Share

CHAPTER SEVEN

ILANG oras nang nakahiga si Markus buhat nang makauwi siya mula sa pagkikita nila ni Helena pero hayon at hindi siya dalawin ng antok.

Paano niya ba makakalimutan ang pinag-usapan nila ng among babae? Ang proposal nito sa kan’ya? Na kung sakaling tanggapin niya, ang kapalit noon ay kaginhawahan ng buo niyang pamilya.

Tumayo si Markus. Inaninag sa pusikit na liwanag ang relo sa dingding. Pasado ala una na ng madaling araw pero sa halip nga na naghihilik na siya, heto at gising na gising pa rin ang kamalayan niya.

Sinilip niya ang mga kapatid sa silid ng mga ito. Malungkot niyang pinagmasdang isa-isa ang tatlong kapatid. Nadama niya uli ang awa sa mga ito na katulad niya, mula nang isilang ay kahirapan na ang kapiling sa buhay.

Kung sana ay natapos niya ang kolehiyo, disin sana’y mas maganda ang trabaho niya ngayon. Mas malaki ang suweldo. Hindi isang pipitsuging staff lang sa accounting department ng kompanya ni Helena. Maaaring doon din siya nagta-trabaho ngunit nasa may kataasang pos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ano ng desisyon mo Markus? wala atat lng ako.........boto nanay mo Markus kay Risa ligawan mo daw
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status