Share

CHAPTER SIXTY THREE

“BAKIT ka umiiyak? Para saan ang mga luhang ‘yan, Clarisa?” Sarkastiko ang tono ni Aling Lora sa kaharap na dalaga nang mga sandaling iyon.

Makaraan ang ilang araw, nagpakita uli sa kanila si Clarisa. Nasa anyo ang pagsisisi sa pagkakamali nitong ginawa.

Sinugod ng yakap ni Clarisa ang may edad na babae. “Patawarin ninyo ako, ‘Nay!” humagulgol ito. “Tulungan ninyo akong humingi ng tawad kina Makoy at Helena. At kay lola Amanda…! Hindi ko kayang humarap sa kanila nang nag-iisa, ‘Nay. Hindi ko po kaya…!”

Napahinga nang malalim si Aling Lora. "Nakapag-isip-isip ka na bang mabuti, Clarisa? Natanto mo na ba ang ginawa mo sa mga taong naging mabuti sa 'yo?"

Tumango si Clarisa. Sunod-sunod. Habang walang humpay ang pagsigok.

"Kung taos sa puso ang pagsisisi mo, haharap ka sa kanila kahit nag-iisa ka lang, Clarisa.”

Umiling ang dalaga. “Hiyang-hiya ako sa ginawa ko, ‘Nay Lora. At pinagsisisihan ko na nakipagsabwatan ako kay Efraim at tumanggap ng pera mula sa kan’ya.”

Iniharap ni Aling Lora a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
buti nman at natauhan ka na Clarisa..laban lng Helena at Markus kya nyo yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status