lalaki.
“Well, mas guwapo siya sa personal at mayaman na siya ngayon,” sagot ni Farrah.
Napatili naman si Sandra sa sagot ng kaibigan kaya nakagat-kagat nito ang hawak na unan dahil sa kilig.
“Ang ingay mo, baka marinig tayo ni mommy,” ani Farrah.
“Dapat talaga sumama ako,” kinikilig pa sabi ni Sandra.
“Kaso may pagkamasungit na siya ngayon at may anak na,” sambit ni Farrah.
Nagulat naman si Sandra sa huling sinabi ng kaibigan.
Alam ni Farrah na nagulat si Sandra kaya naman minabuti ikuwento ang lahat ng naganap upang hindi na ito magtanong pa ng kung anu-ano.
Namangha si Sandra sa mga nalaman tungkol sa lalaki kaya naman hindi rin nito napigilan ang magtanong pa dahil sa nakikita kinikilos ni Farrah na nagkakaroon ng amor kay Damon.
“Balak mo pa rin ba na mapawalang bisa ang kasal niyo?” tanong ni Sandra.
Natigilan naman si Farrah sa narinig na tanong ng kaibigan at nag-isip ito.
“O-oo naman, si Jeff ang mahal ko kaya natural lang na gusto ko mapawalang bisa ang kasal namin ni Damon,” sagot nito.
Tinitigan siya mabuti ni Sandra bago muli magtanong, “Bakit pakirandam ko ay nagiging close ka kay Punongbakal?”
“Baliw! Malabo mangyari maging close kami ng lalaki ‘yon. Baka ‘yung anak niya si Heaven puwede pa,” sagot ni Farrah.
“Alam mo naman si Jeff ang first love ko at matagal ko na siya nobyo,” dagdag pa nito.
“Oh siya, matulog na tayo para maaga magising bukas,” sambit ni Sandra.
Mabilis na nakatulog si Sandra na marahil pagod dahil sa naiwan ito mag-isa sa flower shop nang hapon.
Hindi naman makatulog si Farrah sa pag-iisip at nakakapag-imagine pa ito ng mga bagay na kasama si Damon at Heaven ngunit mabilis din nito inalis sa kaniya isipan.
Para kay Farrah ay hindi nararapat na isipin ang mag-ama at maging malapit sa mga ito. Nakatulog na lamang ng hindi niya namamalayan.
“Beshy,” tawag ni Sandra sabay ng mahina tapik sa balikat ni Farrah.
Bahagyang nagmulat ng mga mata si Farrah na halata inaantok pa.
“Bangon na, naghihintay si Punongbakal sa ‘yo,” ani Sandra.
Napabalikwas naman sa pagkakahiga si Farrah sa narinig.
“Maligo ka na beshy, ‘di ba may lakad kayo?” tanong ni Sandra.
“O-oo,” natataranta sagot nito na bumangon at halata ‘di alam ang uunahin gawin.
“Sa banyo beshy.” Tinuro ni Sandra ang pintuan ng banyo at pumasok si Farrah.
Naiiling na lang si Sandra sa kinikilos ng kaibigan.
Pagkalipas ng ilang sandali ay lumabas na sa silid si Farrah na basa pa ang buhok at nadatnan nagkakape sila Damon at Sandra sa sala.
“Good morning,” bati ni Damon sa kaniya na hindi man ngumingiti.
“Good morning din,” nakangiti naman pagbati ni Farrah.
Kaagad siyang lumapit kay Damon at naupo sa tabi nito upang bumulong, “Bakit hindi ka muna nagpasabi darating ka?”
“Kanina pa ako tawag nang tawag ngunit hindi ka matawagan,” sagot ni Damon.
Nakikinig naman si Sandra sa bulungan ng dalawa.
Bigla naalala ni Farrah na iniwan naka-charge ang cellphone niya dahil low battery ‘to kagabi.
“Nalimutan ko buksan ang cellphone ko dahil low battery kagabi at iniwan ko naka-charge sa kuwarto,” sambit ni Farrah na akmang tatayo ngunit inunahan na siya ni Sandra.
“Ako na kukuha at mukha may pag-uusapan pa kayo,” wika ni Sandra at pumasok sa kuwarto ng kaibigan.
“May sinabi ka ba kay mommy?” tanong ni Farrah kay Damon.
“Wala,” tipid na sagot ni Damon.
Tinitigan siya mabuti ni Farrah na para ba nagsisinungaling ito sa kaniya.
“Hey, I’m not stupid to tell something crazy to your mom,” pangungumbinsi nito.
Bumuntong-hininga naman si Farrah na para ba nabunutan ng tinik sa dibdib.
Bigla na lamang lumabas ng kusina ang mommy ni Farrah na may dalang tray ng sandwiches kaya naman mabilis na tumayo si Damon upang abutin ito.
“Naku hijo, maupo ka at ikaw ay bisita dito,” wika ng ginang at natutuwa sa pagka-gentleman ni Damon.
Sumimangot naman si Farrah.
Ipinakilala ni Farrah si Damon sa kaniyang mommy bilang schoolmate noong college at hindi sinabi ang tungkol sa kasal dahil sigurado high blood ang aabutin nito.
“Nasabi na ni Sandra kanina na schoolmate niyo siya,” wika ng ginang.
Hindi nagtagal ay nagpalam na sila sa kaniyang mommy na aalis kasama si Sandra.
Habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Damon ay bumulong si Sandra kay Farrah, “Ang yummy naman niyan beshy, bakat mga pandesal.”
Naiiling na natatawa na lang si Farrah sa tinuran ng kaibigan.
Sa suot na blue muscle tee ni Damon na tinernuhan ng black skinny jeans ay mahahalata talaga alaga ang katawan nito sa gym.
“Bagay ang apelyido Punongbakal sa kaniya, madami siya bakal sa tiyan,” bulong ulit ni Sandra na natatawa kaya hindi na rin napigilan ni Farrah matawa ng malakas.
“Ako ba ang pinag-uusapan niyo?” masungit na tanong ni Damon.
Tumahimik sa pagtawa ang dalawa, marahil ay narinig sila ni Damon na pinag-uusap siya kaya napayuko na lang sa hiya hangga marating ang pinto ng sasakyan.
Naunang makasakay si Damon sa driver seat at binuksan ni Sandra ang pinto sa likuran upang pumasok kasunod si Farrah.
“Hindi ninyo ako driver dito,” masungit pa rin sambit ni Damon.
Nakahalata naman ang dalawa kaya napatigil si Farrah sa pag-upo.
“Sa harapan ka na beshy,” wika ni Sandra.
Wala naman nagawa pa si Farrah kaya naupo sa tabi ng driver seat.
Habang nasa biyahe ay wala umiimik sa kanila tatlo hangga magpababa si Sandra sa tabi dahil out of the way na siya.
Nababagot si Farrah dahil sa sobra katahimikan kaya naman naisipan niya magtanong ng kung anu-ano sa lalaki ngunit napakatipid nito sumagot na pinapahalata ayaw siya kausap hangga sa makarating sa opisina ng lawyer.
Maganda ang gusali at kaagad hinanap ni Farrah ang opisina ng nasabi lawyer. Nakita nila ang lalaki nasa late 40’s ang edad na nagwawalis at nagpupunas ng mga furniture.
“Excuse me, dito po ba ang opisina ni Atty. Briones?” tanong ni Farrah.
Tumango naman ang lalaki at nagtanong din, “Ano kailangan niyo?”
“Gusto sana namin siya makausap,” sagot ni Farrah.
Pinapasok naman sila ng lalaki sa opisina at pinaghintay sandali, pumasok naman ito sa isa pa maliit na silid.
Paglabas ng lalaki ay nakabihis na ito ng barong tagalog at naupo sa kaharap na silya, naguluhan naman ang dalawa.
“Ano maipaglilingkod ko?” tanong nito.
“Kayo si Atty. Briones?!” gulat na balik tanong ni Farrah.
“Ako nga,” sagot ni Atty. Briones.
“You mean, hindi mo siya kilala?” wala ekspresyon tanong ni Damon kay Farrah.
“Kilala ko siya okay, hindi ko lang alam ang hitsura niya dahil si Sandra ang nag-aayos ng mga business documents namin,” paliwanag na sagot ni Farrah.
“Si Sandra Lagman ba tinutukoy mo?” tanong ng abogado.
“Yes, Atty. Briones,” sagot kaagad ni Farrah.
“Na-review ko na lahat ng ipinasa dokumento ni Ms. Lagman, so far wala naman problema,” wika ng abugado.
“No, not about business,” sambit ni Farrah na sinimulan ipakilala ang sarili at ikuwento ang mga pangyayari sa kanila ni Damon.
Iniabot ni Farrah sa lawyer ang kaniyang Certificate of No Marriage at ang Marriage Certificate nila ni Damon.
Wala imik na nakikinig lang si Damon at pinagmamasdan si Farrah, para sa kaniya ay hindi siya gano’n ka-interesado sa topic.
Napapakamot naman sa ulo si Atty. Briones habang pinapakinggan ang mga kuwento ni Farrah.
“Ang ibig mo sabihin ang lalaki ito na kasama mo ay ang husband mo napakasalan dahil sa kalasingan?” naguguluhan tanong nito.
Tumango naman si Farrah at nagtanong, “Ano po ba ang kailangan gawin?”
“Ngayon pa lang ako naka-encounter ng ganito sitwasyon at masyado kakaiba. Kayo talaga mga kabataan puro kalokohan kaya kapag nagkaproblema hindi kayo mapakali,” sermon ng abugado.
“Please, help us,” pagmamakaawa ni Farrah.
Wala pa rin imik si Damon na nakikinig, tama naman si Atty. Briones sa kaniyang sinabi. Sigurado wala sila rito kung ‘di nagwal-wal ng panahon ‘yon.
“Mukha naman ikaw lang ang may problema, itong lalaki kasama mo halata ayos lang sa kaniya na kasal kayo.”
“No!” tanggi ni Farrah.
“Ganyan lang talaga mukha niyan pero ayaw niya sa ‘kin simula magkakilala kami,” dagdag pa nito.
“Masyado ka maingay Para Paraiso,” pang-iinis ni Damon sa dalaga at bumaling sa abugado, “Mabuti pa ay sabihin niyo na kung ano dapat gawin.”
Umayos naman sa pagkakaupo si Atty. Briones.
Pinagmamasdan sila ni Atty. Briones na para ba pinag-aaralan muna ang dalawa.Mukha naman naiinip na si Farrah sa pagtitig ng lawyer sa kanila at sa katahimikan.“Ano na Atty. Briones?” aburido tanong nito.“Simple lang naman ang solusyon sa problema niyo, kung talaga gusto mapawalang bisa ang kasal ay puntahan niyo ang dating mayor na nagkasal sa inyo para kuhanan ng testimony sa pagkakamali pag-file ng Marriage Form at mga supporting documents. Alam na niya kung ano ang mga ‘yon,” mahabang paliwanag ng lawyer.“So, we only need to go back to San Pablo where everything started,” seryoso sabi ni Farrah.“As if you’ll find Mayor Morena there,” mahinahon wika ni Damon.Naguluhan naman si Farrah sa kaniya narinig.“What do you mean?” tanong nito.“Mayor Morena has been living in Switzerland for seven years, after his term,” sagot ni Damon.I
Nakakailang tawag na si Farrah ngunit hindi sinasagot ni Damon ang tawag nito kahit mga text, kaya naman buwisit na buwisit na siya at muntikan ihagis ang cellphone.“Kalma ka lang beshy. Sino ba ‘yan tinatawagan mo?” tanong ni Sandra.“Ang hitad na si Damon,” sagot ni Farrah.“Baka busy,” wika ni Sandra.“Palagay ko sinasadya niya hindi sagutin at iniiwasan ako dahil naasar kanina.”Napapaisip naman si Sandra sa huli sinabi ng kaibigan.“Bakit naman siya maaasar?” tanong nito.“Nasabi ko kasi na magpanggap siya bakla para gamitin namin ground sa annulment,” sagot ni Farrah.Bigla natawa si Sandra sa narinig na sagot ng kaibigan.“Pansin ko, lagi ka natatawa ngayon. May problema ka ba?” pag-iiba ni Farrah sa usapan.Natigilan naman si Sandra at sumeryoso ang mukha bago magsabi, “Wala ako problema, natatawa lang kasi naman kahit ako sa kalagayan ni Punongbakal ay magagalit din. Sa laki ba naman ng katawan no’n at uhmmm yummy ng abs, m
Masayang lumapit si Heaven kay Damon habang si Farrah ay napatayo sa kinauupuan.“Daddy look, Tita Farrah is here to visit me,” masayang sabi ni Heaven.Kinarga naman ni Damon ang anak at lumapit kay Farrah.“Paano ka nakapasok sa subdivision?” tanong nito.Sinenyasan naman siya ni Farrah na may bata kaya tinawag si Nana Tinay upang kunin ito.“Ngayon puwede ka na sumagot.”“Sabi ko asawa mo ‘ko pero ayaw maniwala kaya pinakita ko ang Marriage Certificate natin,” sagot ni Farrah.Naiiling na lamang si Damon.“Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong nito.“Sinundan kita,” mabilis na sagot ni Farrah.“Ikaw ang sakay ng taxi kanina na sumusunod sa ‘kin?” tanong na naman ni Damon.Tumango naman si Farrah.Sumasakit ang ulo ni Damon sa kakulitan ng bisita na kahit ano gawin niya pag-iwas ay nakakagawa pa rin ng paraan upang mapalapit sa kaniya.Naupo siya sa solo sofa at naupo na rin si Farrah sa mahaba sofa
Hindi nagtagal sa labas labas ng gate si Farrah at pinagbuksan siya ng isa sa mga katulong. Pinapasok siya sa bahay at pinahintay sa sala na sakto pag-upo sa sofa ay dumating si Damon.“Good morning,” bati niya na may ngiti.“Good morning too,” ganti ni Damon.“Nag-breakfast ka na?” tanong pa ng lalaki.Umiling lamang si Farrah.“Sorry, masyado siguro maaga ang pagpunta mo rito,” paumanhin ni Damon at tinawag ang isang katulong upang maghanda ng almusal.“Naku hindi napaaga, late kami nagising ni Sandra kaya ‘di na nag-almusal at diresto kami sa flower shop,” sambit ni Farrah.Tinitigan lang siya ni Damon na mukha naman kumbinsido sa kaniyang sinabi.“Ikaw ba ‘di rin maaga pumapasok sa office?” tanong niya.“Sunday ngayon,” sagot ni Damon.Natapik tuloy niya ang noo sa sagot ni Damon, nagiging makakalimutin na siya sa m
Matapos i-served ng waiter ang pagkain ay tinikman kaagad ni Farrah at halata sa kaniyang mukha na nasarapan sa lasa habang pinagmamasdan siya ni Damon.‘Pagdating sa pagkain nakakalimutan ang problema,’ sambit ni Damon sa kaniya isipan.“Hindi ka ba kakain?” tanong ni Farrah.Iniabot ni Damon ang kaniya plato may pagkain kay Farrah.“Busog ako, kuhanin mo na ito dahil mukha ‘di ka kumain mula kagabi,” natatawa wika nito.“Sure ka?” paniniguro ni Farrah.Tumango naman si Damon sabay sabi ng isipan, ‘Ang siba! ‘Di man tumanggi para pilitin kahit pakitang tao lang.”Tinititigan lang niya kung paano kumain si Farrah pati ang mga kilos nito, malayong-malayo kay Elaine na mommy ni Heaven.Masyado mahinhin si Elaine at sopistikada, kung kumain ay mabagal hindi tulad ni Farrah sobra bilis ngumuya na para ba naghahabol ng oras. Ganoon pa man, hindi tamang ikumpara
Narandaman ni Farrah na nasa loob na siya ng sasakyan at umaandar ito.Bigla may magaspang na kamay ang humimas sa kaniya balikat na kinatakot nito.“Ang kinis mo naman,” wika ng isa lalaki.Naamoy ni Farrah ang mabaho hininga nito.“Pa-kiss nga,” dagdag pa ng lalaki at hinawakan ang mukha ni Farrah upang iharap sa kaniya ngunit nagpumiglas ito.Sobra kaba at takot ang nararandaman ni Farrah nang mga sandali ‘yon habang naririnig ang tawanan ng mga lalaki, hangga sa mawalan siya ng ulirat.Mga sigaw ni Damon ang nagpagising kay Farrah, dinig na dinig nito ang mga hiyaw dahil sa natatamo suntok at hampas.Nagsisigaw si Farrah at tinatawag ang pangalan ni Damon.“Gising na pala ang sleeping beauty natin,” wika ng ‘di kilala lalaki.Hindi makita ni Farrah ang paligid dahil nakapiring pa rin ang mga mata.“Nasaan ka Damon?!” tawag niya.M
Nagtago sila sa isang puno habang papalapit ang sasakyan at napansin ni Damon na isa ito luma truck ng mga gulay at prutas kaya nagmadali ito harangin ang sasakyan.“Damon baka masagasaan ka!” Sigaw ni Farrah ngunit halata desperado na ang kasama sa kaniya ginagawa.Nagpreno ng malakas ang sasakyan na kaunti na lang ang pagitan kay Damon.“Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!” sita ng driver na may katandaan na, marahil ang edad ay nasa 60 pataas.Lumapit kaagad si Damon upang humingi ng tulong.Bumaba ang matanda at kinilatis sila dalawa.“Mukha ‘di kayo taga rito. Ano ba nangyari sa inyo?” tanong ng matanda.“May kumidnap sa ‘min limang lalaki po!” sagot ni Farrah.“Huwag ka sumigaw hija, ‘di ako bingi,” wika pa ng matanda.Nagpaumanhin naman si Farrah.Bumaba sa sasakyan ang kasama ng matanda na asawa pala nito.Sa kutob ng matanda mag-
Tinanghali ng gising si Farrah at hinanap kaagad si Damon ngunit ‘di niya matagpuan. Nakita niya sa labas si Lerma na nag-iigib ng tubig kahit malakas ang ulan.“Excuse me!” tawag atensyon niya kay Lerma.Bumaling sa kaniya ito at nagtanong, “Bakit po ate?”“Nakita mo ba si Damon?” tanong na sagot ni Farrah.“Kasama po si tatay na nagpunta ng bayan upang i-report sa pulisya ang nangyari sa inyo,” sagot ni Lerma.Pinaghain siya ng pagkain ni Lerma, kahit wala gana ay kinailangan pa rin niya lagyan ng laman ang kaniya sikmura dahil nalipasan na rin ng gutom.Wala siya magawa o anu man maitulong sa mag-ina dahil halos nagawa na ng mga ito ang mga gawaing bahay kaya minabuti maupo sa tabi ng bintana at hintayin ang pagbabalik ni Damon.“Malubak at madulas po ang daan dahil sa ulan kaya sigurado mahihirapan sila makabalik kaagad ni tatay,” wika ni Lerma mula sa likuran.