Share

CHAPTER 3

Nabalitaan naman agad ng pamilya ko ang nangyari sa restaurant kanina kaya agad nila akong tinawagan.

I told them I'm fine and still kicking. Nagpadala na rin ako ng ilang tauhan ko para kumalap ng ilang footage sa paligid ng restaurant. Baka doon ay makalikom kami ng pruweba at makita kung sino ang nagtangkang pumatay sa akin.

Hindi ko alam kung ako ba ang target o ang kausap ko kanina. Pero kailangan ko pa ring makasiguro.

If It is me, then they messed up with the wrong person.

Alas singko na ng hapon nang bumyahe kaming dalawa ni Magnus sakay ng aming private plane papuntang palawan.

Hindi na ako nag-abalang magdala ng ilang tauhan, kahit si Pote. Kayang kaya kong gawin ang misyon ko mag-isa, meron lang talagang asungot na sumama sa akin ngayon.

Nakasuot ako ng isang black over all assassin's suit at naka black boots, dala ko ang paborito kong baril na may silencer at ang aking katana kung sakali mang hindi sumang-ayon sa akin ang tadhana at kailangan kong tapusin ang iba pang kasama ng traydor na 'yon sa teritoryo ko.

Si Magnus naman ay nakasuot lang ng simpleng itim na round neck t-shirt at itim na pantalon. May hawak din siyang leather black jacket. Kailangan naming magsuot ng itim para hindi agad kami makita at magmukha kaming invisible sa dilim. Gaya ko, baril lang din ang dala niya pero wala itong silencer.

Kumbaga sumama lang siya sa akin para maging back-up ko kung sakaling mas madami pa sa inaasahan naming kalaban ang nandoon.

Nakarating kami ng palawan wala pang dalawang oras na byahe.

We landed on a private airway at sumakay sa nakahanda na naming sasakyan. We have assets, men, partners all over the country. Kaya may nakaabang na agad sa amin pagbaba pa lang ng eroplano.

"Wait for my signal, Blue. Don't do anything stupid," paalala ko sakanya habang nagmamaneho.

He chuckled, "I won't. Huwag kang mag-alala," sambit niya.

"Just don't be shy to press the panic button if you think that you're in danger, Red. Walang lugar dito para sa pride, it's your life at risks."

Naging seryoso ang mukha niya at tinignan ako. Parang hindi naman niya ako kilala, I can even wash them all out if I want, but I'm not being unreasonable. My mission was just all about James, wala ng iba.

Napaangat nalang ang labi ko dahil kahit tarantado siya at lagi kaming nag-aaway ay may pake pa rin siya sa kaligtasan ko.

He is supposed to be the alpha of the family because he is the only man inside our house, aside of course, from Don Henry. But he refused to handle the throne because of me, bilang panganay, gusto niyang ako ang humawak no'n. So my family decided to gave me the throne and the responsibility to make our Cartellé running until our last breath.

Hindi na kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa hideout ng aming pakay.

It is an old two-story house. With old cars and motorcycles infront of the yard.

Napansin ko agad ang ilang kalalakihan sa labas ng pinto na pawang mga nag-iinuman.

Bale lima sila, hindi ko pa nakikita ang traydor. Dinaanan lang muna namin ang bahay na 'yon para matignan kung alin ang mga dapat iwasan at kung saan madaling makapasok.

I saw a huge mango tree just beside their house. Nakatapat ito sa isang bintana na sa tingin ko ay siyang papasukan ko mamaya.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko paalis doon at dumiretso sa aming na-book na hotel. Magpapalipas muna kami ng oras dito dahil medyo maaga pa, it's past 8 pm at ang balak namin ay alas dose pa kikilos.

We still have time to rest, eat and prepare.

Nagbasa na rin muna ako ng ilang email sa akin ng secretary ko. Instead of resting, mas pinili kong mag trabaho nalang. I checked all the emails, then I sent him a message telling that I will need a file document of the reports for the last two months.

Nag-reply naman siya agad. I am happy to have such secretary, napaka sipag at very reliable. Sinend agad niya sa akin ang hinihingi ko.

Naubos ang oras ko sa pagbabasa ng mga 'yon hanggang sa kumatok na si Magnus sa kwarto kung nasaan ako at sinabing oras na para kumilos.

Just like what we planned, my brother and I are now heading to their hideout. Mga ilang kilometro lang ay hininto ko ang sasakyan sa gilid ng isang madilim at delikadong kakahuyan malapit na sa bahay kung nasaan ang aking target. Dito ako dadaan para makalapit sa bahay na 'yon nang hindi nahahalata.

May kalakihan ang lumang bahay na 'yon kaya hindi magiging madali sa akin ang gawin ang misyon ko nang hindi nahahalata ng iba niyang kasama.

That's why I need to be very careful.

Dito sa parteng 'to maghihintay si Magnus kung sakaling matapos ko agad ang aking misyon. Kapag hindi ako nakabalik sa loob ng 30 minutes, susundan na niya ako ro'n para tulungan.

Iyon ang usapan naming dalawa.

Sinuot ko na ang black gloves ko at ang aking signature black cloth half face mask at lumabas na ng sasakyan. Sinulyapan ko muna ng isang beses si Blue at tinanguan bago tumakbo sa kakahuyan.

I hightened my alert while walking inside this dark forest. Pinatalas ko ang mga mata ko para hindi ako matapilok at makaapak ng kung ano. I'm trying my best not to make any sound. Hanggang sa nakita ko na ang likod ng bahay na nasisinagan ng ilaw galing sa harapan, walang tao sa likod.

Sana ay wala rin sa gilid kung saan ko aakyatin ang puno ng mangga na magsisilbing daan ko.

I sighed in relief when I saw that no one is there. I climbed up to the tree and took my sniper out.

Ni-ready ko na ang sarili ko bago dahan dahang inabot ng paa ko ang nakabukas na bintana para suportahan ang sarili ko sa pagpasok.

Iisa nalang ang ilaw na nakabukas at 'yun ang nasa harapan ng bahay kaya paniguradong nasa loob silang lahat.

I silently walk inside and saw that no one is inside this room. Nakasara ito kaya naglakad ako papunta sa pinto at dinikit doon ang tenga ko. I heard nothing from the outside so I opened the door.

Bumungad sa akin ang isang hindi kahabaang hallway. Siniguro ko munang walang tao paglabas ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

I just need to find him and kill, after that, I'm out. Nakarinig ako ng mga boses hindi kalayuan sa nilalakaran ko. Naging maingat ako sa paglalakad papunta doon at nakitang may isang kwartong nakabukas malapit lang sa hagdan nitong bahay.

Napatago agad ako sa likod ng estanteng pader nang makitang lumingon sa direksyon ko ang isa sakanila.

Nang makailang saglit ay sinilip ko ulit sila at napangiti dahil nakita ko na ang hinahanap ko.

There he is. Happily drinking with his friends, sulitin na niya, dahil oras na lumabas siya ng kwartong 'yan, I will never let him live.

Naghintay muna ako ng ilang saglit. Narinig ko ang malakas nilang tawanan bago ko siya nakitang nagpaalam sa mga kasama niyang may kukunin lang sa baba.

Pagewang gewang na bumaba ito pero dahil hinahatid pa siya ng tingin ng kaniyang mga kasama ay hindi ko agad siya nasundan.

I waited for about 5 minutes. Nang masigurong wala na ang atensyon nila sakanya ay napangisi ako.

Doon na ako mabilis na tumalon mula sa kahoy na hawakan ng hagdan at lumanding ng tahimik sa gitnang baitang nito bago siya tuluyang sinundan.

Medyo madilim dito sa baba kumpara sa itaas. Magaan ang paang hinanap ko ang daan papunta sa kanilang kusina dahil sigurado akong doon ang punta niya.

Hanggang sa makarinig ako ng mahinang kalabog kaya agad akong napasilip sa kung saan iyon nanggaling.

My eyes widen when I saw a guy wearing a gray hoodie and holding a fuckin' blades! Nasa harap niya si James Cuaza na may gilit na sa leeg at wala nang buhay. Nakatalikod naman siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Sh*t!" napailag agad ako nang makita ang mabilis niyang pagbato ng blade papunta sa direksyon ko.

Muntik na itong tumama sa mukha ko!

Tumakbo ito palabas ng bahay nang mabaling ang atensyon ko sa ginawa niya. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras na sundan siya hanggang sa naghahabulan na kaming dalawa sa loob ng madilim na gubat.

F*ck, he's fast!

Habang tumatakbo ay tinutok ko sakanya ang baril ko at nagpaputok. Hanggang sa sunod sunod na katana blades ang sumalubong sa akin na agad ko namang naiwasan.

Sa ginawa niyang iyon ay napaharap siya sa akin kaya laging gulat ko na kahit sa madilim na gubat ay namukhaan ko siya!

Augustine Jimenez Cartel, the leader of their organization, the one and only famous lawyer in the country.

What the hell is he doing here?

Nagtago ako sa likod ng isang puno nang makita ang mukha niya. Gulat na gulat ako dahil hindi ko inaasahan na makaka-engkwentro ko siya.

If only I knew that was him, I wouldn't even dare to cross lines with him. I don't want a war between his family and mine. That would be deadly for sure.

Huminga ako ng malalim bago sumilip kung nand'on pa ba siya. He just finished my job! I wonder if James Cuaza tried to enter their empire too. He will not kill him if he didn't do something.

He did the mission for me. But I'm not happy with it.

I should be the one to kill that motherfucker.

Ba't hindi ko naramdaman ang presensya niya kanina? I didn't even notice something strange inside. Is he that good? Even a sound of his feet, wala akong narinig.

They said, if the person can walk without a even a tiny sound, that person is dangerous.

But a guy like him can't scare me, I am pretty sure that he didn't know me. I'm wearing my cloth face mask and the darkness hid my identity.

I sighed. Naglakad na ako papunta sa kung nasaan si Magnus at tahimik na sumakay sa sasakyan.

"Done?" He asked, but I didn't give him an answer.

Pinaandar nalang niya ang sasakyan pabalik sa hotel dahil kabisado na niya ang ugali ko. Kapag hindi ako nagsalita, ibig sabihin no'n ay galit ako.

Alam na rin naman niya ang sagot sa tanong niya. Hindi ako aalis ng bahay na 'yon na hindi tapos ang misyon.

Naunahan nga lang ako kaya nawala ako sa mood at na-badtrip.

Let's not meet again, Augustine Jimenez.

Or I won't be able to control myself and fight you with one eye open.

I'll let you pass this time...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status