Share

IMD 16

Bakas sa pagmumukha ni Jastine ang pagtataka na nilibot ng kanyang paningin ang buong silid na kinaroroonan niya. Mag-isa lang ang kama na hinihigaan niya at tanging siya at si Drei ang nasa loob ng kwarto. Agad naman niyang napansin ang mga kagamitan lalong-lalo na ang lahat ng mga ito ay kulay puti. Bumalik ang pansin ni Jastine kay Drei na nakatingin lang sa kanya nang tahimik. Naghihintay ito sa susunod na sasabihin niya habang nakaupo sa tabi ng kama.

At doon na hindi nakaligtas ang pananamit ni Drei sa mga mata ni Jastine. Nakasuot ito ng puting lab coat na pang doctor. Nangunot ang noo ni Jastine.

Bakit naka-lab coat ang isang ‘to? Impossible na doctor na ang lalaking ‘to. Batang-bata pa ang hitsura.

Tumaas ang dalawang mga kilay ni Drei nang lumipas ang mahigit isang minuto na nakatitig lamang si Jastine. “Tititigan mo na lang ba ako? Don’t tell me. . . you fall in love with me already?” pagbasag nito sa katahimikan. Sumunod na sumilay ang mapaglarong ngisi nito.

Sumama ang ti
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status