EPILOGUE and LAST CHAPTERAng kuwento ng buhay pag-ibig nina Markus at Helena, para sa akin bilang manunulat na lumikha sa mga karakter nila ay hindi nabibilang sa pangkaraniwang kuwento ng pagmamahalan.Maaaring sa iba, imposibleng mangyari ito. Na may isang mayaman, matalino at magandang babae na magagawang bumili ng isang lalaki upang pakasalan siya at isalba sa kahihiyan. Ngunit dahil ako nga ang author ng kuwentong ito, ginawa ko itong posible. Sa palagay ko ay nagawa ko namang palawakin ang imahinasyon ko upang mailarawan ko ang lahat ng naging mga kaganapan sa buhay ng dalawang bida na kalauna’y nadiskubre ang tunay na pag-ibig nila sa bawat isa.Sa isang bahagi ng mga kabanata nila, minsan ay sinabi ni Helena kay Markus, na ang gusto niya, KUNG SIYA AY IIBIGIN ni Markus, sana, huwag nitong tingnan kung paano sila nag-umpisa. Kung paano niya pinapasok si Markus sa buhay niya kasi insulto iyon sa kan’yang pagkatao. Bagkus, sana ang tingnan nito ay ang magaganda niyang mga katang
“You are six weeks pregnant, Helena...Should I say, ‘congratulations’ or --- I’m sorry…?” matamlay ang ngiti at nananantiya ang tono ng tinig ni Dra. Raquel Manzano. Ang kaibigang OB-Gynecologist ng dalagang si Helena Montenegro, na isa ng multi-milyonarya sa gulang nitong beinte’y otso.Hindi agad nakahuma si Helena sa naging pahayag ng kaibigan. Ilang araw na ang suspetsa niyang iyon sa kakaibang nangyayari sa katawan niya. Kaya nga humingi siya ng special appointment dito para kumpirmahin ang nararamdaman niya sa sarili.At bagama’t inaasahan niya na, na iyon ang magiging kumpirmasyon, kung bakit tila nasorpresa pa rin siya sa naging resulta ng kan’yang pregnancy test.Anong emosyon ba ang dapat niyang pairalin sa mga sandaling iyon? Magiging masaya ba siya, o dapat niya bang ikalungkot ang balitang iyon?“Helena --- ?” untag ng doktora sa dalaga.Napatitig sa kaibigan si Helena. Pigil ang luha na gustong kumawala sa mga mata. “W-walang ibang dapat na makaalam nito, Raquel, except
WALA si Donya Amanda ng araw na iyon. Madilim-dilim pa nang magpasya itong mag-biyahe patungong Quezon upang bisitahin ang malawak na plantasyon nila ng pinya sa lugar na iyon. Tatlo hanggang apat na araw umano itong mawawala. Mas’yado kasing mahaba ang biyahe mula Maynila at hindi uubra na magbalikan ang matanda. Medyo mahina na ito at may diperensiya rin sa puso. Ganoon pa man, sa mga paglalakbay nito na katulad noon, kampante naman si Helena na umalis ang abuela kahit malayo ang pupuntahan nito dahil lagi nitong kasama ang private nurse niya na si Nancy at isa pa nilang mapagkakatiwalaang kawaksi na si Melba. Listo rin ang matagal na nilang family driver na si Mang Dencio.Alam ni Helena na maaasahan niya ang mga taong nakapaligid sa kan’yang lola kaya ilang araw man niya itong hindi makita at makasama, panatag ang kalooban niya na may mag-aalaga at mag-iintindi rito.Kagabi, pinipilit pa siya nitong sumama sa kan’ya. Para raw makapagpahinga naman siya sa opisina kahit ilang araw l
“Kumusta ka na?” tanong ni Raquel matapos hagkan ang pisngi ni Helena nang muli silang magkita nito. Sinadya niya ang kaibigan sa opisina nito dahil labis din siyang nag-aalala dito. “Obviously, you didn’t sleep well last night, did you? Halatang-halata ang eyebags mo. Hindi iyan makabubuti sa ipinagbubuntis mo, Helena…”Tumango si Helena. “I know, pero hindi ko maiwasan.” Huminga pa ito ng malalim. “Iniisip ko ang lola. Kung paano ko ito sasabihin sa kan’ya. Baka makasama sa kalusugan niya ang nangyaring ito, Raquel…” Naluluhang pahayag ng dalaga.Naaawang pinagmasdan ni Raquel ang kaibigan.Bumuntong-hininga pa muna uli si Helena bago muling nagsalita. “Bakit nga ba naging tanga ako sa pag-ibig, Raquel? Bakit hindi ko nahalata na hindi ako totoong mahal ni Efraim?” Tumawa pa ito. Mapait.“Ni hindi ko man lang naalala kung gaano siya kasuklam sa akin when we were still in college. Iyong kapag nauungusan ko siya, kulang na lang, malusaw ako sa matalim niyang titig sa akin. But then, t
“COME IN…” ani Helena matapos kumatok sa pinto ng private office niya si Aireen. Ang kan’yang secretary.Inutusan niya ito na kunin lahat ng files ng kanilang mga lalaking empleyado. Nagtataka man at hindi nalaman ang dahilan ng kan’yang babaeng ‘boss,’ agad na tumalima si Aireen at ngayon nga ay nasa harapan na ni Helena ang hiningi nito sa kan’ya.“Thank you, Aireen. You can go back to your work.” ani Helena na hindi tumitingin sa sekretarya at abala sa ilang papeles na pinipirmahan. Bahagya lang nitong sinulyapan ang mga inilapag ni Aireen sa kan’yang mesa.“Okay, Mam.” Tatalikod na sana ito nang may maalala uling sabihin. “Ah, Ma’m, let me remind you again,” nakangiti nitong sabi. “you have a dinner meeting with Mr. Alfonso. He called again earlier and asked about your availability tonight.”Tumango si Helena. “Okay, I got it.” Lumabas na si Aireen matapos marinig ang kan’yang sagot.Si Mr. Alfonso ay matagal nang kliyente ng kanilang kumpanya. Hinihimok siya nito na mag-sponsor s
HABANG SAKAY ng jeep pauwi sa kanila, hindi maipaliwanag ni Markus ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing ipatatawag siya ng kan’yang amo na sobra niyang hinahangaan noon pa mang unang tapak niya sa kompanya nito, at makita niya ang isang higanteng poster nito na nakakabit sa dingding ng building ng Montenegro P&A Corp.Mula noon, inasam niya na, na sana, isang araw ay makadaupang palad niya si Helena Montenegro. Iyong harapan at malapitan na masisilayan niya ang kagandahan nito. Napakas’werte niya na siguro kapag nangyari iyon. At iyon nga…! Nangyari na nga kanina ang pinakaasam niya.Akalain niya ba talaga? Na ipatatawag siya nito? Na kakausapin? At hindi siya makapaniwala. May hihingin pa itong pabor sa kan’ya…?Ano nga ba iyon? Hindi niya mahulaan…A, anopaman iyon, hindi niya iyon tatanggihan. Para kay Helena. Sa minamahal niyang si Helena…Minamahal? Naloloko na yata siya sa pumasok na iyon sa kokote niya. ‘Totoo ‘yon! Minamahal mo talaga si Helena! ‘Di ba ng
HANGGANG sa pagtulog, hindi pa rin lubos maisip ni Markus kung ano ang pag-uusapan nila ng kan’yang amo bukas. Nagtataka siya sa sarili. Bakit ba ganoon na lamang siya ka-apektado sa magaganap bukas? Hindi tuloy siya dinalaw kaagad ng antok.Alas sais ng gabi pa ang usapan nila ni Helena, pero makakain ng tanghalian, gumayak na si Markus para mag-byahe patungong Alabang mula sa kanila sa Novaliches. Hindi naman kailangang mag-grab siya mula sa kanila. Sa bus lamang siya sasakay at pagdating sa Alabang, saka na lang siya magta-taxi papunta sa village nina Helena, pero bago iyon, dadaan pa muna talaga siya ng mall para bumili ng maganda-gandang polo shirt na kahit paano ay pagmumukhain siyang malinis at presentable sa harapan ni Helena.Pasado alas kuwatro ng hapon, tapos na siyang mamili sa mall at suot-suot niya na rin ang bagong poloshirt na binili niya. Combination of striped white and blue ang kulay noon. Bagay sa medyo bago pa niyang pantalong maong na hinagod mabuti ng plantsa ka
"PAKASALAN MO AKO. PANAGUTAN MO ANG BATANG DINADALA KO SA SINAPUPUNAN KO. SAGIPIN MO AKO SA PROBLEMANG IBIBIGAY KO SA LOLA KO SAKALING MALAMAN NIYA NA NILOKO LANG AKO NG LALAKING PINAGTIWALAAN KO. TATAPATAN KO ANG PABOR NA IBIBIGAY MO SA AKIN, MR. ANGELES. NAME IT AND YOU WILL HAVE IT."NASA bus na siya pauwi sa kanila pero hindi maalis sa isip ni Markus ang mga salitang iyon na binitiwan sa kan’ya ng amo niyang si Helena Montenegro. Paulit-ulit iyon na tila ba sumisigaw sa isipan niya. Na buhat kanina’y nakapagkit na sa utak niya.Ma-awtoridad. Hindi nakikiusap kun’di tila nag-uutos. Dahil ba empleyado lang siya nito? Dahil ba ang akala nito, kaya nitong bayaran ang kan’yang dangal? Na kaya nitong tapatan ng salapi ang kahirapan ng pamilya niya?Nagtagis ang bagang ng binata. Ngunit sa isang sulok ng puso niya, ay may bumubulong. Ang tinig din ni Helena.‘Pakasalan mo ako…’At parang ibig niya iyong sagutin ng ‘oo.’ Dahil kung ang pagbabasehan ay ang pagtatangi niya sa amo, gugustohi