Share

IMD 18

Sa isang iglap, nawala lahat ng kilig sa katawan ni Jastine. Panira talaga ng moment ang napakagaling niyang kapatid kahit kailan. Umikot ang mga mata ni Jastine at inirapan niya si Jeremy. Umusog na rin siya sa gilid ng kama. Ibinaba niya ang kanyang mga paa roon.

Bumaba rin ang tingin ni Jastine. Nakita niya sa sahig ang flat doll shoes na suot niya. Mabuti na lang at naroon ito. Akala pa naman niya na nasa office rin ito ni Drei. Dahil sa kanyang naisip, naalala niya bigla na naroon nga pala ang iba pa niyang mga gamit. Ayaw pa sana niya ito paniwalaan pero hindi niya nakita sa loob ng kwarto na kinaroroonan ang kanyang favorite backpack.

“Jastine,” tawag ni Jeremy nang huminto na naman si Jastine.

“Heto na nga, Jeremy.” Bumaba na ng kama si Jastine. Hindi na niya binigyan pa ng pansin ang gusot-gusot na kumot. “Atat na ata? Maaga pa naman, Jeremy.”

Kinuha ni Jastine ang cell phone niya na nakalatag sa lamesa na katabi lang ng kama. Mabuti na lang at hindi siya kinabitan ng dextros
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status