Share

Chapter 8: Mga habilin

"Good morning, Mom!" Bati ni Yosef sa ina at humalik sa pisngi nito. "May bisita po pala kayo," anito na hindi agad nakilala ang Glginang na kausap ng ina sa balcon.

"Hindi mo na ba natatandaan ang Ninang Lydia mo, Hijo?" tanong ni Meldred sa anak.

"Ay sorry po, matagal na rin tayong hindi nagkita kung kaya hindi ko agad kayo nakilala." Hinging paumanhin ni Yosef sa ginang. Mahigit sampung taon na rin nang huli niya itong nakaharap.

"Ok lang Hijo, kumusta ka na? Ang laki na nang pinagbago mo at binatang-binata ka na." Natutuwang niyakap ni Lydia si Yosef.

"Hindi lang iyan binata Mare, matanda na rin siya pero ayaw pa mag-asawa." Naka ingos na kumento ng ina ni Yosef.

"Kung wala lang sana sakit ang aking anak eh pwede ko siyang ipakilala sa iyong binata, Mare." Malungkot na ngumiti ito sa mag-ina.

Nakikinig lang si Yosef sa pag-uusap ng dalawang ginang habang umiinum ng kape. Ang alam niya ay nag-ampon ang kanyang ninang ng dalagita noon dahil walang kakayahan ang mga ito na magka anak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status