Share

Chapter 1

Chapter 1

As planned, I am now at the mall with bodyguards. Daddy insisted to bring this old guys with me. I can handle myself naman, I don't have a threat for my life, I don't really understand why should I have these bodyguards with me.

"Ma'am, hanggang 11AM lang po ang paalam niyo, mag-10:50 na po. Marami pa po ba kayong pupuntahan?" tanong ng isa kong bodyguard.

"Uhm...sa supermarket na lang. Can you wait me here na lang?" I answered, building a plan in my mind on how will I escape these oldies.

"Hindi po pwede, baka po takasan niyo po kami. Mapapagalitan po kami ni Sir Amberson," the other one said, holding his nape.

"Why would I do that? I'm not pasaway," inis kong sambit sa kanila.

Nakakainis kaya! Kahit totoo naman na tatakasan ko sila.

"Whatever, let's go home na nga," sabi ko na lang at naunang naglakad sa kanila.

Sinuswerte ata ako ngayon, biglang dumagsa ang mga tao na nakakasalubong ko. I walked faster at saka nag-iba ng daan ng matanaw ko na ang exit ng mall.

I watched how my bodyguards panic an indication that I successfully escaped from them.

Did I mention that I'm going to see a friend today? Kaya ako tumakas ay para makipagkita kay Katrina, my friend. We are classmates since nursery kaya naging kaibigan ko na rin. Actually recently nga lang kami naging close. Siguro last year lang.

"Akala ko mangtotokis ka na e," bungad niya ng makita ako.

"Huh? What did you say?To-to-" I curiously asked but she cutted my words

"Tokis, I learned it from a friend," she said laughing.

"What does it mean?" I asked again.

"I don't really know the exact meaning but it's like you are going to agree or say something and not meant it," she explained.

"Ohh, is this some sort of street talks?"

"Yata, anyway, let's go na?"

"Yeah," I answered.

I am really nervous right now because my bodyguards might find me at maudlot pa ang plano namin ni Katrina ngayon.

We went to the supermarket to buy snacks muna bago kami pumunta sa unit nila. We took Grab papunta ro'n.

Last night, I talked to her and told her to fetch me at the mall like what happened today because I will tell her about my brothers-I mean step-brothers. She's friends with them kaya I'm sure she will be shocked with my kwento.

"So, what's the tea?" she excitingly asked as she puts a pitcher of juice in the center table.

I took off the chips from the paperbags that we bought at the supermarket. Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang kwento ko.

"You're friends with the Guevarra twins, right?" tanong ko.

"Yup, you have a crush on one of them? Ikaw ha."

"Absolutely no! Why would I have a crush on my step-brothers?!" depensa ko. I may sound so defensive pero I don't really have a crush on one of my brothers. Or atleast that's what I am thinking.

"Step-brothers?! Are you okay? Kulang ka ata sa tulog, babe." Halos maibuga na niya sa akin ang iniinom niyang juice sa gulat.

"Kat, I'm telling the truth! Have you seen Kuya Amiel's I* post last night?"

I know she never missed any of Kuya's social media updates. Siya ata ang president ng fansclub ni Kuya Amiel e. Kidding aside, she's really into Kuya.

"I saw it but not all the pictures. I just liked it and scrolled, wait, let me check it again." She immediately get her phone out of her bag.

After a minute, she slowly turned to me and gave me a meaningful look. She's really weird sometimes.

"See? I'm not opening my social media accounts since that photos are posted. Their crazy fans are coming at me." I complained out of frustrations.

"You guys actually look like you did foursome," she said awkwardly.

"Oh My God, Katrina! You are so gross! Are you sure you're only 16? How did you even know that?" I unbelievably said.

"You, how did you know that, Ms. Innocent-pure-girl?"

"Uhm... I have read it on the first comments of Kuya's post last night and Googled for it after," I answered na she obviously did not buy but it was true, I just the meaning of it last night.

"Back to the topic, are you really serious that brothers mo na ang twins?"

"Do I look like I am joking, Katrina?"

Pagkatapos ng ilang oras kong pangungumbinsi sa kaniya na totoo ang sinasabi ko ay naniwala rin siya. Halos gabi na rin nang magpaalam ako sa kaniyang uuwi na. Ipinagbook niya lang ako ng Grab at hinatid sa labas ng building ng condominium nila. Pagkauwi ko naman ay nasermonan ako ni Mommy dahil sa ginawa ko. Pasok sa kabilang tenga labas sa kabilang tenga and done.

Kinabukasan ay nag-stay lang ako maghapon sa kwarto ko at nagbasa ng mga libro na aaralin namin sa darating na school year. Last year ko na sa Junior highschool and I am really hoping to maintain my spot as Rank 1 in our whole curriculum.

Napalingon ako sa door ng room ko nang marinig na may kumatok.

"It's open!" I yelled.

The door opened and Kuya Amiel entered. He's wearing a jersey and sweating.

"We'll attend a party later, do you want to come? I mean, fix yourself because you will come with us whether you like it or not."

"How much time do I have?" I asked and closed my book.

"20 minutes, I'll knock on your door."

Lumabas na siya ng kwarto at bumaba na rin ako ng kama ko saka nagmamadaling tumakbo papasok sa walk-in-closet ko.

Kuya does not told me if it's a casual or formal party kaya to be safe I chose to wear a baby blue puff-sleeve mini dress and partnered it with white sneakers. I put a tinted lip balm on my lips and brushed my hair.

Nang makitang presentable na ang itsura ko ay nanatili akong naupo sa vanity chair at tinuon ang pansin sa iPad ko. I scrolled onto ny I* feed and viewed some stories. Nakita ko pa ang I* story ni Kuya Am na naka-jersey habang may hawak na bola kasama sila Topher, 2 hours ago pa 'to.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito at marinig ang boses ni Kuya Am.

"Elise! Let's go na."

Mabilis kong kinuha ang iPad ko at phone saka lumabas na ng kwarto. Nadatnan ko si Kuya Am na kasama si Kuya Ams na parehas na naka-cargo short at plain shirt.

Sabay kaming naglakad pababa ng hagdan hanggang sa labas kung saan naghihintay ang driver at van na maghahatid siguro sa amin.

"Tara na po," wika ni Kuya Am sa driver nang makasakay kami.

"Nasa Gate na raw si Topher, Kuya," biglang ani Kuya Ams na nasa likod namin.

Pagkarating namin sa gate ay huminto kami saglit at binuksan ni Kuya Am ang pinto upang papasukin si Topher.

"Hi," bati niya sa akin ng makita ako.

Nginitian ko lang siya at tinanguan. Dumiretso naman siya sa tabi ni Kuya Ams. As usual, nagkwentuhan na naman sila, minsan ay may nababanggit sila tungkol sa school at acads kaya hindi rin nakakairita ang kaingayan nilang dalawa.

Halos wala pang kalahating oras ay huminto na naman kami sa tapat ng isang mataas na gate na sa tingin ko ay ang destinasyon na namin.

"Where are we?" tanong ko kay Kuya Am pahkababa ko habang lumilinga-linga sa paligid.

"Forbes, kila Topher 'to," sagot naman niya na ikinagulat ko.

"Pasok na tayo."

Nang makapasok kami sa bahay or should I say 'mansion' nila Topher ay sumalubong sa amin ang pinaghalong modern at classic style na interior ng bahay. Malinis at pangmayaman talaga ang loob ng bahay.

"Sir Topher, nasa pool area po sila Sir Chris, kanina pa po kayo hinihintay," ani ng nakasalubong naming naid na tila nagulat pa nang mapansin ako.

"Thank you."

Sir Chris is Topher's grandfather and the president of Maximus.

Paglabas namin ng pool area ay bumungad sa amin ang napakaraming tao. Ngunit hindi iyon mga kaedaran namin, halos nasa mid-40s na ang karamihan at ang iba ay kasingtanda na ng Lolo ni Topher.

Napansin ata kami ni Sir Chris, nagmano sa kaniya sila Kuya kaya gumaya na rin ako.

"Oh, kaninong girlfriend ito? Sayo ba Topher?" nakangiting tanong ni Sir Chris habang nakaturo sa akin.

"Lo, she's the twins' step sister."

"Teka, ikaw yung Vice President ng Student Council ng High School Department, 'di ba?" Sir Chris asked after recognizing me.

"Yes po," nahihiyang sagot ko.

"Nice meeting you. O siya, magsikain na kayo ro'n. Topher, samahan mo na sila."

"Thank you po," pagpapasalamat ko bago ako hilahin nila Kuya patungo sa buffet.

Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako na kasama ko ang tatlong pinakasikat na estudyante sa Maximus o mahihiya dahil may katimawaan pala silang taglay. Tigdadalawang plato pa ang mga hawak nila, samantalang ako ay hindi ko pa napuno ang isang platong hawak ko.

Ilang oras lang itinagal namin sa party ay umuwi na rin kami. Nagpaiwan na si Topher sa kanila kay kaming tatlo na lang nila Kuya ang umuwi.

Dumaan pa kami sa isang fastfood at nagdrive-thru, pang-midnight snacks daw namin.

***

"HOY AMSTEL wag kang madaya kanina ka pa kain ng kain d'yan, kay Elise na ata yang kinakain mo!"

"Kuya, it's fine." natatawa kong sambit.

Nakahiga kami ngayon sa kama ko. Nasa gitna nila akong dalawa. I mentioned earlier na we bougth food for midnight snack. Little did I know that they have plans of ruffling my room. Nanonood kaming Love Alarm, isang Korean drama.

Nasa Episode 4 na kami at patapos na rin ang episode. 12:46 na ng hatinggabi, tinatamaan na rin ako ng antok.

"Pagkatapos nitong episode na 'to matulog na tayo." utos ni Kuya Amiel.

Tumango ako. "Kuya may tumatawag sayo." ani ko ng makita ko ang phone niya na may tumatawag, hindi ko mabasa ang pangalan.

Sinagot naman niya agad. "Wait" 'yon lang ang sinabi at pinatay ang tawag.

Ilang segundo lang ay may tumawag ulit pero sa pagkakataong ito ay sa app na Messenger na ito tumawag at nasisiguro kong si Topher 'yon dahil nahagip ng mata ko ang profile picture niya at pangalan niya.

"Nasaan ka bang gag* ka?" bungad agad ni Kuya Amiel nang masagot niya ang tawag.

Napakagat ako sa labi ko ng biglang naging video call iyon. Kitang kita ko ang galit na mukha ni Topher, may pasa pa ito sa mukha at sugat sa dulong bahagi ng kaliwa niya kilay. Nakasakay ito sa kotse at mukhang nagmamaneho.

"Papasok sa Subdivision niyo." sagot ni Topher. "Pwede bang d'yan muna ko matulog?"

"Saan ka ba nanggaling? kanina ka pa umalis dito ah?" tanong ni Kuya Amiel.

Pare-pareho kaming nakatingin sa phone ni kuya Amiel. Ngunit siya lang ang kita sa camera.

"Pauwi na rin sana ako kanina kaso alam mo na 'yon." tipid niyang sabi.

"Tumawag ka kapag malapit ka na, kilala ka naman ng guard doon sa parking lot, 'di ba? ikaw na bahala doon. Ipagpapaalam ka na namin kay Daddy."

"Thank you." Pagkapatay ng tawag ay agad lumingon sa amin si kuya Amiel

"Amstel, puntahan mo si Daddy. Tell him that Topher will stay here tonight."

"Got it," ani Kuya Amstel at mabilis na tumayo saka naglakad palabas ng kwarto ko.

"Ikaw matulog ka na, ako na maglilinis ng mga kalat." utos at sabi naman niya sa akin.

"Ako na, hintayin mo na si Topher doon sa baba."

"Elise wag na---"

"Baba na, ako na dito."

Napailing na lang si kuya at tumitig sa akin na parang naninigurado.

Ngumiti ako. "Baba na, kaya ko na 'to." natatawang sambit ko, ang kulet kase.

"Matulog ka na pagkatapos" Lumabas na rin siya at sinimulan ko na ang paglilinis.

Hindi naman marami ang kalat dahil lahat ng pinagkainan namin ay nakalagay sa isang plastic. Maliban na lang doon sa spoons, forks and plates. Kumain rin kase kami ng cake.

Inipon ko ang mga tablewares sa isang tray. Inayos ko muna ang kama ko saka kinuha ang plastic ng mga pinagkainan naming disposable at isinabit sa kamay ko.

Binuksan ko ang pinto at binitbit ang tray na may tablewares. Huhugasan ko na ang mga ito sa baba.

Dahan-dahang bumaba ako ng hagdan, mahirap na baka madulas ako at mabalian ng buto or worse ay mabasag ko ang mga pinggan.

Pagkarating sa kitchen ay naabutan kong may mga maid pa roon at nagkekwentuhan habang kumakain ng icecream ata iyon. Pwede naman silang kumain ng kahit anong pagkain na nasa kusina maliban na lang kung mayroon ng may ari.

Kinuha nila sa akin ang tray na hawak ko at sinabing sila na ang maghuhugas pati ang plastic ng basura na hawak ko ay kinuha na rin nila kaya naghugas na lang ako ng kamay. Nakikain na rin ako ng icecream, syempre ako pa ba.

Napatigil ako sa pagsubo nang biglang pumasok si Kuya Amiel sa kitchen, patay ako.

"Elise, 'di ba ang sabi ko sayo matulog ka na pagkatapos mong maglipit? at talagang nakikain ka pa kila yaya. Ubusin mo na 'yan at umakyat ka na sa kwarto mo." utos niya sa akin.

Narinig ko natawa ang mga maid kaya naman nilingon ko sila at sinimangutan na mas lalo nilang ikinatawa.

"Ate Glenda, padala ng tubig sa Guest Room 1 at sandwich." utos ni Kuya sa isang maid. "Elise, bilisan mo r'yan. Hintayin ka namin sa kwarto mo," dagdag pa niya at umalis na.

"Ate Glenda, ako na po ang gagawa ng sandwich. Paluto na lang po ng scrambled egg saka ham, nahihirapan po kasi ako sa pagluluto e." sabi ko kay Ate Glenda.

"Sige po." sagot lang niya at kumuha na ng itlog at ham sa ref.

Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ng icecream, nagpalagay pa nga ulit ako. Nakinig lang ako sa kwentuhan ng mga maid tungkol sa kanilang buhay probinsya. Nacurious ako bigla tuloy kung anong pakiramdam ng mabuhay sa probinsya

May naiwang asawa sa probinsya at anak ang isa samantalang ang isa naman ay ang mga magulang niya at kapatid. Mayroon ring boyfriend at nagbreak sila dahil nagtrabaho siya dito, marami pa silang kwento pero hindi ko na nasundan.

Naalala ko kasi si Topher, siguradong siya yung pinapadalhan ni kuya ng pagkain sa Guest Room. Saan kay nanggaling yon? Saka bakit may sugat at pasa siya?

"Ma'am Elise, ito na po yung pinaluto niyo." muntik pa kong masamid sa pagkagulat ng magsalita si Ate Glenda sa gilid ko.

Mabilis akong bumaba sa pagkakaupo ko sa counter saka ibinaba ang pinagkainan ko ng icecream at kinuha ang loaf bread sa cupboard.

"Ate Mara, pakikuha nga po yung Mayonnaise at Ketchup." siya kasi ang malapit doon sa lagayan.

Nang makumpleto ko na lahat ng kailangan ko ay nagsimula na ko sa paggawa. Apat na sandwich ang nagawa ko, marami pang ham at egg ang natira kaso tinamad na ako.

Nilagay ko sa isang plate ang lahat ng nagawa kong sandwich. Ako na rin ang kumuha ng may kalakihang baso at naglagay ng tubig. Inilagay ko sa isang tray ang mga iyon.

"Ako na po ang magdadala." ani ko.

"Sigurado po kayo?" tanong sa akin ni Ate Glenda.

Tumango ako. Bago ako lumabas ng kitchen ay inihabol pa ni Ate Mara ang isang maliit na ice bucket at inilagay sa tray.

"Baka po kasi malamig na tubig ang gusto ng pagdadalhan niyo." sambit niya ng makita sigurong nagtataka ako sa ginawa niya.

Ngumiti na lang ako at tinuloy ang pagpunta sa Guest Room kung nasaan si Topher.

"Topher!" sigaw ko ng makalapit ako sa pintuan.

Agad naman niya akong pinagbuksan. "Tabi." sabi ko at mabilis niya namang ginawa.

Pumasok ako sa kwarto at ibinaba ang tray sa kama. Kumuha ako ng isang sandwich at kumagat.

"Akala ko naman para sa akin yan." natatawang sabi ni Topher.

"Para sayo nga."

"Eh bakit nauna ka pang kumain sa akin?"

"Ako naman gumawa nito, walang masama roon." napailing na lang siya sinabi ko, wala naman talagang masama doon e.

Isinara niya ang pinto at dahan -ahang umupo sa kama saka kumuha rin ng sandwich.

Umupo rin ako sa kama niya, nasa gitna namin ang tray na dala dala ko.

"Nagamot mo na ang sugat mo?" tanong ko.

"Hindi pa, ikaw bakit hindi ka pa natutulog?"

Inubos ko na ang sandwich ko. At kinuha ko ang first aid kit sa may drawer sa tabi ng kama. Lahat ng kwarto dito ay may first aid kit.

"Gagamutin ko na yan." sabi ko at tumayo sa harap niya.

Ibinaba ko ang kit sa tabi niya at binuksan, nag-apply muna ako ng alcohol sa kamay saka kumuha ng Hydrogen Peroxide at cotton pads.

Nilinis ko ang sugat niya at nilagyan ng Betadine bago lagyan ng Band Aid.

Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko yon, hindi ako nag-aassume. Nakita ko talaga at naramdaman ko.

"Thank you" pagpapasalamat niya at muling kumagat sa sandwich niya.

"A-ano matutulog n-na ako." paalam ko.

Niligpit ko ang first aid kit at binalik sa drawer.

Lalabas na sana ako nang magsalita siya.

"Hindi ka pa umiinom ng tubig."

"Sa baba na lang," tipid kong sabi.

Naiilang na ako.

"Mapapagod ka lang, ito na lang inumin mo. Marami naman 'to." sabi niya at iniaabot ang malaking baso.

"Ah sige," sabi ko at mabilis na lumapit sa kanya saka kinuha ang baso at uminom. Hanggang kalahati ang ininom ko, wala pa namang ice 'yon. "Salamat," pasasalamat ko.

Tumango lang siya at ngumiti.

"Matulog ka na, Good Night."

"Ikaw rin, Good Night." ani ko at ngumiti.

Lumabas na ako ng Guest Room at nakahinga na rin ng maluwag.

Nagtungo na ako sa kwarto ko at pagbukas ko ng pinto ay tulog na ang dalawa kong kuya. Akala ko ay maaabutan ko pang gising si kuya Amiel. Alas-dos na ng madaling araw, jusko po.

Pumwesto ako sa gitna nila at natulog na rin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status