Chapter 1
Betrayal“Hey, Andrei, what happened? Ang tahimik mo yata ngayon?” puna ko sa boyfriend ko. Napansin ko kasi ang pananahimik niya mula nang dumating ako.Nasa isang restaurant kami. Nasa bahay ako kanina nang magyaya siya ng dinner. Hindi sana ako pupunta pero ang sabi niya ay may importante raw siyang sasabihin. So here I was, napasugod agad sa meeting place namin.“U-uhm…”“Hey! Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?” nakangiti ko pang tanong.“K-kasi, babe…” Hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata ko.“Pinagmadali mo ako sa pagpunta dito, Andrei. So, ano ‘yong sasabihin mo?” Nagtataka na ako dahil tumitig lang siya nang bahagya sa mga mata ko. “Come on, Andrei, spill it, babe.” Ngumiti uli ako kahit pilit.“K-kasi, babe…” Parang nag-aalinlangan pa rin siya sa gusto niyang sabihin.“Andrei, speak up. Tell me. What’s wrong with you?” kalmado kong sabi. Hinawakan ko pa ang kamay niyang nakapatong sa mesa.“Babe…” mahinang sabi niya at saka tuwid na tumingin sa mga mata ko. “I-I’m sorry…”Kumunot bigla ang noo ko. Bigla rin akong kinabahan kaya naguguluhang tumingin ako sa kanya. “Sorry? For what?” I managed to stay calm. “Hay, naku! Kumain na nga lang tayo, babe.” Saka ko siya kinindatan.Pilit ko pa ring pinapakalma ang nararamdaman ko kahit medyo kinakabahan na talaga ako sa “sorry” niyang iyon. I knew there was something wrong with it. And he was not yet ready to spill it tonight.Nagsimula na akong sumubo, habang si Andrei ay parang nagdadalawang-isip pang kumain. May napupuna na ako sa kanya these past few days. He was always busy at parang nawawalan na ng time sa akin. Kahit ang pag-text o tawag ay nakakalimutan na niya.Kung hindi pa ako ang magkukusa, wala talagang darating na mensahe galing sa kanya. Idagdag pa na sobrang lamig na niya sa relasyon namin. Like what was happening now. He was so close yet so far.
“Babe!” he called my attention. “Kathy is pregnant.”
Natigilan ako. Awtomatikong napatingin ako sa kanya at nabitiwan ang kutsarang gamit ko. “W-what did you say?”“K-Kathy is pregnant.”Biglang bumilis ang paghinga ko. Hindi naman siguro… Shit! “R-really? But she didn’t inform me yet.” Napangiti ako kahit sa totoo lang, mas kinakabahan ako.Kathy was my friend. Not just a friend but my best-of-the-best friend. She was like a sister to me sa sobrang close namin sa isa’t isa. But these past few weeks ay parang naging iba rin siya tulad ni Andrei. Una ko iyong napansin noong dumating ako mula sa pagbabakasyon sa US. Hindi ako sinundo ni Kathy sa airport na first time nangyari. Siya ang laging sumusundo sa akin kapag wala si Andrei. Pagkatapos n’on, pakiramdam ko ay lumalayo at umiiwas na siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.Pero kung buntis nga si Kathy, bakit hindi niya sinabi sa akin? I was her best friend pero mas itinago pa niya iyon sa akin.“B-because it’s—m-mine."Bigla akong nabulunan sa pagkaing nginunguya ko. “A-ano ka ba, Andrei? This is not a joke. M-masamang biro iyan. Hindi nakakatuwa!” sabi ko pagkatapos uminom ng tubig at pilit na pinakalma ang boses.“I know you’ll never believe this mess, but it’s true. A-ako ang n-nakabuntis sa kanya…” nakayuko niyang sabi.Grabeng kaba na ang nararamdaman ko. “Can you please stop it? Hindi na talaga ako natutuwa, Andrei!” singhal ko na siyang ikinalingon sa amin ng ibang tao na kumakain din doon.“B-but it’s true, Charm.” Nakayuko pa rin siya.Bigla akong natigilan at parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Para akong sinampal ng katotohanang sinasabi niya na pilit kong dine-deny sa sarili ko.What the hell is happening?! Oh, God.Kaya pala nag-iba si Kathy sa akin, tinraidor pala niya ako. I treated her like my own sister!So, totoo pala? That your best friend would be one of your best enemies. They would turn into a snake, beat you anytime just for their own happiness!
Damn it! Damn her!Nang humupa ang nararamdaman ko at naunawaan ang lahat ng sinasabi ni Andrei ay bigla akong kumilos. I grabbed my shoulder bag and walked out of the restaurant.Habang naglalakad ay naramdaman ko ang munting butil ng luha na nalaglag sa aking mga pisngi. I didn’t notice it! All I could feel was the pain inside my heart.Of all people, bakit si Kathy pa? Ang dami namang iba diyan, eh. Oh, God, ang sakit ng ginawa nila sa akin. Sila pa na pareho kong mahal. Malapit na ako sa nakaparadang kotse ko nang may biglang humawak sa braso ko at pilit akong pinapahinto sa paglalakad. Paglingon ko ay agad kong nasilayan ang mga mata ni Andrei na may lungkot.Isang sampal na puno ng galit ang agad kumawala sa kamay ko. Hindi pa ako nasiyahan at isang sampal pa uli ang pinakawalan ko sa kabilang pisngi niya.“Don’t touch me!” sabi ko at agad pinunasan ang hindi maampat-ampat na mga luha.“I deserved it,” tukoy ni Andrei sa sampal, hinaplos-haplos pa ang namumulang pisngi.“Yes, you deserve that! More than that!” matigas kong ulit sa sinabi niya.“I-I’m sorry. Hindi namin parehong s-sinasadya—”“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Huh? Na hindi n’yo sinasadya? Oh, come on! Ang sabihin mo, ginusto n’yo ‘yon! Niloloko n’yo lang pala ako!”“No! It was an accident, babe. Pareho kaming lasing nang sobra at hindi namin alam ang nangyayari nang gabing iyon,” paliwanag pa niya.“Huwag mo nga akong gawing tanga, Andrei! Alam mo, kung totoong mahal mo ako, dapat umiwas ka kahit pa lasing ka. Mahina ka! Hindi mo ako pinahalagahan kaya nangyari ‘yan. My God, Andrei! Bakit si Kathy pa?” My tears fell at hindi ko na mapigilan iyon. Ang sakit talaga.Yumuko lang siya at hindi makatingin sa akin nang deretso.Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan na naman niya ako.“I love you, babe.”“Mahal mo ako? No, you don’t love me! Kasi kung talagang mahal mo ako, hindi ka dapat natuksong subukan ang isang bagay na magpapasakit ng damdamin ko. Of all people, si Kathy pa!”“I’m so sorry, babe. I understand what you feel and it’s my damn fault. Please forgive me,” mahinang-mahina niyang paghingi ng tawad.“It’s over!” sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Yeah, it was over. Doon at doon din naman kami papunta. Maybe we were not meant for each other.
“No! Hindi ako papayag. Please, pag-usapan muna natin ‘to, babe. Please. Kung puwede ko lang sanang ibalik ang araw na iyon, gagawin ko, para itama ang mali kong iyon. Please, babe, give me one more chance, please? Aayusin ko ito, promise. Huwag mo lang akong itaboy palayo,” pakiusap niya at hinawakan pa uli ang dalawang kamay ko.
Mapakla akong tumawa. “Sana inisip mo ‘yan bago ka gumawa ng ikasisira ng relasyon natin, Andrei! Sana inisip mo muna ang kahihinatnan ng relasyong ito. Higit sa lahat, itong nararamdaman ko…” lumuluha ko pa ring sabi. Pilit akong kumawala sa hawak niya. “Maybe… maybe we’re not meant for each other, Andrei. Siguro nangyari ito dahil talagang hindi tayo ang para sa isa’t isa at wala talagang tayo.” Napailing ako. “Maybe may dahilan ang lahat kung bakit nangyari ‘to.”“Don’t, babe. I still want to build a family with you. Please. Tuparin pa rin natin ang sinumpaan natin. We don’t have to end this all just because of her, of that baby,” pagsusumamo pa rin niya.Nagulat ako sa sinabi ni Andrei at deretso siyang tiningnan sa mga mata.“Just because of ‘that baby’? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo, kung wala kang konsiyensiya, puwes, ibahin mo ako. Hindi ako tulad mo na walang puso. Kung masisikmura mong gawin iyon sa bata, puwes ako, hindi. Walang kasalanan ang bata sa ginawa n’yo sa akin kaya huwag kang ganyan! Naumpisahan mo na ang pagkakamaling iyan kaya dapat mong panindigan!” bulyaw ko. “Hindi ako magpapakasaya habang may nasasaktan akong isang inosenteng bata.”
“Please, Charm. I love you. I love you, babe, please. Gagawin ko ang lahat, papakasalan pa rin kita.” This time ay umiyak na rin siya.“If you really love me, Andrei, then, please panagutan mo ang batang iyon.”Napailing siya. “Hindi ko kaya ang sinasabi mo. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang, b-babe.” “Patunayan mo. P-panindigan mo ang bata kahit hindi mo man ‘yan pinlano. Nandiyan na ‘yan, eh. Have mercy on that little child, for Christ’s sake, Andrei. Huwag mo siyang ibilang sa iba na walang pamilya.”“Ayaw kong magpatali sa buhay na ayaw ko, Charm. Humiling ka na lang ng iba, huwag lang iyon, please.”“Then it’s your choice, Andrei! But it doesn’t mean na patuloy pa rin akong makikipagrelasyon sa ‘yo,” sabi ko. “Bye. T-thank you pa rin. Because you didn’t hide it from me. Kahit nasaktan n’yo ako nang sobra, at least nalaman ko habang maaga pa.”Tumalikod na ako nang tuluyan at hindi na lumingon pa kahit anong tawag ni Andrei sa pangalan ko. Sa bawat pagtawag niya at pagmamakaawa ay parang sinasakal din naman ang puso ko. Umiiyak ako sa bawat hakbang ko palayo sa kanya.Mabilis akong pumasok sa kotse at agad pinaandar ang makina niyon. Nakita ko si Andrei na lumapit sa tabi ng kotse ko at bahagyang kinatok ang salamin. Tiningnan ko siya at nakitang puno ng luha ang mukha niya. I knew nasaktan siya, pero mas malala naman ‘yong sakit na nararamdaman ko.Hindi ko pinairal ang awa. Tinigasan ko ang damdamin ko. Ayaw kong maawa sa kanya dahil hindi niya iyon deserve. Tatanggapin ko ang nangyari pero hindi ganoon kadali iyon.Habang nagmamaneho ay inalala ko ang magagandang nangyari sa loob ng ilang taon naming magkarelasyon. Nakakapanghinayang ang lahat ng magagandang alaala. Nagsumpaan pa kami na kahit ano ang mangyari ay kami pa rin sa bandang huli. Na mauuwi ang lahat sa kasalan. Ang dami-dami naming plano sa buhay. Pero siya mismo ang sumira niyon. Siya mismo ang bumura niyon.Sumumpa si Andrei na hinding-hindi ako lolokohin at paiiyakin. Pero ano itong ginawa niya? He betrayed me! And worse, he betrayed me with my best friend.Bigla akong huminto sa pagmamaneho. Para kasing hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Pinaghahampas ko ang manibela ng kotse.I hate you! I hate you! I hate you both!Sinayang nila ang lahat, pati na ang ibinigay kong malaking tiwala sa kanila. Napailing ako sa panghihinayang. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang lahat ng nagpapasaya sa akin. Siguro totoo nga ang kasabihan na, “pinagtagpo, ngunit hindi itinadhana.”Chapter 2BestI thought siya na. We plan, that next year is will be our wedding, but what happened! He betrays me, they betrayed me.Three years! Lintik ka, Andrei! Tatlong taon, sinayang mo lang. Lolokohin mo lang pala ako. How could you do this to me, Andrei?! Sa wala lang pala mapupunta ang lahat ng plano natin.Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang nagmamaneho pauwi. Sana hindi na lang ako nakipagkita kung iyon lang pala ang sasabihin niya. Hindi ako nakapaghanda sa ganitong pangyayari. Bago sa akin ito. At napakasakit nito.Nang makauwi ay agad akong pumasok sa kuwarto ko at nagkulong doon. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Wala na sigurong katapusan ang sakit na nararamdaman ko.Hinalungkat ko agad sa cabinet ang mga gamit na bigay ni Andrei. Damit, scarf, jewerly, shoes, everything. Even those albums na puro pictures naming dalawa sa loob ng tatlo
Chapter 3ClubIba sa paningin, iba sa pakiramdam, at kakaibang kapaligiran.That was my first expression the moment I stepped inside this establishment. “Paraiso” ang tawag dito ng mga taong walang ibang alam gawin kundi magpakasaya.Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar dahil puro bahay at eskuwelahan lang ako noong nag-aaral pa ako. Nang makapagtapos, bahay at trabaho lang. Naiba lang three years ago when I met Andrei.Sa edad ko ngayon, napaka-late na para ma-experience ang ganito. But it was better late, than never.I felt a little bit nervous. I was scared dahil sa kadiliman ng kapaligiran at bagsik ng mga tugtog. My knees were shaking, my hands were sweating, and my skin felt cold. But despite that, I still managed to stay cool.
Chapter 4EncounterOh, boy!Sa akin ba talaga siya pupunta?Shit!He was really the definition of a perfect man. Matikas na pangangatawan, magandang mukha, perfect lips, pointed nose, black dark eyes na kung tumitig ay makalaglag-panga. Thick set of eyebrows. Messy hair na mas bumagay sa kanyang mukha. His luxury apparel suited him very well. I wondered how many abs did he have under his suit?Napailing ako sa naisip.But he looked familiar. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang talaga maalala kung saan at paano.Palapit talaga siya sa akin. Shit! Kaunti na lang. Hindi ko mapigilang paulit-ulit na lumunok. Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.Gosh! How will I turn around and avoid his dark eyes kung nandiyan na talaga siya? Ewan kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong ka
Chapter 5InsideHe quickly pinned me on the wall the moment we entered his place. Isang mariing halik sa mga labi ang agad niyang pinalasap sa akin.Dahil na rin sa pagkahilo ay nagpaubaya agad ako. He deepened the kiss; he even pressed his body next to me. Naramdaman ko rin ang nag-iinit niyang mga palad na dumadama at humahaplos sa aking balat. I couldn’t stop myself from moaning.I had never felt this before, kahit no’ng kami pa ni Andrei. Iba ang init na hatid ng lalaking ito sa katawan ko. Nakakabaliw at nakakatukso.He started groaning when my hands touched his broad chest. Mapang-akit na ipinapungay ko ang mga mata. This is what I want, right? Ang mahawakan at makita ang mga nagtatago niyang muscles sa dibdib.“You’re such a tease, Charm,” halinghing niya habang hinahawakan ang magkabilang pu
Chapter 6ConfessNaaalimpungatan ako sa mainit na hininga na tumatama sa aking mukha at mabigat na bagay na nakadagan sa hita at baywang ko. Unti-unti akong dumilat para lang magulat sa nabungaran ko.Biglang bumuhos ang matinding kaba sa buong pagkatao ko at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig na ikinagising bigla ng diwa ko.W-what happened? W-where am I? At bakit, hubo’t hubad ako? My God! Who is this man beside me?Nang mag-sink in sa akin ang mga pangyayari kagabi ay bigla akong napasinghap at mariing napapikit. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na tanging tumatabing sa aking kahubdan at ng katabi ko.Oh,my gosh! Oh,my gosh!Pinagmasdan ko ang lalaki na mahimbing pa ring natutulog. What have I done last night? Ang naalala ko lang ay ‘yong… ‘yong pangyayaring nilapitan niya ako at nag
Chapter 7Three years laterThree years, ganoon kabilis ang panahong dumaan sa buhay ko. Sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayang marami na palang nagbago. Pati ang buhay na nakasanayan ko ay ibang-iba na kaysa sa dati.Patungo ako sa sala. Napangiti ako nang makarinig ng maliit at matinis na halakhak. I smiled when I saw Sam with Nanay Martha and Bea. They were laughing.“Mommy, Mommy…” Sumalubong sa akin ang maliit niyang katawan. He embraced my leg with his tiny arms.Agad namang kinuha ni ‘Nay Martha ang dala-dala kong tray na puno ng pagkain. Binuhat at pinupog ko ng halik ang buong mukha ng anak ko. He giggled at para iyong musika sa pandinig ko.“Asus, over naman ang mag-inang ito, parang hindi araw-araw magkasama sa bahay,” react agad si Bea.“Naiingg
Chapter 8SecretNang mapagod ang anak ko kakalaro ay nagtungo naman kami sa isang seafood restaurant na madalas pag-dalhan sa akin ni Bea mapanoon man hanggang ngayon.Bea ordered a lot of foods, like finger seafoods platter. Dish iyon na pinaghalo-halo sa isang platter like fried tilapia of catfish fillet, shrimp, blue crab cake, stuffed shrimp, stuffed crab with French fries. Gustong-gusto ni Sam iyon, akala pa nga niya ay puro mga fried chicken lang lahat iyon, He loved crunchy foods. Mahilig kasi itong pumapak ng ulam.Bea also ordered our favorite dish, the grilled rock lobster with mashed red potatoes and broccoli on it. And of course, the langoustine and salmon ravioli. Um-order pa si Bea ng dessert trio—sweet potato pecan pie, turtle fudge brownie, at key lime pie na may toppings pa na vanilla ice cream.Iba na talaga kapag sobra ang kinikita dahil nakaka-afford ng gano’n kamahal at karaming lunch para sa amin. Hi
Chapter 9FreezePagpasok ko pa lang sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay puro na lang tungkol sa bagong may-ari ng kompanya ang usap-usapan ng karamihan. Kesyo naibenta na raw nang tuluyan ng may-ari itong kompanya. Actually, noong isang buwan pa ang mainit na balita na iyon. Akala ng lahat ay walang katotohanan dahil napakaimposibleng ibenta gayong napakaganda pa ng estado ng kompanyang ito. But when the owner informed us about it, doon pa lang kami naniwalang lahat.Magma-migrate na raw kasi ito sa ibang bansa. Hindi dahil sa nalulugi na ang negosyo, kundi pagod na raw ito sa pamamahala niyon. Gusto na ng mga anak nito na pagpahingahin ang ama dahil sa katandaan na rin. Palibhasa mga career-oriented ang mga anak nito at may mga sarili na ring maunlad na negosyo sa ibang bansa.Masakit man sa may-ari na ibenta iyon pero wala itong magawa sa kadahilanang ayaw pamahalaan ng mga anak nito ang kompanya. K