Share

Chapter 2

Chapter 2

Maaga akong nagising, almost 7 AM pa lang. Kulang na kulang talaga ako sa tulog at medyo sumasakit pa ang ulo ko.

Agad akong bumaba sa kusina pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush. Abala ang lahat sa pagluluto at paghahanda ng agahan.

"Good Morning po Ma'am Elise, ang aga niyo po atang nagising ngayon?" bati sa akin ni ate Glenda na naghihiwa ng potatoes.

"Good Morning rin po, hindi na ho ako makatulog e," bati ko rin at ngumiti.

Apat na oras lang ata ang itinulog ko, ang likot kasi matulog nung kambal. Pero kailangan kong mag-exercise, ang dami kong kinain kagabi. Ayokong namang tumaba pero aminado akong medyo matakaw ako. At tinatamad akong mag-workout kaya bahala na.

"Ate Glenda, wala pa po ba kayong naluluto na food?" tanong ko habang sinisilip ang ginagawa nila.

"Eli, wala pa, kung gusto niyo po ay igagawa ko na lang po kayo ng cereal," suhestiyon ni Ate Glenda.

"Sige po, salamat."

Nakakatamad naman ngayong araw, wala akong gagawin. Nagsasawa na rin ako kababasa ng mga books for the this school year. Paulit-ulit lang kasi at minsan ay nadadagdagan lang ng ibang meaning yung inaaral ko.

"Eli, ito na po yung cereal niyo."

Iniabot sa akin ni Ate Glenda ang bowl na may lamang cereal at ipinatong ko naman iyon sa counter saka sinimulan na iyong kainin.

"Salamat po," pasasalamat ko.

Habang kumakain ay pinapanood ko ang lahat na magluto ng breakfast namin. Medyo marami talagang maghanda ng breakfast dito. Kung ano kasi ang kinakain ng mga nakatira rito ay ganon din sa mga maids at iba pang nagtatrabaho rito.

"Good Morning, Sir Son." Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa counter nang sabay sabay silang bumati at yumuko.

"Good morning din sa inyo."

Napalingon ako sa likuran ko at nakitang nakangiti sa akin si Daddy ha ang sineseniyasan ang mga kasama namin sa kusina na ipagpatuloy na ang ginagawa.

"Good morning, Daddy."

"Good Morning, baby. Ikaw talaga ginagawa mong tambayan ang kitchen," natatawang ani Daddy at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Madalas na talaga ako rito kahit nung hindi pa sila kinakasal ni Mommy at dumadalaw pa lang kami rito.

"Hindi naman po masyado," sabi ko at parehas kaming natawa.

"Nako Amberson, palagi nga'ng nakikipagkwentuhan sa amin 'yang anak mo at akala mo ay naiintindihan niya lahat ng pinag-uusapan namin," sabat ni Manang Lucy, ang pinakamatanda sa lahat ng maid at siya rin ata ang nag-alaga kay Daddy noong bata pa.

"Manang naman," ani ko at nagkamot ng ulo.

"Matalino ang anak ko, Nay. Siguradong naiintindihan naman niya ang mga pinagkukwentuhan niyo. Pero bakit nga ba lagi kang nandito, Eli?"

"Ang laki-laki po kasi ng bahay tapos ang tahimik naman po at wala akong makausap, dito po, may nakakausap ako. That's why I'm always here. Nakakatuwa rin po kasing pakinggan ang mga kwento nila," paliwanag ko.

"Hayaan mo, sasabihan ko ang Kuya mo na isama ka sa mga lakad nila para hindi ka mabored dito."

"Huwag na po, ayos lang naman ako rito."

"Hon! Nakita mo ba si Elise?!" rinig kong sigaw ni Mommy mula sa Dining Area.

"I'm here, Mom!" sigaw ko.

"Pumunta na nga kayong mag-ama rito!" sigaw ulit ni Mommy.

"Let's go?" ani Daddy.

Tumango ako.

Kinuha ko ang bowl of cereal ko at lumapit na kay Daddy saka sabay kaming nagtungo sa dining area kung nasaan naroon na ang kambal at nagsecellphone.

Pagkarating namin ay masama ang tingin sa akin ni Mommy at sa cereal ko.

"Mary Elise!Bakit kumakain ka na?!"

"Sorry," sabi ko at nagpeace sign.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong dining area. Wala si Topher.

"Where's Quinton?"

"Nagbibihis pa si Topher," malamig na sagot ni Kuya Amiel.

"Ah okay."

"Maupo ka na, Elise!" si Mommy, kanina pa 'to sigaw nang sigaw.

Naupo na ko sa gitna ni Kuya Amiel at Amstel.

"Elisa, tumigil ka nga kakasigaw r'yan, bakit ba sigaw ka nang sigaw? tinatakot mo ang anak natin," saway ni Daddy kay Mommy.

He don't have to though, I'm actually used to Mommy raising her voice whenever I did something wrong but in today's case, I really don't know what I did that made her angry.

"Mary Elise Nicolette GOMEZ, mag-uusap tayo mamaya," she said emphasizing my surname as if trying to imply something to Daddy.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Topher at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay hindi ko mapigilang isipin kung bakit parang galit na galit si Mommy sa akin. Sa pagkakaalam ko ay ayos pa kami kagabi. Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinagagalit niya.

"Elise,"

Tumingin ako kay Kuya Amiel ng marinig kong may bumulong ng pangalan ko ngunit hindi naman niya ako tinignan at patuloy lang na kumakain ng pancake niya.

Kaya naman tumingin ako kay sa kabila ko, kay Kuya Amstel. Nakayuko siya at nakatingin sa phone niyang nakatago sa ilalim ng table. May itinatype siyang kung ano roon.

Ilang sandali lang ay patago niyang iniabot ang phone niya at agad ko naman iyong kinuha.

---------------

Mom saw u last night na lumabas ka sa guest room. The one where Topher slept. That's why she's mad. She talked to us kanina kung ano raw ginawa mo doon. We didn't know too, so we told her na hindi namin alam and she became more mad.

---------------

I typed Thank You on his phone bago ko isauli. Nginitian niya ako at nagpatuloy na sa pagkain. Ganon rin ang ginawa ko, mamaya ko na iisipin kung paano ko papaliwanag kay Mommy.

***

PAGKATAPOS kong kumain kanina ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hinintay kong puntahan ako ni Mommy doon para makipag-usap pero hindi naman siya dumating.

Bumaba ako sa kusina kanina para maglunch at nalaman ko na lang na pumasok na pala siya sa office kasama si Daddy.

Sila Kuya naman ay umalis. Hindi ko alam kung saan sila pupunta at kasama raw nila si Topher sabi nila Ate Glenda. Ako na naman ang naiwan dito. 5pm na pero maliwanag pa naman.

Pupunta na lang ako ng park. Ipinalabas ko ang bike ko kila Kuya Jayson. Regalo 'to ni Daddy nung birthday ko last year, sa dati pa naming bahay kami nakatira noon.

Pagkalabas ko ng gate ay mabilis kong sinakyan ang bike at mabilis ding nagpidal. Medyo malayo ang park sa bahay pero kaya ko namang mag-isa. Saka dito pa rin naman 'yon sa loob ng subdivision.

Natatanaw ko na ang park nang magkagulo dahil biglang may nagsuntukan. Napahinto rin ako sa pagpedal sa bike nang mamukhaan kung sino ang isang nakikipagsuntukan.

"Oh my God!" I yelled when Topher was hitted on his face causing him to fall on the ground.

With a sudden rush of adrenaline, I ran towards him, leaving my bike on the ground and helped him to get up.

"That's enough!" I shouted to the guys na pinagtutulungan kanina si Topher. "Are you okay?" baling ko naman kay Topher na hindi pa gumagaling ang pasa kagabi ay nadagdagan na naman.

"I'm fine, go home. Hindi ka na dapat nakisali," malamig niyang tugon at sinamaan ng tingin ang mga kaaway niya.

"Quinton, 'yan na ba ang resbak mo?" mayabang na tanong ng isa sa mga kaaway niya.

"Mitch, enough. Let's go," pagbabawal ng kasamahan niyang nakamask.

He's familiar though.

Binitawan ko si Topher at dahan-dahang nilapitan ang lalaking nakamask habang kinikilala ito.

"Elise, let's go."

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay hinila na ulit ako ni Topher palayo sa kanila. Huminto kami sa tapat ng bike ko at binitawan niya na ang kamay ko.

"Sakay na, maglalakad na lang ako."

"Malayo," sabi ko at tinignan ang direksyon pauwi.

"Okay lang, naglakad din ako kanina papunta rito. Sige na, sakay na."

"Ayoko, malayo nga. Dala mo ba yung phone mo? tawagan na lang natin sila Kuya." I tried my best to sound firm as he was not taking my words seriously.

"Nasira kanina, kung ayaw mong sumakay. Ako ang magbabike at ikaw ang maglakad," aniya at sumakay nga ng bike ko.

As if I'm going to complain. Kaya ko naman maglakad, siya 'tong napakaraming sugat at siguradong masakit ang katawan. Mas mabilis siyang makakarating sa bahay kung magbabike siya at magagamot agad ang mga sugat niya.

"Sige," sagot ko at nauna nang maglakad.

Narinig ko ang pagtayo niya ng bike ko at pagsakay niya ro'n bago ako makalayo.

Habang naglalakad ay tinitignan ko ang mga bahay na nadadaanan ko. Mahahalata mo talagang mga nakaaangat sa buhay ang mga may-ari dahil sa laki at disenyo ng mga bahay.

Lunod pa ako sa pagkamangha sa magagandang designs ng bahay sa paligid ko nang mabangga ang tuhod ko sa kung saan at doon ko lang napansin ang nakahintong bike ko na sinasakyan ni Topher.

"Sakay," utos na naman niya.

"Ikaw na nga ang gumamit, maglalakad na lang ako."

Malalim siyang napabuntong-hininga tila nauubusan na ng pasensiya. At siya pa ang may ganang gumanon e siya nga 'tong makulit na pasakay nang pasakay sa akin.

"Okay, angkas, you know what angkas is, right?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay at pinasadahan ng tingin ang bike ko.

"Walang angkasan 'yan, kulit."

Napangiwi na lang ako at nilagpasan na siya ngunit bago pa man ako makalayo ay nahawakan niya na ang braso ko.

"Dito sa harap ko, you can seat here. Please, Eli, don't be so makulit. I really want to go home and rest," he begged.

Okay, I admit, he really look so tired. Of course, ikaw ba namang makipagsuntukan at magfeeling may superpowers at makipag-away sa lima.

"I'm heavy," paalala ko bago lumapit sa kaniya.

"You're not, let's go."

He helped me to seat in front of him. This is uncomfortable for me but I don't have a choice.

Nang makarating kami sa bahay ay ipinasok lang namin ang bike ko sa gate at binagsak iyon sa damuhan.

"I thought you're with Kuya Am and Kuya Ams," I said trying to start a conversation while we are walking towards the entrance of our home.

"Iniwan ko sila sa court," he answered and opened the door for us

"Doon ka muna sa kwarto ni Kuya Ams, are you hungry? Dadalhan na lang kita ng pagkain do'n," saad ko nang makapasok na kami ng bahay.

"Tubig na lang."

"Sige," sabi ko at nagtungo na sa kusina.

Naabutan ko sila Ate Glenda nag-aunload ng dishwasher. Bottled water na lang kinuha ko at ilang chocolates. Hindi ko alam kung ano ang ipakakain ko sa kaniya.

Nakasalubong ko pa sila Kuya Am nang paakyat na ko sa hagdan, na kauuwi lang at mga pawisan pa. Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba na nandito si Topher or not pero mukhang alam naman na nila kaya't nagmamadali silang umakyat.

Sumunod ako sa kwarto ni Kuya Ams ngunit nang pipihitin ko na ang door know ay nakalock na ito.

Hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi. I chose not to na lang dahil baka may pag-uusapan silang seryoso tungkol sa nangyari kanina.

Dinala ko na lang sa kwarto ko ang mga pagkain at inumin na para dapat kay Topher.

Wala pang limang minuto ay nakarinig na ako nang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Before opening my door, I already knew that it would be Kuya Am. Topher might told them na about what happened.

"Were you hurt?" agad na tanong niya nang mabuksan ko ang pinto.

"Obviously not, si To—Kuya Topher yung binugbog and they will not touch me."

"What makes you sure of that?" he asked, raising a brow.

"Because I know one of them. Actually I'm close on one of them. Ay, close before pala." I chuckled when my mind starts to reminisce.

"Sino ro'n?"

Kung kanina ay nakataas lamang ang isang kilay niya, ngayon ay nakakunot na ang noo nito.

"Will it be okay if I chose not to tell it to you?" alanganing tanong ko.

"I'll respect your decision...for now. If this happens again, you better bring me to those dimwits and I'll make sure they will leave this subdivision."

"They own this subdivision, Kuya." I chuckled again seeing how shocked he is pero agad din naman siyang nakabawi.

"We'll buy this."

With that he left. I don't know if he's serious about that or just said that to brag.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status