Share

CHAPTER TWO

“Kumusta ka na?” tanong ni Raquel matapos hagkan ang pisngi ni Helena nang muli silang magkita nito. Sinadya niya ang kaibigan sa opisina nito dahil labis din siyang nag-aalala dito. “Obviously, you didn’t sleep well last night, did you? Halatang-halata ang eyebags mo. Hindi iyan makabubuti sa ipinagbubuntis mo, Helena…”

Tumango si Helena. “I know, pero hindi ko maiwasan.” Huminga pa ito ng malalim. “Iniisip ko ang lola. Kung paano ko ito sasabihin sa kan’ya. Baka makasama sa kalusugan niya ang nangyaring ito, Raquel…” Naluluhang pahayag ng dalaga.

Naaawang pinagmasdan ni Raquel ang kaibigan.

Bumuntong-hininga pa muna uli si Helena bago muling nagsalita. “Bakit nga ba naging tanga ako sa pag-ibig, Raquel? Bakit hindi ko nahalata na hindi ako totoong mahal ni Efraim?” Tumawa pa ito. Mapait.

“Ni hindi ko man lang naalala kung gaano siya kasuklam sa akin when we were still in college. Iyong kapag nauungusan ko siya, kulang na lang, malusaw ako sa matalim niyang titig sa akin. But then, two years ago, after a long time since we graduated, nagkita kaming muli. We’re both professional in the same field.

“At hindi ako nagtaka nang hindi ko na makita ang talim sa mga mata niya sa tuwing titingnan niya ako. All I thought, we are both matured enough for those nonsense things that happened before. Na nagbigay ng gap sa pagitan namin.

“Namanhid ba ako, kasi hindi ko na tuluyang nabasa sa anyo niya ‘yung pagkasuklam sa akin noon? Lalo na nang ligawan niya ako. At sabihing, noon pa man ay minahal niya na ako. Na pinigilan niya lang kasi, nag-aalangan siya sa akin. Na kasi, gusto niya munang patunayan na kaya niya akong panindigan dahil siya ang lalaki. And because he always said he loves me, I eventually fell in love with him too, pero tama siya, Raquel. Kaylaki kong tanga…!” napahagulgol si Helena.

“Ssshhh…!” alo rito ni Raquel. “Maubos man ang mga luha mo, hindi mababago ang katotohanan na hindi ka nga minahal ng lalaking iyon. At gumanti lang siya dahil natapakan mo ang kan’yang ego. Sa laki ng pangarap ni Efraim na mapunta sa itaas, isang malaking insulto sa kan’ya na ikaw na babae lang ang nakahigit sa kan’ya at hindi niya iyon matanggap.”

“But how about what he said? Na sinisisi niya ang lolo? Na nagpakamatay ang ama niya sa kulungan ng dahil sa amin?”

“Naguguluhan ako, Raquel. Ignorante ako sa bagay na iyan. How could he said those things and accused us for his father’s death kung talagang may kasalanan ang ama niya kaya ito nahatulan ng lolo ko na mabilanggo?”

Ginagap ni Raquel ang palad ni Helena. “I think, you should ask lola Amanda about that, sis…”

Maang na napatitig si Helena sa kaibigan.

“Kilala sa business world ang inyong pamilya. Maging ang kompanya nina Efraim na once, ay kinilala rin sa tagumpay ng negosyo. Well, there was a time, napag-usapan ng parents ko ang nangyari sa papa ni Efraim. And I heard your lolo’s name about it…”

Tigagal pa rin si Helena.

“But don’t get me wrong, Helena. Hindi ko sinasabi na may kasalanan ang lolo mo. And I believe, he simply judged based on the evidences…it’s just that, may konting alam ang daddy ko sa naging kaso ng ama ni Efraim.”

“Nasaan ako ng mga panahon na iyon, Raquel? Bakit hindi ko iyon namalayan?” Tiim bagang na sabi ni Helena.

“We’re very busy with our studies. Sa kolehiyo. Lalo ka na. Isinubsob mong mabuti ang ulo mo sa pag-aaral because you said, ikaw na lang ang aasahan ng lola mo at ayaw mo siyang biguin. Na gusto mong maging matalino. Magkaroon ng maraming kaalaman para maka-survive kayo ng lola mo sa trahedyang dumating sa pamilya ninyo…”

Tumulong muli ang luha ni Helena. “Now I know…Kaya pala, kahit binalak ko noon na makipaglapit kay Efraim, hindi ko nagawa. Dahil nakitaan ko siya ng sobrang pagka-disgusto sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Kaya pala noon pa man ay may pader nang nakapagitan sa aming dalawa.”

“Are you attracted with him ever since? I know you, my friend. You are not the type of a woman na madaling magkagusto sa lalaki.”

“Dahil hangga’t maaari, ayoko sana na magkaroon ng kahati si Lola sa pagtingin at atens’yon ko. But Efraim came…”

“And you fell in love with him? But I don’t think so, Helena. I don’t think it’s love. Baka naman na-challenge ka lang sa kan’ya dahil nga sobra ang naging kompetisyon ninyo noon. Na, what if, kung maging kayo? Na magkaroon kayo ng relasyon? Baka sakaling umamo siya sa’yo? Na nangyari naman, ‘di ba? Kasi ikaw na rin ang maysabi, hindi mo na siya nakitaan ng galit sa’ yo nang maging kayo…”

Napailing si Helena. Ewan niya. Hindi niya alam. Siguro…

Ang alam niya lang, naniwala siya kay Efraim. At nagtiwala rito ng wagas. Kaya isinuko niya rito ang pagkababae niya.

“But I can tell, not because I am a doctor, kun’di naniniwala talaga ako na hindi lang pisikal na sugat ang nagagamot, Helena. Maging ang emosyonal na sugat, maghihilom rin sa pagdating ng tamang panahon. Oo nga at nalinlang ka ni Efraim dahil kunwari lang pala ang damdaming ipinaramdam niya sa’yo, pero darating ang araw, magiging peklat na lang ang sugat na nalikha sa isip at puso niya. At ang peklat, sa paglipas ng panahon, lumalabo. Nagiging mapusyaw. Hanggang sa ‘di na mahalata.”

Napangiti si Helena sa tila matalinhagang mga sinabi ni Raquel. Parang kayhirap nitong paniwalaan. “Kinasuklaman ako ni Efraim kahit wala akong ginawang masama sa kan’ya. Ginantihan niya ako, fine. Nanalo siya. Pero hindi niya na malalaman, Raquel, na mas nakakalamang pa rin ako sa kan’ya. Dahil hindi niya makikilala kailanman ang anak niya sa akin…!”

 Si Raquel naman ang napailing sa narinig sa kaibigan. Dapat niya ba itong ayunan? Naguguluhan siya.

***

Pangalawang gabi iyon na wala sa mans’yon si Donya Amanda. At buong laya uling naibuhos ni Helena ang kirot ng damdaming sinaktan ni Efraim. Hindi tuloy nakatiis ang isa sa kasambahay nila na si Belen. Kinatok siya nito sa silid dahil mula pa nga kahapon ay pansin na nito ang pananamlay niya. Hindi rin nalingid dito ang pagbagsak ng mga gamit niya sa k’warto. Ang pag-iyak at pagwawala niya. Matapos iyon ay matigas itong nagbilin sa kanila, na hindi iyon dapat malaman ng kan’yang lola. Pero bahala na…iyon ang nasa isip ni Belen. Sobra siyang nag-aalala kay Helena.

Nakailang katok na ang kasambahay sa silid ng kan’yang amo ngunit hindi ito tumutugon.

“M-m’am Helena? Ma’m…? Okay lang po ba kayo?” anito sa pagitan ng mga pagkatok.

Walang tugon.

“Ma’m…? Ano po ba ang nangyayari sa inyo? Baka sakali pong makatulong ako…!” may kakulitan si Belen.

Sa wakas ay binuksan ni Helena ang pinto. At kagaya kahapon, tumambad kay Belen ang makalat uling k’warto nito. Maraming nabasag at nasirang gamit. Napailing ang kasambahay. “Palibhasa mayaman, okay lang sa kanila na kapag nagagalit ay magbasag at manira ng mga gamit…” sa loob-loob nito.

“Wala kang maitutulong, Belen.” Malungkot na tugon dito ni Helena. Kalmado nang pinahid ang luha. “But since you’re here, pakiligpit na lang uli ang mga kalat ko, please?”

Tumango si Belen.

Tumalikod na si Helena. Nahiga na lamang ito sa kan’yang kama. “Gusto ko nang matulog, Belen. If ever na tumawag uli si Lola, tell her, I’m tired…and again, hindi niya ito malalaman, okay?”

“Opo, Ma’m. Klaro po.” Maagap na sagot ng kasambahay. “Ano kaya ang problema nito? Lost in love ba? Pero wala naman siyang boyfriend, ah?” sabi pa ng isip nito. At saka nag-umpisa nang iligpit ang mga kalat ni Helena habang iiling-iling.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku Helena hindi dapat iniiyakan ang lalaking katulad ni Efraim
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status