Share

IMD 20

“Jastine, sumunod ka nga sa ‘kin,” ang bungad agad ng mama nila pagpasok nina Jastine at Jeremy ng bahay. Inihilig pa nito ang ulo sa direksyon na pupuntahan nila.

Napahinto si Jastine. Napakunot na tumingin si Jastine sa kanyang katabi. Iba pa naman ang tono ng pagkakatawag nito sa kanya.

“Sumunod ka na lang. Basta wala akong sinabi sa kanila,” bulong ni Jeremy. Nauna na itong pumasok nang tuluyan.

Naiwan si Jastine na nakatayo sa tapat ng pinto. Dahan-dahan na binalik ni Jastine ang pansin sa mama niya. Pilit siyang ngumiti na parang inosenteng bata na walang tinatago sa kanyang magulang. Wala na rin namang sinabi pa ang mama niya. Kaya sumunod na lamang siya hanggang sa umabot sila sa kusina.

Humarap ang mama ni Jastine paghinto nito. Huminga ito nang malalim tila kumukuha ito ng tamang tempo upang magsalita.

“Ma. . .” hindi sigurado na sabi ni Jastine. Nagsisimula na siyang kabahan sa kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Kakagaling pa lang ng ospital tapos a ng seryosong mood aga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status