Share

Chapter 3

Chapter 3

Mary Elise Nicolette

I've talked to Topher last night to confirm my suspicion about the guys na kaaway niya kahapon. And I am right. One of them was a very close friend of mine. Was.

I spend my night finding Kuya Colm's F******k account to talk to him too. He's the old very close friend I'm talking about. If you're going to ask what happened to us. He fell, I'm too young and he left. That's all.

Fortunately, I was able to find his account and sent him a message that I wanted to talk to him. I haven't got any reply yet though.

I am currently in the mall, again. But this time I'm with my family na, we just went from the store and decided to go here.

The twins is with me right now at the Robinson's Department Store while our parents are nowhere to be found. Right, and they call this our family day.

Kuya Ams is looking for a shirt, plain-colored shirts because Kuya Am's always wearing his shirts.

"How many colors do you have for this?" tanong ni Kuya Amstel doon sa saleslady na nag-aassist sa kanya.

"We have 11 colors po for that."

"I'll take all of that," Kuya Amstel said after checking the shirt for the last time before giving it back to the lady.

"Okay po, ikukuha ko lang po kayo ng bagong stock," paalam nung saleslady.

"Alright." Kuya smiled at her and looked around. Probably finding something to buy pa.

"Elise, come with me," tawag sa akin ni Kuya Amiel.

Nagpunta kami sa Women's Section. He stopped for a while before facing me.

"Stand there," utos niya sa akin.

Kumuha siya ng isang dress at itinapat sa akin. Ganoon din ang ginawa niya sa skirt at top na nakita niya.

Lahat ng napili niya ay isinampay niya sa arm niya.

"We'll get these, these are my welcome gift for you," he said as he show me the things he took. "Let's go pay. Ay, si Amstel pa pala."

Nauna pa rin siyang magtungo sa counter habang ako nakasunod sa kaniya. Ang awkward kasi. I mean, maraming tumitingin sa amin. Are my brothers that popular at kahit sa mall ay nakakaagaw sila ng atensiyon?

"Ako na ang magbabayad niyan," sabi ko nang makalapit sa kanya.

Inilalapag niya ngayon ang mga napili namin. Dumating na rin yung tshirts na pinakuha niya sa sales lady kanina.

"Ako na, ako naman ang kumuha nito," he insisted.

I nodded because I don't have a choice naman na.

Sakto ring dumating si Kuya Amstel. May hawak siyang paperbag from Power Mac, ano kayang binili nito?

"Magkano lahat?" tanong niya sa akin nang makalapit siya sa akin.

Itinuro ko yung pole display. Natawa lang siya nang makita ang kung magkano ang inabot ng mga kinuha niya.

"Lugi ako sayo, Kuya. Three thousand lang utang ko sayo e," ani Kuya Amstel kay Kuya Amiel.

Ako naman ay pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi kasi ako makarelate at naguguluhan ako sa sinabi ni Kuya Amstel.

"May utang si Amstel sa akin kaya card niya ipangbabayad natin dito." Turo pa ni Kuya Am sa mga pinagbibibili niya bago tumawa.

"Limang libo na oh, kalahati pa lang yung naiiscan. Nangbubudol ka na naman, Kuya." Napakamot na lang si Kuya Amstel habang nakatingin sa presyo ng mga kinuha ni Kuya Am sa pole display.

Kalalagpas lang nito sa six thousand ngunit dalawang item pa lang ang naiiscan ulit ay kulang lang ng ilang piso ay nasa seven thousand na ito.

Four hundred plus kasi ang isang tshirt ni Kuya Am at yung mga damit na kinuha niya para sa akin ay nagrerange sa three hundred hanggang nine hundred. Naguilty tuloy ako kaya nilabas ko na ang wallet ko para kumuha ng pera.

"Bayaran ko na lang yung kalahati, Kuya Ams," ani ko at iniabot sa kaniya ang 5 thousand pesos na cash.

"Joke lang, Elise, okay lang naman. Kabibigay lang din ng allowance namin." He tapped my shoulder at umalis.

Hindi naman gano'n kalayo, actually sa tapat lang namin. May tinitignan siyang mga damit for women, Mommy clothes gano'n. Sinundan din siya ni Kuya Am kaya ako ang naiwan dito sa cashier.

The cashier is almost done scanning our items. Tatawagin ko na sana sila Kuya nang magsalita yung nagpapack ng items namin na saleslady.

"Ang gwapo ng boyfriend mo, Ma'am."

I was startled and didn't know how to react. I don't even know who's she pertaining.

"They're my brothers."maikling sabi ko at ngumiti.

"Ay sorry po, may girlfriend na po ba yung mga kapatid niyo?"

Oh God, why did you put me in this situation.

"Meron." I lied.

My brother came back at nagdagdag pa ng dalawang item bago nagbayad.

We went out of the department store with Kuya Am's arm on my shoulder. Si Kuya Ams naman ay humiwalay na naman sa amin. Hahanapin daw niya sila Mommy.

"Message Amstel, sabihin mo nasa Miniso tayo," Kuya Am told me when we reached the entrance of Miniso.

"Kuya, I lost my phone yesterday e." I said.

Magtitingin nga pala ako ng phone ngayon. iPad lang ang gamit ko kagabi. At wala akong dalang kahit anong gadget ngayon.

Sakto, we saw Kuya Ams walking towards us.

"Oh ayan na pala, okay na, bili tayong phone mo later." Kuya Am and I waited for Kuya Ams na makalapit sa amin.

"Namimili pa sila, pinaalis nga ako e. Family day daw tas nagdate silang dalawa." We laughed at what Kuya Ams said.

"Let's go,"

"Uy si Topher!" Kuya Amstel yelled. I knew it! Sabi na eh!

Lumapit na kami sa kanila. Kitang kita pa rin ang mga cuts at pasa niya. Ginamot niya kaya 'yon?

"Hey" I interjected. Topher looked at me and smiled a little. Tumingin siya ulit kay Kuya Amiel.

"Amiel bro, can I talk to Elise?" Wait what?

"No," matigas na sagot ni Kuya Amiel.

"Amiel, we need to talk." pilit ni Topher.

"Kuya, I can handle myself." Nakisali na ako. I am so curious na rin kung ano ang sasabihin ni Topher.

"Go Elise and Topher, text na lang kayo kung saan namin kayo pupuntahan mamaya." Kuya Amiel glared at Kuya Amstel pero hindi niya ito pinansin.

"Thanks Kuya Ams!"

"Elise, I said no."

I was having second thoughts pa because Kuya Amiel is intently staring at me as if telling me to listen to him. But hinila na ako ni Topher palayo sa kanilang dalawa pero hindi pa rin kami lumabas ng store.

"Bro, let them." Narinig ko pang sabi ni Kuya Amstel nang akmang hahabulin pa kami ni Kuya Amiel. Ano bang problema niya?

Nandito kami sa part na puro stuff toys. I look at the We Bare Bears stuff toys. Gusto kong bumili niyan kaso palagi kong nakakalimutan bumili kapag nandito na kami sa mall, naaalala ko lang kapag nakauwi na kami.

Napaatras naman ako nang kumuha si Topher ng stuff toys.

"Ang dami mo namang kinuha, parehas lang naman yung iba oh. Saka saan mo nakuha yang basket na yan?" sabi ko sa kanya nang mapansin na marami na siyang kinuha at may magkapareho na siyang nakuha.

"Doon" turo niya doon sa sulok na may makakapatong na basket. "Ayaw mo ba?" tanong niya.

"Huh?"

"I'm buying that for you." Hindi ko alam kung anong isasagot ko matapos niyang sabihin 'yon.

Inalis ko ang mga nakalagay sa basket at nagtira lang ng tatlo.

"Okay na yan?" he asked then tumango lang ako.

Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming nagpunta sa cashier. Sinilip ko kung saan namin iniwan sila Kuya kanina pero wala na sila doon. Kaya naman ibinalik ko na lang ang tingin sa stuff toys, ang cute talaga nila.

Nang mailagay na sa paper bag ay kukuhanin ko na sana para ako na ang maghawak pero naunahan ako ni Topher.

"Thank you," pagpapasalamat ko nang makalabas kami ng store.

"Pambawi," sabi niya lang at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Saan naman?"

"Kasi nadamay ka pa kahapon." Napangiti na lang ako.

"Wait! I need to buy new phone. Pwede mo ba akong samahan?" I told him. " I think I lost mine kahapon e."

"Pwedeng later na lang? I will buy din, I broke my phone yesterday. I threw it on the wall absentmindedly due to frustrations."

"Okay, by the way, I'm sorry on what Kuya Am acted kanina. I don't understandhim why he's acting like that though," I apologized.

"It's fine, I understand him. You are his sister, it's normal for him to be protective to you. Let's go?" aya niya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Tapos paglingon ko pa sa likod ay may tatlong lalaking naka-tuxedo na parang sumusunod sa amin. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi lumingon sa likod baka kase bigla na lang nila kaming saksakin o barilin.

"Don't worry, they're harmless. Assistant ni lolo yung nasa gitna and bodyguards ko yung dalawa." Kumalma naman ako nang sabihin 'yon ni Topher. "You're cute when you're tensed."

Parang umakyat naman lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ano ba 'to?

"T-tumigil ka nga," sabi ko na lang.

"I'm telling the truth."

He held my hand, I pretended like nothing happened.

"Whatever! By the way, where are we going?" pang-iiba ko ng usapan. Mahirap na no!

"Mag-uusap."

"Saan nga?"

"In my car."

Hindi na ako sumagot.

I don't know why pero hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kamay naming magkahawak. I suddenly feel like there's butterflies in my stomach. What's happening to me? This is so weird.

Huminto kami bago makalabas ng mall. Binitawan niya ang kamay ko, hindi ko alam ang dahilan pero medyo nalungkot ako nung bitawan niya ko. Nakakairita! Hindi ko maintindihan ang sarili ko!

"Mr. Santos, yung susi?" ani Topher.

"Sir Christof told me not to let you drive the car," sagot nung sinasabi niyang Assistant ng Lolo niya.

"I'm not, we're just going to talk there. I will bring Kuya Ismael with me," sabi ni Topher at hinihit ang isang bodyguard niya.

Ibinigay na sa kanya ang susi at may ibinulong pa si Topher.

"Kuya Paolo, follow Mr. Santos." utos niya doon sa isa pang bodyguard niya

Umalis na yung assistant ng lolo niya pati yung isang bodyguard niya at kami rin ay tuluyang lumabas na ng mall. Hindi niya na ulit hinawakan ang kamay ko.

Huminto kami sa tapat ng isang kotse, Toyota Rush car. If I'm not mistaken this cost almost one million pesos.

"Open it,"utos nita sa bodyguard niya at ibinigay ang susi.

Binuksan ni Topher ang backseat door.

"After you"

Pumasok na ako at sumalubong sa akin ang medyo mainit na singaw ng kotse, kabubukas lang kasi ng aircon ni kuyang bodyguard. Sumunod na rin si Topher at ngayon ay magkatabi na kami. God! I don't why but I love this!

Hinintay ko siya magsalita pero nakatingin lang siya sa harapan.

"So what are we going to talk about?" panimula ko.

Isinara niya ang backseat door. Lumabas na rin ang bodyguard niya na nasa driver's seat. Nagsimula ng lumamig ang loob ng kotse.

"About yesterday."

"What about it? Wait! Nagamot ba yang sugat mo?" tanong ko.

"Yes,"

"Sigurado ka?" paninigurado ko.

"I am" he answered then chuckled.

He still look good kahit may sugat at pasa ang mukha. Hindi na nakapagtataka na maraming naglakagusto sa kanya bukod kasi sa mayaman siya ay gwapo siya, hindi na maitatanggi yon.

"I want to say sorry for what happened yesterday, they almost hurt you—"

"You don't have to, and they will never hurt me. I know one of them. But I hate how the other one look at me as if I'm sorr of your girlfriend," pagputol ko sa sinasabi niya.

"Pwede naman," rinig kong sabi niya pero nagkunwari akong hindi ko narinig.

"Ano?" tanong ko.

Hindi ko alam kung kung bakit ako nagkakaganito ngayon, nakakainis. The feelings and emotions I'm having right now was new to me, for real.

"Wala" sagot niya at ngumiti. "May itatanong nga pala ako sayo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status