Share

CHAPTER 2

"You did a good job, Red."

Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal nang sabihin iyon ni Don Henry. Kumpleto kaming lahat sa hapag ngayon at sabay sabay na kumakain. Ako ang nasa pinakadulo ng mesa at nasa isang dulo naman siya. Nasa gilid niya si Donya Carmila katabi si Violet Cassidy, sa kabila naman ay si Magnus.

Ganito lagi ang set-up namin, nababase sa kung anong posisyon mo sa pamilya. At bilang jefá, dito nga ako nakapwesto.

"Thanks, Dad," walang emosyon kong sagot.

Hindi ako mahilig magpakita ng feelings sakanila, I was also trained to be like this. My parents is already on their 50's and I'm still stuck here in our mansion, I'm old enough to build my own house but they won't let me.

Mas maganda raw na nasa iisang bubong kami. Which I always disagree. Para saan pa na na-training kami simula bata para protektahan ang sarili kung takot rin lang silang mahiwalay ako sakanila dahil sa nagbabadyang mga panganib?

As I've said, I can fight. There's nothing to worry about, siguro may iba lang silang rason para hindi ako paalisin ng mansyon at bumukod.

At ang naiisip ko ay dahil sa tingin siguro nila, kapag humiwalay ako sakanila ay mapapabayaan ko na ang responsibilidad ko sa aming Cartellé.

Natapos kaming kumain at nagsi-puntahan na sa living room para pag-usapan ang gagawin naming misyon, actually, ako lang naman ang gagawa. Tungkol ito sa traydor na kailangan kong patahimikin.

My parents said I should finish that one tonight, huwag nang ipa-bukas pa. Which I agreed because I can't afford to lose our Cartellé over some shit traitor.

"Nakuha ko na ang address niya, Ate. Here," inabot sa akin ni Violet ang isang sticky note at may nakasulat na address.

"Is he alone?"

Umiling siya, "Nope. He's with a group of men, still unknown which group they belong," bulalas niya.

Napatingin ako kila Donya Carmila.

"Should I kill those men too? Or just the traitor?"

"That's not even a question, Red. Of course you should–"

"I'm not talking to you, Magnus."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagsabat niya sa usapan.

"Then what I'm doing here? I'm coming with you tonight, Red."

"No," I firmly said.

"I can do it alone, no need for you to come," dagdag ko pa.

"Well, to burst your bubble out my dear sister, I will go with you. Whether you like it or not."

"Don Henry–"

"Okay, enough!"

Naputol kaming dalawa sa pagtatalo nang tumayo si daddy at seryoso kaming tinignan.

"Both of you will finish the job, and you, Magnus," tinuro niya ito. "Sundin mo ang gusto ng ate mo. She's the jefá, you don't have the rights to question nor defy her, understand?"

Natameme naman siya at nakasimangot na umiwas ng tingin. Si Violet naman ay tila natatawang inaasar pa ito kaya mas lalong lumukot ang mukha nito.

"You can do whatever you want, Red. As long as you finish the job, then good. Now go," sambit niya kaya nauna na akong tumayo at umalis ng living room.

Sumunod naman sa akin ang mga kapatid ko. Kinuha ko lang ang gamit ko at sumakay na sa limousine na nakaabang sa labas ng mansyon.

Maaga pa para sa gagawin kong misyon, kailangan ko munang pumasok sa opisina. Hindi lang ako lider ng aming organisasyon, CEO rin ako ng aming kumpanya na matagal nang ipinasa sa akin ng magulang ko bilang isa rin sa responsibilidad ko.

Sumakay ako ng limou at sinabing paandarin na ito. Pote is inside the car just behind us. Naka convoy siya at pinapanatili ang distansya sa sasakyan ko.

We are always careful, lagi rin kaming alerto. Dahil ang panganib, nandiyan lang 'yan sa tabi tabi.

I am wearing an all white women suit partnered with a white slacks and a red stiletto. Nakatali lang din pataas ang buhok ko.

Nakarating kami sa harap ng kumpanya na agad naman akong pinagbuksan ng aming security.

"Magandag umaga po, Ma'am!" Bati nito sa akin.

Tinanguan ko lang ito at dumiretso na papasok sa loob. All the employees greeted me a goodmorning, which made me smile for a second.

Magkaiba ang tauhan namin sa kumpanya at sa aming Cartellé, our employees here are unaware of the things that we do, kumbaga ang mga nandito ay normal na empleyado lang at mga inosente.

Meron namang iba dito na tauhan ko pero they're not showing any signs of being in a Cartellé. They're acting like a normal employee which is good. Nandito sila para rin ma-protektahan ang kumpanya.

Our trained assassins was assigned here kaya confident din akong hindi magagalaw ang aming kumpanya ng kahit sinong kalaban.

"Ms. Red, you have three scheduled meetings today, one at 10 am, the other one is a lunch meeting and the last one is later at 3 pm," bungad sa akin ng secretary ko pagpasok ko pa lang ng opisina ko.

"Cancel the 3 pm meeting, kamo ay hindi ako available mamayang hapon. Re-schedule it tomorrow," wika ko.

Kailangan kong mag-ready na mamaya para sa misyon mamayang gabi. Malayo ang palawan kung saan nagtatago ang traydor na 'yon. Kailangan ko pang mag eroplano matunton lang siya.

"Are you sure, Ms. Red? This is Sir Gavin–"

"Yes, I'm sure, Rolland. Tatawagan ko nalang siya mamaya, Gavin can wait, I know him."

"O-Okay, I'll send him a message, anything else?"

"Wala na, Rolland. You can go back to your desk," utos ko sakanya.

Umupo na ako sa swivel chair ko at agad na sinimulan ang mga gagawin.

While signing some papers, I opened the television inside my office at pinunta ito sa news channel.

Mahilig akong makinig sa balita habang gumagawa ng paperworks. I can multitask. I need to be also updated on what's happening to our country dahil paniguradong may epekto din ito sa amin.

While reading a document, naagaw agad ng atensyon ko ang isang balita tungkol sa Cartel Group of Companies.

They're a huge company just like us, their family is quite famous too, kaya bigla akong napalingon sa tv at tinigil ang ginagawa ko.

Ayon sa balita, ang CEO at panganay rin na anak ng mag asawang Cartel ay naipanalo ang isang kontrobersiyal na kaso. The whole country knows him, and so do I.

He's Augustine Jimenez Cartel, 27 years old and a famous lawyer.

Alam ko rin na behind that successful career, he's hiding something dark and evil. He looks very dominant and I find him quite attractive because of his eyes, ang talim makatingin at mukha siyang isang greek god, hindi ko rin malaman kung akong kulay ng mata niya. It is something that really confused me.

Hindi rin siya palangiti. I've seen him on a magazine a couple of times, tapos sa tv din dahil laging napapaskil ang mukha niya kapag may naipapanalo siyang kaso.

Wala pa nga ata siyang talo sa korte ni isa. He's a beast inside the court. Iyon ang sabi sa balita.

They are also running a Cartellé which is like us, they're influential too. Hindi nga lang nagtatagpo ang landas namin dahil magkaiba kami ng teritoryo at iba ang line of products nila.

Which is okay, dahil mahirap na. Hindi rin basta basta ang pamilya nila.

Pinatay ko na rin ito nang matapos ang balita at bumalik sa ginagawa.

Ang bilis ng oras. Natigil nalang ako sa pagbabasa nang tumunog na ang alarm ng cellphone ko.

It's already lunch time. At ang last na gagawin ko ngayon bago umuwi ay makipag lunch meeting sa hindi ko pa kilalang investor.

Rolland just sent me the information about this man.

Pinuntahan ko na rin agad ang restaurant kung saan kami magkikita. Rolland also sent me a picture of this guy kaya agad ko itong nakita pagpasok ko pa lang ng restaurant.

This guy thinks I'm dumb. Pagkabasa ko pa lang ng information niya ay kinutuban na agad ako. That's why I texted Violet to find a legit info about this man. She's good at investigating kaya wala pang ilang minuto ay nalaman ko na kung sino ang isang 'to.

Yuki Minamoto, 25 years old.

He's a spy from Boraz Cartel, he wants to invest on our company, gusto nilang makapasok sa kumpanya namin para mas lumakas sila. Para mas makita nila kung ano ang mga sekreto namin. Iyon ang duda ko.

Not bad for a strategy. Pero oras na papasukin ko siya sa kumpanya namin at tanggapin ang deal, ilalagay ko sa kapahamakan ang mga empleyado doon.

So, I made a quick decision.

"Hello, good afternoon, Ms. Suarez."

Tumayo ito at nakipagkamay sa akin nang huminto ako sa harap niya.

"Good afternoon," I greeted him back bago umupo.

"So... Do you want to eat first before we start?" tanong niya habang nakangiti.

Kung titignan mo, mukha siyang inosente. Pero hindi ako basta basta maloloko, I guess he's pro at hiding his real intention, hindi mo makikitaan ng masamang balak ang pagmumukha niya.

"No," umiling ako. "Let's start this meeting," sambit ko.

May inilabas naman siyang folder na naglalaman ng mga papeles para sa kanilang magiging offer. Sinimulan naman niya ang pagdi-discuss about dito.

While listening to him, I noticed a red dot on the table so I hightened my alert.

It's a sniper. Nasa lamesa ito nakatuktok at kung hindi ka aware sa ganito, iisipin mong isa lang itong laser na laruan ng mga bata.

Napahinto siya sa pagsasalita nang mahalatang wala sakanya ang atensyon ko.

"Sh*t!" rinig kong sambit niya at agad akong hinawakan sa ulo para hilain padapa.

Kasabay no'n ang ilang putok ng baril na agad na lumikha ng kumosyon mula sa ibang mga kumakain dito sa loob ng restaurant.

"They're here! Come on, Suarez. Let's get you out of here!"

Mabilis ang naging aksyon ko nang hawakan niya ako sa kamay. Kinuha ko iyon at pinulupot sa likod niya habang parehas kaming nakadapa.

"Who the hell are you?"

Nagtaka ako dahil sa naging reflexes niya. Mabilis siyang nakawala sa pagkakapilipit ko.

"It doesn't matter, they're here to kill us, tara na!"

Hindi na ako nag-atubiling sundan siya habang gumagapang papunta sa exit door nitong restaurant. Pinindot ko ang nagsisilbing panic button sa suot kong relo kung saan makakarating ito kay Pote at mate-trace agad niya ang location ko.

Sunod sunod pa rin kaming pinapaputukan.

Hindi ko kayang labanan ang nasa malayo, I should get out of here before they kill me. Mabuti nalang at itong restaurant ay hindi gaanong puntahan ng mga normal na tao, this is a high-end restaurant with elites eating inside. Mahihirapan ang mga awtoridad na tukuyin kung sino sa aming lahat ang target.

"Dito! My car is just beside this exit, we should get ourselves covered," patuloy lang ito sa pagsasalita hanggang sa makalabas kami.

Pumasok siya sa isang bulletproof na sasakyan at agad akong pinapasok.

Habol ang hiningang nagtinginan kaming dalawa.

"Whoo! That was close!"

Nilabas ko mula sa dala kong pouch ang maliit na karambit o isang uri ng fox folding knife na ginagamit for self defense at agad itong itinutok sa leeg niya.

"Don't move," banta ko at hinawakan siya sa buhok.

"I'm not your enemy, Ms. Suarez. I'm from Boraz Cartellé–"

"I know. And you're here to spy us, right?"

Umiling siya kaya nadiin ang blade ng karambit ko sa kaniyang leeg at agad itong lumikha ng maliit na hiwa.

Hindi man lang siya nasaktan.

"No, I'm here to invest on your company. Our cartellé is falling, kailangan namin ng tulong ng kumpanya mo para mas lumago ang aming natitirang pera. The Cartel group of companies rejected us. That's why you're the last option, we can't afford to lose the cartellé because we are supporting a lot of charities–"

"I don't believe you. Let's not meet again, kapag nakita ko pa ulit 'yang pagmumukha mo, magsisisi kang ako pa ang nilapitan mo."

Binitawan ko na siya nang may humintong sasakyan sa gilid namin at lumabas doon si Pote. Binuksan niya ang pinto sa gilid ko at inalalayan ako palabas.

Isang beses ko pa siyang sinulyapan bago tuluyang iwan.

F*cking snipers. Nadumihan tuloy ang maganda kong outfit. Bwisit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status