“COME IN…” ani Helena matapos kumatok sa pinto ng private office niya si Aireen. Ang kan’yang secretary.
Inutusan niya ito na kunin lahat ng files ng kanilang mga lalaking empleyado. Nagtataka man at hindi nalaman ang dahilan ng kan’yang babaeng ‘boss,’ agad na tumalima si Aireen at ngayon nga ay nasa harapan na ni Helena ang hiningi nito sa kan’ya.
“Thank you, Aireen. You can go back to your work.” ani Helena na hindi tumitingin sa sekretarya at abala sa ilang papeles na pinipirmahan. Bahagya lang nitong sinulyapan ang mga inilapag ni Aireen sa kan’yang mesa.
“Okay, Mam.” Tatalikod na sana ito nang may maalala uling sabihin. “Ah, Ma’m, let me remind you again,” nakangiti nitong sabi. “you have a dinner meeting with Mr. Alfonso. He called again earlier and asked about your availability tonight.”
Tumango si Helena. “Okay, I got it.” Lumabas na si Aireen matapos marinig ang kan’yang sagot.
Si Mr. Alfonso ay matagal nang kliyente ng kanilang kumpanya. Hinihimok siya nito na mag-sponsor sa isang non-government organization na itinayo nito na kumukupkop sa less fortunate people o ‘yong mga palaboy sa kalye. Bilang likas ang kabutihan sa puso, nakumbinsi siya nito at pag-uusapan nga nila ang magiging sistema ng kan’yang sponsorship.
Humugot muna ng malalim na paghinga si Helena nang matapos ang mga pinirmahang papeles. Matagal niya munang tinitigan ang employees files na nakalapag sa kan’yang mesa. Atubili siya kung kailangan ba talaga na buklatin niyang isa-isa ang mga iyon.
Mga files lang ng kan’yang mga empleyadong lalaki ang kailangan niya. Kunwari lang niyang sinabi kay Aireen na lahat ay titingnan niya upang hindi ito maghinala ng anoman. At heto na nga sa harap niya ang mga iyon.
Tama ba ang nabuo niyang desisyon kagabi? Ang humanap ng lalaking mananagot sa responsiblidad sa kan’ya ni Efraim? Teka, bakit sa mga empleyado niya? Bakit hindi sa mga kakilala niya sa alta sosyedad? Yaong mga personalidad na kapareho niya ang antas ng buhay?
Umiling na muli si Helena. Kahit kailan, hindi siya naghangad na ang makasama niya sa buhay ay kapareho niya ang estado.
Bagama’t ipinanganak siya na ika nga ay may gintong kutsara sa bibig dahil napapalibutan ng karangyaan, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang pangmemenos sa kap’wa na hindi nila kapantay ang katayuan sa buhay.
Simple lang ang pananaw niya. Ang takbo ng isip niya sa maraming bagay-bagay. Hindi siya ang tipo ng tao na umaakto ayon sa kanilang kalagayan. Nagkataon lang na pumasok si Efraim sa sistema niya. At ginusto niya ring ma-involved dito sa dahilang hindi pa rin niya ganap na malaman kung bakit.
Napapikit ang dalaga. Sa balintataw ay muling sumagi ang imahe ni Efraim…
Mahal niya ba ito? O, siguro ang mas tamang tanong – minahal niya ba talaga ito?
Bakit tila hindi siya nanghihinayang na nawala ito at iniwan siya? Umiyak siya, oo. Kasi nasaktan siya. Nasaling nito ang pride niya. Feeling niya, kinawawa siya nito. Siya na isang malakas na babae. Ma-awtoridad, matalino, maganda…kung bakit naisahan siya nito…!
Nainsulto siya sa ginawa nito sa kan’ya. Na nilamangan lang pala siya nito nang hindi niya namalayan. Naging tanga siya…! At iyon ang hindi niya matanggap.
Siguro nga totoo ang sinabi ni Raquel. Na hindi niya ito mahal. Na na-challenge lang siya dito. Dahil kung totoo na nasa puso niya ito, lulunukin niya ang prinsipyo niya. Kalilimutan niya ang pagiging mataas niya. Hahabulin niya ito at pilit papanagutin sa obligasyon nito sa kan’ya. Hindi niya hahayaan na magkahiwalay sila nito.
Isa lang ang tiyak niya. Hindi niya ibababa ang sarili kay Efraim. Kesehoda na maging dalagang ina siya. At kesehodang ang iba ang papanagutin niya sa kan’yang ipinagbubuntis.
Tama ba iyon? Alam niyang hindi. Alam niyang mali. Pero gagawin niya. May pera siya. Kahit bumili siya ng lalaking mananagot sa kan’ya. At kailangan niya ring gawin iyon. Para sa kan’yang lola Amanda.
Wala itong alam na may ka-relasyon siya. Kahit maraming mga kilalang personalidad sa lipunan ang nagpaparamdam ng interes sa kan’ya, hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. At iyon ang tumatak sa isip ng kan’yang abuela. Na sa edad niyang iyon ay sadya siguro talaga na wala pa siyang napupusuan.
Ngunit nakapanlulumo. Kung bakit hinayaan niya si Efraim na ilagay siya sa alanganing sitwasyon na ito. Kung sana nalaman niya lang agad…
Kaya heto siya ngayon. Gagawa ng paraan upang mapagtakpan ang disgrasyang sinuungan niya. Sa katauhan ng ibang lalaki.
Isasalba niya ang sarili sa pamamagitan ng iba. Huwag lang kay Efraim. Huwag lang dito…
At alang-alang sa kan’yang lola Amanda, isusuong niya ang sarili sa isang sitwasyong hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan.
Sana nga hindi niya talaga mahal si Efraim. Sana nga totoong hindi niya ito minahal. Dahil kung ito ay sadyang mahal at minahal niya, iyon ang totoong panghihinayangan niya. At hindi ang binhing ipinunla nito sa kan’yang sinapupunan. Sa ngayon ang natitiyak niya sa sarili, wala siyang pakialam dito. At lilipas din ang sintemyento niya sa pang-iiwan nito sa kan’ya. Siya pa rin ang dating si Helena. Malakas, ma-awtoridad, at matalino…
Ang mahalaga ngayon, magkaroon ng kalutasan ang problema niyang hinaharap. At may maipakilala siya sa lola Amanda niya na ama ng magiging anak niya.
“MARKUS ANGELES…” ulit na basa niya sa pangalan na iyon. Ilang beses na bang binigkas ng isip niya ang ngalan na iyon?
Ilang ulit na ring inisa-isa ni Helena ang files ng mga lalaking empleyado nila sa Montenegro P&A Corp., pero kung bakit paulit-ulit ding ibinabalik ang utak niya sa pangalan na iyon.
Maraming beses niyang pinasadahan ng basa ang resume nito. Ang credentials na nakasaad doon. Ang litrato nito na naka-attached doon.
“Markus Angeles…” muli niyang bigkas.
Mataman niyang pinagmasdan ang two by two photo nito. Sinipat-sipat. “Magandang lalaki…” ani sa sarili. Pilit niyang kinapa sa utak kung saang department niya ito nakikita. At nang matiyak kung saan ito naka-destino, pinindot niya uli ang intercom upang papasuking muli sa opisina niya si Aireen.
“Yes, Ma’m?” listong bungad agad ng sekretarya.
“Please call Mr. Markus Angeles of marketing department.”
Tumalima naman agad si Aireen. Saglit pa ay kasama na nito si Markus at iniwan na sa harap ni Helena.
“P-pinatatawag n’yo raw po ako, Ma’m?” halata ang nerbiyos sa tinig ng lalaki.
“Please sit down, Mr. Angeles.” Pormal ang anyo na anyaya dito ni Helena.
Tumalima si Markus.
Magkasalikop ang mga kamay habang nakaupo sa kan’yang swivel chair na iniimbay-imbay niya ng marahan, tinititigang mabuti ni Helena ang kaharap na empleyado. Hindi naman ito halos makatingin sa kan’ya. Sa wari ay hiyang-hiya ito. Nahalata iyon ni Helena. “Relax, will you?” pigil ang ngiting sabi niya rito.
Napakamot sa ulo ang lalaki. First time niya na nakaharap ng ganoon ang amo. Dati ay palihim niya lang itong tinatanaw at minamasdan dahil gandang-ganda siya rito, pero ngayon, heto siya sa harapan nito. Na mas lalo niyang nasilayan ang kagandahan nito. Higit pala itong maganda sa malapitan.
Crush niya ba si Helena? Oo. Inaamin niya. Umpisa pa lang nang una niya itong makita sa kompanyang ito matapos siyang matanggap dito bilang empleyado.
Isang paghangang habang lumilikwad ang araw ay hindi nababawasan, bagkus ay lalong nadaragdagan…
“Mr. Angeles,” may pumitlag na kaunting kaba sa dibdib ni Helena para sa mga naglalaro sa isip niya na sasabihin sa empleyado niyang ito, pero kailangan niyang lakasan ang loob upang mabigkas niya iyong lahat. “I w-want to ask a favor from you…”
Napamaang si Markus. Pabor? Hihingi ito sa kan’ya ng pabor? Parang hindi siya makapaniwala…!
Nagkatitigan sila ng amo. Napa-buntong-hininga si Helena pagkuwan. Para bang biglang nawala ang tapang niya. Parang, bigla siyang nakadama ng hiya sa lalaking kaharap.
Aminado naman kasi siya, hindi iyon simpleng problema lang na hahanapan niya ng solusyon. Hindi iyon simpleng arithmetic lang na plus o minus lang ang gagawin na pagku-kuwenta. Ika nga, para bang between life and death ang magiging tugon sa ilalatag niyang proposisyon na iyon.
“Of course, Ma’m…! Kahit ano, basta kakayanin ko…!”
Matiim na tinitigan ni Helena ang kaharap. Bigla siyang naduwag na ipagpatuloy ang sasabihin. “Well I think, this is not the right place to discuss about it. Tomorrow is Saturday. I invite you to pick me up at home…”
Napamaang na muli si Markus.
“And from there, we will talk about it, somewhere.”
Parang biglang naguluhan si Markus. Ano bang pabor iyon? Bakit hindi p’wedeng pag-usapan sa loob ng tanggapan ni Helena? Bakit kailangan na sa ibang lugar pa?
Pero tila kinilig siya nang malaman niyang nagpapasundo ito sa kan’ya. Napaka-suwerte naman niya…!
May isinulat si Helena sa kapirasong papel. Inabot niya iyon kay Markus. Nang pasadahan iyon ng basa ng lalaki, iyon pala ang residential address ng magandang amo sa isang exclusive village sa Alabang. Hindi niya rin inaasahan ang ibinigay nito kasunod ng kapirasong papel. Pera. Tatlong piraso ng one thousand peso bill.
“P-para saan po ito, Ma’m?”
“Mag-grab ka bukas to pick me up. At pag nandoon ka na, tell the village guard na ako ang sadya mo. Magbibilin ako. And I’ll be expecting you at six pm.”
Ipinatong ni Markus ang pera sa ibabaw ng mesa ni Helena. “Hindi naman po kailangan na bigyan pa ninyo ako ng pang-grab, Ma’m.” hindi niya alam kung maiinsulto siya sa inasal na iyon ng dalaga. Sobrang menos ba ang tingin nito sa kan’ya? “Saka, sobra-sobra po ‘yan kung pambayad lang sa grab.” Pinilit niyang ngumiti.
“I’m s-sorry, Mr. Angeles. Pasens’ya ka na kung na-offend kita. But it means nothing. Gusto ko lang na maging komportable ka bukas sa pagpunta mo sa akin. Malayo rin naman ang Alabang from Novaliches kung saan ka nakatira, ‘di ba? And besides, obligasyon ko ang transportation fee mo dahil ako ang hihingi sa ‘yo ng pabor. So please, take that. Pamasahe mo ‘yan papunta sa akin at pabalik sa inyo.” Nakikiusap ang tingin ni Helena sa kausap.
Umiling si Markus. “Darating ako bukas, Ma’m. Asahan ninyo.” At tumalikod na ito. Na hindi dinampot ni tiningnan man lang ang pera.
Napaisip si Helena. ‘Hindi mukhang pera,’ sa loob-loob niya.
HABANG SAKAY ng jeep pauwi sa kanila, hindi maipaliwanag ni Markus ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing ipatatawag siya ng kan’yang amo na sobra niyang hinahangaan noon pa mang unang tapak niya sa kompanya nito, at makita niya ang isang higanteng poster nito na nakakabit sa dingding ng building ng Montenegro P&A Corp.Mula noon, inasam niya na, na sana, isang araw ay makadaupang palad niya si Helena Montenegro. Iyong harapan at malapitan na masisilayan niya ang kagandahan nito. Napakas’werte niya na siguro kapag nangyari iyon. At iyon nga…! Nangyari na nga kanina ang pinakaasam niya.Akalain niya ba talaga? Na ipatatawag siya nito? Na kakausapin? At hindi siya makapaniwala. May hihingin pa itong pabor sa kan’ya…?Ano nga ba iyon? Hindi niya mahulaan…A, anopaman iyon, hindi niya iyon tatanggihan. Para kay Helena. Sa minamahal niyang si Helena…Minamahal? Naloloko na yata siya sa pumasok na iyon sa kokote niya. ‘Totoo ‘yon! Minamahal mo talaga si Helena! ‘Di ba ng
HANGGANG sa pagtulog, hindi pa rin lubos maisip ni Markus kung ano ang pag-uusapan nila ng kan’yang amo bukas. Nagtataka siya sa sarili. Bakit ba ganoon na lamang siya ka-apektado sa magaganap bukas? Hindi tuloy siya dinalaw kaagad ng antok.Alas sais ng gabi pa ang usapan nila ni Helena, pero makakain ng tanghalian, gumayak na si Markus para mag-byahe patungong Alabang mula sa kanila sa Novaliches. Hindi naman kailangang mag-grab siya mula sa kanila. Sa bus lamang siya sasakay at pagdating sa Alabang, saka na lang siya magta-taxi papunta sa village nina Helena, pero bago iyon, dadaan pa muna talaga siya ng mall para bumili ng maganda-gandang polo shirt na kahit paano ay pagmumukhain siyang malinis at presentable sa harapan ni Helena.Pasado alas kuwatro ng hapon, tapos na siyang mamili sa mall at suot-suot niya na rin ang bagong poloshirt na binili niya. Combination of striped white and blue ang kulay noon. Bagay sa medyo bago pa niyang pantalong maong na hinagod mabuti ng plantsa ka
"PAKASALAN MO AKO. PANAGUTAN MO ANG BATANG DINADALA KO SA SINAPUPUNAN KO. SAGIPIN MO AKO SA PROBLEMANG IBIBIGAY KO SA LOLA KO SAKALING MALAMAN NIYA NA NILOKO LANG AKO NG LALAKING PINAGTIWALAAN KO. TATAPATAN KO ANG PABOR NA IBIBIGAY MO SA AKIN, MR. ANGELES. NAME IT AND YOU WILL HAVE IT."NASA bus na siya pauwi sa kanila pero hindi maalis sa isip ni Markus ang mga salitang iyon na binitiwan sa kan’ya ng amo niyang si Helena Montenegro. Paulit-ulit iyon na tila ba sumisigaw sa isipan niya. Na buhat kanina’y nakapagkit na sa utak niya.Ma-awtoridad. Hindi nakikiusap kun’di tila nag-uutos. Dahil ba empleyado lang siya nito? Dahil ba ang akala nito, kaya nitong bayaran ang kan’yang dangal? Na kaya nitong tapatan ng salapi ang kahirapan ng pamilya niya?Nagtagis ang bagang ng binata. Ngunit sa isang sulok ng puso niya, ay may bumubulong. Ang tinig din ni Helena.‘Pakasalan mo ako…’At parang ibig niya iyong sagutin ng ‘oo.’ Dahil kung ang pagbabasehan ay ang pagtatangi niya sa amo, gugustohi
ILANG oras nang nakahiga si Markus buhat nang makauwi siya mula sa pagkikita nila ni Helena pero hayon at hindi siya dalawin ng antok.Paano niya ba makakalimutan ang pinag-usapan nila ng among babae? Ang proposal nito sa kan’ya? Na kung sakaling tanggapin niya, ang kapalit noon ay kaginhawahan ng buo niyang pamilya.Tumayo si Markus. Inaninag sa pusikit na liwanag ang relo sa dingding. Pasado ala una na ng madaling araw pero sa halip nga na naghihilik na siya, heto at gising na gising pa rin ang kamalayan niya.Sinilip niya ang mga kapatid sa silid ng mga ito. Malungkot niyang pinagmasdang isa-isa ang tatlong kapatid. Nadama niya uli ang awa sa mga ito na katulad niya, mula nang isilang ay kahirapan na ang kapiling sa buhay.Kung sana ay natapos niya ang kolehiyo, disin sana’y mas maganda ang trabaho niya ngayon. Mas malaki ang suweldo. Hindi isang pipitsuging staff lang sa accounting department ng kompanya ni Helena. Maaaring doon din siya nagta-trabaho ngunit nasa may kataasang pos
“MAG-K’WENTO ka naman, oy!” ani Clarisa kay Markus nang magkita sila nito ng hapon na iyon. Sinadya ng binata ang kaibigan sa bahay ng mga ito para makumusta na rin ang nanay nitong may sakit. “Tungkol naman saan?” “Sa lakad mo kahapon. ‘Di ba, nagpunta ka sa bahay ng boss mo kahapon?” “Wala ‘yon. Trabaho lang.” “Kuu, ako nga’y ‘wag mong charutin, Markus! Trabaho lang, pinapunta ka pa sa mans’yon niya sa Alabang?” “Eh ano naman? Anong masama doon? Para kang si Aling Lora…!” “Aling Lora?” “Nanay ko! Maurirat!” Kinurot ni Clarisa si Markus. “Kasi naman, malihim ka na ngayon!” “Kailangan ba lahat ipaliwanag ko sa ‘yo? Dyowa ba kita?” biro ng binata. Lumabi si Clarisa. ‘Sana nga.’ Sabi ng isip nito. “Kumusta nanay mo?” “Okay naman. Kinausap ko si Aling Aning. Na umpisa bukas, samahan niya dito sa bahay habang nasa trabaho ako. Para mabantayan at maiwasang hindi na atakehin uli.” “Tama ‘yon. Mahalin mo nanay mo. Nag-iisa lang ‘yan.” “Naman! Kaya nga kahit nahihirapan na ako s
NANG magising si Doña Amanda ay ang magandang mukha ng nag-iisa niyang apo na si Helena ang bumungad sa kan’ya. Buong pagmamahal itong nakamasid lang sa kan’ya.“I-iha…” anitong nakangiti. Hinaplos niya ang pisngi nito.Si Helena nama’y hinaplos ang buhok ng matanda at kinintalan ito ng halik sa noo. “Kumusta na ang pakiramdam ng pinakamamahal kong lola?” malambing na saad ng dalaga habang matamis na nakangiti rito.“I’m fine, I’m fine, iha.” Masigla ang boses na sagot nito. “Pero, ano ba ang nangyari sa akin at nandito ako?” Inilibot pa ng matanda ang mga mata sa kabuuan ng silid.“You had a mild attack after your trip from Bicol, lola. But we don’t have to worry about it. According to your Doctor, napagod ka lang sa biyahe. Tamang pahinga lang daw para bumalik uli sa dati ang pakiramdam mo and at the same time, you’ll undergo some tests while you’re here para mabigyan ka na rin ng ibang meds and vitamins.”Tumango-tango si Doña Amanda. “Napagod nga siguro talaga ako, iha. Nanibago n
SA LOBBY ng ospital, nag-usap pa muna uli sina Markus at Helena bago nagpas’yang umuwi ang una. “Maraming salamat, Markus.” ani Helena na hinawakan pa sa braso ang binata. “I promise, you won’t regret it.” Napangiti ang binata. "Hindi na ako natahimik matapos ang pag-uusap natin, Mam…” “Helena, Markus. Helena na lang. Kahit sa papel lang tayo magiging mag-asawa, binibigyan kita ng karapatan na maging kaswal na lang sa akin.” Nakangiti si Helena. Halata ang labis na kasiyahan. “Kahapon pa, nakabuo na ako ng desisyon, H-helena. Pero kanina, nang makita ko kung paano ka nahihirapan sa pagbubuntis mo, at lalo na nang makita ko rin kung gaano kahalaga sa ‘yo ang lola mo, idagdag pang may sakit pala siya at hindi puwedeng bigyan ng mga alalahanin, mas tumindi ang hangarin ko na matulungan ka sa problema mo…” “Naaawa ka sa akin, ‘di ba?” Malungkot na napailing ang dalaga. “Ayoko sana ng kinaaawaan, Markus. But then, salamat sa simpatiya. And yes, tama ka. Napakalaking tulong ang gagawin
SA DATING restaurant na una nilang pinagtagpuan, doon uli humantong sina Markus at Helena kinabukasan matapos ang appointment ng huli na may kinalaman sa kan’yang kompanya ng araw na iyon.Nauna si Markus sa tagpuan nila. Medya ora na siyang nandoon nang dumating ang dalaga.“I’m sorry, Markus. I’m late. Kanina ka pa ba?” ani Helena na agad naupo sa harap ng binata.Nasa isang sulok uli sila ng restaurant na iyon. Doon sa hindi gaanong pansin ng iba pang mga kustomer.“Sobrang traffic din kasi at saka may dinaanan din kasi ako.” paliwanag ng dalaga.“Hindi mo kailangang magpaliwanag, M-ma --- ah, H-helena...!" Parang mahirap sanayin ni Markus ang sarili na tawagin ang mayamang amo sa pangalan lamang nito. "Okay lang ‘yon. ‘Di pa naman ako gaanong katagalan dito.”“Yes, but then, nakakahiya din na naghihintay ka sa akin. Teka, ba’t ‘di ka pa nag-order?” sinenyasan ni Helena ang waiter.“Okay lang ako. Busog pa naman ako, eh.”“Hmmnn…ayoko ng laging ‘okay’ lang, ha? Soon, hindi na tayo