Share

KUNG AKO AY IIBIGIN MO
KUNG AKO AY IIBIGIN MO
Author: Angelita NOBELISTA

PROLOGUE

“You are six weeks pregnant, Helena...Should I say, ‘congratulations’ or --- I’m sorry…?” matamlay ang ngiti at nananantiya ang tono ng tinig ni Dra. Raquel Manzano. Ang kaibigang OB-Gynecologist ng dalagang si Helena Montenegro, na isa ng multi-milyonarya sa gulang nitong beinte’y otso.

Hindi agad nakahuma si Helena sa naging pahayag ng kaibigan. Ilang araw na ang suspetsa niyang iyon sa kakaibang nangyayari sa katawan niya. Kaya nga humingi siya ng special appointment dito para kumpirmahin ang nararamdaman niya sa sarili.

At bagama’t inaasahan niya na, na iyon ang magiging kumpirmasyon, kung bakit tila nasorpresa pa rin siya sa naging resulta ng kan’yang pregnancy test.

Anong emosyon ba ang dapat niyang pairalin sa mga sandaling iyon? Magiging masaya ba siya, o dapat niya bang ikalungkot ang  balitang iyon?

“Helena --- ?” untag ng doktora sa dalaga.

Napatitig sa kaibigan si Helena. Pigil ang luha na gustong kumawala sa mga mata. “W-walang ibang dapat na makaalam nito, Raquel, except the two of us, please? Lalo na ang lola…”

Napabuntong-hininga ang doktor. Tumango ito. “Of course.” Pinisil pa nito ang palad ni Helena. “Well, I know that it’s not easy to make a plan on what you should do right now. Take your time, friend. Matagal pa naman bago ‘yan mahalata. And I believe, nasa tamang wisyo ka and you will never ever attempt to remove that.”

Tinitigan uli ni Helena ang kaibigan. Lahat ng nangyayari sa buhay niya ay alam nito. Kababata niya si Raquel. Naunahan nga lamang siya nitong mag-pamilya. At maligaya ito sa piling ng asawa na isa ring doktor.

“Just in case...” Pilit na ngumiti si Raquel. “And you know what I mean…”

“Hindi ko ito idadamay, Raquel…” Alam niya ang nais tumbukin ng doktor.  Dinama niya ang maimpis pa niyang tiyan. “And remember this, I will love this child more than my life…” nalaglag na ang pinipigil niyang luha. Unti-unti nang nangingibabaw ang kasiyahan at kasabikan na magkakaroon na siya ng anak. Sa kabila ng malaking problema sa likod nito.

Niyakap siya ng doktora. “Nandito lang ako. Alam mo ‘yan.”

Tumango-tango si Helena. At umiyak sa balikat ng kaibigan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
Helena blessing yan sayo c baby
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status