Share

Chapter 43

“Anak! Isabella!” Halos madapa si Tiya Alice sa pagsalubong sa kaniya.

Malalaki ang mga hakbang na sinalubong niya ito. “Tiya Alice! Na-miss ko po kayo!” Sinalubong niya ito nang mahigpit na yakap.

“Kumusta ka na? Talagang hiyang na hiyang ka sa siyudad. Mas lalo kang gumanda, anak.” Mas yumakap pa ito nang mahigpit sa kaniya.

Kumawala siya rito. “Tiya, talaga! Parang wala namang nagbago sa akin. Nagkalaman lang po kasi bahay at eskwelahan lang ako.”

Iyon nga lang ba?

Bigla niyang naalala ang binatang kasama.

“Ano pala ang sinakyan ninyo at sino ang kasama mo? Si Carl ba?” sunod na sunod na tanong nito.

Tumikhim muna ang binata na lumapit sa tiya niya. Mukhang hindi ito kaagad nakilala ng tiya niya dahil sa hood nito na ibinaba nang magmano.

“Magandang gabi po, Tiya. Mano po.”

Wala sa loob na iniabot ng tiya niya ang kamay nito, biglang natulala ito nang mamukhaan kung sino ang nasa harapan.

“Mayor, kayo pala! Naku, anak, papasukin mo na sa bahay. Bakit inabala mo pa siya na ihatid k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status