Share

Chapter 10

Lola's POV

I didn't quite like my memories when I was still at the orphanage. Sa tuwing naaalala ko ang lugar na iyon o kahit ang mga alaala na naroon, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa mundo na pinaghirapan kong buuin sa mahabang panahon ngayon.

Pero sa lahat ng mga alaala na iyon, ang kay Kuya Jaja lang ang hindi ko makakalimutan.

He was my savior whenever there are kids who'd want to bully me. Sa kanya ko natutuhan na lumaban. Sa kanya ko natutuhan ang ngumiti kahit na maraming dahilan para umiyak at masaktan. Natutuhan ko ang lumaban at hindi hayaan ang iba na saktan ako o alipustahin.

I realized it just now. Kaya pala hindi ako lumalaban noon kay Mama ay dahil sa iyon ang itinuro niya sa akin. Na wala akong karapatan na magreklamo dahil isa akong tao na hindi inaasahan at pagsasayangan niya ng kanyang buhay. Para sa kay Mama, hindi ako importante. Isa akong latak ng kahapon na pilit nagbabalik sa kanya sa masalimuot na nakaraan. Sa buong childhood days ko, natutuhan ko ang isang bagay: hindi lahat ay nahihirapan na magpalaki ng anak. Ang iba ay mas nahihirapan sa pagpapalaki ng mga magulang. And I guess, Kuya Jaja was right.

Iyong mga naranasan ko mula kay Mama, si Kuya Jaja lang ang nagpaintindi sa akin na dapat akong magalit at dapat na makaramdam ng hinanakit na kahit kaunti. Buong buhay ko ay wala akong inintindi kundi ang intindihin ang sitwasyon ni Mama. At kahit na late na para ma-realize ang aking galit, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya. Dahil kung hindi niya ako iniwan, hindi ko mare-realize ang mga bagay na pinaintindi sa akin ni Kuya Jaja. Kung hindi iyon sinabi ni Kuya, marahil ay aasa pa rin ako na babalikan ako ni Mama.

For several years, ang nagsisilbing palatandaan sa akin sa nakaraan ay ang peklat ko sa likod. Thanks to the modern technologies that the ugly looking scar is not going to be massive anymore. Pinaayos ni Papa, my foster father, ang likuran ko at kakaunti na lang ang peklat na natira roon. Kaya confident akong magsuot ng 2-piece swimsuits or bikinis dahil natatabunan naman ng natitirang tela sa katawan ko ang nakakahindik na marka ng aking nakaraan. Kapag kailangan ko namang mag-pictorial na hantad ang buong likuran, kailangan kong ipa-make-up kay Michelle ang likuran ko para matabunan ang peklat. Fortunately, hindi maumbok ang peklat na iyon kundi ay palubog, kaya pwede itong lagyan ng make up at magmumukha na siyang pantay at makinis.

Maraming nagagandahan sa kutis ko. I'm all natural when it comes to my skin care routine and I modeled dozens of products. Pero sa likod niyon ay ang marka na hindi matatanggal kahit kailan sa buhay ko.

The truth is, I never let a man see me closer na hantad ang likuran. Michelle and I are the only ones who knew about this scar. Kapag nalaman ito ng ibang kumukuha sa akin for endorsement, they will probably not take me another for any renewal of contract.

Ganyan karami ang naisip ko after that dramatic scene at the pool. Ang tanong: patay na ba ako? Bakit ko naaalala ang mga ito?

Napabuga ako ng tubig mula sa aking bibig. Ilang beses akong napaubo. Napakasakit pa ng lalamunan at ulo ko pagkamulat ko ng mga mata, saka ako napaupo. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Jaxx. He held my arm and helped me retrieve my balance. Nakita ko rin ang galit na hitsura ni JD. Matalim ang mga mata na ipinukol niya sa akin habang nakahawak sa dalawang balikat ng umiiyak na si Gaia.

Teka, ano bang nangyari? Paano nga pala ako napunta rito sa gilid ng pool at kinumpulan ng mga tao? All I remember is that we are taking a scene at the pool.

Suddenly, a strode of memory came into my mind. But before I could even react, I heard JD's voice.

"Mabuti naman at gising ka na. Pasalamat ka at ayaw magsampa ng kaso ni Gaia sa 'yo. Ang galing mo talagang magpanggap, ano? Ikaw na nga ang nakapanakit, ikaw pa ang hinimatay ngayon. Nakakatawa," sarkastikong turan niya sa akin.

Nangunot ang noo ko sa kanya. "Nagpapanggap? Anong pinagsasabi mo? Bakit ako? Alam mo ba ang nangayari, ha? Cut na ang scene pero—"

"Stop it!" he snapped.

Napaigtad ako sa sobrang gulat dahil sa sigaw niya. Maraming tao sa paligid namin, including the staffs ang nahintakutan sa boses niya. Pakiramdam ko, ako ang pinakamasamang tao sa buong mundo kung ituring ni JD. Bakit ba ayaw niyang maniwala?

"Stop it right now! I'm calling the engagement off!"

Double ouch!

Napanganga ako sa narinig. Pinilit kong huwag maluha ulit kahit na nangingilid na ang luha ko sa mga mata at agad na tumayo. Hilong-hilo pa ako kung kaya nagawa pa rin akong alalayan ni Jaxx.

How dare this man shame me in public?! Ang kapal ng mukha niya!

Hindi ako makakapayag na saktan niya lang ako nang ganito nang hindi man lang ako nakakaganti.

Napataas ako ng isang kilay at tiningnan si JD sa mga mata. "Engagement? Ilusyunado ka yata. Never naging tayo at never kitang sinagot. Palabas mo lang ang lahat pero pinagbigyan lang kita. Gusto mong sumakay sa kasikatan ko? Gano'n din kay Gaia, 'di ba? Bakit hindi mo ngayon aminin sa mga tao rito kung anong purpose mo kung bakit ka lumapit sa akin at kay Gaia?" I said another bluff yet again that garnered gasps from the people around us.

"Oh, my gosh! Totoo ba ito?"

"OMG! I can not listen to this!"

"Gosh, totoo? Si James Dean?!"

Iyon ang mga bulong-bulungan na naririnig ko sa aming paligid.

Nakita ko ang lalong pagdilim ng ekspresyon ni JD sa akin. His jaws clenched but remain calmin everyone's eyes. I knew damn right that he didn't see this coming.

This is what you get for shaming me, JD!

"Kung sino man ang desperado sa atin dalawa, ikaw 'yon, James Dean Ferrer. Imbes na alamin mo kung ano ang totoong nangyari, there you are being stupid and believing the lies whatever you wanted to perceive. And who cares about you? Ah, si Gaia lang pala ang may pakialam sa'yo. Anyway, ito naman ang gusto ninyo, 'di ba? Ang umalis ako sa project na ito? Fine! I get it now. Kumuha kayo ng ibang artista na tatanggap sa project na ito, wala akong pakialam. I am out of here. And you!" Dinuro ko pa si JD. Halos mamula na ang buong mukha ko sa sobrang galit. "I don't wanna see you ever again. I regret the day that I was close to you," I said with finality. Hindi ko na ininda ang kumpol ng mga staffs na nakapalibot sa amin at agad na umalis sa set. Tangan-tangan lamang ang nasugatan kong puso at pride, dumiretso lang ako sa kung saan man ako dalhin nh mga paa ko.

Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Damn that, man! How dare he do that to me? Ganoon na ba ako kasama sa mga mata niya? Ganoon na ba ako kakontrabida sa buhay niya? Bakit pinahiya niya ako? Bakit kailangan pang ipahiya ako sa ibang tao? Paano na lang ang career ko? Iningatan ko ito nang sobra-sobra pero siya lang ang sisira. Bwisit!

Dali-dali akong nagbihis sa CR habang umiiyak.

Bakit gano'n? Bakit hindi pa rin ako natuto? Alam ko sa sarili ko na hindi ako mabait at hindi ako madaling pakisamahan. I am no angel and neither a good friend. Pero ang sakit lang. Ang sakit dahil gano'n na lang ako kadaling i-judge ng ibang tao na akala alam nila ang totoong nangyari. Sobrang sakit...

Sobrang nakakapansisi na dumikit pa ako kay JD. Nakakapansisi na sinugal ko ang buong pangalan ko para sa kanya.

He's not worth it!

Habol ako nang habol sa hininga ko habang umiiyak sa loob ng CR habang paulit-ulit na iniisip kung paano at bakit nagpakahina na naman ako dahil sa isang lalaki.

Then suddenly, I heard a knock from the outside door. Ilang beses iyon. Ni-lock ko kasi ang buong CR para masolo ko sa pag-iyak ko. And yeah, I am a loud crier. Narinig siguro ako mula sa labas sa pag-iyak ko. Pangit kaya ang pag-iyak ko?

Hay, nakakaloka naman kasi itong pakatok-katok , e!

"Lola? Lola, are you there?" tanong ng tao na nasa labas. It was Jaxx's voice.

"B-bakit nandito ka? 'Di ba dapat nandoon ka sa kanila? Sila dapat ang kino-comfort mo. Masama akong tao, 'di ba? Para sa inyo, isa akong oportunistang artista. Isang gold digger o 'di kaya social climber. Ganoon naman ang tingin ninyo sa akin. Kaya okay lang ako rito. Hayaan n'yo na lang ako..." mapait na sabi ko kahit lahat naman ng sinabi ko ay totoo. Talaga namang social climber at oportunista ako! Minus the gold digger thing. Chariz!

"Wala pa rin akong maintindihan," tugon naman ni Jaxx. "But I really don't believe in what they are telling you. Kaya kita kinakausap. It's because I want you to know that even though everyone else is seeing you like that, you have one soul that sees you as pure and innocent. Naniniwala ako na hindi ka masamang tao at alam ko na wala kang ginawang mali kanina. I just want you to know that..." he said wholeheartedly.

May kung ano namang sumikdo sa may dibdib ko. Paano kung nagpapanggap lang ang lalaking ito sa akin? Paano kung gusto lang din niya akong saktan katulad ng ginawa sa akin ni JD?

Matapos kong mag-isip nang bonggang-bongga, nakapagdesisyon akong lumabas ng CR. Laking gulat ko nang may isang kamay na pumigil sa akin mula sa aking pag-alis.

Halos makalimutan ko na ang huminga. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya rito. The moment I saw his deep dark brown eyes, my stomach churned a little, my heart beats racing.

"You stubborn little woman..." he commented to me. Bago pa man ako makapagsalita ay agad na niyang ipinagpatuloy ang paghila sa aking braso sa kung saan.

Kita ko ang nakakakabang aura ni JD. Tahimik lang siya habang kinakaladkad ako. Nakatanaw lang ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagpapatangay lang ako sa kanya. Dapat akong umiwas. Dapat akong lumayo, pero heto ako at nagpapatangay lang.

There's something in me that keeps on being attracted to his energy. Habang nakahawak siya sa akin ay nakakaramdam ako ng pangingit ng mga pisngi ko. Pati na ang kung anong kuryente na dumadaloy sa kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak sa akin.

Hindi ko namalayan na nakalayo na pala kami. Napansin ko na huminto siya sa isang bakanteng indoor pool area. This place is still a part of the resort that we had tapings earlier, pero itong indoor pool area ay nasa pinaka dulo na ng resort. Isolated kumbaga.

Sobrang ganda ng scenery ang nakikita ko. Sa pader ng indoor pool ay ang neat bamboo walls na halatang varnished. May fake and true orchid plants pa sa paligid. May scented candles din na nakalutang sa pool at pati sa palibot. Nakaka-relax ang amoy na dulot niyon. Tila napawi niyon ang inis ko.

Napalingon ako sa kanya nang bigla niyang bitiwan ang kamay ko at hinarap ako. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya at saka napabuntong-hininga. "One of the staffs told me that the underwater cameraman has captured the unwanted scene with you and Gaia had..." he started off, looking away.

Tila may nabuhay na pag-asa sa puso ko. Ibig sabihin ay nakita roon kung paano ako hilahin ni Gaia hanggang sa pinaka ilalim?

"Gusto ko lang malaman, may pag-aaway ba kayo ni Gaia na hindi mo sinasabi sa akin? Bakit gano'n ang nangyari? Bakit ka niya aatakihin nang gano'n kung walang pinag-ugatan?" sunod-sunod pa niyang tanong na ikinalaglag ng panga ko.

Ang pag-asa na sana'y sumisibol sa puso ko ay bigla na lang namatay. Bagsak ang balikat akong napatingin sa kanya. "Seriously, JD? Ito lang ba ang sasabihin mo sa akin kahit na nakita mo na lahat-lahat ang dapat mong makita?" Nangilid na naman ang luha ko sa mga mata at napailing. Akma akong tatalikod at tutungo sa may pinto nang muli siyang magsalita.

"I'm sorry..." he suddenly said.

I stopped from my tracks when I heard him said those words.

"I'm sorry for saying those things to you. That's what I meant to say. I'm sorry..."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Juvy Pem
Huhuhu, shakit tih ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status